Home / Romance / A Billionaire’s Liaison / Chapter 01: Flashbacks of Reality

Share

A Billionaire’s Liaison
A Billionaire’s Liaison
Author: yuminah

Chapter 01: Flashbacks of Reality

Author: yuminah
last update Last Updated: 2023-12-27 23:34:30

"Babe, say aah..."

Ibinuka niya ang kaniyang bibig, inuutusan ang kahit na sinong nakatingin sa kaniya kung paano ba gagawin ang sinabi niya. Kahit sa simpleng galaw niya na iyon, lalo akong nahuhulog- remembering how he used to care for me just the same.

I opened my mouth in turn at sinubo ang isang french fry. Hindi ko na malasahan. Gano'n ba talaga kapag masakit ang nakikita mo? Hindi ka na nakakalasa?

Parang manhid ang bibig kong nanatiling nakabuka habang hindi pa niya naisasara ang kaniya.

Mukha na siguro akong tanga dito.

Napangiti ako nang maisara na niya ang bibig niya. Namumuo na naman ang mga luha kong kapag bumagsak ay walang tigil. May supply siguro ako ng isang dam.

"Ano ka ba naman, babe. Ano ba ako? Bata?" Parang naiirita na lumayo ang babae kay Creed at pinunasan ang gilid ng labi niya.

Ako ang nakaramdam ng kirot lalo sa puso ko.

Kung gaano ko sobrang inalagaan si Creed, kung gaano namin inalagaan ang isa't isa, gano'n naman siya pinababayaan ng babaeng ito. Hindi man lang magpaubaya.

Tumayo na ako dahil wala na rin naman talaga akong dahilan para manatili pa roon. Ubos ko na ang pagkain ko at lalo lang akong nasasaktan sa nasasaksihan ko.

Hindi ko lang naman inaasahan na dito rin sila magpupunta. Ito kasi 'yung restaurant na kinainan namin na katabi nung amusement park noong first Valentine's date namin.

Sa dinami-dami ba naman ng lugar, dito din pala niya dadalhin ang bago niya.

I met his eyes earlier, but he acted as if he didn't see me. As if he didn't know me. As if I wasn't there. As if I am someone who just can't pick his interest.

And this morning…

"Creed..." Hinaplos ko ang braso niya habang nagluluto siya ng agahan namin.

He was standing before the stove, his biceps moving. Kahit naka-white tshirt lang sa umaga, napaka-gwapo niya pa'din. Ang kisig-kisig at ang tangkad.

Swerte ba ako sa kaniya? Hindi ko na talaga alam.

He shrugged my hand away and turned to face me, setting the spatula on the island counter. He looked at me coldly and sighed as if the mere sight of me in the morning irritates him.

"What?"

"Happy Valentine's Day, baby." Nag-iwas ako ng tingin. I tried to weigh my words, choosing which would not ignite his anger even more. "May plano ka ba para mamaya?"

He ignored my greeting, even my question. He turned his back and continued cooking.

Kaya…

Kaya pala hindi siya sumagot, may plano na pala siya kasama ang ibang babae. Dapat ko na bang ipagpasalamat ngayon na at least ay natitikman ko ang luto niya araw-araw? That I get to recieve a good breakfast every morning?

Masakit. Ilang beses kaya sa isang araw kong sasabihin ang salitang 'yan?

Naupo ako sa isang bench sa parking lot na katabi lang din ng amusement park. Kalat ang mga dekorasyong binabagay sa okasyon sa araw na ito.

Valentine's Day.

Sino ba si Valentine? Bakit nagtakda pa siya ng ganitong araw?

Dito. Dito mismo sa bench na ito, dito kami naupo matapos naming kumain ng pananghalian tatlong taon na ang nakalilipas.

Napahawak ako sa aking tiyan at pinunasan ang luhang hindi ko namalayang tumulo.

Bakit ba gano'n? Masaya naman 'yung alaala, e. Bakit ako umiiyak?

"Ataisha."

Tumaas ang tingin ko sa nagsalita at nakita si Creed na nakatayo sa harap ko. Akala ko ay mag-aalala man lang siya na mag-isa ako dito o kaya ay kung bakit ako umiiyak, pero ano pa nga ba? Malamig lang niya akong tinitigan.

Nasa'n pala 'yung babaeng kasama niya kanina?

Nagpalinga-linga ako sa paligid, hinahanap ang babae. Baka mga ilang segundo din lalabas na 'yon. Ayoko namang mahuli niya kaming nag-uusap ni Creed, baka ako pa ang pag-initan niya.

"C-Creed."

Mabagal akong tumayo para mapantayan ang tingin niya nang gaano kaysa naman nakababa ang tingin niya sa akin. Mukhang wala din naman kasi sa plano niya ang tabihan ako sa bench.

"Why are you here? Sinusundan mo ba ako?"

He looked pissed. Umatras ako at ready nang tumakbo. Natatakot ako kapag galit siya.

But before I could even take a few steps, he was already able to capture my hand to stop me.

"Bakit ka tatakbo? I asked a question, right?" Dumiin ang hawak niya sa palapulsuhan ko kaya napa-igik ako. "So, ano? I'm correct? Sinusundan mo nga ako?"

Pilit kong inaagaw ang kamay ko pero lalo lang dumidiin ang hawak niya. Naiiyak na ako.

Lahat ng frustration ko simula pa kanina nang makita ko sila ng babae niyang pumasok sa restaurant ay bumuhos sa akin na parang ulan lang. Right there and then, Ataisha Alzona cried once again.

"Putangina, Ataisha. 'Wag mo akong iiyak-iyakan!" Malakas niyang binitawan ang pagkakahawak sa pulsuhan ko. Akala ko ay tapos na siya, pero humawak iyon sa panga ko. "Follow me once more, there will be consequences. Remember that."

Mabilis siyang naglakad palayo at naiwan ako roon na nalulugmok na naman. Lunod na lunod na ako sa mga luha ko.

Napaupo akong muli sa bench at pinikit ang aking mga mata. Ang sakit sakit sakit na. Kailan ba 'to titigil?

Mabilis akong tumayo at hahabulin na sana siya pero natigilan ako nang biglang umilaw ang langit. Dahan-dahan akong napaharap sa likuran ko at nakita ang langit na umiilaw nang paulit-ulit dahil sa fireworks display.

Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ang kirot doon.

Hinanap ko. Hinintay ko hanggang sa matapos ang display pero hindi lumabas doon ang pinangako niya.

Mapait akong ngumiti. Bakit naman lalabas? Dalawang taon lang pala valid 'yung pangako niya.

Hindi na sa ika-tatlo. Hindi na ngayon.

Dumaan ako sa amusement para lang bigyan ito ng huling bisita. Alam kong pagkatapos nito, baka hindi ko na kayanin pang muli na bumisita rito. Kahit saan kasi ako tumingin, nasasaktan lang ako. Siya lang kasi ang naaalala ko.

Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng paa ko sa parehas na cotton candy spot na pinuntahan namin ni Creed tatlong taon na ang nakalilipas. I was standing there like a rod.

"Ayy, ikaw pala 'yan, ma'am."

And it was the same tindero.

"H-Hello." Awkward na lang ako na ngumiti at nag-iwas ng tingin.

I don't have it in my plans to buy me a cotton candy. Pero nakakahiya namang nakatayo ako sa tapat ng kaniyang tindahan tapos wala akong sabihin, 'di ba?

"Nakita ko si sir kanina dumaan dito, ma'am. Hindi niyo po ba mahanap ang isa't isa? Nako. Bakit naman po ba kasi kayo naghiwalay."

Hindi ko alam kung double kill o triple kill 'yon. Tamang-tama ako.

Naghiwalay nga ba? Oo, ramdam kong hiwalay na. Pero bakit hindi pa nga niya sinasabi sa akin?

