CHAPTER 5
NATIGILAN si Syler sa paghilamos ng kanyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay nang mapansin na mas lalong gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ni Rusty.
Tiningnan niya ito nang pagkasama-sama. Hindi niya tuloy napigilang isipin na nagustuhan nito ang nangyari sa kanila dahil mukhang masaya pa ito, samantalang siya ay balisang-balisa na.
“Nakukuha mo pa talagang ngumiti?” ‘di makapaniwalang bulalas niya.
“Calm down, Sy.” Mas lalong tumalim ang tingin na binibigay niya rito. Hindi niya alam ang salitang kalma ngayon. “Kung sakali naman na may nabuo tayo, paninindigan kita,” kaswal lang na sambit nito. “Hindi kita tatakbuhan.”
Literal na nalaglag ang panga. “Holy cow!” Daig pa niya ang pinompyang nang maraming beses. Mas lalo tuloy sumakit ang kanyang ulo hindi na lang dahil sa hang-over, pati na rin sa mga sinabi nito. “Pa’no nangyari ito? Bakit nangyari? Bakit hindi mo pinigilan ang sarili mo? Bakit hinayaan mong may mangyari sa ‘tin? Alam mo naman na lasing ako ‘di ba? Oh my gosh!” Kaagad siyang nagpanic nang maisip niya kung ano ang mangyayari kung may mabuo nga sila? “Panindigan mo ‘talaga ‘to, Vergara! At huwag na huwag mo talaga akong subukang takbuhan, kung ayaw mong putulin ko ang kayaman mo!” banta niya at natulala naman ito.
“Whoa! Chill,” sambit nito na mas lalo ikinainit ng kanyang ulo.
Pinanliitan niya ito ng mata. “Chill? Pa’no ko magagawang mag-chill lang pagkatapos nito?” bulyaw niya rito. “Hindi ko alam kung ano’ng mukha ang ihaharap ko kay Daddy. Nangako ako. Pinagkakatiwalaan niya ako, Rusty.” Napahilamos siya ng mukha. “Sinabi ko pa naman na ibibigay ko lang ‘yon sa mapapangasawa ko, sa lalaking mahal ko, pero ngayon... sa isang iglap... wala na. Wala na ang iniingatan ko.”
Ilang taon niyang iningatan ang kanyang sarili at hindi niya alam na sa herodes lang na ito mapupunta ang Perlas ng Silanganan.
Nang mapatingin siya kay Rusty ay napansin niyang nakakagat ito sa ibabang labi at par bang hirap na hirap nang magpigil ng ngiti. “Hey, I’m—”
“Oo, alam ko na ang sasabihin mo,” putol niya rito. “Lalaki ka lang? May pangangailangan kaya hindi mo napigilan ang tukso? Ganyan naman kayo, e. Dahil hindi naman kayo ang nawalan.”
Nagulat na lang siya nang bigla itong humagalpak ng tawa na para bang wala ng bukas. “Oh Jesus.”
“What?” Tinaasan niya ito ng isang kilay. “What are you laughin’ at? What’s funny?” Halos magdikit ang dalawa niyang kilay sa sobrang inis. Seryoso siya pero ang lalaking ‘to ay nagagawa pa talagang tumawa.
“Sy, calm down. I need to tell you something.” Pinunasan nito ang maluha-luhang mata at bakas pa rin talaga ang pagpipigil nito ng tawa.
“What is it?” Lihim siyang nagdasal na sana ay hindi niya ito ginapang kagabi. Matino siyang babae. Hindi lang niya alam kung gano’n din ba ang espirito ng alak na sumapi sa kanya kagabi.
Hindi agad ito nagsalita. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Bawat segundo tuloy ay para bang may naririnig siyang drum roll na mas lalo pang nagpapakaba sa kanya.
“Nothing happened. I didn’t do anything to you,” usal nito. “I’m just kidding here, okay?”
Her mouth drops open. “Biro? Biro lang ang lahat?” Bahagyang tumango si Rusty. “Hindi totoo...” Biglang naningkit ang dalawa niyang mata nang magsink-in na sa kanya ang sinabi nito. Bumaling siya kay Rusty na para bang maglalabas na ng usok ang kanyang ilong at tainga. “Walang hiya ka!” Dinampot niya ang unan at hinambalos niya ito sa pagmumukha. “Lintik ka! At nakukuha mo pang magbiro ng ganyan! Kabang-kaba pa naman ako! Peste ka!”
