MAGKAKILALA ANG MGA PARENTS nila ni Julius na nagkita sa isang social gathering. Oo at classmate niya ito noon ay madalas ding i-reto sila sa isa't-isa. Kaya lang, hindi niya talaga tipo ang lalake. Hindi ito ang tipo niya sa isang lalake."Hijo, dito ka na kumain ng lunch. Mamamalengke lang ako ng mga lulutuin. Huwag ka munang aalis ah? Saglit lang akong mawawala." "Sige po, Tita. Matagal na rin pong panahon noong huling makakain ako ng masarap at saka lutong-bahay." Malapad na napangisi ang ina ni Alyson at nilingon ang anak na nasa kusina pa rin. Para sa kanya ay mabait na bata si Julius at nakikita naman niya kung gaano nito kagusto si Alyson, kaya pabor siya na dito mapunta ang anak. Hindi rin ito mukhang maramot gaya ng asawa ngayon ni Alyson na walang kahit na anong pakialam. "Maiwan ko muna kayo ha? Saglit lang talaga ako. Hintayin mo na lang dito si Alyson ha? Maya-maya lang ay lalabas na rin 'yun. Maiwan ko muna kayo dito."Marahas na pinalis ni Alyson ang mga luha sa muk
MAY HIMIG NG pagka-asar na pumalakpak si Alyson. Ngumisi na puno ng sarkasmo, pero wala namang pakialam sa reaction niya si Julius. Inilibot ng lalake ang paningin, sa kabuohan ng maliit na espasyo ng kanilang bahay ngayon."Uulitin ko, Alyson. Kaya kong ibigay ang lahat sa'yo kagaya ng malaking bahay, hindi kagaya nito na parang lungga ng daga. At kahit ilang kotse pa ang hilingin mo, bukas-palad kong ibibigay sa'yo. Hindi lang 'yun, ipapalagay ko pa ang lahat ng 'yun sa pangalan mo at hindi sa akin. Ibig sabihin, ikaw lang ang may karapatan sa ari-ariang 'yun the moment na ibigay ko na."Kung sa ibang babaeng napaka-materialistic ay paniguradong nasilaw na sila dito. Kaso, iba siya sa mga babaeng 'yun. Malayo siya sa kanila."Sabi ko naman sa'yo na kaya kong ibigay ang lahat. Basta ang kapalit noon ay pakakasalan mo ako...at gagampanan mo ang pagiging asawa ko." Nabasag na ang katahimikan ng paligid nang humagalpak na ng tawa si Alyson. Humawak pa ang babae sa kanyang tiyan. "Anon
PINANDILATAN na ng mga mata ni Alyson si Julius na nakangising aso pa rin sa kanya. Umikot siya, tinalikuran ito upang muling bumalik sana sa loob ng bahay. "Alyson, okay na ba tayo?" Nakapamulsang sinundan siya ni Julius. Padabog niyang binuksan ang pintuan at dere-deretso ng kinuha ang bag sa sofa. Muli siyang lumabas ng kanilang bahay. Wala pa 'ring pakialam sa mga matang palihim na sa kanila ay nagmamasid."Alyson, teka lang! Saan ka pupunta?"Hinila na ni Julius ang tangkay ng bag ni Alyson, dahilan para matigilan ang babae sa paghakbang at kamuntikan nang matumba."Since iginigiit mo na manatili pa dito kahit pinapalayas na kita, ako na lang ang mag-adjust. Ako na ang aalis. Pakisabi na lang kay Mama na enjoy kayong dalawa sa lunch na ihahanda niya.""Nahihibang ka bang babae ka? Ikaw ang dahilan ng pinunta ko dito tapos basta iiwanan mo lang?" "Alangan namang isama kita paalis? Hindi naman tayo pareho ng pupuntahan." pilosopong sagot ni Alyson, pinatulis ang nguso at inismir
LUMAMBOT ANG MGA mata ni Geoff nang makita ang takot na naka-rehistro sa mukha ni Alyson. Kung kanina ay galit na galit siya at kulang na lang ay pumatay ng tao, nang makita niya si Alyson ay parang hangin na inilipad na iyon. "A-Anong ginagawa mo dito?"Salit-salitan ang naging tingin ni Alyson sa mukha ni Geoff at sa limang lalake na kasama niya doon. Walang pag-aalinlangan na hinaklit ni Geoff ang isang braso ni Alyson. Mabilis na lumabas na ng gate, tangay si Alyson na blangko pa rin ang mukhang nakatingin lang sa likod ng lalake. Iniisip pa rin ang mga biglaang pangyayari sa kanila. Nang makalayo pa ng ilang dipa mula sa bahay ay huminto na sa paglalakad si Geoff. Nakarating na rin kasi sila sa may dulo na ng kalsada."Geoff, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo sa lugar na ito?!"Tumikhim si Geoff ng ilang beses. Saglit napaiwas ang mga mata. Di alam paano niya sisimulan ang magiging paliwanag kay Alyson paano siya napunta doon at ang ginawa niya rin kay Juliu
