"Kumain ka na ba Alyson?" Napalingon na ang mga mata ni Alyson kay Oliver. "Nakakatawa 'no? Palagi na lang kitang tinatanong kung kumain ka na ba tuwing magkikita tayo." "Oo nga," sang-ayon ni Alyson na natawa na rin sa lalake. "Mukha ba akong palaging gutom sa paningin mo?" "Hindi naman sa ganun, Alyson. Gusto ko lang siguraduhing busog ka. I mean, pagkain ang siyang unang pangangailangan ng tao." "Uy joke lang 'to Oliver ha, masyado ka namang seryoso." Pagak na tumawa si Oliver. Nasa kalsada pa rin ang mga mata. Nais niya sanang ayain si Alyson na kumain tutal hindi pa rin naman siya kumakain ng hapunan, kaya lang baka tanggihan siya nito. "Saan kita ihahatid?" "Ibaba mo na lang ako sa convenience store na madadaanan natin, tapos pahiramin mo ako ng phone." lahad ni Alyson ng palad sa harapan niya. Kinapalan na ni Alyson ang mukha niya. Sa iilang encounter nila ni Oliver na puro kahihiyan lang naman, mahihiya pa ba siya rito? Hindi. "Babayaran na lang kita sa next meetin
HINDI NAGTAGAL ay dumating sa location na sinabi ni Alyson si Rowan na humahangos sa pagmamadali. Alaalang-alala ang mukha nito upang abutan lang si Alyson na hindi naman pala doon nag-iisa at kawawa kagaya ng ini-imagine niya. "Alyson!" "Rowan!" Agad na nagyakap ang dalawa sa harapan ni Oliver na bigla na lang napatayo sa pagdating ng kaibigan ni Alyson. Naging mailap na ang mga mata nito."Anong nangyari? Bakit ka nasa labas ng ganitong oras? At sa ganyang hitsura mo?" Pabebeng ngumuso si Alyson. Para na siyang kapatid ni Rowan kung ituring kaya naman hindi mawala sa kanya na umaktong parang isang batang paslit sa harapan nito. "Alyson, paano? Aalis na ako. May makakasama ka na dito."Hindi pa man nagtatagal si Rowan ay tumalikod na si Oliver para umalis. Wala itong planong makipag-socialize o makipagkilala kay Rowan."Ah sige, salamat ha!" Humakbang na ito palayo. Ni hindi tinapunan ng tingin si Rowan na humarap sa lalake."OMG! Sino 'yun Alyson?" "Ah, kakilala—" "Girl, ika
PARANG WALANG narinig at hanging dumaan lang na sininop ni Alyson ang mga basura ng pinagkainan nila na nasa table. Tumayo siya at itinapon iyon sa malapit na basurahan. Iiling-iling na sinundan siya ng tingin ni Rowan. Batid niya na kahit anong gawin niya, parang hindi ito tatalab sa kaibigan na mukhang sarado ang utak at nalason na ang isipan ng asawa nito. Manhid na rin sa mga naranasan dahil wala ng pakialam."Halika Alyson, hindi pwede ito!" payapay ng kamay ni Rowan dito.“Saan tayo pupunta, Rowan?”"Saan pa? Syempre sa bahay niyo." nakapameywang na sagot nito. "Ipamukha mo sa mga katulong na ‘yun na nagkamali sila ng binangga. Huwag ka ngang magpaapi lang ng ganyan. Nakakagigil ka! Sa panahon ngayon ay hindi na uso ang pa-martir, Girl. Kung hindi mo kaya na ipagtanggol ang sarili mo sa harapan nila at plano mong hayaan na lang at palagpasin lahat, pwes ako ang gagawa noon! Hindi pwede sa akin na gaganyanin ka lang nila!"Binalot ng takot at pangamba ang buong katawan ni Alyson
BINALOT NG PAGTATAKA si Geoff nang magpaalam kay Loraine na uuwi na at hindi siya nito pigilan. Dati-rati kulang na lang ay lumuhod ang babae sa harap niya para lang pagbigyan niyang sipingan ito at doon siya magpalibas ng gabi. Subalit kakaiba ang gabing iyon, na alam ni Loraine na magpapabago ng lahat oras na makita ni Geoff ang mga nangyayari sa bahay nila ngayon. Umarko pa ang gilid ng labi ni Loraine nang yumakap sa lalake. "Mag-iingat ka Babe, mag-chat ka sa akin kapag nasa bahay ka na. Huwag mong kalimutan ‘yun ha?"Tumango lang si Geoff. Naninibago pa rin sa kinikilos ni Loraine. Isang lingon pa ang ginawa niya sa babae at lumulan na ng kanyang sasakyan. Isang busina ang kanyang iniwan at tuluyan nang nilisan ang tapat ng harap ng apartment ni Loraine. Pumasok na rin ng apartment si Loraine, kinuha ang bag para umuwi na rin sa kalapit ng bahay nina Geoff. Gusto niyang makibalita sa exciting na mangyayari sa kanila. Habang lulan ng taxi ay kinuha niya ang cellphone upang sabih
