Agad akong nakita ni Athena sa kinatatayuan ko at palihim akong nginisihan. She tiptoed once more to kiss him on the cheek.
"Ingat kayo sa biyahe ni ate." Saad niya at naglakad na papasok ng bahay. Nilagpasan niya lang ako at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay.Parang nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makagalaw. Nagbabadya ang mga luha ko't hindi ko mapigilang tuluyang mapahikbi.Napalingon si Creed sa gawi ko at malamig lang ako na pinanuod na umiyak. Lahat ng pagtitimping ginawa ko buong araw simula kaninang umaga nang ipagluto ko sila ng babae niya ng agahan, hanggang sa nang pumunta kami dito sa bahay namin. Lahat-lahat ng sakit, hindi ko na kinaya pang itago."Are you just going to stand there and cry? Gagabihin tayo sa daan. 'Wag kang umiyak-iyak diyan." Tinalikuran na niya ako't tumungo na sa sasakyan.Girlfriend pa naman niya ako, 'di ba? Akin pa 'din naman siya, 'di ba?Dapat siyang magpaliwanag kung bakit siya may kahalikang iba. Dapat siyang humingi ng tawad. Dapat siyang mangako na hinding-hindi na iyon mauulit. Kasi 'yon dapat! Kasi may girlfriend siya! Kasi may Ataisha na nagmamahal sa kaniya! Si Ataisha na kasama niya sa buhay!At ang kapatid ko pa talaga? Bakit sa dinami-rami ng babaeng maaari niyang matipuhan, siya pa? Si Athena pa talaga?Gusto kong isigaw sa kaniya lahat ng hinanakit ko, pero bakit gano'n? Sa isipin palang na baka hiwalayan niya ako dahil sa sasabihin ko, hindi ko na agad kakayanin? Na maigi pang mamatay nalang kaysa hiwalayan niya?Umaasa ako. Nakakapit pa'rin ako sa mga alaala naming masaya. Ayaw kong tanggalin ang mga iyon sa akin. Ayaw ko 'yong kalimutan. Ayaw ko siyang kalimutan.Siya lang ang masayang nangyari sa buhay ko. Siya lang ang nagpakita ng pagmamahal sa akin kahit sa bilang na panahon lang. Siya lang 'yung nagparamdam na talagang may pakialam siya sa akin.Siya lang.Kaya... Hindi. Hindi ko siya kayang bitawan.Pero kung bibitaw siya. Sige. Magpaparay na ako.Kasi gano'n ko siya kamahal.Kung sabihin niyang ayaw na niya. Kung sasabihin niyang may iba na talaga. Kung sasabihin niyang pagod na siya sa akin. Kung sabihin niyang hindi na ako.Okay lang.Tatanggapin ko.Pero kung sa akin nakasalalay ang pagsasama naming dalawa, hindi ko kakayaning bitawan siya. Selfish na kung selfish. Pero akin siya. Akin lang siya.***Tahimik ang biyahe namin pauwi sa bahay. A small part of me wanted him to explain it to me. Matatanggap ko kung ibang babae kasi ginagawa naman na niya 'yon simula noong manlamig siya sa akin.What I don't understand is now. My sister. He kissed my sister.It's not your usual goodbye kiss sa isang kakilala. It wasn't a cheek kiss either. It was a romantic kiss. A lip kiss.I don't lip kiss Chaos when I meet him sometimes. I don't even cheek kiss him. I don't kiss him at all! Kaya hindi pwedeng idahilan sa akin ni Creed na dahil kapatid ko si Athena kaya niya iyon ginawa.Pero wala. Wala akong narinig mula sa kaniya.Ilang minuto rin akong nakaupo doon at nakatitig lang sa kalsada sa harap namin, obviously waiting for him to explain kahit na inaantok na talaga ako.Then I realized na... hindi na. Wala na talaga. Hindi siya magpapaliwanag. Hindi siya magso-sorry. Hindi man lang niya ako kakausapin pampalipas oras sa haba ng biyahe.Wala.So, I slept.***Masyado akong antok at maga ang mga mata ko kaya kahit naalimpungatan ako nang tumigil ang sasakyan namin, hindi ko magawang idilat ang aking mga mata. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, pero hindi naman 'yon sa parte ko. Baka lumabas na si Creed at balak akong iwan dito.Babalik nalang sana ako sa pagtulog nang hindi pinapansin kung ma-suffocate man ako hanggang bukas dahil duto ako matutulog. Pero agad ding napukaw ang ulirat ko nang bumukas ang pinto sa gilid ko at bahagya pang umihip ang hanging papasok sa sasakyan.Narinig ko ang pag-click ng seatbelt sa tagiliran ko bago ang bahagyang pag-angat ko sa ere.Si Creed?Iyon na ang pinakahuli kong naalala dahil hinila na ako nang tuluyan ng antok."Aisha, si Kuya Creed nasa labas!"Nangunot ang nuo ko sa sinabi ni Kanya. Inaalog-alog pa niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa magkabila kong balikat."Kanya!" Saway ko nang bahagyang maramdaman ang hilo sa ginagawa niya.Malisyoso siyang ngumisi at nginuso ang labas ng classroom namin. Tinaasan ko pa siya ng kilay dahil ayaw niya akong bitawan."Si Kuya Creed, nakasandal sa railing sa hagdan. Ikaw yata hinihintay." Taas baba ang kilay niya sa akin.Tinalikuran ko na siya't sinimulang sikupin ang mga gamit ko sa desk na ginamit namin kanina sa Permutations. "Asa namang ako pinunta niya dito. Baka naman si Ate Steffi lang pinunta niya."Katabi na kasi ng room namin ang hagdan papunta sa third floor at pababa sa first floor. Bali-balitang may gusto raw si Ate Steffi, ang constant panlaban ng school sa mga beauty competitions, kay Kuya Creed. Parehas silang nasa Senior High at baka kaya nandito si Kuya Creed para hintaying makababa si Ate Steffi na nasa room lang sa mismong taas ng amin."Si Ate Steffi kamo pero nakatitig sa pinto ng room natin?" Komento ni Kanya habang pilit na pinapahaba ang leeg at may tinatanaw sa kung saan sa labas ng room namin,"Tumigil ka na nga, Kanya. Inaasar mo nanaman ako. Hindi interesado si Kuya Creed sa akin. Ang bata pa natin, oh. Tsaka ang sikat-sikat niyan, sino ba ako?" Sinukbit ko na ang bag ko sa isang balikat at sinimulan nang maglakad palabas.Padami na ang mga estudyante sa labas ng corridor, lalo na dahil dito nga ang hagdan sa banda namin. Halos dito sila lahat dumadaan. Mahaba pa naman ang corridor namin kaya maraming classroom.Naiiritang hinarap kong muli ang room nang nasa bungad na't palabas na."Kanya, bilis naman! Pagagalitan ako neto, e."Naiinis kong pinanuod siyang nag-apply pa ng lip color. Pabango dito't doon.Antagal! Uuwi lang naman kami, ah."Ba't ka pa ba nagpapabango-pabango diyan? 'Di kita gets. Uuwi lang naman tayo.""Marami tayong madadaanang pogi palabas ng gate, 'no. Alangan namang amoy classroom ako." Umirao siya't lumapit na sa akin. "Ikaw din kaya. 'Di ka na fresh."Ha?"Anong 'di ako fresh ka diyan?" Tinalikuran ko na siya't handa nang iwanan siya sa classroom nang mabangga ako sa kung sino. Masyadong mabilis at masyado siyang malapit na hindi na ako nakaiwas o nakatigil pa.Agad kong nalanghap ang panlalaking pabango na halatang mamahalin dahil napakabango pero hindi masakit sa ilong. Mabilis akong umatras."I'm sorry, 'di ko sinasadya!" Bahagya pa akong yumuko."Oh my gosh ka, Aisha!" Rinig kong mahinang sigaw ni Kanya. Hindi ko siya nilingon at tiningala ang lalaking nabangga ko.Kinailangan kong sobrang tumingala dahil ang tangkad-tangkad niya. Ang bango-bango. Ang gwapo-gwapo.Nailang ako. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Isang pakiramdam na hindi ko naman madalas na maramdaman."I'm sorry." Paumanhin niya."Bakit po ba? Ang weird ng mga reaksyon niyo.""Wala po 'yon, Ma'am. Nagulat lang po kami kasi akala namin sasakay kayo rito sa truck. Wala po kasi itong air-con." napapakamot sa ulo na saad ng driver.My mouth fell open at the realization. Mabilis akong umiling-iling. "Nako! Hindi rin naman po problema sa akin kung sasakay ako diyan, hindi naman po ako maarte. Dadalhin ko lang po talaga 'yung sasakyan ko kasi one way lang po itong turck at hindi na babalik dito sa bahay mamaya. Sayang din naman po ang gasulina nito kung ihahatid pa ako dito."Marami pa kaming napag-usapan para masiguro na hindi mapapaano ang mga prutas at gulay habang nasa biyahe. Medyo malayo din kasi talaga ang sentro dito. Kung lalakarin, baka abutin ng ilang oras.Hindi na ako nagpalit pa ng damit at dumiretso na sa sasakyan. Mabuti na lang at nasa bungad lang din ng sala 'yung susi ng sasakyan ko kaya hindi na ako nagtagal sa loob. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko sila
