MasukWarning: Matured Themes Ahead 🔞 Pinalaki si Celeste "Tel" Carvajal ng nanay niya para gumanti sa mga Yuchengco na pamilya ng lalaking wumasak sa puso nito noon. Nang makatapak sa Manila, wala siyang ibang ginawa kung di ang hanapin ang unico hijo at golden boy ng mga Yuchengco na si Levi. Sa pagkukrus ng landas nilang dalawa ay agad na mabubulilyasa ang plano niya. Paano ba naman? Bukod sa si Levi ang naging savior niya nung gabing kailangang-kailangan niya ng tulong, makalaglag panty rin ang kakisigan at pagiging gentleman ng nasabing pinaka-batang bilyonaryo.
Lihat lebih banyak"AT 25, Levi Yuchengco became the youngest chairman and CEO of a publicly listed company in the history of the Philippine Stock Exchange when LYC Engineering had its initial public offering in 2019 with a value of ₱2.7 billion. LYC Engineering was among the few select 200 companies that were able to list in the PSE—" Mabilis kong hinaklit ang notebook mula sa kamay ni Sora. Dahan-dahan itong pumihit paharap sa akin at saka namewang.
"Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na huwag mong pinakikialaman ang mga gamit ko," inis na turan ko rito. Tatalikuran ko na sana ito nang marahan niyang hinila ang iilang hibla ng buhok ko. "Talaga bang sumama ka rito sa akin sa Manila para maghanap ng trabaho o para mapalapit diyan sa Levi Yuchengco na yan at nang magawa mo na iyang binabalak mong paghihiganti? "Para magtrabaho, at maghiganti na rin." Inirapan ako ni Sora. Isa-isa niya nang inalis ang curler sa buhok. "I'm all for this revenge shit. Suportado kita simula college tayo, pero Tel." Bumuntong-hininga si Sora, "Pa-dalawang buwan ka na rito sa Manila. Ayaw kitang i-pressure kaya lang grabe na yung ngawa ng wallet ko. Maganda lang ako at makinis ang balat kaya mukhang mayaman, pero alam mo naman na sakto-sakto lang ang kinikita ko. Kapag hindi ka pa nakapaghanap ng trabaho, sa kangkungan na pupulutin ang ganda nating dalawa." Ngumuso si Sora at marahang pinisil ang mga pisngi ko saka pilit na pinagtapat ang mukha naming dalawa. "How about we multi-task, ha, dear? Magtrabaho sa umaga at sa gabi mo intindihin ang oplan ipaghiganti si Tita Beatrice," anito sa akin. Nangunot ang noo ko. "Sa gabi?" "May nasagap akong impormasyon. Makakatulong para mapalapit ka sa anak ng lalaking yon, pero saka ko na ibibigay sa iyo, kapag natanggap ka na sa trabaho." Binitawan ni Sora ang mga pisngi ko at papasok na dapat sa cr nang haklitin ko ang braso niya. I gently fluttered my eyes to make her give in, pero mahinang pitik sa noo ang natanggap ko. "Hindi yan gagana sa akin." "Paano kung matagalan pa bago ako makahanap ng trabaho? Alam mo namang hindi ganoon kadali mag-apply." "May opening kami sa bar." Ngumisi na lang ako rito at marahan nang iniling ang ulo. "Gaga, waitress hindi entertainer, alam ko namang hindi mo kaya iyong trabaho ko." "Ayaw ni Mama, pero bahala na. Pag hindi pa rin ako nakahanap ng kahit na anong trabaho ngayong week. Tatanggapin ko na iyang sa Havoc." Dalawang beses na nag-flying kiss si Sora. "Good luck." Kumawit na naman ako sa braso niya. "A deal is a deal, baby girl. Kaya bitawan mo na ako kasi mali-late pa ako dahil sa iyo. Traffic pa naman ngayon, Friday," aniya. Pag-alis ni Sora. Ni-lock ko ang pinto at dumiretso na sa kusina. Malalim akong bumuntong-hininga habang inaabot ang huling lata ng sardinas sa cup board. "Putangina! Kung hindi dahil sa Leon Yuchengco na iyon, hindi magkakanda-letse letse si Mama. Sana anak mayaman ako, heiress na sa Le Rosey nag-aaral at kasama sa Le Bal des Debutantes." Agad akong na-distract ng text notification mula sa panggagalaiti. "Pang-egg tart mo bukas. Kaonting rewad