Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon? "Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."
view moreHINDI MAGAWANG MAGSALITA ni Dos nang marinig na ang boses ng kapatid. Para siyang biglang naputulan ng dila. Hindi niya magawang masabi kung ano ang kailangan niya sa kapatid. Para siyang biglang ginapangan ng takot at hiya na biglang umaasta ng ganun sa harapan nito.“May nangyari ba sa’yo? Hello?
NARIRINIG SIYA NI Dos na nagsusuka kung kaya naman ang hula ng lalaki doon ay masama ang pakiramdam ng asawa. Ni hindi sumagi sa isipan ni Dos na buntis ang asawa kung kaya ganun ito, walang humpay na suka nang suka. Pinagpapawisan na si Yasmine ng malamig noon at halos mangiyak-ngiyak na rin sa pag
PATULOY NA LUMIPAS ang mga araw kung saan ay hindi nagbago ang pakikitungo ni Yasmine kay Dos. Kahit na anong panunuyo ang gawin nito, hindi na bumalik sa dati ang ugali at lambing ni Yasmine na gaya ng dati na kaunting suyo lang nito ay okay na ulit silang dalawa. Naubos na siya. Walang-wala na ang
NAPAKURAP NA NG mga mata ni Dos. Tila nahimasmasan ito sa mga sinabi ni Yasmine. “Kung affected ka pa rin ng pangalan ng babaeng iyon, hiwalayan mo na lang kasi ako!” hamon niya dahil nasasawa na naman siya, paulit-ulit na lang na pinagmumulan nila ng away ang babae. Magbabati sila, tapos ayan na
BAGO PA MAKAPAGSALITANG muli si Yasmine, humakbang na patungong kusina si Dos. Hinintay niyang bumalik si Dos. Nilagok niya agad ang baso ng tubig na iniabot nito sa kanya. Naubos ito. Maybe she drank it too quickly, and some water leaked out. As she tilted her head back, it just flowed down her chi
KULANG-KULANG ISANG ORAS ang kanilang hinintay bago muling naupo sa hapag dahil luto na ang white pasta at ang steak ni Dos. Halos tumulo na ang laway ni Yasmine sa pagkatakam niya. “Try it…” ani Dos na hiniwa na ang steak sa gilid at isinubo na iyon sa asawa.Maligaya namang ibinuka ni Yasmine ang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments