Business Marriage
Business Marriage
Author: Mairisian
Chapter 1: Bélla Resort

MASIGLA akong gumalaw at tumulong sa mga Filipino workers ng isang kilalang Beach Resort sa Maldives Islands. Ang resort na iyon ay pagaari ng isang Pilipino businessman, kaya halos lahat ng empleyado na naroon ay mga kapwa ko pinoy.

Sa dami ng mga parokyanong customer na nag-book sa resort ay hindi na namin nakayanan ang sabay-sabay sa pagaasikaso sa mga tao.

Everyone is busy, ako na isang restaurant manager ay kailangan ring kumilos at tumulong upang matugunan ang lahat na pangangailan ng mga clients.

"Ma'am Aurora..."

"Yes?" lumingon ako sa empleyadong tumatawag sa akin.

"Ma'am, yung customer po natin na naroon ay panay ang reklamo at hinahanap ka pa niya para makausap." Turo nito sa isang sopistikadang babae na nakaupo sa sulok kung saan tanaw ang asul na karagatan at mapuputing buhangin sa dalampasigan.

"Sige, Flora, pupuntahan ko." Tugon ko rito.

"Salamat, ma'am. Pasensya na po talaga at pati kayo ay naaabala." Nahihiya nitong saad.

"It's okay, Flora. Summer kaya marami talagang customer sa Bélla ngayon. Isa pa, huwag kayong magalala dahil gamay ko ang ganitong trabaho. Sige, puntahan ko na siya."

"Okay ma'am. Salamat po, pupuntahan ko na rin ang isang customer ko."

Tumango ako rito. Tulad nito ay naging isang waitress rin ako noong una rito, but when the management of the resort knew that I am eligible graduate, inilagay nila ako sa pwesto bilang isang restaurant manager. Sa una ay ayaw ko iyong tanggapin, ngunit nang huli ay hindi rin ako nakatanggi. Iyon ay dahil ang mismong may-ari ang siyang kumausap at nagkumbinsi sa akin na tanggapin ko iyon.

Napapailing ako habang tinungo ang dereksyon ng isang babae. Minsan talaga ay hindi maiiwasan na may ganoong klaseng customer.

"Hello, ma'am, good afternoon." Malumanay na bati ko sa babae.

Nakataas ang isang kilay nang tumingin ito sa akin. "Are you the manager of this restaurant, Miss?"

I nod. "Yes, I am, ma'am."

"Anong klaseng pasilidad ang meron kayo rito? Look, my boyfriend is in the toilet room right now dahil nasabuyan siya ng juice ng isang tatanga-tanga ninyong empleyado! At isa pa, kanina pa kami hindi inaasikaso ng empleyado ninyo."

"Oh, I am very sorry, ma'am. Busy ho kasi ang lahat. Pasenya rin dahil ang dami n'yo ho kasing customer ang nandito ngayon kaya hindi ho agad kayo naasikaso ng isa sa empleyado namin rito—"

"Ang sabihin mo ang kukupad gumalaw ng mga empleyado mo!"

Bumuntong hininga ako at hinabaan ang pasensya ko sa mga oras na iyon. "Sorry again, ma'am. But now that they are still busy with their jobs, nandito ako muna ang personal na magaasikaso sa inyo."

"Much better!" Nakairap nitong tugon.

Tumango ako. "And about what happened to your boyfriend, pasensya na at hindi iyon nasadyang mangyari ng tauhan ko." Wika ko sa nakasimangot pa ring mukha nito. "Ah, may I take your order, ma'am?" Pagkakuha ko ng order nito ay ngumiti ako ritong humarap. "Expect your order after 15-20 minutes, ma'am. Thank you. And please, enjoy..."

"Ma'am Aurora, ako na ho ang magaasikaso rito." Isang waiter ang lumapit sa akin bago pa man ako makalis sa table ng babae.

"Ah, sige. Here is her order. Serve it after 15-20 minutes, and also kindly serve her two special buko drinks as freebies. Ngayon mo na i-serve." Utos ko rito.

"Okay, ma'am." Tugon nito saka umalis sa harapan ko.

Lumingon ako sa babae saka tumango. Napabuntong hininga ako ng magsimula na akong lumayo sa kinaroroonan nito.

Minsan talaga ang aarte ng mga customer. But well, the customer is always right... Kaya dapat lang na habaan pa namin ang pasensya namin sa mga masusungit na customer.

Lumiko ako patungo sa dereksyon ng kitchen. Ngunit sa pagliko ko ay hindi ko namalayan na may isang bulto rin pala ang sasalubong sa akin.

"Hey..."

Bago pa ako mabuwal ay agaran na nitong naalalayan ang aking balingkinitang katawan.

"Oh, I'm so sorry..." Nasambit ko habang nakatukod ang dalawang palad ko sa malapad na dibdib ng lalaking nakabunggoan ko. Pag-angat ng paningin ko ay biglang napaawang ang bibig ko.