pagkatapos mong mag-apply, uwian mo rin ako, ha?" Napangiti na lang ako sa notes na kasama ng gcash transfer galing kay Sora. Ala-sais pa lang ng umaga ay wala na ako sa bahay. Maaga akong umalis para marami-rami rin akong mapagpasahan ng resume. Ilang oras na lang at magdidilim na ulit. L***t na ang dila ko, masakit na ang mga binti at nagdudugo na ang mga paa dahil sa blister gawa ng heels. Sunod-sunod na lang akong napamura sa inis sabay hagod sa aking buhok nang makitang puno pa rin ang jeep na paraan, pangatlo na yon na ganoon. "Ano? Wala akong barya, pambayad lang sa jeep ang mayroon ako. Unemployed pa ako, hanapin mo na lang ako pag natanggap na ako sa trabaho," asik ko sa kumalabit sa akin sa pag-aakalang nanlilimos na naman iyon, kanina pa rin kasi ako nilalapitan nang nilalapitan ng mga pulubi. "Baka lang interesado ka—" Inilingan ko na agad iyong babae bago niya pa matapos ang sinabi. "Promise, hindi ako yung target market ng mga modus niyo." Binuksan ko ang coin purse para matanaw niya ang tatlong one hundred at mga barya na laman non, "Eto lang ang pera ko." "Five thousand. Kaliwaan. Pagkatapos ng shoot ibibigay namin agad iyong bayad," anito. Tumaas ang kilay ko. "O, para maniwala ka talaga sa akin ibibigay ko na sa iyo ngayon iyong 2500." Nilabas niya ang maliit na envelope at inabot sa akin. Limang malulutong na five hundred ang laman non. "Ayaw mo pa rin ba?" "A-Ano ba ang gagawin? Legal naman yan?" Mahinang tumawa iyong babae. Kamuntikan niya pa nga akong hampasin na para bang close kaming dalawa, nailag ko lang ang braso ko. "Oo, legal ito! Ano ka ba." Nilabas niya ang isang id. "May shooting kami para sa isang start-up ng swimsuit line. Yung model namin may emergency, hindi makakapunta. Hindi puwedeng i-postpone yung shoot kaya kailangan ng bagong model." Sandaling sinipat ng babae ang kabuan ko. "Sakto ka kasi. Maganda ang mukha pati ang hubog ng katawan." "5k lang? Tas magmu-model ako? Hindi ba lugi ako riyan." Nahuli ko ang pagtagis ng bagang ng babae, tila nauubusan na ng pasensya. "8k. Pero yan na talaga. Kung ayaw mo pa rin. Hahanap na lang ako ng iba. Hindi pa kalakihan ang budget namin. Start-up business nga kasi." "Ok, saan yung set? Malapit lang ba rito? Kung malayo, ok lang ba na ihatid mo ulit ako rito pagkatapos ng shoot? Hindi ko pa kasi kabisado iyong lugar." Tiningnan niya ang building ng isang condo na hindi naman kalayuan sa kinatatayuan namin. "Doon lang." Pagbukas pa lang ng elevator. Habang naglalakad sa hallway papunta ng unit, nagsisimula na akong kabahan. Kung ano-ano na ang naiisip ko kaya lang hindi ko magawang umatras, nasasayangan ako sa pera, ayaw ko na maging bato pa iyong eight thousand. "It's fine, everyone gets cold feet pag first time nila. Nandito rin naman ako, pag-uncomfy ka na sa ipagagawa nila. Senyasan mo ako." Pinihit ako nung babae paharap sa malaking salamin para makita ko ang aking sarili. I look different, it's because of the red lipstick. Akala ko noon, hindi bagay sa akin ang pulang lipstick, mali ako, maganda siyang tingnan sa akin, nakakaakit. Tatanungin ko pa lang sana kung ano ba yung pangalan ng babae kaya lang bigla na akong tinawag ng photographer. Paglipas ng ilang minuto, at pagkatapos ng ilang instruction na sinusunod ko naman pero hindi pa rin nakukuha ang resulta na gusto nila. Binaba na ng photograper iyong camera. "Ang stiff mo, sobrang stiff mo. Ano bang dapat kong gawin para mag-loosen up ka?" Tanong nito sa akin. Minata ng photographer yung whiskey. Nagsalin siya at inabot sa akin yung baso. Tiningnan ko iyong babaeng nag-recruit sa akin, tumango ito, hinihikayat ako na inumin yon at magtiwala sa kanila. Pagkaubos ng pangatlong baso. Halos hindi ko na alam kung ano bang nangyayari sa paligid ko. Nag-iinit ako, at may kung anong hinahanap ang katawan ko. "Ang baba pala ng alcohol tolerance mo," sabi ng photographer. "Higa ka muna. Pabababain muna natin iyang tama mo bago natin ituloy iyong shoot," anito sa akin. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan. Imported yung alak, kaya siguro mas matapang, pero, hindi, parang may mali talaga. "Sakto na yang ganiyan siya, puwede na iyan. Magsisimula na ako," ani ng boses na hindi ko na alam kung kanino ba. Naramdaman ko na lang na may humahalik na sa leeg ko habang unti-unting binabaklas ang bikini top na suot ko, sa isang iglap nawala ang pagkalasing ko, may kung ano pa ring nagpapahilo sa akin. Buong lakas kong binayagan iyong photographer na naka-boxer shorts na lang ngayon. Dahil kaming dalawa na lang ang nasa condo, mabilis na akong nakalabas sa unit habang namimilipit pa rin iyong lalaki dala nang ginawa ko sa kaniya. Malakas akong humagulhol habang hawak ko ang string ng bikini top na suot ko at paulit-ulit na pinipindot ang elevator para bumukas. I cried louder when I saw the photographer limping towards me. Bumukas ang elevator, sumalubong ako ng pasok sa lalaking papalabas dahilan para magkabunguan kami. Mahigpit niya akong hinawakan. Masama ang tingin nito, at babaklasin na sana ang kamay niyang nakahawak sa katawan ko nang tumapat iyong photographer sa elevator. The stranger's chinky eyes flashed anger as his jaws clenched. Umatras iyong photographer at nagmamadaling lumayo sa elevator, hahabulin dapat siya nung lalaking nakabanggaan ko ngunit mabilis akong umiling habang mahigpit na hinahawakan ang mga braso nito. His eyes softened. "Natatakot ako... p-please huwag mo akong iwan. Huwag mo akong iwan dito, b-baka makita ako ng mga kasama niya. D-Dito ka lang, p-please," pagmamakaawa ko habang dahan-dahang dumadaos-us paupo sa lapag ng elevator. Sumarado ang pinto. Inalis ng lalaking ang coat na suot niya saka iyon ibinalot sa halos hubad kong katawan. "I got you, you're safe, Miss. You're safe with me," bulong niya sa nang-aalo, at halos nanlalambing ng tono."Jacques, isa!" Banta ni Uno kay Jacques, hinihila ang braso nito. Si Jacques na lang ang nasa loob ng Klassen. Uno, who was obviously stressed by Jacques turned to Ko-en. "Turn the damn engine off, Ko-en!" He shouted, running out of temper. Sinara ni Ko-en ang pinto ng driver's seat ng Klassen at binagsak naman ni Uno ang pinto sa passenger seat, leaving Jacques inside. "What's the matter with him?" Natatawa kong tanong. "Ayaw bumaba. Mainit daw," Kagan answered. They all started stripping their jackets. Inangat ni Ko-en sa ulo ang shades na suot at tumingin sa paligid. "Where do you and Tel stay? Wala akong makitang bahay, except for that thing...," anito habang tinatanaw ang kubo."Baliw! How can they possibly live there? Baka barn yon para sa mga farm animals...." Soren trailed. Everyone panned their eyes at me, waiting for me to tell them that Soren was right. "Welcome to my humble abode," I said, flipping my fingers while I presented the kubo that is meters away from wher
"I still think that hiring a caterer is too much. It's just my friends, Tel." Tel stopped rummaging through our cabinet for fitting clothes to wear today. It's not her first time meeting my friends. Hindi ko alam kung bakit siya natataranta nang ganito. Nilapag niya ang floral dresses sa kama pagharap sa akin. "Yung mga jina-just friends mo na iyan Levi ay ang siyang bumubuo ng top one percent ng Pilipinas." "And?" "What do you mean and? Dinala mo sila sa bukid! Anak mayayaman ang mga iyon. Hindi sila sanay rito. Maski nga yata ang makakita ng putik ay hindi pa nila na-experience!" I couldn't help but laugh. Paglapit ko kay Tel ay kusa na ring pumulupot ang braso ko sa bewang nito.I kissed her head, and sniffs her hair. Gustong-gusto ko talaga ang amoy ng buhok niya. "They'll be fine. They all wanted to be here. Hindi ko naman sila pinilit." Celeste narrowed her eyes to me. Ayaw maniwala. Tinaas ko ang kanang kamay, swearing to her the truth and nothing but the truth. "At bak
