Share

Chapter 204: Late Visit

PARANG NAKIKIPAG-KARERA sa hangin sa bilis ang pagmamanehong ginawa ni Geoff sa sandaling nakalulan siya ng sasakyan para lang agad na makarating sa kanilang bahay. Hindi na siya makapaghintay na makarating at makausap si Alyson nang masinsinan. Bagay na mangyayari lang kung mabilis siyang makakauwi. Siguro naman pagdating niya doon ay hulas na ang nag-uumapaw na galit ng asawa. Matino na ito hindi gaya kanina. Nagawa na nga siya nitong paglutuan ng dinner nila. Since hindi ni Alyson na-enjoy ang pagkain sa labas, aayain na lang niya itong kainin nila ang inihandang pagkain. Sana lang talaga ay pagbigyan siya ni Alyson.

“Kapag maganda ang approach ko sa kanya, siguro naman na hindi na niya ako tatarayan. Kakausapin ko ng matino at mababang tono.”

Pagdating niya sa may gate ng subdivision nila ay saglit na bumagal ang takbo ng sasakyan. May naabutan siyang sasakyan na nakatigil at kausap ng guard. Sa hula ni Geoff ay visitor. Pasipol-sipol na hinintay niyang umabante ito matapos na ku
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении
Комментарии (1)
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
matanda pala kabit din ni Loraine sa kabila sana mahuli muna Geoff
ПРОСМОТР ВСЕХ КОММЕНТАРИЕВ

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status