Sana kung totoongmay pake siya sa relasyon namin, he will always try to fix things with me. Ipapaalam niya kung saan ako nagkamali para maayos pa namin.But what did he do?Instead of doing all means necessary to fix us, nagalit pa siya't lumayo sa akin.Tama na. Ayoko nang nakikita 'yung sarili kong namimilipit sa sakit sa tuwing iniisip ko siya at ang mga memoryang pinagsaluhan naming dalawa.What's done is done. Bakit ba kailangan kong palaging ipilit na may chance pa?Nagmumukha na akong tanga sa pag-ibig sa ginagawa ko, e. I should stop this. Tigil na. Tama na 'yung mga luhang sinayang ko sa allaking hindi naman deserve 'yon.Sure, naniwala at pinanghawakan ko galaga 'yung mga pangako niya, Mahal ko, e. Pero ngayon... I don't think holding on is smart. In fact, it's a very stupid move.Kung wala na, wala na! Bakit kailangan pang ipagpilitin 'yung sarili?Too much stup
"Hija, anong nangyare?" rinig kong alalang tanong ni Lolo.Nakarinig ako ng malalaking yabag na nagmamadali palapit aa direksyon namin pero wala doon ang isip ko. Nanatili ang tingin ko sa photo album na nakabuklat pa din at nakatingala sa akin."What happened her, Lo?" rinig kong tanong ng isang baritonong boses mula sa direksyon ng pinto.That voice..."Creed, apo."My lips were shaking, tears on standby. Hindi ko kayang pigilan. Sobrang pagkaliti ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halong pagtataka at pagkagulat.Bakit? Bakit sa lahat pa ng pwedeng maging apo ni Lolo... si Creed pa talaga?Hindi ko magawa-gawang iangat ang paningin ko. Hindi ko nga kayang maatim na makita siya, ang mukha niya.Ramdam na ramdam ko 'yung kagustuhan kong yakapin siya, halikan siha, bumalik sa kaniya. Ang lakas no'n. Ramdam na ramdam ko.'Yung damdamin ko, para bang hindi ko hawak ang pagde-desisyon at p
I was so hooked with Chicago Med na as soon as nakauwi ako, kumain kaagad ako ng dinner. After eating, I immediatly took a quick bath. Syempre, naglinis din muna ako ng mga ginamit ko sa hapunan.Kaya ayon. Tinanghali ako ng gising.Literal na nataranta talaga ako as soon as I laid my eyes on the wall clock sa bedside table ko. Para akong biglang sinilaban at nagmamadaling pumasok sa banyo.I promised Lolo na pupunta ako ng umaga tapoa anong oras na? Mag-aalas onse na. Super late na.Hindi ko na naisip pa na kumain ng agahan at dumiretso na palabas papunta sa sasakyan ko.Mabilis ang pagmama eho ko papunta sa bahay nila Lolo. Well, tanggap ko naman nang late ako kaya hindi masyadong exaggerated 'yung pagpapatakno ko, but still! Nangako ako, e.Ano na lang iisipin ni Lolo sa akin, na hindi ako marunong tumupad ng pangako? Na mangangako ako talos hindi ko na,an tuuparin?I knew I should n
Nang dumaan ako harap ng isa pang guard na nagbibigay naman ng number card, nagpasalamat din siya sa akin so I did the same.Mabilis akong pumasok sa sasakyan ko. Mahirap na kung bigla na lang makuha 'yung bag ko mula sa kamay ko tapos itakbo. Ang saya-saya no' at may 50k na agad siya sa pagtakbong ginawa niya.Pinaandar ko na ang sasakyan ko paalis doon. Dumaan din ako sa gasulinahan para mapakargahan 'yung gas tank. Pina-check ko din kung okay pa 'yu g hangin sa gulong. Sinabi ko na din na kukuha ako ng service ng car wash kaya lumabas na ako ng sasakyan.Mabuti na lang at may lounge sila doon na air conditioned kaya pwede maghintay doon habang nililinis pa nila 'yung sasakyan ko. May Wi-Fi din pero wala naman sa isip ko 'yan ngayon kaya hindi o na lang din pinansin.Nang matapos sila, maaga pa din talaga kaya naisipan kong umuwi muna. Masyadong risky kung mananatili ako sa sentro na may dala-dalang 50k sa bag ko.Dumaan ako sa Drive Th