HINAWAKAN NA NI Manang Sylvia ang seradura at akmang bubuksan na nang mapabitaw siya dito sa ilang malakas na mga kalabog na narinig nila mula sa loob. Ilang sandali pa ay naulinigan nila ang buo at malakas na sigaw ng isang lalake. Lihim na nagdiwang si Sylvia, panigurado na nagsimula na itong angkinin ang katawan ni Alyson at nagpupumiglas ito ang babae. “Sila ba ‘yun?!” “O-Opo, Sir…” “Tabi! At ako ang magbubukas!” Siguradong-sigurado si Sylvia na oras na makita ni Geoff ang hitsura sa loob ni Alyson ay hindi na nito magagawa pang ipagtanggol ang sarili. Iyon ang ebidensya. Wala na itong takas. Si Geoff iyon kaya imposible na kunsintihin niya si Alyson kahit pa may kasalanan din siya para masira ang kasal nila. Malamang, palalayasin niya si Alyson at korona ng pagiging asawa ay maagang mapupunta sa magiging bagong Mrs. Carreon. “Alyson! Buksan mo ang pintuan!” malakas na palo na doon ni Geoff nang subukan na buksan ito at hindi gumana, malamang dahil naka-lock. “S-Sir,
UMILING-ILING NA ang matanda. Hindi na alam kung ano ang sasabihin sa amo nilang lalake na sagad na sa kaluluwa niya ang nanlilisik na mga mata. Ang ganda na ng plano niya. Almost perfect na sana ‘yun kung hindi lang ito sinira ni Alyson na hindi pa rin niya alam kung paano nakalabas sa silid nang hindi napapansin ng kahit na isa sa kanila.‘Sino ang nasa loob ng silid kung narito sa harap namin ngayon ang Mrs. Carreon? Mali ba kami ng ipinasok kanina? Hindi. Imposible. Ang Mrs. Carreon iyon. Walang iba.’Bagama't wala ng lusot, sinubukan pa rin ng matanda na mangatwiran.“Pero Sir, hindi lang po ako ang nakakita kanina na pumasok si Mrs. Carreon sa loob. Marami po kami—”“Gagawin niyo pang sinungaling ang mga mata ko? Kita niyo rin naman siya di ba? Ayan siya oh! Sa harap natin. Wala siya sa loob ng kwarto n kagaya ng iginigiit at sinasabi mo, Manang!” yamot na ang tono ni Geoff, kung hindi lang matanda ay baka nasapak na niya ito sa mukha.Salit-salitan na ang naging tingin sa kani
NANININGKIT ANG MGA matang akmang sasampigahin na naman sana ni Alyson ang matanda nang harangan siya ng katawan ni Rowan. Hinawakan nito ang dakawang braso niya. Ginawa iyon ng babae dahil nakita niya ang pamumutla ng kaibigan at panginginig ng buong katawan. Kapag ganito na ang reaction ni Alyson sa sobrang galit, alam ni Rowan na napipinto na itong mahimatay anumang oras. “Tama na, Alyson, tama na!” mahigpit na yakap niya sa kaibigan upang kalmahin ito. Tinapik-tapik na ang likod. “Hinga nang malalim. Kumalma ka.”Hinimas-himas pa ni Rowan ang likod nito na basa na noon ng malamig na pawis.“Sobrang nakakadismaya ka, Manang Sylvia.”Sa mga sandaling iyon ay hindi makahuma si Geoff. Noon lang kasi niya nakitang magalit ng sobra si Alyson na umabot pa sa pananakit nito.“Grabe ka, sa ganda at ayos ng pakikitungo namin sa’yo ito pa ang igaganti mong matanda ka?!”Hindi na napigilan ni Alyson ang ragasa ng kanyang emosyon. Kahit anong palis niya sa mga luha ay patuloy pa rin iyon sa p
HINDI MAPIGILAN NI Alyson ang makaramdam ng awa sa matanda sa kabila ng ginawa nito sa kanya ng marinig ang huling linya. May mga pinagsamahan din naman sila ni Manang Sylvia. Ang pangit lang ay humantong sila sa ganito.“It doesn't matter. Tutal hindi na rin naman ako magtatagal sa pamilyang ito, hindi ko na hahabulin ang mga nakuha niyang gamit ko. Ang tanging habol ko na lang ay ang maparusahan siya sa ginawa niya ngayon. Graveyard sin iyon. Pinagtangkaan niya ang buhay ko. Hindi na ako interesado sa mga nakaraan na isyu ni Manang.”“Alyson?!” mariing pagtutol ‘yun ni Rowan na hindi makapaniwala kung saan na naman napunta ang utak ng kaibigan. “Hahayaan mo lang na—”“No, Rowan. Ipapakulong ko pa rin siya bilang kabayaran sa ginawa niya sa akin ngayon subalit hindi ko na uungkatin pa ang masamang nagawa niya noon. Wala na akong pakialam sa mga gamit na nawala o perang inumit niya. Ang tanging habol ko na lang ay ang pagbayaran niya ang kasalanan ngayon.”“Alyson—”“Ganun pa rin nama