"Tiya tinapay? May nutella saka peanut butter? Si Tiyo kaya ipatawag mo na rin. Dito na kayo mag-agahan," alok ko para maiba na ang takbo nang usapan. Lumapad ang ngisi ni Tiya Melette. "Ay, talaga ba? Nakakahiya." Sumilip siya sa ginagawa ni Levi. "Okay lang po saka parang sinama na talaga kayo ni Levi sa niluluto niya." "Levi. Levi ang pangalan mo hijo?" tanong ni Tiya Melette. "Kapangalan mo iyong boss ng anak ko. Levi rin iyon. Levi Y-Yu... Yuchengco? Levi Yuchengco. Sa LYC nagtatrabaho yung anak ko sa Manila. Kaka-hire lang sa kaniya nung nakaraan." Proud na proud si Tiya. Humarap si Levi na may hawak na spam na hindi niya pa nabubuksan. "Ako po iyon." Levi admitted, and brushes that off with an awkward grin. "Ang alin?" "Iyong boss ni Marlo, Tiya. Siya iyon. Siya po si Levi Yuchengco." "Ay putangina!" Napatakip si Tita sa bibig. "Ay! Pasensya. Nagulat lang." "Tinira mo sa bukid yang anak mayaman na iyan, Celeste? Bakit hindi kayo kumuha ng bahay? Magpatayo? B
Maging ako'y nanibago na ang pawid na bubong at exposed na kawayang ang bumungad sa akin pagmulat ng mga mata at hindi ang pamosong kulay ivory na ceiling ng condo ni Levi. I thought it had sinked in to me last night, hindi pa pala. Ngayon pa lang halos nagsi-settle sa utak ko ang katotohanan na sa kubo na kami nakatira sa gitna ng palayan. Mabilis akong bumaling kay Levi nang marinig ang pagtilaok ng mga manok na sinasabayan na pang-hiyaw ng mga kambing na hindi ko alam kung saan ba galing. Levi rolled closer to me. Siniksik niya ang sarili sa akin. His expression relaxes a bit until those typical noises that he must get used to from now on blares again.Nangunot ang noo niya, naiinis sa ingay. Alam kong gising na ito pero dahil anong oras na ngang nakatulog kagabi. Pinipilit niyang humimbing ulit. "Ano ba iyong mga ingay na iyon!" Anito sa malumanay na boses kahit inis na inis na. Bumangon ako at sumilip sa higaan. Levi wrapped the bolster in between his legs and arms. Walang
I squinted my eyes and lightly shook my head after Sora shoved me away from the gas range. Pinatay niya iyong kalan saka marahang pumihit paharap sa akin. "Kanina pa nagwawala iyong takure. Hindi mo ba naririnig? Nasa harap ka lang." Sora sratched the space between her eyebrow. "Hindi siya maal
"Are you deaf?" "Minsan," alertong sagot ko kay Lee. He chuckled, pati pagtawa niya pang-pogi, tunog mayaman din, tawa ng mga taong financially stable. "Kanina pa kita tinatawag." Tumingin siya sa paa ko. Mabilis na nag-init ang mga pisngi ko, hindi magkandamayaw kung paano ko ba iyon itata
"We should go to the police station now and file a complaint. Muntik na roon, Miss—" "Tel, Celeste Carvajal ang pangalan ko pero Tel na lang," saad ko nang makitang nag-aalinlangan iyong lalaki kung anong itatawag niya sa akin. Inubos ko na sa isang subo ang egg tart na kanina ko pa gustong diret
"AT 25, Levi Yuchengco became the youngest chairman and CEO of a publicly listed company in the history of the Philippine Stock Exchange when LYC Engineering had its initial public offering in 2019 with a value of ₱2.7 billion. LYC Engineering was among the few select 200 companies that were able t






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan