Share

Kabanata 2

Kabanata 2

Regret

Mabuti na lang ay naiabot ko naman sa tamang oras ang manuscript. Naibigay ko na rin kay Ness na isa sa mga proofreaders ng Pub ang manuscript.

Nang matapos ay nauna na akong maglog-out. Itinext ko na lang si West na nasa lobby na ako. Umiiwas lang talaga ako sa chismis. Ang hihilig pa naman sa chismis ng mga katrabaho ko.

Kay Aya na nga lang ako nakapagpaalam na aalis eh. Hindi na ako nakapasabi kay Kristel. Itetext ko na lang siya habang naghihintay ako na makababa 'yong tatlo.

"I brought my car, Astrid," bungad kaagad sa akin ni West.

"We can convoy. Hindi ko p'wedeng iwan dito ang kotse ko, wala akong gagamitin bukas," I said a matter of fact.

"I'll ask one of my bodyguards to drive your car to your home. Sa kotse ko ka na sumakay. I'll pick you up tomorrow also," West said with finality in his tone. Napatingin naman kaming pareho ni West kay Camilla nang bigla itong pumalakpak.

"Kinikilig ako sa inyong dalawa. Tama si tita Cassandra, you two make a good couple," aniya.

"Let's just go," ani West. Pareho namang tumango si Camilla at Callum.

Dumiretso na ako sa shotgun seat ng kotse ni West. Bago ako tuluyang pumasok ay nakita ko paanong buksan ng pintuan ni Callum si Camilla. He even places his left hand over Camilla's head para siguro hindi mauntog si Camilla.

Aminado ako, nakakapagselos, nakakainggit. Hindi naman gan'yan kasweet si Callum sa akin noon. Ang swerte naman ni Camilla. Ang swerte niya kasi gan'yan si Callum sa kan'ya ngayon.

"You okay?" tanong sa akin ni West. Nakasakay na kaming dalawa sa sasakyan niya. Tahimik lang ako na tumango sa kan'ya.

Naunang umalis sina Callum. Bumusina pa muna siya bago tuluyang lumabas ng basement. Sumunod naman si West sa kan'ya.

"Sabihin mo nga, ano bang mayro'n ang Camilla na 'yon at patay na patay kayong pareho ni Callum sa kan'ya?" I suddenly asked out of nowhere.

Yes, West is also in love with Camilla. Hindi ko alam kung paano pero wala na akong balak alamin pa. Ang swerte naman ng Camilla na 'yon at ang magkapatid pa ang may gusto sa kan'ya.

"I don't like you talking about her that way," ani West.

"Whatever. Anyway, I have something to tell you," patiuna ko.

"What?"

"I want your medical certificate. I want to make sure that you are clean. Ayokong mahawa kung magka-HIV ka," seryosong sabi ko sa kan'ya. Galit na binalingan naman ako ni West. Hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ko.

"What the fvck! I'm clean, Astrid," he reminded me.

"Wala naman sigurong masama kung gusto kong makasigurado diba? And let's make another deal."

"What is it again, Astrid?"

"Let's exclusive fvck each other," I answered simply.

"What do you mean by that?"

"You'll provide my needs and I'll provide the same for you but promise me that we'll only solely fvck each other," I explained. Tama si Aya kailangang sigurado ako sa kan'ya.

"So no one woman other than you for me, huh? I'll be on a diet, then?"

Diet pa raw siya? Ang playboy nga naman!

"At teka? Bakit nga pala kailangan mo pa akong isama rito?" I asked him.

"We have a deal, remember?" paalala sa akin ni West.

Natahimik ako. Oo nga pala, we have a deal. Isa sa mga plano niya ay ang magpanggap kaming nasa isang relasyon para raw hindi maisip ni Callum at Camilla na may plano kaming sirain ang relasyon nila. I agreed when he offered me that. Dahil wala naman na akong ibang maisip na paraan para makuha kong muli si Callum.

Hindi naman parte ang sex sa kasunduan namin ni West. Kasama naman iyon sa mga lessons na pinirmahan ko sa Kinky agency. And speaking of Kinky agency, simula nung huling punta ko roon para pumirma ng kontrata ay hindi pa ulit ako nakakapunta. Sa susunod na lang siguro. Nandyan naman si West para turuan ako sa mga lessons.

Ang art of seduction ang pinakagusto kong matutunan sa lahat para mabawi ko na ng tuluyan si Callum.

Magkakasabay kaming apat nang pumasok kami sa mall. Nakuha kaagad namin ang atensyon ng mga kasabay naming mga customers. Magkasabay kaming naglalakad ni Camilla habang ang magkapatid naman ay nauuna sa amin.

Hindi ko alam kung ganito lang ba talaga ka-friendly itong si Camilla o sadyang feeling close lang talaga. Hindi ako sanay sa inaasta niya pero kailangan kong hayaan. Ayoko namang isipin nila na may galit ako rito kay Camilla kahit na ang totoo ay kanina ko pa siya gustong kalbuhin.

Camilla is the perfect definition of prim and proper, kung hindi ko lang alam na dati siyang escort ay talagang matanggap ko ng wala talaga akong laban sa kan'ya. She's regal. Hindi mo iisiping nanggaling sa mahirap dahil sa pagiging pino ng kan'yang mga galaw. Her skin is as white as a paper. Ano nga bang panama ko?

Tinanggal ko na lang sa isipin ko ang pagkukumpara sa aming dalawa ni Camilla. Hindi pa man nagsisimula ay talo na ako. Kaya siguro parehong mahal ni West at Callum si Camilla?

Punong-puno ng kung ano-anong  bagay ang isip ko. Hindi ko na nga namalayan na nakabili na pala ng pang-regalo niya si Camilla. Bagong labas ng bag na may tatak ng kilalang brand ang napili niya para kay lola Josefa. May taste rin naman pala siya. Habang relo naman ang binili niya para kay lolo Isidro.

Bigla tuloy akong napaisip kung ano bang magandang iregalo sa grandparents ni Callum at West? Hindi naman ako sanay na magregalo sa mga matatanda kaya wala talaga akong kaide-ideya.

Then, I remembered nung gabing nasa mansyon ako ng mga Torrealba naikwento sa akin ni West na mahilig sa paintings ang lolo at lola niya. Alam ko na kung anong ireregalo ko sa kanila.

A painting of them. . .

Bibili na lang muna siguro ako ng art materials tapos ay dadalhin ko na lang sa cruise. Hindi naman siguro buong linggo na abala sila?

Bigla tuloy akong na-excite. Ang tagal ko na rin kasing itinigil ang pagpipinta. Ang huling natatandaan kong nagpinta ako ay noong nabubuhay pa ang mommy ko. Siya kasi ang nagturo sa akin kung paano magpinta.

Tuwing umuuwi ako galing sa school noong bata pa ako palaging ayun ang bonding namin ni mommy.

"Saan ka pupunta?" Paalis na sana ako para bumili ng art materials ang kaso mabilis na nahawakan ni West ang pulsuan ko.

"Sa National Book Store. Bibili lang akong art materials. Ang sabi mo kasi mahilig sa painting ang grandparents mo diba?" sagot ko.

"You'll paint them?"

"Yup. Wala na akong ibang maisip na iregalo sa kanila eh."

"They'll like it for sure."

"I hope so. Ang tagal na simula nung huli akong nagpaint," pagkikwento ko pa.

"Why?"

"I lost all interest when my mom died."

Umiling-iling ako at mapait na napangiti, hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa iyong ikwento sa kan'ya.

Si West na ang humila sa akin papunta sa NBS. Gusto ko nga siyang pagalitan dahil hindi man lang kami nakapagpaalam kina Callum at Camilla baka kasi hanapin nila kami?

Ang kaso bago pa ako makapagprotesta naagaw na agad ng mga art materials na nakadisplay sa NBS ang aking atensyon.

Hindi ko maalala kung kailan ako huling humawak at bumili ng acrylic paint at brushes. Kagat-labi akong namili ng mga gagamitin ko. Kumuha na rin ako ng tatlong malalaking canvas at maraming acrylic paint na iba't iba ang kulay. Halos lahat yata ng size ng brush ay kinuha ko na rin. Hindi bali ng marami kaysa kulang. Kumuha na rin ako ng pencil, eraser, at pati na rin palette.

"You'll paint again, Astrid?" nagtatakang tanong sa akin ni Callum. Napahawak ako sa aking puso dahil sa biglaan niyang pagsulpot, para akong aatakehin sa puso.

"Yes. I'll paint your grandparent's portrait as my gift for them," I answered him.

"Marunong ka palang magpinta, Astrid?" si Camilla.

"Oh. . . ah. . . Hindi ako sigurado kung marunong pa ako. Matagal na rin kasi simula noong huli akong nagpinta."

"Can you paint our portraits as well? Kami ni Callum?" tanong niya.

"Oo naman. Kapag may free time ako."

As if naman no! Hangga't maaari ayoko talagang makipag-usap sa kan'ya. Mabait si Camilla at ayokong maging plastik sa kan'ya.

Nang nasa cashier na kami ay nagtalo pa kami ni West kung sino ang magbabayad ng mga kinuha kong art materials, sa huli ay nagkasundo kaming siya na ang magbabayad dahil kagaya ko ay wala rin siyang maisip na pangregalo sa grandparents nila.

Nagyaya pa si Camilla na magdinner muna kami bago kami umuwi.

"Akala ko ba pupunta tayo sa Kinky?" tanong ko kay West. Nauuna ng maglakad sa amin si Callum at Camilla kaya walang problema kung magtanong ako kay West nang tungkol sa Kinky.

"I'll call Terrence later. Sasabihin ko sa kan'yang ako na lang ang bahalang magturo sa'yo nang sunod mong lesson," sagot niya sa akin. Lumabi ako.

