AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

By:  Purple Moonlight  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
8 ratings
104Chapters
33.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

"Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko." Pagkatapos ng tatlong taong kasal kay Geoffrey Carreon ay tuluyan nang sumuko sa pagiging martir na asawa ni Alyson Samonte. Pinagtibay pa ang hiwalayan nila nang malaman niyang nakabuntis ang asawa ng ibang babae. Piniling bumangon ni Alyson. Nagsikap siya upang tuparin ang mga pangarap niya kahit huli na sa tulong ni Kevin Evangelio. Ipinakita niyang sa kabila ng nangyari ay kaya niya pa 'ring bumangon. Hanggang sa magkaroon siya ng one time lifetime offer and opportunity sa ibang bansa. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ng dati niyang asawa, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang kasabik-sabik na mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon sila ng anak ni Alyson?

View More
AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Analyn Bermudez
Ms A kilan Po aalis SI Allyson? at kilan pla matatapos Ang kalbaryo niya sa piling Ng dati niyang asawa Hindi ba pwed umalis na SI Allyson ngayun at bahala na SI geof kung may makukuha pa siyang mana sa Lolo niya...please nmn paalisin mo na SI allyson
2024-04-29 11:52:42
2
user avatar
Missy F
sana exciting part na
2024-04-27 23:49:20
2
user avatar
MikasaAckerman
RECOMMENDED!!!
2024-04-26 09:32:50
1
user avatar
Analyn Bermudez
Ang tagal nmn makaalis SI Alyson Ng bansa Ms A..excited na akin Malaman kung Ang Ang magiging reaksyon ni geof pag Malaman niyang Isang successful na Ang dati niyang asawa at ano kaya mararamdaman niya pag nlaman niya nagkaanak Sila...
2024-04-20 08:42:07
9
user avatar
Jemalyn regondola
ganda ng kwento
2024-04-19 08:35:02
5
user avatar
Aiza Cruzat
maganda Po ang kwento sana matuloy tuloy ko mabasa ang kwento nyo
2024-04-18 20:05:29
5
user avatar
arkrey arkrey
haba na ng kwento d pa din nakaalis ng pinas
2024-04-18 14:37:34
1
user avatar
Purple Moonlight
Hi, everyone! Araw-araw po ang update ng story na ito though walang eksaktong oras. Sobrang appreciated po ang magiging comments niyo, gems, and subscriptions. Usap tayo sa comment section, hihintayin ko kayo. Let's be friends!
2024-04-04 12:54:36
19
104 Chapters
Chapter 1: Simula ng Kalbaryo
"Misis, narinig niyo po ba ang sinabi ko?" untag ng doctor sa kanina pa tulala at wala sa sariling si Alyson. "Kailangan po natin dito ang pirma ng asawa mo upang mai-set na kung kailan natin isasagawa ang pagra-raspa."Kanina pa tumatakbo sa isipan ni Alyson ang katagang hindi na raw kayang isalba pa ng doctor ang batang nasa sinapupunan niya. Hawak ang medyo nahahalata pa lang ang umbok na puson ay tulala itong nakatingin sa kawalan. Bukod daw sa maraming dugo ang nawala sa kanya ay tanging raspa na lang din ang choice na mayroon sila ngayon. "Misis?" Muling kuha ng atensyon ng doctor sa kanya. Nang wala pa 'ring reaction mula kay Alyson ay tinapik na siya nito sa isa niyang balikat, dahilan para mag-angat na siya ng tingin sa doctor. "Uulitin ko po, kailangan natin ng pirma ng iyong asawa bago natin isagawa sa'yo ang operasyon."Kanina pa gustong humagulhol ng iyak ni Alyson pero dahil nasa publikong lugar at maraming tao ang makakakita ay hindi niya iyon magawa. Gulong-gulo siy
Read more
Chapter 2: Pagpayag sa Annulment
HINDI makapaniwalang namilog ang mata ni Geoff sa narinig. Bahagya na itinagilid niya ang ulo dahil baka mali ang pagkakaintindi niya sa narinig. Hindi niya inaasahang papayag na si Alyson. Noon, tuwing binabanggit niya ang tungkol sa annulment ay nagmamakaawa itong huwag iyong ituloy, kulang na lang din ay luhuran siya nito sa pakiusap. Kung kaya naman palaisipan sa kanya ano ang nakain ng asawa at pumayag na ito sa kagustuhan niya after a month. "Aasahan ko iyan, Alyson. Wala ng bawian. Mag-set tayo ng araw para parehong pumirma sa mga papeles. Sa isang araw, pumunta ka ha?"Ilang minuto ang hinintay ni Geoff para sa sagot ni Alyson pero agad na nakuha ang atensyon niya ng monitor ng ultrasound kung saan malinaw na makikita ang imahe ng magiging anak nila ni Loraine. Kasalukuyan sila ngayong nasa clinic ng OB-Gyne nito upang magpa-ultrasound. "Geoff, tingnan mo ang hitsura ng magiging anak natin. Kamukha mo di ba?" masiglang boses iyon ni Loraine. HINDI ito nakaligtas sa pandinig
Read more
Chapter 3: Pinagbuhatan ng Kamay
Kinailangan pang ilang beses na lumunok ng laway si Alyson para tanggalin ang nakabarang bikig sa kanyang lalamunan. "Huwag ka ngang mag-alala, Geoff, hinding-hindi ko dudungisan ang apelyido mo. Kung mamamatay man ako, hindi na kita idadamay. Lalayo na rin ako sa'yo after ng annulment." Pinagtaasan siya ni Geoff ng kilay nang marinig iyon. Hindi mahulaan ni Alyson kung galit ba siya o hindi dahil hindi siya familiar sa emosyon ni Geoff. "Totoo ba iyang sinasabi mo? Baka nasasabi mo lang iyan ngayon tapos hindi mo naman kayang panindigan sa huli? Kainin mo lang?"Batid ni Geoff na madalas labanan ni Alyson at salungatin ang anumang gusto niya. At ngayon na pumapayag ito, napuno ng pagdududa ang isipan niya. Kakaiba iyon. Napaka-imposible rin. "Hindi mo kailangang magpanggap, Alyson. Okay lang na ipakita mo kung sino ka talaga."Pilit na ang naging ngiti ni Alyson. Kung pwede lang isumbat niya rito ang mga ginawa niya para maging mabuting asawa ay ginawa niya na sana. Sobrang laki
Read more
Chapter 4: Bagong Pangarap
Hatinggabi na nang matapos sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit si Alyson sa bahay na iyon. Plano niya na pagkatapos ng annulment ay babalik siya sa sariling bahay nila. Nalugso man ang negosyo at ang ilang mga ari-arian nila ay nahatak at nawala sa kanila, may bahay pa rin naman siyang uuwian. Doon kasalukuyang nakatira ang ina niya na gumaling na sa sakit. May problema man ang katawan niya ngayon alam niyang hindi magtatagal ay magagawan niya ng paraan lahat. Kailangan niyang magtrabaho para sustentuhan at buhayin ang ina niya na sa kanya na lang ngayon umaasa. "Nakita rin kita!"Kinabukasan noon pagkagising ay kulang na lang ay mapatalon sa saya si Alyson nang mahanap ang business card ng kaibigang may kompanya. Ka-close niya ito at kung sakali na humingi siya dito ng tulong, sure siya na hindi rin siya nito matatanggihan. Noong huling nakita niya ito ay inabot nito ang business card, habang nagbitaw ng salita na pwede niya itong malapitan. "Hello?"Kinagat ni Alyson ang labi na
Read more
Chapter 5: Maling Bintang
Hindi inalis ni Alyson ang mga mata niya sa mga gamit ng magsimulang bilangin iyon ng staff na tinawag ng Manager ng shop. Nakasandal siya sa bandang counter at naghihintay. "Nakakaawa ka naman, Alyson. Sobrang hirap na ba ng buhay at kailangan mo pang mangdaya? Wala ka na bang makain at pati ang pagbebenta ng pekeng mga damit ay pinasok mo na?"Natigil sa ginagawa ang staff at agad nandilat ang mga mata ni Alyson. Bakit hindi? Hinablot lang naman ni Loraine ang damit na binibinta niya at itinapon sa maruming sahig ng shop."Loraine?!" Malakas pa itong humalakhak."Bakit? Nahihiya ka bang malaman ng lahat na peke ang mga gamit mo?""Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" "Mahiya ka nga! Magkaroon ka naman ng kaunting delikadesa. Huwag kang magbenta ng mga—" "Anong sinasabi mong peke, Loraine? Alam mo sa sarili mong tunay sila!""Paano mo iyon papatunayan sa ganyan mong hitsura ha, Alyson?"Gusto na niyang sabunutan ang babae at tanggalin ang lahat ng buhok nito sa ulo pero pinigilan n
Read more
Chapter 6: Blueprint
Bagama't napapahiya at masakit ang balakang sa pagkakatulak ni Geoff ay nakuha pang ngumiti si Alyson. Ilang saglit pa ay pinilit niya ang sariling tumayo. Namimilipit na siyang agad na napahawak sa kanyang puson. Bakas na rin sa mukha niya ang sakit.Noon pa lang naalala na nakalimutan niya ang gamot. Idagdag pa na galing lang siya sa sobrang pagdurugo. Sa sobrang dami ng kanyang iniisip ay hindi niya matandaan ang nangyari."Kasalanan niya ito, B-Babe. Gusto niyang mawala ang baby natin dahil naiinggit siya na di kayo magkaanak."Napasinghap ang mga nakarinig dito. Naniwala kaagad sa akusasyon na walang basehan. Ginulo na ni Alyson ang buhok dahil hindi siya makapaniwalang magagawang sabihin iyon ng babaeng ito na parang aspalto sa kalsada ang kapal ng pagmumukha. "Ulitin mo nga ang sinabi mo, Loraine! Kasalanan ko ang nangyari sa'yo? Ako talaga?" hindi na nakapagtimpi ay turo ni Alyson sa sarili na saglit nakalimutan ang sakit ng kalamnan. "Sigurado kang ako ang may gawa?"Walang