At ako? Bakit pa ako nananatili?

"A-Ah... Hindi po. Hiwalay po kaming pumunta rito." At uuwi din po kaming hiwalay.

Na-sense siguro niya ang nararamdaman ko at ang nais kong ipahiwatig dahil nanahimik na siya. Lalo na't may dumating nang customer niya at na-okupa na siya sa paggawa noong order ng babaeng bata.

Tumigil ako sa tapat ng carrousel.

Buong amusement park ay nadi-disenyuhan ng mga pulang puso at iba pang dekorasyon na naaangkop sa okasyon ngayong araw. Halos lahat din ng mga tindero't tindera sa mga tindahan ay mga nakapang-Valentine's talaga ang mga outifts. Pati nga iyong mga staff na nakatoka sa pagpapaandar noong mga rides ay nakapang-Valentine's din ang damit.

Hindi naman masakit sa mata pero naiinggit ako na dati isa ako sa mga babaeng ito na may kahawak-kamay na lalaking mahal na mahal niya.

Marami din ang magpapamilyang magkasama. Pero karamihan talaga ng mga nakikita ko ay mga teenager at mga kaedaran kong nagdi-date.

Nawawala na siguro ako sa katinuan kasi nakatayo ako sa gitna ng maraming tao. May mga taong nagtatakang tumingin sa akin at may iba naman na tinititigan talaga akong nakatayo lang roon.

Sa mismong lugar kung saan bigla lang siyang lumuhod at sinabi sa akin ang mga katagang iyon.

Mahal na mahal pa'rin kita, Creed. Bakit ba tayo nagka-ganito?

***

February 14 ended differently this year. Noong nakaraang taon, ako ang kasama. Ngayong taon, iba na.

"Quit giving your mind wings to fly, Aia."

February 15 and I'm back to normal. It was indeed just a day.

Nalipat ang tingin ko kay Saskia na kasalukuyang inaayos ang pagkakakabit ng kanyang fake eyelashes. Minsan nagtataka ako kung paanong hindi nabubulag itong kaibigan kong ito na talagang tapat na tapat sa salamin ang mga mata niya na puno ng bombilya kapag nagme-make up.

Kaya 'yung akin talaga, pinapasara ko.

"Ang bilis lang ng panahon, Sas. That's all." Ngumiti ako nang pilit at tinitigan muli ang aking sarili sa salamin.

"Bakit mo naman 'yan nasasabi?"

I was sensitive to that question, pero hindi naman niya alam 'yon kaya okay lang. Huminga muna ako nang malalim.

Dati, masaya pa. Dati, lagi siyang andito para iparamdam sa'kin ang suporta niya. Dati... puro na lang dati.

"Wala." Nag-iwas ako ng tingin at sinipat na lamang ang damit ko. I was just wearing a simple dress for the performance. Hindi naman kailangang masyadong bongga. Hindi naman kasi ako nando'n para maging model. Ando'n ako para mag-perform. "Bilisan mo na diyan."

Lumipad ang tingin ko sa may pinto. It was a force of habit. Some habit done unconsciously. Even my head turning to it, showing a perfect muscle memory.

"Bakit nga pala 'di ko nakikita 'yon nitong mga nakaraang buwan dito? That's how busy he is?" Binitawan niya ang mascara sa lamesa at binigay sa akin ang buong atensyon. "May nangyari ba? Kayo pa naman, 'di ba?"

Nag-iwas ako ng tingin dahil baka maiyak pa ako dito. May performance kami, hindi ako pwedeng magmukhang kinagat ng bubuyog mamaya.

"Oo, kami pa." Pinulot ko ang mic ko sa lamesa para kung sakaling tawagin ako mamaya, hindi na ako babalik dito. "Labas na ako."

***

I think these people spent Valentine's Day just the same as to how I did it. At lahat sila nandito.