"Wala na ba kayong ibang instructor?" kuryosong tanong ko bigla.

"Why?"

"Wala naman. Naisip ko lang."

"Why? Were you not satisfied with our first lesson?"

"You mean our first sex?" I asked boldly.

"Yeah. Aren't you satisfied? Am I a bad performer?"

"Who told you that? You're great in bed, West. You made me so sensual with just one thrust of your tongue in my cherry," I answered playfully.

I saw him smirking. Tuwang-tuwa kaagad sa sinabi ko. Way to boost his confidence, huh?

"You like it when I licked you?"

"That is actually my sexual fantasy."

"Really, huh? Then, let me lick you once we got to our cabin on the cruise. I'll lick you every country we stop over, how's that?"

"I like that."

"I told you, Callum, they have their own world," biglang singit ni Camilla. Natigil kami ni West sa aming pinag-u-usapan.

"Gutom na ako. Saan ba tayo kakain?" pag-i-iba ko sa usapan.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni West. Pasikreto akong umirap. Ako na ang nagyaya sa kanila na kumain muna. Nakakamiss ang pagkaing pinoy kaya niyaya ko silang kumain sa Barrio Fiesta. Wala naman akong nakitang pagtanggi sa kanilang mga mukha kaya dirediretso ang lakad ko papasok sa loob ng restaurant.

Umorder silang tatlo pero mas pinili kong mag-buffet. Ang dami ko kasing nagustuhan na ulam na nakalatag doon sa mahabang mesa nila.

Habang kumukuha ako ng kakainin ko ay napaisip ako sa kung ano ang magiging sunod naming lesson ni West. Nagiging mahalay na rin yata ang utak ko.

Kalaunan nang makakuha na ako ng pagkain ko bumalik na rin ako sa table namin. Hinintay ko munang maserve ang mga pagkain nila bago kami sabay-sabay ng kumain.

Naagaw ni Camilla ang atensyon ko. Tulala ako habang pinapanuod si Camilla na pagsilbihan si Callum. Kung paano niyang lagyan ng pagkain ang plato ni Callum. Nakita ko ang mariin na titig ni Callum sa kan'yang nobya.

Nag-iwas ako ng tingin. Marahan kong kinagat ang aking pang-ibabang labi habang hinahalungkat ko sa aking memorya kung may isang beses ba ay ginawa ko rin ang gano'n para kay Callum.

I'm totally not as sweet as her, huh? Hindi ko kasi ugali ang gano'n. And, Callum and I barely see each other nung kami pa.

Palagi kasing nasa ibang si Callum para sa trabaho niya sa kompanya nila roon. Hindi man nangingibang bansa ay lagi naman akong abala noon sa trabaho at sa pag-a-alaga ko sa mommy ko na may sakit.

"Lola Josefa will surely like your gift, Astrid," Camilla said. I was taken back from my reverie.

"I hope so, Camilla," I said and gave her a small smile.

Tahimik lang kaming apat habang kumakain. Pagkatapos kong uminom ay naramdaman kong naiihi ako. Tumikhim ako kasabay ng pagkuha sa tissue at punas sa kamay. I'm done eating. Tinignan ko ang mga plato nila, kagaya ko ay tapos na rin silang kumain. For sure kukunin na rin maya-maya ng waiter ang mga pinggang wala ng laman para palitan ng desert at wine na inorder nila.

"I need to pee, excuse me," I said. Nagmamadali na sa pag-alis doon. Mabuti na lang ay may staff akong nakasabay kaya nakapagtanong ako kung saan ang cr nila.

Ang sakit makita silang gano'n. I'm no masochist nor saint para hindi makaramdam ng poot sa mga nakita ko kanina.

Pagkatapos kong umihi at maghugas ng kamay, nagretouch na rin ako sa loob saglit. Naglagay na rin ako ng lipstick dahil nabura na marahil sa pagkain ko kanina.

Nang makalabas ako sa cr ay nagbabayad na si Callum. Hindi na ako muling umupo pa dahil paniguradong paalis na rin naman kami.

"May pupuntahan pa ba kayo pagkatapos dito, kuya?" tanong ni Callum sa kapatid.

"Ihahatid ko na si Astrid sa condo niya," he answered. Kailangan ko pa nga pala magprepare.

Nagpaalam na rin si Callum na ihahatid na niya si Camilla. Sa basement nitong mall na kami naghiwa-hiwalay. 'Gaya ng sabi ni West ay inihatid niya nga ako sa condo ko.

"Here's your car keys, by the way," ani West, inilahad niya sa akin ang susi ko ng kotse.

"Thank you," I whispered.

"I'll leave now, Astrid. I'll pick you up tomorrow by seven am."

"Sure."

Sumakay na si West sa sasakyan niya. His car beeped. Hinintay ko munang tuluyang makaalis ang kotse niya bago ako naglakad papasok ng condo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status