Share

CHAPTER 07

Maligamgam na tubig ang lumalabas mula sa hawak ni Lucine na ipinaaambon niya sa katawan ng lalaking nakaupo sa silya. Marahan niyang sinasabunan ang bawat parte ng katawan nito, pilit binabaliwala ang titig ni Amadeus sa kaniya na tila sinusundan ang bawat galaw niya. Hindi niya alam kung bakit siya ngayon nakakaramdam ng pagkailang gayong hindi naman ito ang unang pagkakataon na gawin niya ito sa pasyenteng inaalagaan.

Itinigil niya ang ginagawa matapos mabanlawan ang katawan nito ng tubig. Inangat niya ang ulo at nagtama ang kanilang mga mata. Segundo ang lumipas bago niya maibuka ang bibig niya.

" Mayroon ba kayong gustong sabihin? " tanong niya saka ibinalik ang hawak niyang sabon sa lalagyan.

" Nagtataka lang ako dahil parang normal na sa'yo ang makakita ng hubad na katawan ng lalake, " anito, " Kung tama ang pagkakatanda ko, ito ang unang beses na pumasok ka sa ganitong trabaho. "

" Sa katunayan, noong una ay kinabahan ako pero dahil parte ito ng trabaho ko, kailangan ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status