'Yung mga nire-request nilang kantahin ko ay mga brokenhearted song, na para bang hindi Heart's Day kahapon.

At kung may tao man ditong mas kayang kantahin iyon nang buong-buo ang emosyon, that would be me. I'm just so damn sure.

Madilim ang audience kaya hindi ko makita ang kung sino man sa mga ando'n. Plus the spotlight blinding me completely.

Mga boses na lang ang pinapakinggan ko.

"One More Shot by CIL po." narinig kong mahinhin na saad ng isang babae.

Ngumiti ako nang matamis, problems temporarily forgotten.

I know the song. Isa iyon sa mga pinapakinggan ko kapag ramdam na ramdam kong down ako.

"Your wish is my command." Ngumiti ulit ako bago kalikutin ang laptop sa aking tabi.

I listened to the guitar plucking after playing the instrumentals of the song. Ang ganda-ganda pakinggan.

I smiled before singing the chorus and gripped my microphone tightly.

I can't help but close my eyes while singing the song.

Bakit kahit na gaano pa ka-positive sa parte ko ang kanta, ang sakit pa rin? Bakit gano'n? Bakit hindi ko man lang maalis sa sarili ko 'yung sakit kahit saglit lang?

"Puro kayo sad songs!" nagulat ako sa sigaw na iyon mula sa isang audience doon nang matapos ako. "Why not empower yourselves instead, women?!"

I smirked. I like this guy. Mukhang nairita na siya sa mga pinapakanta.

"Empower us then." sabat noong babaeng nag-request ng One More Shot.

Ngumiti ako at nakisabat na. "Do you have any song in mind, mister?"

"I'd like to see you stand up from that stool and sing This Is How I Learn To Say No by Emeline." narinig ko ang boses niyang parang natutuwa. "Now, that's more like it."

My brows raised. Know that song, too.

"Okay, mister. Coming right up!"

I pushed him off of my mind. Creed. Dati lang ay siya ang panay suggest ng kanta sa akin. Ayaw niya pa bigyan ng chance ang iba dahil panay bigay siya ng kanta hanggang sa matapos ang turn ko sa stage. Ngayon ay sa ibang tao naman ang kakayahang gawin iyon.

I started singing the song, feeling every word.

Why is this song just so powerful?

Why is this song so real?

Ako kaya? Kaya ko kaya maging ganyan ka-strong?

Am I seriously relating the song to myself?

Kaya ko ba? Kaya ko ba siyang bitawan tulad ng nagawa noong babaeng nagsulat at kumanta ng kantang ito?

Can I learn to say no, too? Am I capable of saying no?

Can I refuse?

Can I say it's over?

Sometimes I just got to go…

Sometimes I just got to go? Pero hindi ko kaya.

Masakit. At hindi ko gugustuhing harapin iyon.

Not now. Not ever.

Nanghihina akong bumaba sa stage after ng turn ko sa kanta. Nang makapasok sa back stage, agad kong tinungo ang desk ko na may mga bote ng tubig. Nauhaw ako doon. Pinabirit ba naman ako, e.

"Nice song."

Nabitawan ko ang boteng iinumin ko sana. Natapon ang laman noon sa sahig dahil natanggal ko na ang takip noon.

"No need to be shocked."

Prente siyang nakaupo sa sofa doon.

"C-Creed..."

"I visited my cousin, not you. Nasa'n pala siya?"

Napaatras ako nang tumayo siya at namulsa. Naka-suit pa siya at mukhang kagagaling lang sa opisina.

Mabilis na tinuro ng hinlalaki ko ang pinto na nagli-lead sa stage. "U-Uh... turn na niya."

Nasaktan ako sa sinabi niya. Oo na. Tanggap ko na. Hindi na ako ang magiging dahilan kung bakit siya bibisita rito. Kailangan pa bang harap-harapang sabihin 'yon sa akin?

"You know how I hate you so much?"

Here we go again.

"Creed," napapikit ako nang mariin. "'Wag dito, please. Pagod ako ngayon."

