Galit-galit na naman kayo....
“Susunod kami sa inyo. Your Lolo Manolo planned to stay here longer. Baka sa susunod na araw. Hindi ko naman maiwan dito na nurse lang ang kasama.” Halos ayaw nang pakawalan ng ina si Meredith habang yakap nang mahigpit. Kung tutuusin, magkikita rin naman ang mga ito sa Maynila. “Sige po, Mommy. Hindi ko na lang po gigisingin si Lolo.” Yumakap din si Meredith kay Tito Lorenzo. “Be good, hija. Dapat ganito ka lagi. Bawasan mo ang pagiging mahiyain mo. Pamilya tayo rito.” Ngumiti lang ito nang kumalas sa tiyuhin. Si Tito Lorenzo na ang nagbukas ng pinto para sa mga ito. Nasa harapan si Meredith, sa backseat naman si Cali. Sasabay ang pinsan sa kanila. Mananatili muna si Tito Lorenzo at Exir sa farm. May sira ang mga pananim na mga bulaklak at kailangan ang expertise ni Tito Lorenzo. “Princess, behave, okay?” “I am always behaved, Daddy.” Kumindat pa ang pinsan sa daddy nito. Fondly, ginulo ni Tito Lorenzo ang buhok nito bago isinarado ang pinto. “Lorenzo, she’s big already. Dalaga
May kung anong ingay na umaalingawngaw sa kanyang tainga at ginigising ang diwa niya. Sa paanan ng kama nagmumula ang ingay sa pakiwari niya. Binuksan niya ang namimigat na mga talukap. Inut-inot siyang bumangon at sinundan ang nakabubulahaw na tunog. Saka lang luminaw sa kanya kung ano iyon, tunog ng telepono na nasa loob mismo ng kanyang sling bag na nkahandusay lang sa sahig. Inabot niya iyon at dinukot sa loob ang maingay na aparatu. Si Mommy Audrey o ‘di naman kaya ay si Tatay Ramon ang karaniwan niyang caller. Pinindot niya ang answer button nang hindi pinagkaabalahang alaimin kung sino sa dalawa ang tumawag. “Hello,” napapagod niyang sagot na muling nahiga nang patihaya sa kama at pumikit. Halos mahulog na sa edge ng higaan ang ulo niya. Ang buhok ay hinayaan niyang lumaylay lang sa ere. “Oh, my God! Mere, finally, sumagot ka rin!” Si Mommy Audrey ang nasa kabilang linya. Nanginginig ang boses nito at tila takot na takot. Dahilan para humulas ang anumang natitirang antok sa k
Nalilito siya kung tanong o deklarasyon ang sinabi ni Caleb. It was said almost incoherently. Halos pautal ang boses nito. For one moment there, tila tumigil sa pagpintig ang puso niya. Panandaliang huminto sa pag-inog ang mundo at nakatitig lang sa lalaki. Nahihirapan ang utak na iproseso ang lahat. Tinawag siyang asawa sa panahong nagdesisyon silang maghiwalay na. “Meredith…”This time ay mas klaro nitong binanggit ang pangalan niya. Nabawasan na ang tila ngatal sa tinig nito. Dahan-dahang umangat ang palad ni Caleb. Inaanyayahan siyang lumapit.“Oh, my God!” naiiyak na bulalas ni Mommy Audrey habang nakatitig sa anak.Habang masaya si Mommy Audrey at ang medical team na nakapaligid sa kanila, kabaligtaran ang naramdaman ni Ashley. Malapit lang ito sa kanya pero kinakabahan siyang silipin ang reaksyon sa mukha nito. Babae siya, kahit may lihim siyang disgusto sa babae, ramdam niya ang hirap ng kalooban nito. Sa huli, nilingon niya ito. Kahit may pilit mang ngiti sa mga labi, naaani
Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase ni Meredith sa unang subject. Lakad-takbo na nga ang ginawa niya para lang makaabot sa oras pero sadyang minalas siya sa umagang ito. Tagaktak ang pawis nang marating niya ang palapag ng unang klase. Pagbukas niya ng pintuan, napahinto kaagad sa pagsasalita ang professor at pinukol siya ng malamig na titig. Kasalukuyan na nitong tsini-tsek ang attendance at pangalan pa talaga niya ang tinawag.“Oh, Miss Ocampo, it seems like you have a different clock system than mine.”Napatungo siya dala ng hiya. Ang harsh ng guro niya. “Do you still have plans to join us, Miss Ocampo?”Nagsimula nang gumawa ng bulungan ang mga blockmates. Pinagtatawanan na siya. “I’m so sorry, Ma’am.”Tumaas lang ang kilay nito at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Nanliliit ang pakiamdam niya. Outcast na nga ang pakiramdam niya, nadipina pang lalo. Tungo ang ulo niyang naglakad patungo pinakadulong upuan. Her usual spot in any given classroom setting. Walang kat
Sa sumunod na mga linggo, naging subsuban siya sa pag-aaral. Malapit na ang finals, siksik siya sa sa mga aralin at schoolworks. Nakakatuwa lang na malapit na niyang ma-survive ang isang trimester. Pag-uwi niya sa kanila, kakausapin niya nang masinsinan ang tatay niya na sa probinsaya na lang siya magpapatuloy sa pasukan. Ano mang pangungumbinse sa sarili ang gagawin niya, hindi niya talaga magawang magustuhan dito sa Manila. Mas gusto niya ang lifestyle sa probinsya. Miss na niya ang tatay niya. Kagabi, nang tumawag siya, pinag-aalala siya nito nang husto nang panay ang pag-ubo nito."Wala ito," ang sagot nito nang komprontahin niya. Minsan, sinungaling din ang tatay niya. Kaya, buo na ang desisyon niya. Uuwi siya. Kailangan ni Tatay Ramon ng mag-aalaga at sasaway kapag nagiging matigas na ang ulo at panay trabaho sa bukirin. Ayaw kasing mag-asawang muli. “Itutuon ko na lang ang atensyon sa pag-aalaga sa’yo, anak," madalas nitong sabihin na sa tuwina ay kumukurot sa puso niya. Hindi
"It would help him if he stays in a familiar place.”Sinunod nila ang bilin ng doktor. Ang pamilyar na lugar na napili ni Mommy Audrey ay ang mismong farm ng pamilya sa Bulacan.“It was a happy place for Caleb. He spent most of his childhood there. Actually, that place was a retreat for him.”Kung gusto talagang makaalala ni Mommy Audrey ang anak nito, mas dapat na hindi ito ilagay sa isang secluded na lugar. Mas okay na nakakasalamuha nito ang mga kakilala, mga katrabaho, mga kaopisina. Pero hindi niya maitatanggi na nakaka-excite rin ang balak nito, at the same time, nakakakaba. Sa pinakaunang beses kasi ay magsasama sila ni Caleb sa iisang bubong na ang tanging ideya nito ay tunay na asawa siya nito.Well, technically, mag-asawa pa rin naman sila. Kaya, bahala na si Batman. She'll take the risk and if she'll regret later on, saka na niya iisipin. Gusto lang naman niyang sumubok. Tahimik lang si Caleb na nakatitig sa labas ng bintana ng sasakyang maghahatid sa kanila sa Bulacan. Mag
Kanina pa tapos si Meredith sa paliligo. Nakapagpalit na siya ng damit pantulog. Suot niya ang pajama pair at nakabalot pa rin sa ulo ang puting tuwalya. Muli niyang tinitigan ang repleksyon sa malapad na salamin. Ngayong gabi ay muli silang magtatabi ni Caleb. Isipin pa lang, kumakabog na ng husto ang puso niya. Lumaganap ang samu't-saring emosyon sa kanyang dibdib. Tinanggal niya sa wakas ang tuwalyang nakabalot sa ulo at itinabi iyon. Nalaglag sa mga balikat niya ang basang buhok. “Meredith?”Napapitlag siya nang marinig ang mahinang katok sa pintuan. Tatlong beses na itong balik nang balik sa banyo at tsini-tsek kung napaano siya.“Lalabas na, sandali lang!”Hinamig niya ang sarili. Bumuga ng hangin at saka nagdesisyong lumabas na nga. Muntikan pa siyang mapaatras nang sa pagpihit niya ng seradura ay natagpuang nakatayo sa mismong gilid ng pinto si Caleb. Nakasandal ito sa pader at halatang hinihintay siya. “Hey, okay ka lang?”Inabot nito ang kamay niya at sinuyod ang kabuuan
“Caleb!”Napabalikwas siya nang maramdamang wala na ito sa tabi niya. Kagabi lang ay natulog silang magkayakap. Kulang ang umaga kapag nagigising siya na wala ito sa tabi. Bumangon siya at hinanap ang lalaki. Sinilip niya ito sa banyo pero walang tao sa loob.“Tingin ko kaya mo, Sir.”Napatakbo siya patungo sa terrace nang marinig ang mga ingay sa ibaba. Pumapasok sa nakabukas nang bintana ang mga tinig sa labas. May tila paa din ng pumapadyak na kabayo. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang nasa labas na ang asawa kasama ng anak ni Manang Lorna na si Mario. Ito ang tumatayong tagapag-alaga ng mga kabayo. May kalayuan ang kwadra pero sa tindig pa lang, nasisigurado niyang si Caleb iyon. Nag-uusap ang dalawa habang panay naman ang himas nito sa likuran ng hayop. ‘Di gaya noong mga nakaraang araw, nakikipagngitian na ito sa katiwalang si Mario. Nagsisimula na itong magtiwala sa lalaki. Sa loob kasi ng ilang araw na nandidito sila, madalas niya itong nakikitang tahimik lang na nakatit