Share

Kabanata 1

Kabanata 1

Double date

"Pang-apat na 'yan ngayong araw," nakangusong imporma sa amin ni Patricia na para bang hindi kami nagbibilang kagaya nang ginagawa niya. 

Lahat kami sa editorial department ay nakatuon ang mga mata sa likuran ng babaeng kapapasok lang sa office ng CEO.

At sa lahat ng mga babaeng 'yon napansin ko na pare-pareho ang kanilang common denominator. Mukhang mahilig talaga si Sir West sa mga babaeng may malalaking hinaharap, may malaking puwet at may katawan na kagaya sa victoria secret's angels. Magaganda naman sila, ang kaso nagmumukhang mga clown na dahil sa sobrang kakapal ng mga make-up. 

"Hindi ba nauubusan ng sperm 'yang si Sir West? Grabe lang kasi sa sunod-sunod na pagpasok ng mga babae," komento naman ni Jearvin. 

"Asus, inggit ka lang eh," nakangiting pang-aasar naman ni Ayanna sa kan'ya. Sumimangot si Jearvin at muli na lang pinagpatuloy ang trabaho niya. 

"Matinik talaga sa babae 'yang si Sir West. Kaya kayo mag-iingat kayo dahil baka kayo na ang isunod niyan. Pinapatulan pa naman niyan lahat basta nakapalda," ani naman ni Kristel. 

"Kung makapagsalita ka naman Ms Kristel parang kilalang-kilala mo si Sir West, ah? Bakit naging kayo ba? Isa ka rin ba sa mga nabiktima niya?" tanong naman ni Michaela o mas kilala sa tawag na Pan. 

"Magkakasabay lang kami ni Ayanna at Astrid na pumasok sa Publishing House na ito. Sanay na kami sa kagaguhan ng lalaking 'yan sa mga babae niya pero dahil siya nga ang boss ay walang ibang makapagreklamo," kunot-noong sagot ni Kristel.

"Tumigil na kayo sa kakakwentuhan niyo tungkol kay Sir West baka biglang lumabas 'yan ng lungga niya at makita kayo, mansisesante na naman 'yan panigurado," suway sa amin ni Yunna. 

Pare-pareho kaming natahimik. Naunang umalis si Ayanna at bumalik na sa cubicle niya. Ilang sandali lang ay nakita ko na ang muling pagtutok niya sa trabaho bilang ang aming Editor-in-Chief. 

Nanatili naman akong tahimik at hindi sumasabat sa usapan nila tungkol kay West. Kahit naman close ko ang mga katrabaho ay wala akong pinagsasabihan ni isa man lang sa kanila ng tungkol sa kontratang mayro'n kami ni West. 

Nakita ko naman ang pag-alis ni Kristel galing dito sa editorial department, siguro ay pabalik na siya sa sarili niyang office bilang ang Finance Manager. Siya rin ang Marketing Strategy Manager. 

Magkakasabay naman na bumalik sa kani-kanilang mga cubicle sina Patricia, Pan, at Jearvin na mga freelance editor namin. 

Habang si Yunna naman ay nakita ko ang paglapit sa opisina ni Sir West. 

Napailing-iling ako sa ginawa niya. Alam ko na ang magiging kasunod nito. Ayaw na ayaw pa naman ni Sir West na ginagambala siya sa tuwing may kasama siyang babae sa opisina niya. 

Mukhang nakita rin iyon ni Ayanna. Magkasabay kaming tumayo pero naunang maglakad si Aya papunta sana kay Yunna, ang kaso nauna ng pumasok si Yunna sa opisina ni Sir West. 

Malalim akong napabuntong hininga. Alam na alam ko na ang mangyayari. Ang nakakalungkot lang ay naging malapit ko ng kaibigan si Yunna. 

Isinuot ko na ang headphones ko at nagpatuloy na sa pag-e-edit ng manuscript na siyang hawak ko ngayon. Ganito ako sa tuwing manenermon ang gwapo ngunit may mala-demonyong pag-u-ugaling boss namin. 

Nasanay na naman silang lahat na sa tuwing magtatrabaho ako ay lagi akong may headphones. Ang alam nilang rason ay para makapagconcentrate ako pero ang totoo ay ayoko lang marinig kung paano siya manenante ng empleyado. 

Napabuntonghininga ako nagfocus na lang sa gawain. Malapit na akong matapos sa ine-edit kong manuscript, medyo sumakit nga lang ang ulo ko sa isang 'yon. Ngayong araw ay pinaplano ko ng tapusin iyon para kinabukasan ay makakuha na ako ng panibagong manuscript na maaaring i-edit. 

Nasa kalagitnaan ako ng tinatrabaho ng kinalabit ako ni Yunna. Tinanggal ko ang headphones ko at nag-angat ng tingin sa kan'ya.

"Astrid, pinapapunta ka ni Sir West sa opisina niya," ani ate Yunna. Tango lang ang isinagot ko sa kan'ya at nagpaalam ng pupunta na sa opisina ni West. 

