CHAPTER 5
PHOEBE'S POV
"Keyden, sandali lang!" Habol ko rito. Kanina pa ito naglalakad at kanina pa ako panay ang sunod rito pero hindi ako makahabol-habol dahil napaka-laki ba naman ng biyas nito!
Mukhang napansin nito na hinahabol ko na ang hininga ko kaya bahagya itong tumigil at tinignan ako nang masama. "Sino ba kasi ang nagsabi na sumunod ka sa akin?" Pagalit nitong tanong at sasagot sana ako rito nang maglabas ito ng panyo at marahang ipinunas iyon sa noo kong may pawis.
Para akong natulala sa gwapo nitong mukha na napakalapit sa akin. Nananaginip pa ba ako? Nang matapos itong magpunas ay mukhang doon lang nito napansin ang pagkakalapit namin at bumakas ang gulat sa gwapo nitong mukha. Agad itong dumistansya sa akin at mahinang ibinato ang hawak na panyo sa mukha ko.
"Punasan mo ang pawis mo. Ako pa ang pinagpunas, kapal nito." pabulung-bulong nitong sabi tyaka nagpatuloy sa paglalakad pero this time, mabagal na ang lakad nito.
Tahimik lang kaming naglalakad sa kung saan. Mukhang naging tagumpay ang plano ko na huwag pumunta sa Ospital dahil kahit napadaan kami roon ay hindi naman kami pumapasok.
"Bakit nga pala nagbago ang isip mo roon sa ice cream?" Tanong ko. Napaka-tahimik kasi at gusto ko rin malaman ang dahilan nito. Hindi dahil gusto kong malaman kung nagselos ba talaga ito tulad ng sinabi noong mama kanina. Hindi talaga.
"I just don't like ice cream na nilalako." Simple nitong sagot at hindi ko malaman kung nagsisinungaling ito o hindi dahil walang emosyon ang mukha nito.
"I just don't like ice cream na nilalako." Pabulong na pang-gagaya ko. Conyo. Mukhang narinig nito ang mahina kong patudyo dahil biglang nangunot ang noo nito na para bang hindi nito nagustuhan ang pang-aasar ko.
Agad naman akong tumahimik. Mahirap na at baka kapag tuluyan itong nainis ay iwan ako nito dito. Hindi ko pa naman kabisado ang daan pabalik sa bahay.
"Do you really like that ice cream?" Tanong nito kalaunan nang muli kaming balutin ng katahimikan.
Agad naman akong tumango bago nagsalita, "I remember, my Mom would always buy me that stuff after church pero simula nang mamatay si Mommy ay hindi na ako nakatikim noon ulit." Kwento ko. Noong mamatay rin kasi si Mommy ay naging busy sa work si Daddy kaya wala itong time para samahan ako sa church o bilhan ako ng ice cream. Kahit hindi rin naman ito busy ay may pinipili nitong humarap sa mga papeles nito kapag nasa bahay lang.
"Then let's buy that freaking ice cream." Sabi nito tyaka marahang hinawakan ang braso ko para pumunta roon sa lalaking nagbebenta kanina.
GUSTO ko nang sumabog sa inis. Itong dalawang lalaki naman na ito ay halatang pinipigilan ang mga tawa nila.
Gusto ko lang naman kumain ng ice cream pero bakit kailangan pa akong takamin nang ganitio?! Imbis na ibigay na agad sa akin ay pinapaikot-ikot muna nito ang ice cream. Palibhasa mahaba ang hawakan at sticky 'yung ice cream kaya madaling iiwas-iwas sa akin.
Napanood ko na ang mga ganitong klaseng vendors noon pero sa ibang bansa ko lang nakikita ang mga ganito. I suddenly salute those customers na mahaba nag pasensya na makisakay sa trip ng mga nagbebenta na ito.