Hindi pa din talaga ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Lolo at Tita kanina. Talagang decisive na sila sa gusto nilang mangyari, I never sensed the hesitation sa bawat salita ngkumpirmasyon na sinambit ng bibig nila.Hanggang ngayon talaga, hindi ko pa din nadi-digest sa sistema ko lahat ng sinabi nila sa akin.Tumitig ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga.Totoo ba? Lahat ng ito, mapapa-sa akin nang hindi ko kailangang magbayad.Alam kong ako na ang magbabayad ng taxes nito simula ngayon dahil nalipat na sa panbalan ko ang pagmamay-ari nito pwro syempre, iba pa din naman 'yung binili ko talaga 'to. 'Yung pakiramdam na maglalabas halaga ako ng milyones para sa first house ko.Hindi talaga nagsi-sink in sa utak ko na akin na 'to at ha wala taaga akong nilabas na lahit isang piso para dito. I feel unsatisfied, to be honest.Should I just wire some money to Lolo's bank account without letting him know that I'm planning t
"Nahuli mo sigurong nagchi-chismisan sila Cecita at Ronalyn, ano?" nakangiting tanong ni Lolo na parang natatawa pa siya.Tumango ako sa tanong niya at pasimpleng sumulyap sa pintong nakasiwang na kung saan rinig na rinig pa rin ang pag-uusap ng dalawa.Ngayon naman ay iba ang pinag-uusapan nila. Tungkol naman raw doon sa batang anak ng kaputbahay nila. Mestiso raw kasi kaya pinaghihinalaan nilang hindi daw tunay na ama 'yung tumatayong tatay doon sa bata.Napailing na lang talaga si Lolo nang pati siya ay narinig na rin ang usapan ng dalawa niyang katulong. Nakakatawa na lang din isipin na ito talaga 'yung parang kasiyahan nila sa mga simple nilang buhay. Dito sila masaya, e. Ano nga naman ba ang magagawa natin, 'di ba?Wala pang ilang segundo ay narinig ko na ang tunog ng takong na sapatos na papalapit na dito sa direksyon ng Dining Hall. Panigurado ay si Tita na 'yon.Napadiretso ako ng upo sa upuan ko nang makita ko na si Tita na puma
Nang makarating na ako, mabilis ko nang inayos saglit 'yung iilang mga pinamili ko kaninang hindi ko naayos.Alam kong nangako ako sa sarili kong bukas ko na lang sana aayusin 'tong mga 'to kaya lang ay marami pala akong dadaanan bukas. Magwi-withdraw ako sa bangko, meeting kanila Lolo, at 'yung pag-process ng sa car rental.Buti na lang din pala talaga at hindi naman nagtakda ng oras 'yung sa car rental owner at pumunta ha lang raw ako kung anong oras ako free. Hawak din nga pala niya 'yung National ID ko kaya lagot din ako kung hindi ko siya sisiputin. Dahil kung hindi nga, hindi ko din makukuha 'yung identification card ko.I quickly took a half bath since ayaw kong matutulog akong basa 'yung buhok ko.And just as I said, I would want to conserve electricity. There's no room for me and hair blowers right now. Siguro, kapag tumagal-tagal na. Pero right now, I would like to just let things be. Kung hindi naman sobrang kailangan, bakit k
Lumabas kami sa garden na nasa gilid ng bahay matapos naming kumain. Dito daw kami mag-uusap dahil tahimik. Tahimik din naman sa loob ng bahay kaya medyo hindi ko nakuha noong una 'yung point kung bakit kinailangan pa namin na lumabas pa kami dito para lang talaga maging maayos ang magiging pag-uusap namin.Pero at some point, nakita ko din kung bakit. May naka-set up din kasi na table and chairs kaya dito yalaga kami makakapag-usap nang maigi.Kung sa Dining Hall kasi kami, masyadong malapad at malaki ang lamesa kaya hindi ko din alam pero hindi talaga siya magandang place para sa ganitong importante at seryosong usapan.Kung sa living room naman, walang maayos na lamesa bukod sa coffee table kaya saan naman kami pipirma at saan ipapatong 'yong mga papeles. Kung ipipilit naman na gamitin 'yung pandak na coffee table na 'yon, yuko naman kami nang yuko niyan.Nadaanan kasi namin 'yong living room palabas dito aa garden kaya naki