"And do I care?"

Alam kong ayaw niyang umiiyak ako, but I can't help it. Kanina pa ako nasasaktan. Bukod sa mga alaala naming masaya na lagi na lang akong ginagambala at pinapaalala ang reyalidad na hinding-hindi na 'yon babalik, 'yung mga kinanta kong kanta kanina ay lubos din kung tamaan ang puso kong basag na basag na.

Ayaw niya akong umiiyak? Oo, tama naman 'yan. Dati, ayaw niya dahil ayaw niya akong nakikitang nasasaktan. Ngayon, ayaw niya akong nakikitang umiiyak dahil nagpapaawa lang raw ako sa kaniya.

Wala sa sariling lumipad ang kamay ko sa tainga ko at dinamdam ang hikaw na nakasabit roon. Siya. Si Creed. Ang nagbutas ng tainga ko. Takot kasi ako sa mga matutulis na bagay kaya hindi ko kayang magpabutas ng tainga sa labas.

But with Creed, I have my trust in him.

Nakita kong sinundan ng malamig niyang tingin ang paglipad ng kamay ko sa aking tainga. Iniwas din niya kaagad ang tingin roon at nilipat sa aking mga mata.

"Umuwi ka nang maaga mamaya."

Wala na siyang ibang sinabi at dire-diretso nang lumabas roon.

Lumipad ang aking kamay sa tapat ng aking puso. Pinakikiramdaman ang lakas ng tibok ng puso ko.

No matter how this painful situation affects me, I still love him the most.

***

"Putangina mo! Hayop ka! Take your pretty words and go choke! Gago ka!"

Nangiwi ako sa sigaw ni Saskia. Close na ang Complex pero naiwan pa rin kaming dalawa dito sa back stage.

Bigla na lang kasi siya nag-aya na manood daw kami ng palabas.

At talagang ginamit pa niya ang lyrics ng kinanta ko kanina.

Galit na galit lang naman siya doon sa bidang lalaki na bigla lang nanlamig sa kaniyang asawa. May mature scenes pa nga sa palabas at parang ganadong-ganado pa sa pinapanuod si Sas dahil doon.

Pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko kundi ma-hook sa palabas. Napaka-similar kasi sa nangyayari sa amin ngayon ni Creed.

Ang dahilan noong lalaki ay dahil meron na raw siyang erectile dysfunction at malinaw nga'ng pinakita sa palabas na mahilig 'yong babae. Takot siyang ma-disappoint 'yong asawa niyang babae kaya lumalayo na siya't nanlalamig.

Sa conclusion ng palabas, hindi ko maiwasan na maiyak.

Wala naman raw iyon sa babae. Kung umamin naman raw siya, okay lang. Hindi naman daw niya ipipilit ang sarili sa lalaki. Na hindi naman talaga iyon importante. Parang naging habit niya lang iyon dahil mahal na mahal niya ang asawang lalaki at gusto niya ito mapaligaya.

Pero hindi naman kami gano'n, e. Ours was a lot different.

"Umuwi na kaya tayo?" nalilis ang atensyon ko sa laptop niya nang magsalita siya. Katatapos lang ng palabas.

"Hala, oo nga!" Mabilis akong napaupo nang diretso at sinilip ang orasan sa dingding.

Patay!

"Kailangan ko na nga'ng umuwi." Pinagpapawisan na ako. Ayaw na ayaw kong nagagalit si Creed.

"'Wag na. Sa akin ka na lang sumama. My penthouse is nearer."

Aayaw pa sana ako pero wala na akong nagawa nang hindi niya niliko ang kotse sa direksyon na dapat likuan kung papunta sa bahay namin ni Creed. Nagdire-diretso siya patungo sa tower nila na hindi kalayuan sa Complex na pinagtra-trabahuan namin.

Hindi naman kami nagtra-trabaho doon dahil wala kaming pera o ano, parang naging hobby lang namin ang kumanta-kanta lalo na after a long day.

***

Malakas ang tibok ng puso ko habang nakatayo sa tapat ng gate ng bahay namin ni Creed. May sa dalawang taon na rin kaming nakatira rito. Kaming dalawa lang.

Back then, I was so madly in love with him. Hanggang ngayon pa rin naman yata, e.

Kung dati ay puro lamang pagmamahal ang nararamdaman ko sa tuwing tatayo ako sa tapat ng bahay na ito na pinatayo niya para sa aming dalawa, ngayon ay nahahaluan na ito ng kaba at takot.

Hindi ako sinasaktan ng pisikal ni Creed, but his words and actions were enough to kill me all the time.

Dahan-dahan akong pumanhik patungong kusina nang makapasok ako sa front door. Tinanggal ko pa ang suot kong heels at baka makalikha pa iyon ng mga ingay na maaaring gumambala sa tulog niya. Maaga pa at baka tulog pa siya. Hindi ko naman inaasahang naroon na pala siya sa sala.

"How was it? Kamusta ang tulog mo sa tabi ng kabit mo? Masarap ba?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 49: F.A.

    "Bakit po ba? Ang weird ng mga reaksyon niyo.""Wala po 'yon, Ma'am. Nagulat lang po kami kasi akala namin sasakay kayo rito sa truck. Wala po kasi itong air-con." napapakamot sa ulo na saad ng driver.My mouth fell open at the realization. Mabilis akong umiling-iling. "Nako! Hindi rin naman po problema sa akin kung sasakay ako diyan, hindi naman po ako maarte. Dadalhin ko lang po talaga 'yung sasakyan ko kasi one way lang po itong turck at hindi na babalik dito sa bahay mamaya. Sayang din naman po ang gasulina nito kung ihahatid pa ako dito."Marami pa kaming napag-usapan para masiguro na hindi mapapaano ang mga prutas at gulay habang nasa biyahe. Medyo malayo din kasi talaga ang sentro dito. Kung lalakarin, baka abutin ng ilang oras.Hindi na ako nagpalit pa ng damit at dumiretso na sa sasakyan. Mabuti na lang at nasa bungad lang din ng sala 'yung susi ng sasakyan ko kaya hindi na ako nagtagal sa loob. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko sila

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 48: Truck

    Sana kung totoongmay pake siya sa relasyon namin, he will always try to fix things with me. Ipapaalam niya kung saan ako nagkamali para maayos pa namin.But what did he do?Instead of doing all means necessary to fix us, nagalit pa siya't lumayo sa akin.Tama na. Ayoko nang nakikita 'yung sarili kong namimilipit sa sakit sa tuwing iniisip ko siya at ang mga memoryang pinagsaluhan naming dalawa.What's done is done. Bakit ba kailangan kong palaging ipilit na may chance pa?Nagmumukha na akong tanga sa pag-ibig sa ginagawa ko, e. I should stop this. Tigil na. Tama na 'yung mga luhang sinayang ko sa allaking hindi naman deserve 'yon.Sure, naniwala at pinanghawakan ko galaga 'yung mga pangako niya, Mahal ko, e. Pero ngayon... I don't think holding on is smart. In fact, it's a very stupid move.Kung wala na, wala na! Bakit kailangan pang ipagpilitin 'yung sarili?Too much stup

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 47: He's Creed

    "Hija, anong nangyare?" rinig kong alalang tanong ni Lolo.Nakarinig ako ng malalaking yabag na nagmamadali palapit aa direksyon namin pero wala doon ang isip ko. Nanatili ang tingin ko sa photo album na nakabuklat pa din at nakatingala sa akin."What happened her, Lo?" rinig kong tanong ng isang baritonong boses mula sa direksyon ng pinto.That voice..."Creed, apo."My lips were shaking, tears on standby. Hindi ko kayang pigilan. Sobrang pagkaliti ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halong pagtataka at pagkagulat.Bakit? Bakit sa lahat pa ng pwedeng maging apo ni Lolo... si Creed pa talaga?Hindi ko magawa-gawang iangat ang paningin ko. Hindi ko nga kayang maatim na makita siya, ang mukha niya.Ramdam na ramdam ko 'yung kagustuhan kong yakapin siya, halikan siha, bumalik sa kaniya. Ang lakas no'n. Ramdam na ramdam ko.'Yung damdamin ko, para bang hindi ko hawak ang pagde-desisyon at p