Nang marating ko ang opisina niya ay nakinig pa muna ako kung may umuungol pa ba sa loob dahil ayoko namang makaistorbo sa sexcapades ng boss ko. Kalaunan, nang walang marinig na kung ano man ay kumatok na ako. 

"Come in," narinig kong sagot ni West. Walang ano-anong pumasok na ako sa loob. 

Tutok si West sa kan'yang computer habang ang kan'yang kaliwang kamay ay may hawak na mga papel. Nakasuot din siyang black-rimmed na specs. Ang suot niyang puting long sleeves ay mas idinedepina ang ganda ng kan'yang katawan. Ang sleeves niyon ay nakatupi hanggang sa siko niya. 

"It's my grandparent's anniversary tomorrow. Mama wants you to come with me," aniya. Nangunot ang noo ko. 

"Why me?" 

"After the party, mama told me how she likes you to be my girlfriend. They thought we were in a relationship." 

"And you didn't correct her? Paano kung makarating iyon kay Callum? Baka anong isipin niyon." 

"He was there when mama talked with me about that and he doesn't seem to care." 

Natigilan ako sa sinabi niya. Wala na ba talaga akong pag-asa? Naging mabilis ang pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako na baka totoo ngang napalitan na niya ako. Pero hindi, sabi naman ni West na tutulungan niya akong mabawi ko si Callum. Naniniwala ako sa kan'ya. 

"Saan ang venue ng anniversary? Sa inyo lang ba ulit?" tanong ko. 

"Nope. Sa Torrealba' Cruise ang anniversary nila. One week tayo roon." 

"How about my work?" 

"Tapusin mo na lang muna iyong huling trabaho mo and I'll ask Kristel to give your next job sa ibang editor." 

"Kasama ba si Callum?" 

"Of course. He is the favorite son after all." 

"Eh ang girlfriend niya?" 

"Kasama rin." 

"Bakit hindi ka kaya gumawa ng paraan para hindi makasama si Camilla." 

"Sa cruise na lang tayo mag-isip ng paraan para hindi sila magkasama roon kahit saglit. So you could talk to Callum. And I could talk to Camilla." 

Nagpaalam na rin ako sa kan'ya matapos naming mag-usap. Kaagad akong nagsimulang muli sa trabaho para matapos ko kaagad. Nagkasundo rin kasi kami ni West na sabay kaming pupunta sa Kinky agency ngayon para sa sunod kong lesson. 

Nagfile na rin ako ng leave para sa isang linggong nasa cruise ako. Hindi ko nga alam kung paanong dahilan ang ilalagay ko roon kaya sinabi ko na lang na uuwi akong probinsya namin. Bahala na si West, alam naman niya ang totoong dahilan eh. 

Kumalat na rin ang balita tungkol sa pagfile ko ng leave. Nagtataka pa nga ang halos lahat dahil sa pagiging biglaan niyon. Kahit sa kanila ay hindi ko alam kung anong sasabihin kong dahilan. 

Nang maglunch ay sumabay na ako kay Ayanna at Kristel. Nagdadalawang-isip pa ako kung dapat ko bang sabihin iyon sa kanilang dalawa dahil paniguradong kahit anong paliwanag ang ibigay ko sa kanila ay hindi nila tatanggapin. 

"Bakit ka nagfile ng leave?" bungad agad ni Ayanna nang makaupo na kami. Sa malapit na restaurant dito sa Pub namin napili kumain. 

May sarili namang canteen ang Pub, ang kaso nagsasawa na raw ang dalawa sa mga pagkain doon kaya nag-iba muna kami. 

"Isinasama ako ni West sa anniversary ng grandparents niya," patiuna ko. 

"Wh..? How? I mean, kailan pa kayo naging close para isama ka niya?" nagtatakang tanong ni Kristel. 

Sinimulan kong ikwento sa kanila kung paanong nag-umpisa. Ang biglaang break-up namin ni Callum, ang rason niya kung bakit niya ako hiniwalayan. Kung paano kong nalaman ang tungkol sa Kinky agency at pati na rin ang sa kontratang mayro'n kami ni West. Hindi ko na isinama sa detalye ang mga lessons na ituturo sa akin ng ahensyang iyon. 

Mula umpisa ng pagkikwento ko ay nakasimangot na silang pareho. Alam kong disappointed sila lalo na at parehong boto pa naman sila kay Callum para sa akin. 

"Ang alam ko kasamang ino-offer ang sex sa Kinky agency, diba?" kunot noong tanong ni Ayanna. 

"Yes." 

"Ibig sabihin may tendency na magsex kayo ni Sir West?" si Kristel. 

"Oo raw," tanging sagot ko na lang. Nahihiya akong aminin sa kanila ang katotohanan na wala na ang pinaka-i-ingatan kong virginity. Na nakuha na iyon ni West. 

Ngunit sa totoo lang, aaminin ko, hindi ako nanghihinayang na kay West ko na ibigay ang virginity ko. Hindi ko man ine-expect atleast naging worth it naman ang first time kong makipag-sex. He is so good and a freaking beast in bed. Wala akong masabi sa naging performance niya nang gabing iyon. Talagang sanay na sanay. 

"I think you should have a deal with him," biglang suhestiyon ni Ayanna. Nalipat sa kan'ya ang atensyon namin. 

