Share

STAHD 6

“Ano’ng kailangan niyo?”

Nanginginig kong tanong sa mga lalaking hawak ngayon ang pamilya ko.

“Alam mo kung ano ang kailangan namin.O baka naman ,gusto mo na ang mga batang ‘to na lang ang kunin namin?”

Nakangising tanong nito at itinutok ang baril sa mga kapatid ko.Nagsisigaw ang mga ito,kahit si tiyang at tiyong na nagpupumilit na makawala .

“Huwag please,’wag ang mga kapatid ko! Wala silang alam dito!”

Humagulhol na ako,hindi ako makalapit dahil na rin sa baril na nakatutok sa’kin.

“Huwag niyong idamay ang mga pamangkin ko! Kung anu man ang kasalanang nagawa ng kapatid ko,sa kanya niyo ibaling huwag sa mga bata! Sinabi ko naman sa inyo na matagal ng hindi umuuwi ang kuya ko! Parang awa niyo na,huwag ang mga bata!”

Umiiyak na rin si tiyang at umiiling.Wala rin magawa ang kapit -bahay namin dahil na rin siguro sa takot.Umiling -iling ako sa kanila at pinilit na makatayo para makalapit sa kanila,pero biglang nagwala si tiyong at nakawala siya .Pinagsusuntok niya ang mga kalalakihan na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status