Read more
Chapter 7: Sampung Milyon
Parang sinusunog ang katawan ni Alyson sa sobrang init nang tuluyang mahimasmasan. Nang tangkain niyang bumangon ay muli lang siyang napahiga dahil sa panghihina. Isabay pa na sobrang nahihilo pa rin siya."Huwag po muna kayong magalaw, Miss. Ang taas pa po ng lagnat mo." saway sa kanya ng nurse sa gilid. Ito lang ang kanyang naabutan pagdilat ng mga mata. Base sa mga kurtinang naghahati sa mga kama ay nalaman niyang nasa ER pa siya."G-Gaano kataas, nurse?"Sinubukan niyang muling bumangon. Inalalayan siya ng nurse na maupo."Umabot po ng 39 ang temperature niyo kanina, medyo nagchi-chill rin po kayo ng dumating dito sa ER."Hindi na tinanong ni Alyson kung sino ang nagdala sa kanya sa hospital. Ang unang sumilid sa isipan niya matapos tingnan ang swero sa kamay ay ang usapan nila ni Geoff ng araw na iyon na magkikita sa RTC."N-Nasaan ang bag ko, nurse?" sapo ang ulo ay bahagya pa siyang napapikit. Alam niyang may mali sa katawan ngunit hindi niya naman pwedeng i-balewala ang appo
Read more
Chapter 8: Payment
PINATAY ni Geoffrey ang tawag niya kay Alyson. Ayaw na niyang makipag-usap dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan iyon. Hindi niya lubos maisip na hahamunin siya ni Alyson na bayaran niya ito. Sa isip niya ay paniguradong may nagsulsol at nagsabi nito na gawin niya iyon. Padabog na sumakay na siya ng kotse. Pinaharurot iyon patungo ng company nila dahil may trabaho pa siya ngayon. Isiningit lang niya sa schedule ang pagpunta sa RTC para sa pirmahan. Wala naman palang mapapala. Malamang una pa lang ay plano na ni Alyson na hindi pumunta para magatasan pa siya nito ng pera. "Inilalabas na niya ngayon ang tunay na kulay. Samantalang dati naman ay wala siyang ibang naging reklamo."Niluwagan ni Geoff ang suot na necktie dahil parang masasakal siya nito. Kinalma niya ang sarili bago bumaba ng kotse. Ilang minuto na siya sa parking ng building ng company nila, pero hindi pa siya bumaba dahil paniguradong mabubuntunan niya ng galit ang sinuman sa mga tauhan niya sa loob. "Sir Geof
Read more
Chapter 9: Simpleng Hiling
HINDI magkandaugaga ang mga staff, nurses at doctor ng hospital na iyon nang makita nilang naroon ang sikat na business tycoon at CEO na si Geoffrey Carreon mula sa Carreon Holdings. Gulat na gulat sila kung ano ang ginagawa nito sa hospital nila. Panay ang irit ng karamihan, kilig na kilig sa presensiya ng lalake. Ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang bumulong sa katabi at manghampas. Walang sinuman ang naglakas ng loob na lumapit sa kanya habang iginagala niya ang mata sa kabuohan ng ER kung saan naroon si Alyson. Hawak pa rin ng lalake ang kurtina na tumatakip sa kamang hinihigaan ni Alyson na nagawa ng makabangon. "Totoo ngang nasa hospital ka."Walang pasubaling binunot ni Alyson ang karayom na nakabaon sa kamay. Dumugo iyon pero hindi niya alintana. Napamulagat na ang mata ni Geoff ng gawin iyon ni Alyson sa harapan. "Nawawala ka na ba sa tamang katinuan, Geoff? Bakit ka narito?!"Hinawakan na siya ni Alyson nang mahigpit sa isang braso at hinila palayo ng kama. May ilang nu
Read more
Chapter 10: Date
Sa pagtitig ng mga mata ni Geoff kay Alyson habang sinasabi iyon ng babae ay saka pa lang niya naisip na malaki ang pinagbago nito. Kung noon ay hindi nito magawang tumingin sa kanya ng deretso at palaging nakatungo, ngayon ay nagagawa ng labanan ang tingin niya. Sinasalubong na ang mga mata niya. Natatandaan niya pa kung bakit siya nabighani kay Alyson. Kahawig ito ni Loraine pero ang kaibahan lang ay payat ito keysa sa dating nobya niya. "Alyson, may mga araw naman na mabuti ako sa'yo—""Anong araw? Gabi. Kapag lasing ka. Iyon lang ang sandaling mahalaga ako dahil gusto mong gamitin ang katawan ko. Huwag mo akong gawing sinungaling, Geoffrey!" padyak pa ng mga paa ni Alyson. Natitigilang hindi maituloy ni Geoff ang mga sasabihin niya pa sana rito. "Pagsisisihan mong ipinaranas mo sa akin ang ganito, Geoff!" banta ni Alyson na umayos na ng tayo roon. Akmang magsasalita pa sana si Alyson nang biglang talikuran siya ni Geoff. "Fine. Tara. Let's date! Kung iyon lang ang isa sa pi
Read more
DMCA.com Protection Status