"What kind of deal? At deal na naman?" 

"Tell him na he should be exclusively fucking only you as long as you have the agreement. Sa dami ng nakakasex niya baka magka-HIV iyon. Kawawa ka kapag nahawa ka," dagdag pa ni Ayanna. 

"And please, be careful with him. Kagaya ng sabi ko kanina mas'yadong matinik si Sir West sa mga babae. Alam kong matalino ka at hindi basta-basta bumibigay. Don't play with fire, Astrid," si Kristel. 

Sunod-sunod naman ang naging pagtango ko. Sa bagay may point silang pareho. Kung kanina nga ay apat ang nakatalik niya, ang mahirap pa nito ay baka hindi pa sila gumagamit ng kahit na anong proteksyon. I think I should have asked for his medical certificate just to make sure? 

"Mahal ko si Callum kaya imposibleng magkagusto ako kay West," sagot ko na lang. 

Ngayon palang ay naiisip ko na ang magiging reaksyon ng hombre na iyon! He'll go ballistic for sure! 

Nakinig pa ako sa mga payo nila at sa mga rants nila patungkol sa naging relasyon namin ni Callum. Sinabi ko naman na pagkatapos ng kontrata ko kay West ay paniguradong makukuha ko ulit si Callum. I'm not desperate. Alam ko lang talaga at naniniwala akong mahal pa rin ako ni Callum. Hindi naman iyon basta-basta na lang nawawala diba? 

Nang matapos ang lunch break ay nagmamadali na kami sa pagbalik sa Pub. Higit limang chapter pa ang kailangan kong i-edit bago ako makatapos. Wala namang problema sa akin iyon at kayang-kaya kong tapusin agad basta ba hindi ako magugulo ng kahit sino. I need to focus. 

Ang kaso, sa kalagitnaan ng pagmemeditate ko para marelax at makapagsimula nang muli sa pagtatrabaho ay nakita ko naman ang pagdating ni Callum at Camilla, papunta na sila sa office ni West. 

Gusto ko tuloy biglang magbigti ng makita ko ang magkahawak na kamay nila. 

"Ayos ka lang ba?" malungkot na tanong sa akin ni Aya. Kagat ang pang-ibabang labing tumango ako sa kan'ya. 

Kaysa masaktan pa at mag-isip ng kung ano-ano ay pinilit ko na lang magfocus sa ine-edit ko. Ilang oras na lang din kasi ang natitira ko para matapos ko ito. Hinahabol ko rin kasi na matapos agad bago mag-uwian para maiabot ko kaagad sa proofreading team ang manuscript. 

"Pinapatawag ka ni Sir West sa office niya, Astrid," imporma sa akin ni Rosella. Ang sekretarya ni West. 

"Pangalawa na 'yan, ah?" puna ni Patricia. 

"Favorite kasing pagalitan ni Sir West si Astrid," tudyo naman ni Ayanna. Hindi ko alam kung bumenta ba kay Patricia dahil naglakad na ako papunta sa office ni West. 

Dire-diretso na akong pumasok sa loob. Hindi na ako kumatok. Nakasimangot ako kay West. 

"What's wrong, Astrid?" nagtatakang tanong ni Camilla. Ramdam kong tunay siyang concerned pero hindi ko mapapaniwala ang sarili ko. Hindi ko siya sinagot. Nakipagtitigan ako kay West. 

"What is it? Tinatapos ko pa ang trabaho ko," ani ko kay West. Sa gilid ng mata ko ay kita ko kung paano akong titigan ni Callum. 

"So you two are in some sort of relationship, kuya, Astrid?" tanong ni Callum. 

"It's none of your business, Callum," pambabara ni West kay Callum. Patago kong inirapan ang huli. 

"Papunta kami ni Callum sa mall para bumili ng regalo para sa grandparents nila. Na-isuggest ko kasi kay Callum na isama kayong dalawa para sabay-sabay na tayo," nakangiting usal ni Camilla. Wala namang kibo pareho si Callum at West. 

"Hindi ba pwedeng kayo na lang? May ine-edit pa akong manuscript at kailangan ko iyong matapos ngayon dahil isang linggo tayong mawawala," pagtanggi ko. 

Bukos sa trabahong natitira ko ay ayoko ring makitang lumabas kasama nila. Paniguradong pag-u-usapan kami pagkatapos at 'yon ang pinaka-ini-iwasan kong mangyari. 

"It's okay, love. I can ask Aya or some other editor to continue your work," ani West. Inirapan ko nga. 

"Hindi naman pwede 'yon. May trabaho rin si Ayanna." 

"We can wait, Astrid, until you finished your work," singit ni Camilla. 

"Wala ba kayong ibang gagawin?" si West. 

"Wala na," si Camilla ulit ang sumagot. 

Kapwa kami natahimik ni West. Nagpaalam na ako sa kanila na babalik na ako sa trabaho para makatapos agad pero syempre biro lang na excited akong makasama si Camilla sa lakad mamaya. Hindi ba pwedeng kaming dalawa na lang ni Callum? Mas masaya ako kung gano'n nga. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status