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 46: Photo Album

    I was so hooked with Chicago Med na as soon as nakauwi ako, kumain kaagad ako ng dinner. After eating, I immediatly took a quick bath. Syempre, naglinis din muna ako ng mga ginamit ko sa hapunan.Kaya ayon. Tinanghali ako ng gising.Literal na nataranta talaga ako as soon as I laid my eyes on the wall clock sa bedside table ko. Para akong biglang sinilaban at nagmamadaling pumasok sa banyo.I promised Lolo na pupunta ako ng umaga tapoa anong oras na? Mag-aalas onse na. Super late na.Hindi ko na naisip pa na kumain ng agahan at dumiretso na palabas papunta sa sasakyan ko.Mabilis ang pagmama eho ko papunta sa bahay nila Lolo. Well, tanggap ko naman nang late ako kaya hindi masyadong exaggerated 'yung pagpapatakno ko, but still! Nangako ako, e.Ano na lang iisipin ni Lolo sa akin, na hindi ako marunong tumupad ng pangako? Na mangangako ako talos hindi ko na,an tuuparin?I knew I should n

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 45: Waited

    Nang dumaan ako harap ng isa pang guard na nagbibigay naman ng number card, nagpasalamat din siya sa akin so I did the same.Mabilis akong pumasok sa sasakyan ko. Mahirap na kung bigla na lang makuha 'yung bag ko mula sa kamay ko tapos itakbo. Ang saya-saya no' at may 50k na agad siya sa pagtakbong ginawa niya.Pinaandar ko na ang sasakyan ko paalis doon. Dumaan din ako sa gasulinahan para mapakargahan 'yung gas tank. Pina-check ko din kung okay pa 'yu g hangin sa gulong. Sinabi ko na din na kukuha ako ng service ng car wash kaya lumabas na ako ng sasakyan.Mabuti na lang at may lounge sila doon na air conditioned kaya pwede maghintay doon habang nililinis pa nila 'yung sasakyan ko. May Wi-Fi din pero wala naman sa isip ko 'yan ngayon kaya hindi o na lang din pinansin.Nang matapos sila, maaga pa din talaga kaya naisipan kong umuwi muna. Masyadong risky kung mananatili ako sa sentro na may dala-dalang 50k sa bag ko.Dumaan ako sa Drive Th

  • A Billionaire’s Liaison    Chapter 44: Far-Fetched

    Hindi pa din talaga ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Lolo at Tita kanina. Talagang decisive na sila sa gusto nilang mangyari, I never sensed the hesitation sa bawat salita ngkumpirmasyon na sinambit ng bibig nila.Hanggang ngayon talaga, hindi ko pa din nadi-digest sa sistema ko lahat ng sinabi nila sa akin.Tumitig ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga.Totoo ba? Lahat ng ito, mapapa-sa akin nang hindi ko kailangang magbayad.Alam kong ako na ang magbabayad ng taxes nito simula ngayon dahil nalipat na sa panbalan ko ang pagmamay-ari nito pwro syempre, iba pa din naman 'yung binili ko talaga 'to. 'Yung pakiramdam na maglalabas halaga ako ng milyones para sa first house ko.Hindi talaga nagsi-sink in sa utak ko na akin na 'to at ha wala taaga akong nilabas na lahit isang piso para dito. I feel unsatisfied, to be honest.Should I just wire some money to Lolo's bank account without letting him know that I'm planning t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status