Lumaki ang butas ng ilong ni Geoff. Hindi siya sang-ayon sa ina niya. "Anong ipatanggal ang bata? Naririnig niyo ba ang sinasabi niyo sa kanya?"Nagsumiksik pa si Loraine sa kili-kili ni Geoff. Kumukuha pa ng simpatya."Bata pa iyon. Wala pang muwang. Mahina at walang kalaban-laban. Kung ipapatangg
Marahas na hinaklit ni Geoff si Alyson sa isang braso matapos na bitawan niya si Loraine. Hindi niya na maatim ang palitan nila ng mga salita roon. "Bitawan mo nga ako!""Mag-usap tayo ng tayong dalawa—""Para ano? Para pagbuhatan mo na naman ako ng kamay? Nangako ka sa akin, Geoff kahit iyon man l
"Please? Let's settle everything. Tama na ang galit. Nasa punto na tayo na hanggang dito na lang tayo, Alyson."Humina ang boses ni Geoff. Puno ng pakiusap iyon kay Alyson na tila ba papanawan na ng kanyang ulirat. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ako ang nag-expose kay Loraine sa pami
PINAGMASDAN pang mabuti ni Loraine si Alyson. Mahimbing pa rin itong natutulog. Idagdag pa ang mga gamot na binigay ng doctor sa kanya. "Hindi mo kailangang sundan ako rito, Loraine. Sana ay sa bahay ka na lang at hinintay mo akong umuwi."Muling umangkla ang isang kamay ni Loraine kay Geoff. Dumik
"Pwede bang sumama ako sa unit mo? Parang ayokong matulog ngayong gabi ng mag-isa, Geoff."Ganito ang naging set up nila kahit na buntis na si Loraine ay nakabukod pa rin. Sa kadahilanang kasal pa si Geoff at hindi pa annul kung kaya naman hindi nila magawang magsamang tumira sa iisang bubong lamang
HINDI malaman ni Alyson kung ano ang ire-react niya. Hindi siya sanay na makakuha ng sobrang atensyon mula sa ibang tao. Napapiksi siya nang humigpit pa ang mga yakap ni Kevin. "Oh, sorry. Nadala lang ako."Umatras na si Kevin ng ilang hakbang palayo sa higaan ni Alyson na gulat pa rin sa ginawa ng
Naguguluhang napakunot ang noo ni Alyson. Hindi niya ma-gets kung ano ang ibig sabihin ni Kevin doon. Ang lalim na sa dami ng iniisip niya ay di na malaman ang tunay na meaning. "Doc, narito na iyong papers. May pirma na rin po iyan ng asawa ko.""Salamat ho, Misis.""Kailan ang operation, Doc?" si
KASALUKUYANG nasa gitna si Alyson ng malalim na pag-iisip nang biglang maghuramentado ang cellphone sa isang tawag. Mula ito sa kanyang ina. Napasinghap na siya nang marinig ang malakas na boses nito. Dama na niyang mayroon itong problema. "Nasaan ka ngayon Alyson?""Bakit, Mama?""Kailangang punta