“Uy—aray! Sandali—Sorry na!” daing nito pero hindi siya tumigil. Mas lalo pa siyang nanggigil. “Oh! Aw! Sorry na nga!”
“Sorry, sorry? Ano ka, Super Junior? Sorry mo mukha mo!” singhal niya at hindi pa rin tinigilan ang pagpalo rito. Sinasalag lang naman nito.
Nagulat na lang siya nang bigla nitong hinawakan ang dalawang niyang kamay para patigilin. “I already told you, nothing happened.” Biglang sumilay ang mapanuksong ngiti sa labi nito. “Unless you want to do it.”
Bumilis ang kanyang paghinga kasabay nang pag-iinit ng buo niyang mukhang. Napadaing ito nang bigla niya itong sinikmuraan. “Lintik ka!”
“Sandali. Nakakarami ka na,” ani Rusty na biglang sumeryoso. Napatigil tuloy siya at napalunok nang madiin dahil mukhang nasaktan na talaga ito sa pamamalo niya. “Kapag hindi ka pa tumigil, ikukulong na kita.”
Her eyes widened in disbelief. “W-what?!”
“Sa puso ko,” nakangiting sambit nito bago kumindat.
Tinampal niya ang dibdib nito. “Siraulo!”
Pinilit niyang kumalma. Nakahinga siya nang maluwag. Hindi niya talaga lubos maisip kung bakit naging kaibigan niya ito. Grabe pa naman kung maka-react siya kanina, iyon pala biro lang?
“Bakit iba na itong damit ko? Sino ang nagpalit sa ‘kin?” usisa niya.
His lips formed a mischievous smile again. “Tayo lang dalawa ang narito. Sino sa tingin mo? Hmm?”
Sinamaan niya ito ng tingin. “Kapag hindi mo pa inayos ang sagot mo, gigilitan na talaga kita ng leeg!” nanggigigil na banta niya.
He chuckled. “Oh Jesus. You’re so brutal.” Nawala ang ngiti nito nang mahalata na masama pa rin ang tingin niya. “Hindi talaga ako. Si Aling Dolores. Iyong naglilinis nitong unit ko tuwing weekend,” paliwanag nito.
“Bakit magkatabi tayo?”
“Sa sofa ako natulog kagabi. Lumipat lang ako rito kanina dahil masakit na ang likod ko.” Bigla itong napailing nang dahan-dahan. “Kung alam mo lang ang kalunos-lunos na sinapit ko sa ‘yo kagabi.”
Napahinto siya dahil sa sinabi nito. Hanggang sa unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi nang maalala niyang sinalo pala nito lahat nang inilabas niya kagabi. Mukhang kalunos-lunos nga ang sinapit nito.
“Thank you so much for helping me, Rust. Salamat dahil hindi mo ako pinabayaan. At pasensya na rin sa malaking abala,” she said, with full of sincerity.
Tinitigan siya nito bago ngumiti. “No. It’s okay.”
Kaagad siyang umiling. “No. It’s not okay. Tinulungan mo na nga ako, binugbog pa kita.” Medyo naguilty din siya sa ginawa niya rito.
He smiled. “Bugbog? ‘Di naman ako nasaktan. Para ka nga lang nangingiliti.”
“’Di ka rin mayabang ‘no?” sarkastikong wika niya na ikinatawa nito. “Hindi naman kasi maganda ang biro mo.”
“Magiging maganda lang ‘yon kung tototohanin natin,” he teased.
“Rusty,” mapagbantang sambit niya. “Marunong akong sumira ng reproductive system. Gusto mo bang subukan ko sa ‘yo? Libre lang.”
He laughed so hard. Hindi pa rin talaga ito nagbabago. Masyado pa rin itong pilyo.
“Sinaktan ka muna bago ka pasalamatan,” nangingiting usal nito. “You’re really different.”
Ngumuso siya upang pigilang matawa. “Pero salamat talaga dahil kung wala ka kagabi, baka kung saan na ‘ko pinulot ngayon. Hindi ‘ko naman alam na malalasing ako nang todo. Iyon pa naman ang unang beses—” Nagulat na lang siya nang bigla itong nahiga ulit bago ipinikit ang mga mata. “Huy! Ano’ng ginagawa mo?”
“Matutulog?” patanong na sagot nito at ginawa pang unan ang dalawang kamay. “Ipagpapatuloy ko lang ang pagtulog ko. Nasira, e. Ang ingay mo kasi kanina.”
Unti-unting nag-init ang buong mukha niya. Nag-martsa siya papunta sa pintuan dahil naisip niyang hanapin kung nasaan ang kitchen sa unit nito.
“Gano’n ba?” malaki ang ngiti na saad niya. “Sandali lang ha? Sige. Matulog ka lang muna riyan.”
“Where are you going?” anito na hindi man lang idinilat ang mga mata.
"Kukuha ng kutsilyo,” kaswal na sagot niya kaya naman bigla itong napadilat. “Gigilitan na talaga kita ng leeg, damuho ka!” singhal niya.
Kaagad naman itong napabangon. “Hey, I’m just kidding. Hindi na ‘ko matutulog.”
“Sige, matulog ka, inaantok ka pa ‘di ba?” mapagbantang wika niya.
Mabilis ang naging pag-iling nito. “Hindi na. Biglang nawala. Gising na gising na nga ako.”
Bumuntong hininga na lang siya at dahan-dahang napailing. Noon pa man ay ganito na sila ni Rusty. Palagi itong nang-iinis at siya naman ay palaging asar talo. Gano’n lang sila pero magkaibigan naman sila ng binata. Hindi lang talaga halata.
“Hungry?” biglang tanong nito.
“Grab a snickers?”
“Snickers?” He looked at her with a knotted forehead pero bigla ring naglaho iyon dahil parang naintindihan na nito ang kanyang sinabi. “Oh.” Tinubuan siya ng hiya nang umangat ang isang sulok ng labi nito. “Kailan ka pa naging endorser ng tsokolate?”
“Sabi mo kasi hungry. Malay ko ba kung ‘yon ang tinutukoy mo.” Halos sumakit ang mata niya sa sobrang diin nang pagkakairap niya rito.
“Gutom ka na nga,” naiiling na sambit nito. “Come on. Let's eat breakfast.”
Nasapo na lang niya ang sariling noo nang mauna na itong maglakad palabas ng kuwarto. Mabuti na lang talaga at sanay na siyang ipahiya ang sarili sa harap ni Rusty.
“REALLY?” ‘di makapaniwalang tanong ni Rusty.
Niyaya siya nitong kumain sa Heaven’s Restaurant sa Pasay bago ihatid sa kanila. Sa unit sana nito sila magbe-breakfast pero dahil alanganing oras na ay tumanggi na siya sa alok nito. Buong akala niya ay ihahatid na talaga siya nito sa kanila pero wala na siyang nagawa pa nang dalhin siya nito sa Heaven’s Restaurant. Hindi na siya umangal pa dahil talagang kumukulo na ang kanyang tiyan. Nagmamadali lang naman siya dahil tinatawagan na siya ng kanyang Mommy para alamin kung nasa’n na siya ngayon. Naalala niyang nangako nga pala siya na sasamahan ito sa Bare Salon.
“Boyfriend mo talaga si Leinard Dela Torre?”
“He’s not my boyfriend anymore!” she barked at him. “Correction, ex na dahil ekis na rin siya sa ‘kin.”
“Whoa!” She saw the amusement in his eyes while smiling at her. “Sorry na. Nakalimutan ko lang.”
Inirapan niya na lang ito at humalukipkip. Halata naman na nang-aasar lang ito.
“Bakit? Kilala mo ba siya?” usal niya bago sumimsim ng honey lemon ginger tea. Nalaman niyang mabisa raw kasi itong pantanggal ng hangover. Hindi na talaga siya uulit.
“Unfortunately, yes,” ani Rusty. “Nagtatrabaho siya sa kompanya namin. Small world, huh?”
Muntikan na niyang maibuga ang laman ng kanyang bibig kung hindi niya lang iyong tinakpan kaagad. Labis kasi siyang nagulat sa sinabi nito. Talagang maliit nga lang ang mundo.
“Are you okay?” nag-aalang tanong ni Rusty bago siya inabutan ng tissue paper.
Tumango siya kahit medyo sumakit ang ilong niya dahil napasukan ito ng kaunting tubig. “Seryoso? Doon na nagtatrabaho ang herodes na ‘yon?” Muling tumango si Rusty. Dumiin tuloy ang hawak niya sa tinidor na kasalukuyang natusok sa isang piraso ng steak. Hindi niya napigilang magngitngit sa inis. “Humanda siya sa akin.”