"Are you okay, miss?"

"H-huh?" Ipinilig ko bigla ang ulo ko at napakurap habang kumakawala sa pagkakaalalay ng dalawang braso nito sa beywang ko. "Um, y-yes I am okay. How about you, sir?"

"Don't worry about me, miss. I am just okay." Sabi nito na nakatitig sa aking mga mata.

I feel ashamed of what happened. Ang ginawa ko ay ngumiti na lang ng bahagya rito. "Sorry again, sir."

"It's okay. I'll go ahead."

Tumango ako rito at wala ng nasabi pa.

Tinanaw ko ang paglalakad nito, hanggang sa lumapit ito sa mesa ng isang babae na kanina lang ay kausap ko.

Oh, he is her boyfriend. I see... Pero sayang naman. Bakit napunta siya sa isang babaeng mataray. Hindi sila bagay. Promise. My mind said, but I realized na masyado akong judgmental doon sa babae.

Why do I care? Bahala nga siya sa kung sino man ang mamahalin niya. Basta ako. Kuntento ako kay Travis ko.

Travis is one of my Filipinos suitor. Napakatiyaga nitong manliligaw since 1 year. Nakilala ko ito sa Maldives noong bago pa lang ako sa trabaho ko. He is one of the executive hotel managers of one of the resorts in Maldives.

Tumagal ng isang taon ang panliligaw nito sa akin dahil noong una ay wala talaga akong nararamdaman para rito, and of course, I know that my dad will be against him. Ngunit hindi ko na iyon inisip dahil sa unti-unti na akong na-develop rito at ngayon nga ay napagdesisyonan ko na na tanggapin ang panliligaw nito sa akin. Travis is a sweet, caring, and decent guy. Idagdag pa na may hitsura rin ito. All in one package for a woman who has high standards.

Inalis ko muna sa utak ko ang ibang isipin ng pagpasok ko sa kitchen. Kitang kita ko agad sa bawat kilos ng mga cook ang mabilisang galaw. Tumungo ako sa order slip at ang dami ngang naka line-up na lulutoin.

"Hello everyone, kaya pa ba?"

Nagsitinginan sa akin ang lahat na nasa kusina. Ngumiti ang mga ito at tumugon na kayang-kaya.

"Ma'am Aurora, magaamoy usok ka rito." Wika ng head cooks ng lumapit sa akin.

"Okay lang kuya walang problema kahit magamoy ulam ako." Nakatawa at nakakindat kong tugon rito.

"'Yan ang gusto ko sa'yo ma'am e, hindi ka maarte. Hindi katulad noong sinundan mong manager, nako halos hindi pumapasok rito sa loob ng kitchen."

"Asus Kuya Edwin binola mo na naman ako niyan." Wika ko habang kumuha ng isang garlic bread at ngumuya.

"Gutom, ma'am?"

"Nagutom ako sa sobrang dami ng tao sa labas. All of our tables are occupied. Kaya ang lahat ay natataranta sa pagaasikaso sa kanila."

"Oh, nganga ma'am, masarap ito."

"Wow, shrimp..." Nanlaki ang mga mata ko saka ngumanga at tinanggap ang humahalimuyak na butter shrimp na sinusubo sa akin. "Ang sarap. The best ka talaga at ang team mo Kuya Ed..."

Ngumiti ito sa akin. "Oh, tissue, punasan mo ang gilid ng labi mo."

"Thanks. Kuya labas na ako, marami pang kakailanganin sa labas. Sumilip lang kasi talaga ako rito."

"Inom ka muna ng tubig, ma'am." Inabutan ako nito ng isang basong tubig.

"Salamat." Pagkainom ay lumabas na agad ako.

I was glad that I have good relations with all of my employees. I treat them like my family and siblings.

I assist again those customers, hanggang sa dumako ang mga mata ko sa table nang babaeng mataray na kasama ang boyfriend nitong nakabungguan ko. To my surprise, sa pagsulyap ko sa dereksyon nito ay siya ring pagdako ng mga mata nito sa kinatatayuan ko.

Oh shit! Bakit ba kasi sa kanya dumako ang mga mata ko? But he's a customer, so kelangan ko siyang ngitian.

Umangat ang gilid ng labi ko, then I spread my smile. But I stop it when he just stared at me seriously. Namumulang inalis ko rito ang aking paningin.

Hmp! Suplado. Baka feeling niya type ko siya. Oh, in his dreams...

"Ma'am Aurora..."

Napasulyap ako sa tum myawag sa akin. Ginawa kong abala ang aking sarili, at hindi na ako umulit na sulyapan ang nasa table nung babae. All I did is to help my employees to serve the food on the customer's tables.

Nang mga oras na iyon ay pinilit ko kalimutang may isang babaeng nagtaray sa akin, at isang lalaking nakabungoan ko na siya ring nagsuplado sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status