Share

Chapter 18: Manggagamit na Kaibigan

Pandalas ang naging iling ni Alyson. Ayaw niyang mag-expect nang malaki ang kaibign niya kay Geoff. Tiyak na sobrang madi-disappoint ito oras na malamang maghihiwalay na rin sila.

"Hindi naman, Rowan, sakto lang."

"Anong sakto lang? Ikaw pa ba? Pipili ng lalakeng 'di papasa sa panlasa?"

Hindi na sumagot si Alyson. Sa loob niya kung alam lang ng kaibigan ang mga nangyari sa kanya, panigurado siyang uusok ang bunbunan nito sa galit. Baka hindi lang iyon. Baka isumpa niya pa buong angkan ni Geoff. Ganun siya kamahal nito.

"Huwag na natin siyang pag-usapa—"

"Anong huwag pag-usapan, Alyson? Kailangan natin siyang pag-usapan. Huwag kang maramot. Ipakilala mo siya sa akin. Kaibigan mo ako, eh! Hindi pa ba sapat na naglihim ka?"

Umismid si Rowan na ikinahagalpak ni Alyson. Pinatulis pa kasi ng kaibigan ang nguso nito para kunin ang atensyon niya at magpaawa.

"Oo na, ordinaryong mamamayan lang iyon. Hindi rin sikat at mayaman. Simpleng tao lang siya, Rowan."

"Totoo? Hindi ka nagsisinungalin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
grabe ka Wanda ha wla kang utang na loob kay Alyson ang kapal din ng facelak mo ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status