IBINUKA NI GEOFF ang bibig upang mag-explain ng side niya. Hindi niya intensyon na balewalain ito. Ngayon lang pumasok 'yun sa kanyang isipan."Huwag na. Hindi ko na kailangan ng pera mo para ibayad sa natitirang mga utang na iniwan ni Papa. Kaya ko ng bayaran ang mga 'yun. May trabaho—""Alyson, tanggapin mo na lang sana ang alok ko. Huwag ka ng maging matigas. Para naman—""Ayoko nga! Pare-pareho lang talaga kayong mga lalake na minamaliit ang kakayahan naming mga babae. Huwag mo akong pilitin! Alam ko namang awa lang ang nararamdaman mo kaya mo 'yan gagawin. Itigil mo na 'yan, Geoff! Pwede ba?!""Alyson—""Enough, Geoff. Ilaan mo na lang 'yan sa bagong pamilyang bubuohin mo. Huwag mo ng ipanlimos sa akin. Okay lang ako, kaya ko na ang sarili ko!"Tinalikuran na ang lalake ni Alyson at pamartsa niya ng iniwan. Unti-unting bumagal ang hakbang ng babae nang hindi niya maramdaman ang pagsunod nito sa kanya. Nanatili itong nakatayo. Nilingon niya na ang lalake. Biglang may kumislap ng i
HINDI NA MATAGALAN ni Alyson ang mga tinging pinupukol ng ina. May kahalo 'yung malisya. Naaalibadbaran siya kahit alam niyang binibiro lang naman siya nito. "At naniwala ka naman sa tsismosa nating kapit-bahay na 'yun, Mama? Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi ko nga po niyakap si Julius!" maktol na ng babae, sabay padyak ng mga paa."Hindi 'yun mag-iimbento ng kwento, Alyson. Kung ano ang nakita niya ay iyon ang sasabihin niya. Para kang bago nang bago. Hindi ka na bata para mahiya, ayos lang talaga sa akin 'yun." Napasabunot na si Alyson sa buhok. Naiinis pa rin sa ina na iginigiit na si Julius ang niyakap kanina. Kasalanan din naman n'ya, hindi niya rito maamin na si Geoff 'yun. Oras na malaman kasi 'yun ng ina ay paniguradong lagot siya. Isa pa ay puro pera na naman ang magiging bukam-bibig nito oras na makaharap si Geoff kaya iniiwasan niya rin. Hangga't maaari ay ayaw niyang magkita sila."Umamin ka nga sa akin, ano bang ikinakahiya mo, Alyson? Hindi mo naman kailangang ili
LINGID SA KAALAMAN ni Alyson ay nasa hindi kalayuang banda lang ang sasakyan ni Geoff. Hinihintay siya. Nang makita siya nitong lumabas ng bahay ay nagmamadali itong bumaba ng sasakyan. Itinaas ang isang kamay upang kunin ang atensyon ni Alyson na mukhang sa malayo nakatingin, may malalim na laman ang isipan. Nang hindi pa rin siya napansin ay muling lumulan ng sasakyan at binuhay ang makina ng kotse. Mabagal na pinatakbo palapit sa kinatatayuan ni Alyson."Alyson, sakay na."Rumehistro ang labis na pagkagulat sa mukha ni Alyson nang makita si Geoff. Ang buong akala niya ay umalis na ito ng maghiwalay kanina."Ano pang ginagawa mo dito? Akala ko ay umalis ka na?"Mapanuring nagpalinga-linga ang mata ni Aly. Tinitingnan kung may mga tsismosa silang kapit-bahay sa paligid. Paniguradong makakarating na naman 'yun sa ina kung sakali na mayroong makakakita sa kanila."Hinintay na kita. Alam kong uuwi ka rin agad."Niluwagan pa ni Geoff ang bukas ng pinto. Magaan na ngumiti. Walang inaksaya
ISANG ORAS ANG NAGING overtime ni Alyson. Siya na ang pinakahuling employee na umalis ng office. Alam 'yun ni Kevin. Ito pa ang nagsabi na kahit hindi siya mag-overtime ay ayos lang. Sinabi niya naman dito na isang oras lang at kinabukasan n niya tatapusin. Matapos patayin ni Alyson ang kaharap na computer, sinakbat na niya ang bag at nilisan ang silid. Malapad pa ang ngiti niya sa guard na tumango lang sa kanya. "Good night, Manong Guard."Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Ganunpaman ay walang reklamo si Alyson dahil siya ang may gusto. "Ingat sa pag-uwi, Miss Alyson."Ilang minuto pagkaalis ni Alyson ay pumasok naman doon si Roxan. Kanina pa ito nakaabang sa labas, iniintay niyang umalis ang babae. Pinagplanuhan niya na 'yun kanina bunga ng sobrang curiosity niya."May nakalimutan ako sa office." dahilan niya ng tanungin ng guard.Dahil kilala naman na si Roxan ng guard ay hindi na ito nagkaroon ng bahid ng pagdududa kahit katiting. "Saglit lang ako Manong, mga five minutes lang