Pakiramdam niya ay bigla na lang naglaho ang inis at pagkaasar niya sa herodes niyang ex-boyfriend nang biglang ngumiti si Rusty. Kahit kailan talaga ay pamatay ang ngiti nito.
“Gusto mo tanggalin ko?” Her eyes widened a bit. “Bago pa lang naman iyon. Magagawan ko pa ng paraan.”
Dahan-dahan siyang umiling. “Huwag na. Salamat na lang. Gusto ko kasing gantihan siya nang paunti-unti. Gusto kong ipamukha sa kanya kung ano’ng sinayang niya. Gusto kong ipamukha sa kanya kung ano ang kayang gawin ng babaeng ibinasura lang niya,” mariing usal niya ngunit bigla rin siyang napahinto. “’Di ko lang alam kung paano ko gagawin ‘yon.”
A smile slowly curved on the corner of Rusty’s lips. “I can help you, Sy.”
She gasped in surprise. “Really?”
He nodded. “Kare-resigned lang ng personal secretary ko and I need a new one.”
“So... what do you mean?” kunot noong tanong niya. “Ako ang magiging sekretarya mo?” turo niya sa sarili.
He leaned back against his seat with a playful smile on his lips. “Yes. You’ll be my secretary dahil kung malapit sa ex-boyfriend mo, mas madali mo siyang magagantihan.”
Biglang nagliwanag ang mundo niya dahil sa sinabi nito. “That’s a good idea, Rusty.”
He smiled at her. “Huwag kang mag-alala susuwelduhan naman kita kung gagawin mo pa rin ang ginagawa ng personal secretary ko. Thirty thousand a month.” He extended his hand to her. “Deal?”
She smiled, sweetly and took in without any hesitation. “Deal.”
Kung sinuswerte ka nga naman, Syler, o! Bukod sa matutuwa ang Daddy mo dahil magkakatrabaho ka na ulit tulad ng gusto niya, akalain mong magagantihan mo pa ang tukmol na si Leinard. You’re so lucky! aniya sa isip.
Alam niyang matutuwa talaga ang kanyang ama kapag ibinalita niyang makakapag-suot na ulit siya ng uniporme at papasok sa opisina. Pero mas nasasabik siyang makita ang magiging reaksyon ng damuho niyang ex-boyfriend kapag nakita siya nitong nagtatrabaho rin sa Vergara Holdings. Hindi na siya makapaghintay sa araw na ‘yon.
Wait for my sweet revenge, idiot.
CHAPTER 33HANGGANG ngayon ay hindi pa rin alam ni Syler kung ano ba talagang nangyayari. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya dahil sa matinding kaba.Biglang bumagal ang paghinga niya nang dalhin siya ni Rusty sa private pool at nakita niya ang magandang pagkakaayos ng buong lugar. Nahagip ng mata niya ang mga petals at balloons na nakalutang sa pool. Mayroon din pati na sa dinaraanan nila. May nagva-violin at may live pianist din. Ngunit ang nasa dulo no’n ang talagang umagaw ng buo niyang atensyon.Natameme siya na lang siya habang pinagmamasdan iyon. Hindi niya nagawang magsalita. Pakiramdam niya ay nalunok na niya ang kanyang dila. Hindi niya makapaniwala na naghanda ito ng isang candlelit dinner. Napaka-romantic ng ambiance ng buong lugar.“Tinulungan ka ni Daliam na gawin ito?” gulat na sambit niya.“Uh-huh. Tinulungan niya akong magplano para sorpresahin
CHAPTER 32NAISIPAN ni Syler na maglakad-lakad muna sa dalampasigan dahil hindi pa siya dinadalaw ng antok kahit halos hating gabi na. Napayakap na lang siya sa kanyang sarili nang umihip ang malamig na simoy ng hangin.Noong isang araw pa siya parang wala sa kanyang sarili at si Rusty ang palaging laman ng kanyang isip. Hindi niya maiwasan makadama ng lungkot dahil matapos ang nangyari sa bungee jumping adventure nila, matapos siya nitong halikan ulit ay bigla na lang itong nagpaalam para bumalik sa Maynila.Sinabi nitong marami pa raw itong kailangang asikasuhin na negosyo roon. Pero hindi niya maiwasang isipin na hindi lang talaga negosyo ang aasikasuhin nito. Marahil ay kasama na roon si Daliam. Marahil ay namimiss na nito ang babae kaya gusto na nito agad umuwi.Hindi niya maiwasang masaktan dahil pakiramdam niya ay pinapaasa lang siya ni Rusty. At hindi maiwasang mainis sa kanyang sarili kung bakit pa
