Share

TRES

Katulad kahapon ay maaga akong nakauwi,dahil na rin sa mabilis na naubos ang mga paninda ko.Naglalakad na ako ngayon papuntang sakayan kasama si Fely,na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka move on sa nangyari kanina.

“Bakit kasi hindi mo nalang sinagot si Jordan?Palagi ka pa naman tinatanong no’n.Ako na nga ang ka-text,pero ikaw pa rin ang hanap!” Nakangusong lintanya nito kaya napatawa nalang ako at napailing.

Sinamaan niya naman ako ng tingin at naunang maglakad ng malapit na kami sa sakayan.

“Ayaw mo no’n,p’wede ka ng pumorma sa kanya.Solong-solo mo na siya ngayon!”

Tinaas baba ko pa ang kilay ko,pero ang bruha ng irap lang.Mas lalo naman akong natawa.

“Sana nga gano’n lang kadali ‘yon! Patay na patay kaya ‘yon sa’yo!”

Nauna na itong pumasok sa traysikel at naupo.Sumunod akong tumabi sa kanya.

“Eh,patay na patay ka rin naman sa kanya!Kaya bagay kayon--aray!”

Natatawa akong napahawak sa tagiliran kong kinurot niya.

“Tseh,tigilan mo nga ako Nerissa!Kung hindi ko lang alam na may hinihintay ka rin.Kaya mo nga binasted si Jordan eh!”

Nawala ang ngiti sa labi ko at natahimik sa sinabi niya.

“Oh,natahimik ka na.Bakit kasi hindi mo nalang siya lapitan,kilala mo naman siya.Ang problema nga lang,mukhang hindi kana niya maalala pa.Mas masaklap ang love life mo kesa sa’kin bes!”

Napapailing nitong saad at ikinawit ang kamay niya sa braso ko.Napabuntong hininga naman akong tumingin nalang sa labas ng traysikel.

Hindi ako lalapit sa kanya.Pinanghahawakan ko pa rin ang pangako niya.Pero mukhang pangako na mapapako nalang.Hindi niya ako maalala,kasi kung naalala man niya ako dapat noon pa.Dapat nahanap niya ako ngayon.Alam niya naman ang buong pangalan ko.Ibinigay ko pa sa kanya ang address namin dito sa probinsya.Pati ang number ko na hanggang ngayon ay hindi ko mapalit-palitan dahil sa kanya.Sa pag-aasam na tatawag siya.Pero limang taon na ang nakakalipas ,wala pa rin.At hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako.

Nangako siya,’yon ang pinanghahawakan ko.Hangga’t hindi pa kami nagkikita aasa ako.At sana,hindi mabaliwala ang paghihintay ko.

Nakarating kami sa bahay at agad na nagsilapit ang mga kapatid ko sa’kin.Niyakap ko sila at hinalikan sa ulo.Gumanti din naman sila ng yakap.

“Ate,mas maaga ka ngayon,ibig sabihin p’wede ka pa naming makalaro? ”Inosenteng tanong ni Arjun isa sa kambal.

Ginulo ko ang buhok nito at nakangiting sumagot.

“Oo naman,kakain at magbibihis lang si ate tapos maglalaro na tayo!”

“Yehey!”Sabay na sigaw ng kambal at nag-apir.

“Kasama ba si ate Fely sa laro?”

Tanong ni Arnold kaya napatingin kami sa isa’t isa ni Fely.

“Naku eh,pasensya na mga bebe.Kailangan ko din kasi na umuwi at may inuutos ang nanay sa’kin.”

Tugon ni Fely ,pero napanguso ang dalawang kambal sa kanya.

“Hayaan niyo at sa susunod na araw hihingi ako kay nanay ng day-off,para makapag-laro tayo!”

Nakangising saad nito at nagliwanag naman ang mukha ng dalawang bata sa harap niya.

“O sige,basta pangako ‘yan ha?Kun’di bawal ka na pumunta dito at hindi ka na namin bati!”

Nagkatinginan kami ni Fely at sabay na natawa.Close din kasi ang kambal kay Fely,dati ay napag-iiwanan ko pa siya sa dalawa kapag may lakad si tiyang at hindi p’wedeng isama ang dalawa.

“Pramis ko ‘yan!"

Sagot ni Fely at nag-apir silang tatlo.

Matapos ang pag-uusap nila ay pumasok na rin kami sa bahay at naabutan namin si tiyang na naghahanda ng pagkain sa mesa.

“Tiyang ako na po d’yan!”

Lumapit na ako at tumulong sa paghain at nagmano.Maging si Fely ay nagmano din at tumulong .

“Magandang araw tiyang,parang mas gumaganda tayo ngayon ah!Ano’ng sikreto mo tiyang,skin care reveal naman d’yan!”

“Naku,tigilan mo nga ako Fely.Wala akong sikreto,natural na ganda ‘yan!”

Nagtawanan kami at naupo na, nagsimula ng kumain .Si tiyang naman ay lumabas at pupunta daw muna sa bahay nila.Matapos kami kumain at magligpit ay nagpaalam na si Fely.

“Ang totoo,pumunta ka lang talaga dito para makikain ‘no?”

Natatawang saad ko,na ikinabusangot niya.

“Alam mo naman kung bakit ayaw ko umuwi sa bahay ngayon na wala pa si nanay eh.” Nakangusong saad nito.

Ayaw niyang umuwi sa bahay nila na wala ang nanay niya dahil sa step father nito.Lasenggo at kung minsan ay napagbubuhatan ng kamay si Fely kapag wala ang ina.

Katulad na lang ngayon dapat ay uuwi na siya sa bahay nila dahil nga may inuutos ang nanay niya.Pero dahil alam niyang nando’n sa mga oras na ito ang ama-amahan ay nagpalipas muna siya ng oras dito sa bahay.

“O siya sige na at lumayas ka na. Magbibihis pa ako at maglalaro pa kami ng dalawang kapatid ko.”

Taboy ko sa kanya at winaksi -waksi naman nito ang kamay ko ,pareho kaming natawa.

“Oo na kita nalang tayo bukas,mag-iingat ka!”

Paalam nito at nagpa-alam na din sa mga kapatid kong ngayon ay palapit sa’kin.

“Ate laro na tayo?” Tanong ni Arjun na yumakap sa beywang ko.

“Oo halina kayo.Ano ba ang gusto niyong laruin natin?”

Mabilis naman silang pumasok sa loob at kanya-kanyang upo sa sahig at may inilabas na laruan.

Masaya kaming naglaro at naaliw din akong kasama sila.Minsan lang ang ganitong tagpo,kaya napaka-memorable ng bawat oras na kasama ko sila.At sa sobrang aliw ko sa pakikipaglaro sa kanila ay hindi ko na namalayan ang oras kung hindi pa kami pinasok ni tiyang at sinabi kung ano’ng oras na.

Dali -dali naman akong pumasok sa kwarto at mabilis na naligo at nagbihis.Sa sobrang bilis,bitbit ko na ang suklay at sa labas nalang ako magsusuklay.

“Magpaka-bait kayo ha.Huwag magpasaway kay tiyang.” Bilin ko sa dalawang nakakabatang kapatid .Agad naman silang sabay na tumango at yumakap sa’kin .

“Sige na at late ka na,huwag mo ng alalahanin ang mga kapatid mo.Ako na ang bahala sa kanila.”Saad ni tiyang at hinawakan na ang mga kamay ng kapatid ko.

Nagpaalam na ako at nagmamadaling pumunta sa paradahan kahit pa may napansin akong itim na sasakyan sa malapit ay hindi ko na ito pinansin pa.Ang mahalaga ay hindi ako mahuli sa trabaho.Nang makasakay sa tricycle ay agad naman akong nagpahatid sa restaurant .Naabutan ko pa na busy na sila sa dami ng costumer.

Mabilis akong pumasok at mabilis din na nagbihis.Matapos matali ang buhok ko pa-ponytail ay nagsimula na rin akong magtrabaho.

Hatid doon,hatid dito.Kukuha ng mga order at nagwe-welcome sa mga bagong dumarating.Wala na akong oras para umupo kahit saglit.Kulang pa ang tao ngayon at hindi nakapasok ang isa sa mga katrabaho namin at nagkasakit daw.

“Pasensya ka na at ginabi kana ngayon,ihatid na lang kaya kita.Masyado ng gabi at delikado na sa daan.”Nag-aalalang saad ni Echo ng maihatid ako nito sa labas.

“Hindi na Echo,ayos lang..Tsaka doble sahod naman ako ngayon ‘di ba?”

Natatawang sagot ko at natawa na rin siyang ginulo ang buhok ko.

“Oo na sige na,samahan na lang kitang makakuha ng masasakyan.”

“Hindi na,pumasok ka na doon para naman ,makapagpahinga ka na din.Kaya ko ang sarili ko!”

Tinulak ko pa siya papasok sa restaurant.

“Sigurado ka?”Tanong nitong lumingon pa sa’kin mula sa kanyang balikat.

“Oo nga,ang kulit nito..Ayos lang ako,makakauwi ako ng bahay ng ligtas!Huwag ka ng mag-alala.”

Napabuntong hininga itong pumasok at tiningnan pa ako bago nagpatuloy sa pagpasok.Ako naman ay sinimulan ng maglakad papuntang sakayan.Kumakanta-kanta pa ako habang naglalakad.

Napatigil ako ng biglang may humarang sa sa’kin.Napatingin ako sa harapan ko at may dalawang lalaking nakatayo doon.Pumihit ako patalikod ,pero may biglang sumulpot din doon na dalawang lalaki.Kinilabutan ako sa uri ng tingin nila sa’kin.Ito rin ba ang mga lalaki kagabi?

“Ah,excuse me po.Dadaan po ako.” Magalang kong saad pero napangisi lang ang lalaking nasa harap ko ngayon.

Hindi ko masyadong maaninag ang mga mukha nila dahil malayo na kami sa poste na may ilaw.Kaunting liwanag lang ang mayro’n sa p’westo kung nasaan kami ngayon.At lalong nagpakaba sa’kin ay wala ng taong masyadong dumadaan dito.

“Sumama ka nalang ng maayos miss,para hindi ka na masaktan pa!”

Nanindig ang mga balahibo ko sa batok ng biglang may nagsalita sa likuran ko.Kaagad akong napaharap at napasinghap ng muntik pa akong matumba kung ‘di ako nahawakan ng lalaking katabi.Napaayos ako ng tayo.

“A-ano'ng kailangan niyo?Wala po kayong makukuha sa’kin,mahirap lang po kami.”

Nanginginig na ang kamay ko sa takot.

“Sumama ka sa’min para malaman mo!Dalhin na ‘yan!” Nakangising saad nito at tumalikod.

Hahawakan na sana ako ng tatlong lalaki ng bigla kong nilabas ang nasa bag kong pepper spray at ini-spray sa kanila. Agad naman silang napalayo sa’kin.

‘Ahh!!”

Sabay-sabay nilang sigaw kaya mabilis akong tumakbo.Binilisan ko ang pagtakbo,hindi nila ako p’wedeng maabutan.

Napalingon ako ng may marinig akong yabag sa likod.May nakasunod sa’kin at hindi nga ako nagkamali.Ang isang lalaking tumalikod kanina, ngayon ay humahabol na sa’kin.Sa pagkataranta ko ay bigla akong nadapa.At naramdaman ko ang hapdi sa dalawang tuhod ko kahit pa naka-pantalon ako.Pinilit kong makatayo at paika-ikang tumakbo.At sa malas ko ,naabutan na ako ng lalaki.

“Bitiwan mo ‘ko!” Nagsisigaw ako at nagpumiglas sa hawak niya.

“Ahh!!!”

Nagsisigaw ako ,baka sakaling may makarinig.Hindi nila ako p’wedeng makuha,hindi ako sasama sa kanila!Magkakamatayan muna kami!

Kinalmot ko ang mukha ng lalaki nabitawan ako nito.Pero nasalo din ako ng isa pang lalaki.Nakabawi na pala sila at papikit-pikit pa dahil na rin siguro sa hapdi.

“B’wesit kang babae ka!”

Napaubo ako sa sakit ng tumama ang kamao ng lalaki sa tiyan ko.

“Kung sumama ka lang ng maayos,sana hindi ka nasaktan!

Hinawakan nito ang baba ko at inangat paharap sa kanya.

“Gago ka Greg,malalagot tayo kay boss n’yan.Bakit mo sinuntok!”

“Manahimik ka nalang!”

Ang sakit!At parang mawawalan ako ng ulirat lalo na ng maramdaman kong may tinusok ito sa braso ko.Diyos ko,tulungan niyo ako!

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Märilyn Näno
yan ayaw kc pahatid. lakas ng loob...
goodnovel comment avatar
Nikk Mo Ferrer
dto na pala sya kinuha...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status