Nakangisi na naman niyang ini-umang sa aking harapan ang ice cream kaya hinawakan ko ang cone nang bigla nitong itaas muli ang mahaba niyang pang-scoop. Doon ko narealize na nakapatong lang yung cone sa ice cream kaya sa sobrang inis ko ay kinagatan ko na yung cone kahit walang ice cream na nakapagpatigil sa kanilang dalawa na kanina pa enjoy na enjoy akong inisin.
Maya-maya ay bigla nalang humalakhak nang napakalakas si kuyang ice cream tyaka binigay na sa akin ang ice cream ko. Kinuha ko naman agad iyon at thankfully ay hinayaan na ako nitong kainin iyon.
Ngumiti naman ito sa akin tyaka pinisil ang pisngi ko bago nagsalita, "You're so cute." Nakangiti nitong sabi habang nakatitig sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mamula hanggang sa may isang kamay ang pumalibot sa bewang ko at inilayo ako sa stall na iyon.
Doon ko narealize na si Keyden pala ang naglayo sa akin at napakadilim ng aura nito habang nagtatagis ang bagang at mabilis ang paglalakad na parang may humahabol dito. Problema nito? Parang kanina lang ay todo tawa ito kapag hindi ko nakukuha iyong ice cream ah?
"Ayos ka lang?" Hindi ko mapigilang tanong habang patuloy na kumakain ng ice cream. Hindi ko alam na ganito pala kasarap ang ice cream kapag hindi agad ibinigay sa'yo.
Huminto naman agad ito nang marinig ang boses ko at madilim ang mukha na humarap sa akin. Madiin ang pagkakahawak nito sa braso ko pero hindi sapat para masaktan ako.
"Ano? Masaya ka ba? Masaya ba makipaglandian sa putang lalaki na iyon? Siguro gawa-gawa mo lang na gusto mo ng ice cream pero ang totoo ay ang nagbebenta niyon ang gusto mo." Sumbat nito sa akin habang matalim ang mata at nagtatagis ang bagang na nakatingin sa akin.
Kumunot naman ang noo ko sa paratang ng lalaking 'to. Ano bang pinagsasasabi nito? Oo nga at napansin ko na gwapo nga ang lalaking nagbebenta kanina kaya napakarami rin ang gustong bumili sa stall na iyon pero wala naman akong pakielam sa itsura nito dahil para sa akin ay mas lamang pa rin ang asawa ko.
"Ano? Bakit ba ganyan ka magsalita, Keyden? Gusto ko ng ice cream kaya kita inaya-" napatigil ako sa pagsasalita nang may maalala.
Hindi pa kami nagbabayad sa ice cream! Agad akong tumakbo pabalik at nakita ko naman si kuya na nakangiting nakikipag-usap sa babaeng kaharap nito. Mukhang hinihingi nito ang number ng lalaki pero hindi ito pumayag kaya bakas ang panghihinayang sa mukha noong babae nang umalis ito.
"KUYANG ICE CREAM!" Sigaw ko nang magsimula itong tumalikod kaya mas binilisan ko ang takbo para maabutan ito. Agad din naman itong tumigil nang marinig ang boses ko tyaka nakangiting naghintay sa paglapit ko kaya kahit hingal na hingal na ay pinilit kong bilisan ang pagtakbo.
Nang maabutan ko siya ay hinihingal na inilabas ko ang wallet ko tyaka dumukot ng 50 pesos. Nang makita ni Kuya ang inilabas ko ay umiiling itong hinawakan ang kamay ko tyaka ibinaba.
"It's okay. You entertained me by your reaction and that's already enough for me." Nakangiti nitong sabi at nang mga sandali na iyon ay alam kong hindi talaga ito nangangailangan ng pera, hindi dahil sa nag-english ito o hindi nito tinanggap ang pera kung hindi dahil sa suot nito. Simple lang ang mga iyon pero halatang mamahalin. Ngayon ko lang napansin dahil abala ako sa ice cream kanina.
