Share

Chapter 3

CHAPTER 3

PHOEBE's POV

TULAD ng sabi ni Keyden, maaga nga kaming umalis para pumunta sa vacation house nila para sa honeymoon namin. Sa buong byahe ay hindi kami nag-usap ni Keyden pero nakita ko siya na kausap si Tita Felipe sa telepeno.

Nang makarating ay halos mapanganga ako sa ganda at laki ng bahay. It's a modern house pero pagpasok namin ay napaka-cozy pa rin ng pakiramdam. Umakyat agad si Keyden para matulog habang ako ay naglibot at nang makarating sa kusina at makitang madami ang pwedeng iluto sa ref ay agad akong nagsearch ng pwedeng iluto. I can't help but smile while surfing sa internet dahil naalala kong isa ito sa pinangarap ko noon. Ang ipagluto ang mister ko pero kahit kailan ay hindi ako natutong magluto dahil madalas akong nasa ospital noon. There's no harm in trying naman. I wanna cook something for Keyden.

FIRST DAY of being Keyden's wife and everything is a disaster! Bakit ko ba ipinagpipilitan na magluto kahit alam ko na hindi ko naman kaya? Masyado akong na-overwhelmed na isa na akong ganap na Mrs. Keyden Sebastian Fuentes at nag feeling may bahay agad ako at nagluto ng breakfast namin and here I am now. Staring blankly at the pancake I've made that is now a complete trash. Nihindi nga ito mapagtyatyagaan eh. Binabawi ko na 'yung sinabi ko kaninang there's no harm in trying. Ilang beses akong napaso at ngayon ay pulang-pula na ang kamay ko.

In the middle of my frustration ay may narinig akong yabag ng mga paa at sigurado akong si Keyden na iyon dahil kaming dalawa lang naman ang tao sa bahay na ito.

"What the heck are you doing and what the fuck is that smell?" Tanong agad nito nang makapasok ito sa loob ng kusina at nakita ko ang bahagya nitong pagkatulala nang makita ang estado ng kusina kapagkuwan ay napailing na lamang ito. Mas nahiya tuloy ako sa sarili ko. Argh! You're such a bad news, Pheobe!

"Sorry-" Hindi ko na natuloy ang pagpapaliwanag nang itaas nito ang kamay sa harap ko na para bang pinapatigil ako sa pagsasalita habang kinakalma nito ang sarili.

"If you want us to get along well, please, just please. Stay away from the kitchen." Mahinahon pero madiin nitong bilin bago ako tingnan nang masama at nagsimulang pulutin ang mga kalat ko.

I literally slapped my face dahil sa kahihiyan. Seriously, can't I be normal just for a day? Even just for a day! C'mon!

"Are you just going to stand there? Para ipaalala ko sa'yo, ikaw ang gumawa ng dumi na 'to. So, help me!" Suway nito sa akin na pumutol sa pag-iisip ko and I immediately helped.

Kumuha ako ng basang basahan upang punasan ang countertop na puro harina.

"I'm really sorry, Keyden. I just want to cook something for you. I mean no harm, I swear!" Pagpapaliwanag ko habang pinupunasan naman ang sahig.

"Be careful next time unless you want to turn this house into ashes." Sagot nito bago lumabas kaya napatigil ako sa pagpupunas hindi dahil sa paglabas nito sa kusina kundi dahil... Narinig ko ang pag-aalala sa boses nito. Wait, tama ba ang narinig ko o pinaglalaruan lang ako ng tenga ko?

HINDI KO MAPIGILAN ang mapangiti habang nakamasid sa dagat. May epekto talaga sa akin kapag nakakakita ako ng dagat. It... Calms me. Lalo pa't walang ibang tao dito kundi kami lang ni Keyden na hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ng kaniyang kwarto.

Pinili rin namin na magkahiwalay ng mga kwarto para sa 'privacy' namin. Gusto kong matawa sa isipin na mag-asawa nga kami ngunit magkahiwalay naman ang mga silid namin dahil baka ma-invade ang aming mga personal space.

Kung ako lang naman ay ayos lang na magsama kami sa iisang kwarto tutal ay kasal na rin naman kami at supposedly ay honeymoon dapat namin. 'Diba ang mga mag-asawa ay dapat nasa iisang kwarto lang at nagha-honeymoon?

I felt my cheeks burn nang maalala nangyari kagabi. Naalala ko na naman kung paano ako umasa at nadissapoint dahil sa sinabi ni Keyden na wala itong balak hawakan ako. 

Hindi ko rin naman ito masisisi. He likes Charity at alam ko na wala itong ibang gugustuhing makasama kung hindi ito lang. I smiled at my self. Nakakainggit ka Charity.

Nang mapagpasiyahang pumasok na sa loob ay dumiretso ako sa kusina- na ngayon ay malinis na- upang uminom ng tubig dahil parang natuyo ata ang lalamunan ko at sumikip ang d****b ko sa mga pinag-iisip ko kanina.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon na mag-isip ng kakainin namin dahil alam kong kapag sumubok pa ako ay talagang masusunog ko na ang buong kusina.

Pakiramdam ko ay namula na naman ako nang maalala ko na ang luto ni Keyden ang kinain ko kanina. Nakakahiya dahil kahit simpleng adobo lang iyon ay sobrang sarap talaga. Naka-tatlong pinggan nga ata ako.

Umakyat ako ng hagdan para sana magpahinga sa aking kwarto pero nang makita kong bahagyang nakaawang ang pinto sa kwarto ni Keyden at natanaw ko siya ay parang may sariling isip ang mga paa ko na lumapit sa binata.

"Yeah. I'm with her of course wala akong magagawa. She's now my wife!- What is this, Charity? Why are you being like this? Akala ko ba ay napag-usapan na natin ito?"

Para akong nanlamig at natulos sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang pangalan ni Charity. Oo nga pala. Kinasal kami hindi dahil sa mahal namin ang isa't isa. Kinasal kami dahil pinagkasundo kami.

Ako lang ang may gusto sa mga nangyayari ngayon na nakalimutan kong may dalawang tao akong naaapakan.

Oo nga pala, sa storyang ito, ako ang kontrabida. Ako ang mang-aagaw. How can I forgot my place? Kaya ko lang naman nakakasama si Keyden ay dahil sa may kasunduan kami. Kaya lang naman siya pumayag na makasal kami ay dahil may pinangako ako sa kaniya.

Pinili kong tumalikod sa kwarto niya nang maramdaman kong nangingilid ang luha sa aking mata. You're so stupid, Pheobe! Never forget your place! A mean bitch na nais masunod ang lahat ng gusto kahit pa kaibigan at pinakamamahal niya ang masisira ang buhay.

As I walked inside my room, I felt suffocated kaya dali-dali kong hinanap ang aking mga gamot para sa puso at agad na ininom iyon. Hinintay kong umipekto ang gamot na ininom ko tulad ng nakasanayan ko na tuwing sumasakit o kumikirot ang puso ko ay iinom lang ako ng gamot at ilang minuto lang ay maayos na ako pero ngayon ay iba dahil ilang minuto na ang lumipas ay mas lalo lang sumikip ang aking paghinga.

I-I need to rest...

Nagmamadali akong lumapit sa aking kama pero bago pa ako makahiga ay naramdaman kong nabuwal ako sa aking pagkakatayo at tuluyang nagdilim ang aking paningin pero bago ako mawalan ng malay ay sigurado akong narinig ko ang boses ni Keyden na tumatawag sa pangalan ko.

"PHEOBE!"

-END OF CHAPTER 3-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status