CHAPTER 31NANLAMIG si Syler sa kanyang kinauupuan at hindi na nagawang magsalita pa. Ilang araw din niyang hindi nakita si Rusty mula noong dumating sila sa resort. Kahit kasi nandito ito ay mukhang negosyo pa rin ang pinagkakaabalahan. Mas mabuti na nga iyon para hindi sila nagkakalapit dalawa. Para mas lalo niya itong maiwasan. Para manahimik na rin ang puso niya.“Talaga? May boyfriend ka, Syler?” masiglang tanong ni Demmy.“Sino?” singit naman ni Laicy.She gulped loudly. “Si...” Napatingin siya sa mga co-writers niyang naghihintay rin ng kanyang sagot. Think, Syler! Think! “’Yong fictional character ko.” She smiled a bit. “Si... si Lantis,” she joked.Nagtinginan ang mga co-writers niya at bigla na lang nagtawanan ang mga ito. Nagloloko lang naman kasi talaga siya kanina na may boyfriend siya. Hindi naman niya alam na bigla pa lang sus
CHAPTER 30KANINA pa hindi mapakali si Syler sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung paano siya kikilos nang maayos kasama si Rusty. She couldn’t look at him in the eyes without feeling a little awkward. Hindi na talaga niya maitago ang matinding pagkailang na nararamdaman niya.Paano ba naman kasi nang magising siya kanina ay labis siyang nagulat nang mapagtanto na magkayakap pala silang natulog buong kagabi. Sino’ng hindi mawiwindang doon? Bigla tuloy siyang humiwalay rito habang namumula ang buo niyang mukha. Maging ito ay halatang nagulat din dahil napunta sila sa gano’ng posisyon.Gaga ka talaga! kastigo niya sa sarili.Hinihiling nga niya na sana ay lasing na lang siya kagabi para hindi na niya maalala ngayon ang mga kagagahan na ginawa niya. Pero hindi iyon mangyayari dahil lahat ng ‘yon ay tandang-tanda niya talaga. Ultimo ang kaliit-liitang detalye ay alam niya. Lalo na ang m
CHAPTER 29“BAKIT nga pala hindi siya nakapunta sa book signing ko? Naalala ko lang na nag-comment siya sa isang post ko na pupunta raw siya.”“Nagkasakit daw bago ang book signing mo.” Saglit siyang nilingon ni Rustynang nakangiti bago ibinalik ang tingin sa daan. “Excited sigurong makita ka. Sabagay, hindi ko rin naman siya masisisi.”Ano’ng ibig niyang sabihin? usal niya sa isip.“May mga susunod pa naman akong book signing. Sana makapunta siya at magkita kami ulit. Pakisabi na lang na magpagaling siya at kinakamusta ko siya.”Muli itong napatingin sa kanya. Bigla siyang palunok dahil sa lantarang pagtitig nito sa kanya. “Ako ba, hindi mo man lang kakamustahin?”Napasinghap siya at mabilis na umiwas ng tingin. Hindi niya alam kung bakit halos lumundag palabas ang puso niya mula sa kanyang dibdib. Masyadong marahas ang pagkabog n
CHAPTER 28NAPATDA si Syler nang tanggalin nito ang suot na salamin dahil bumungad sa kanya ang mukha ng isang lalaki na hindi niya inaasahang makita rito. Sa lugar na ito. Sa pagkakataon pa na ito.Her eyes widened, literally. Halos tumigil sa pagtibok ang puso niya nang maglakad na ito palapit sa kanya.“Rusty?!” gulat na sambit niya. “What are you doing here?” ‘Di ba dapat nasa France pa rin siya hanggang ngayon?“Mukhang ako dapat ang nagtatanong niyan sa ‘yo. Ano’ng ginagawa mo sa lugar na ito?” balik tanong nito sa kanya.It had been eight months since she last saw him, pero kahit konti ay wala man lang itong pinagbago. Mas lalo pa nga itong gumwapo.Natauhan siya nang mapagtanto na nakatitig pala ito sa kanya. “Nasiraan kasi ako ng sasakyan at hinihintay ko ‘yong magsusundo sa ‘kin papunta sa isang beach resort,” si