"Bakit ka nagbebenta ng ice cream kung mayaman ka naman?" Kusang lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon kaya agad kong tinakpan ang aking bibig. "I mean, hindi mo naman kailangan sagutin kung ayaw mo." Agad kong bawi.
Bakit kasi napakadaldal mo, Phoebe?
Tumawa ito nang malakas bago umiiling na nagsalita, "No, it's okay. Trip ko lang magbenta since ice cream is the love of my life and nae-entertain din ako sa mga reaksyon ng mga costumers kapag pinagt-tripan ko sila." Nakangiti nitong sagot. Napaka-friendly talaga ng aura nito. Kung sana ganito din kaliwanag ang aura ni Keyden araw-araw, ang saya siguro.
"Sabi mo, libre mo na iyong ice cream dahil naentertain ka sa akin. So, ibig bang sabihin, lahat ng costumers mo ay nililibre mo rin?" I asked and he automatically laughed. Ang gwapo rin talaga nito kapag tumatawa at kung una ko siguro itong nakilala ay magugustuhan ko agad ito pero wala eh, lamang talaga si Keyden sa paningin ko. Iyon, hindi pa tumatawa, makalaglag panty na.
"No. I just found you really pretty, that's all. I'm Andrei, by the way." Pagpapakilala nito habang nakalahad ang kamay kaya agad ko iyong tinanggap at nakangiting nagpakilala, "Phoebe. Phoebe Villanueva-" Hindi pa ako tapos magpakilala nang may naghiwalay ng kamay naming dalawa at nang tignan ko kung sino ang gumawa nun ay ganoon na lang ang gulat ko nang makita na masama ang tingin nito sa amin. Keyden. Problema ba nito? Kanina pa masama ang timpla nito mula noong tumakbo ako pabalik. Ganoon ba nito hindi kagusto ang lalaking nasa harapan namin? Bakit?
"Fuentes. Phoebe Villanueva-Fuentes and she's my wife so back off, asshole." Singit nito tyaka ako muling hinila palayo. Pansin ko lang na ang dalas akong kaladkarin ni Keyden ah? Problema ba ng lalaking 'to?
Bumalik kami sa parking ng ospital tyaka sumakay sa sasakyan. Nang tignan ko si Keyden ay mabilis ang paghinga nito kaya medyo nag-alala ako rito. Ayos lang ba siya? Mukhang ito ata ang kailangan magpatingin eh.
"Ganyan ka ba talaga, Phoebe?" Bigla nito sabi matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan namin.
"Ano?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko naman talaga kasi alam kung ano ba ang tinutukoy niya. Anong ganito na talaga ako? Ganito na ba talaga ako karupok sa kaniya ganon?
"Ganyan ka ba talaga? May asawa kang tao! Kasama mo ako pero kung makangiti at kung makipag-usap ka sa ibang lalaki, wagas! Bakit? Ha? Kung mas gusto mo naman pala iyong tang'nang iyon, sana sa kaniya ka nalang nagpakasal!" Sigaw nito sa akin tyaka lumabas ng sasakyan habang ako ay naiwang natulala.
What just happened? Anong problema nun at bigla nalang naninigaw? Nagwalk-out pa!
Nagmamadali rin akong lumabas at nilapitan si Keyden na nakatalikod sa gawi ko kaya agad akong naglakad patungo rito tyaka ito niyakap. Bakit mo niyayakap? Wala ka namang karapatan ah? Asawa ka lang sa papel, remember?
Dahil sa naisip na iyon ay para akong nanghina. Ito na naman ako, palagi ko na lang nakakalimutan ang lugar ko. Akmang bibitaw na sana ako sa pagkakayakap nang bigla itong humarap sa akin tyaka ako niyakap nang mahigpit. Parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang kaba sa pagkakalapit namin. Hindi ko alam kung bakit sobrang naghuhurumintado ang puso ko. Alam kong alam mo kung bakit nagwawala ang puso mo.
