“ Hi love!”Napangiti nalang ako ng maramdaman ang yakap ni Hace mula sa likod. Hinalikan niya ang balikat ko,hanggang ulo .Nakangiti ko siyang nilingon ng hindi bumibitaw sa yakap niya.“ Ang mga bata?”“ They are all out,but they’ll get home before dinner like they promise. Just that princess here is left.”Napabuntong hinga siya na binalingan ng tingin ang bunso namin na nasa sopa at nanonood ng mag-isa. Nagpaalam ang mga nakakatanda niyang kapatid sa’kin kagabi na aalis sila para kitain ang mga kaibigan. Maaga silang umalis kaya hindi ko na naabutan pa ,at itong bunso nalang namin ang naiwan . Napabuntong hinga na din ako,kumakain ng tsetserya si Nambe at nakabusangot na parang nasa tv ang kaaway niya.“Do you think something’s wrong with her? This is the first time na hindi siya sumama sa ate Nexiah niyang lumabas.”Tanong kong hindi maiwasan na hindi mag-alala.“ She’s only fifteen love,what could be her problem that she’s not telling us.”“ Iyon na nga eh,fifteen lang siya
"I'm sorry" Nakayuko'ng sambit ko.Palaging ito na lang ang sinasabi ko sa kanya. Sorry! Nasunog kasi ang polo nitong plinantsa ko. Iniisip ko kasi kung paano ko makakamusta ang mga kapatid ko. At namalayan ko na lang na umuusok na ang plantsa na hawak ko at sunog na ang damit ni Hace sa braso nito. Sinubukan ko itong maisalba at napaso pa nga ang kamay ko pero hindi ko iyon inalintana, ang mahalaga ay ang damit ni Hace. Hinila ako nito sa braso palapit sa kanya. Nagiguilty ako sa ginawa ng ama-amahan ko sa kanya kaya hinahayaan ko siyang saktan ako. "Sorry? Hoy tanga, hindi na mababago pa ng sorry mo ang nangyari!" Tiim bagang na bulyaw nito sa'kin. Alam kong doble ang meaning ng sinabi niyang iyon. Binitawan na ako nito at tumalikod. "Ano pa ba ang gusto mo'ng gawin ko?! " Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para magsalita nang ganoon.
"Bili na po kayo" sigaw ko sa mga dumadaan sa pwesto ko.Nandito ako sa palengke ngayon at nagtitinda ng iba't-ibang gulay. Tulad ng talong, okra, ampalaya, opo at iba. Maaga palang ay nandito na ako para magtinda.Wala na kaming mga magulang at kami ng dalawa ko pang kapatid ang naiwan. Wala na si mama, at ang ama-amahan ko naman ay hindi na umuwi sa bahay, kaya ako na lang ngayon ang tumataguyod sa pamilya namin.Wala na kaming balita sa kanya mula noong huli nitong padala.Mabait naman iyon kaya nagtaka kami na isang araw hanggan umabot ng buwan ay hindi na siya umuwi. Nag-iwan lang ito ng sulat na huwag daw kaming mag-alala sa kanya at ayos lang daw siya."Ineng, bigyan mo nga ako nito" napangiti ako ng lumapit sa akin ang suki ko."Naku, mas maaga po yata kayo ngayon?" tanong ko dahil medyo maaga nga siya ngayon kaysa sa nakaugalian."
Nang makarating sa trabaho ay nagsimula na agad ako. Isa akong waiter dito at nagpapasalamat ako at natanggap ako dito. Dati kong kaklase sa high school ang may- ari kaya natanggap ako at hapon ang shift ko.Matapos makapagbihis ng uniporme ay lumabas na ako at nagsimula ng magserve.Nakakapagod ang pabalik-balik na lakad at hindi ka halos makaupo kahit sandali sa dami ng custumer. Sikat ang restaurant na ito dito sa bayan naminat dinarayo talaga. Dahil bukod sa hindi kamahalan ang mga pagkain, afford na afford pa talaga at masasarap din."Isang large burger at fries! " saad ko sa counter ng kitchen.Sa restaurant na ito ay hindi lang pang umagahan, tanghalian o hapunan, kundi pati na rin sa meryenda ay kumpleto sila."Oh, Nerissa nandito ka na pala?" tanong ni Echo. Siya ang dati kong kaklase at may - ari at isa din siyang chef dito.&n
Katulad kahapon ay maaga akong nakauwi,dahil na rin sa mabilis na naubos ang mga paninda ko.Naglalakad na ako ngayon papuntang sakayan kasama si Fely,na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka move on sa nangyari kanina. “Bakit kasi hindi mo nalang sinagot si Jordan?Palagi ka pa naman tinatanong no’n.Ako na nga ang ka-text,pero ikaw pa rin ang hanap!” Nakangusong lintanya nito kaya napatawa nalang ako at napailing. Sinamaan niya naman ako ng tingin at naunang maglakad ng malapit na kami sa sakayan. “Ayaw mo no’n,p’wede ka ng pumorma sa kanya.Solong-solo mo na siya ngayon!” Tinaas baba ko pa ang kilay ko,pero ang bruha ng irap lang.Mas lalo naman akong natawa. “Sana nga gano’n lang kadali ‘yon! Patay na patay kaya ‘yon sa’yo!” Nauna na itong pumasok sa traysikel at naupo.Sumunod akong tumabi sa kanya. “Eh,patay na patay ka rin naman sa kanya!Kaya bagay kayon--aray!” Natatawa akong napahawak sa tagiliran kong kinurot niya. “Tseh,tigilan mo nga ako Nerissa!Kung hindi ko lang alam na
“Everything is okay now,good thing you brought her here in time .”“ Oo nga dok,salamat po.”Naalimpungatan ako sa pagkakatulog dahil sa mga nag-uusap. “Ano’ng nangyari?” Kaagad naman na nabaling ang tingin nila sa’kin.Naupo ako habang hawak ang ulo ko.Medyo nahihilo pa ako at papikit-pikit pa.Dinaluhan naman ako ni Echo at hinawakan ang kamay ko.“Mabuti at gising ka na.Kumusta ang pakiramdam mo?”Napakunot ang noo ko ng mapagmasdan ang paligid.Ang huli kong naalala ay may mga lalaking gustong kumuha sa’kin.Pinipilit nila akong sumama kaya tumakbo ako.Pero naabutan pa rin nila ako at may tinurok sila sa’kin kaya nawalan ako nang malay.“Echo ,ano’ng nangyari?Ano'ng—bakit ako nandito?”Hindi ko alam kung anong mararamdaman ngayon dahil sa kaba.Baka madamay si Echo.Lalo na ng makita ko ang pasa sa mukha niya.Hinawakan naman nito ang magkabilang balikat ko at pinahinahon ako.“I’m sorry,kung sana ay hinatid kita sa sakayan ay hindi ito mangyayari sa’yo.I’m really sorry!”Naguguluhan a
Nagising ako,hindi dahil kailangan kong magising ng maaga para pumunta sa palengke.Kung hindi dahil,hindi ako makatulog ng maayos.Nakakatulog ako,pero nagigising din.Bangungot kung anuman ang nangyari sa’kin.Paulit-ulit na bumabalik ang nangyari.Balewalain ko naman ay kusang bumabalik.Hindi ko alam na may luha na palang tumulo sa pisngi ko kung hindi ko pa naramdaman ang kamay na humaplos sa pisngi ko.Napatingin ako sa kapatid kong si Anorld,mukhang nagising ito dahil sa’kin.“Ate,may problema po ba?Nagising po ako dahil narinig po kitang humihikbi.”Malungkot na saad nito,hinahaplos pa rin ang pisngi ko.Mabilis akong yumakap sa kanya at hinalikan ang ulo niya.“Ayos lang si ate,matulog ka nalang ulit.”“Nanaginip ka po ba ng masama kaya ka naiyak?”Umangat ang mukha nito sa’kin,natawa ako sa cute niyang mukha kaya pinisil ko ang ilong niya.“Oo eh,may gusto daw kasing kumuha sa inyo sa’kin.Ilalayo daw kayong dalawa ni Arjun sa’kin.”Malungkot kong sagot.Umiling naman siya.“Hindi po
“Ano’ng kailangan niyo?” Nanginginig kong tanong sa mga lalaking hawak ngayon ang pamilya ko.“Alam mo kung ano ang kailangan namin.O baka naman ,gusto mo na ang mga batang ‘to na lang ang kunin namin?”Nakangising tanong nito at itinutok ang baril sa mga kapatid ko.Nagsisigaw ang mga ito,kahit si tiyang at tiyong na nagpupumilit na makawala .“Huwag please,’wag ang mga kapatid ko! Wala silang alam dito!”Humagulhol na ako,hindi ako makalapit dahil na rin sa baril na nakatutok sa’kin.“Huwag niyong idamay ang mga pamangkin ko! Kung anu man ang kasalanang nagawa ng kapatid ko,sa kanya niyo ibaling huwag sa mga bata! Sinabi ko naman sa inyo na matagal ng hindi umuuwi ang kuya ko! Parang awa niyo na,huwag ang mga bata!”Umiiyak na rin si tiyang at umiiling.Wala rin magawa ang kapit -bahay namin dahil na rin siguro sa takot.Umiling -iling ako sa kanila at pinilit na makatayo para makalapit sa kanila,pero biglang nagwala si tiyong at nakawala siya .Pinagsusuntok niya ang mga kalalakihan na