Oo. Alam ko kung bakit at dahil iyon sa mahal ko ang lalaking nakayakap sa akin ngayon. Kaya ano man ang rason nito sa pagyakap sa akin ay susulitin ko na lamang dahil hindi magtatagal ay sasama na ito sa babaeng totoo nitong minamahal at hindi ako iyon. Dahan-dahan kong ipinalibot ang aking mga braso sa bewang ni Keyden tyaka tinugon ang mga yakap nito.
Naririnig ko ang mabibigat nitong paghinga habang mahigpit pa rin ang yakap sa akin.
"Phoebe, please." Bulong nito habang nakasubsob ang mukha sa aking leeg.
"P-please what?" Nagtataka kong tanong. Bigla-bigla nalang kasing makikiusap eh hindi ko nga alam ang tinutukoy nito.
"Please stay away from any male species other than me and your father."
Kumunot naman ang noo ko sa pakiusap nito. Nababaliw na ba ito?
"And why would I do that?" Nagtataka kong tanong. Pwede ba, kung nababaliw na ito ay 'wag sana niya akong idamay, dahil ako? Matagal na akong nabaliw sa kaniya. At dahil doon ay nahihirapan ang puso ko dahil alam ko na kahit kailan ay hindi naman ito magiging sa akin.
"I... I don't know. I just don't want you to be with someone else. It suffocates me and I don't know why. Phoebe, what did you do to me?"
Epilogue -No Sequel KEYDEN'S POV DALAWANG ARAW na mula nang mawalan ng malay si Phoebe at sa awa ng panginoon ay nagising na ito pero ang kondisyon nito ay mas lumala. Sa dalawang araw na wala itong malay ay ilang beses na nawala sa akin si Phoebe pero ang sabi ng mga doktor ay lumalaban daw ito para mabuhay. Hindi parin ako pinapayagang pumasok sa ICU hanggang ngayon. Nakausap ko na ang ama ni Phoebe nang dumalaw ito sa ospital at nagkausap na din kami. Nasabi ko na dito ang plano kong sa ospital nalang kami magpakasal at pumayag naman ito. Hanggang ngayon ay hinihintay ko parin si Akihiro na bukas pa ang dating. Hindi na ako makapaghintay. Plano na namin na pagkatapos gamutin si Phoebe ay agad kaming magpapakasal. Though hindi ko alam ang gagawin nila para mangyari iyon ay pumayag nalang ako. Ang mahalaga mailigtas ang mag-ina ko. Nakahanda na ang lahat. Ang kasal namin, ang bahay namin. Siya nalang talaga ang kulang. "Sir?" Napatingin ako sa nurse nang tawagin nito ang atensyo
CHAPTER 25 KEYDEN'S POV PARANG GUSTO kong umiyak habang hinahagod ang likod ni Phoebe habang sumusuka ito. Pagkagising nito kanina ay bigla na lang itong tumakbo sa banyo at nagsuka. Buti nga at naalalayan ko ito papunta sa banyo kung hindi ay baka sa tiles ito magsusuka panigurado. Parang dinudurog ang puso ko habang walang tigil ito sa pagsusuka. I feel like my whole word shut down when I saw her coughing blood. Holyshit! Iyak nang iyak si Phoebe at halatang may masakit dito dahil sa higpit ng kapit nito sa gilid ng lababo at wala akong magawa kung hindi ang hagurin ang likod nito. I feel so useless, damn it! "Shh, I love you. I love you. You're gonna be okay, baby. You're gonna be okay." Paulit-ulit kong bulong habang tinutulungan ang asawa ko na punasan ang bibig niya pagkatapos magmumog. "Can you get me the towel please?" Nanghihina nitong bulong. Without a word ay lalabas na sana ako ng banyo para kunin ang towel sa may ka
CHAPTER 24 PHOEBE'S POV NAKATITIG AKO nang matiim kay Keyden habang abala ito sa pagbabalat ng mansanas para sa akin. Matapos ang nangyari kanina ay hindi na kami nagkibuan ulit. Ewan ko ba pero habang lumalapit siya sa akin, imbis na kasiyahan ay takot ang lumulukob sa akin. Takot sa pwedeng mangyari sa akin. Takot sa pwedeng mangyari kay Keyden. I'm scared. "I'm scared to death." Wala sa sarili kong naibulalas at natauhan lang ako nang maramdaman ko ang kamay ni Keyden sa pisngi ko. Tinuyo pala nito ang luha ko na hindi ko namalayang tumulo. "You won't die. Hindi mo ako iiwan. Hindi pwede. Bubuo tayo ng pamilya at tutuparin ko ang pangako ko sa'yo sa altar noon na pahahalagahan at mamahalin kita. Hayaan mo akong tuparin 'yun, Phoebe. Hayaan mo akong alagaan ka at ang magiging anak natin." Sambit nito habang nakatitig sa mga mata ko. Right there and then, paran
CHAPTER 23 KEYDEN'S POV "I SAID I won't kill my baby!" Histeryang sigaw ni Phoebe nang dumating ang ama nito at sinabi dito ang balita ng doktor tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi ako nakisabat dahil maging ako ay ayaw kong mawala ang bata pero... May posibilidad na si Phoebe naman ang mawala sa akin kapag nagkataon. Mas hindi ko siguro kakayanin na mawala ang babaeng 'to sa'kin. Hindi pa ako nakakabawi. Kailangan kong bumawi pero paano ko gagawin 'yun kung galit ito sa akin? I never seen her so mad pero hindi ko naman siya masisisi. I was an asshole to her. A jerk. I can still remembered how she cried when she told me how much she regret loving me. Hindi ko na kayang makita siyang ganun. Ni isipin ang itsura niya nun ay hindi ko magawa dahil parang dinidikdik sa sakit ang puso ko. And it's all my fault. "Baby, you're not going to kill your child. You're just go
CHAPTER 22KEYDEN'S POVMAHIGPIT ang hawak ko sa kamay ni Phoebe habang nakaupo ako sa silya sa tabi ng higaan nito. Ayokong bitawan ang kamay niya dahil pakiramdam ko... Pakiramdam ko sa pagkakataon na 'to mawawala na siya sa akin nang tuluyan. Ayoko. Hindi ako papayag.Halos mamatay ako sa kaba nang sabihin nung Andrei- na naalala kong siya pala yung nagbebenta ng ice cream malapit sa ospital na 'to- na wala na si Phoebe. Paulit-ulit akong nagdadasal at nagmamakaawa na bigyan pa ako ng pagkakataon na makausap at mahalin nang buo ang asawa ko.Mukhang dininig ng panginoon ang pakiusap ko dahil nang makarating ako sa ospital ay na revived nila si Phoebe matapos maging tuwid ang linya nito pero parang hindi ata kami titigilan ng problema.Ngayon ay nakikinig ako sa usapan ni Andrei at ng doktor ng asawa ko tungkol sa kondisyon niya. "We really need to perform a heart transplant right away but b
CHAPTER 21KEYDEN'S POV"HOW ARE you?" I immediately asked as I entered Charity's room. She immediately smiled at me but I can see another emotion in her eyes...Guilt."Hey, are you okay? Why are you looking at me like that? Something wrong? May masakit ba sa'yo? Tell me." I worriedly asked as I sat in the chair next to her bed. I think this is the only thing that I could do for her after all the pain that I've caused her. She deserve all the care and love she can hold. Charity is an amazing woman. If only I can just fall for her instead of my bitch of a wife."Keyden, I-I have-" Hindi pa natatapos ni Charity ang sinasabi nito nang biglang bumukas ang pinto at nang lingunin ko kung sino ang pumasok ay bigla nalang akong napatayo nang makita ang ama ni Phoebe. Bakas ang galit sa mukha nito at nang makalapit ito sa akin ay agad kong naramdaman ang kamao nitong tumama sa mukha ko.Narinig ko pa a