"Luwi, ano, dadalo ka ba ng burol?" Matagal bago sinagot ni Luis ang tanong na 'yon ni Chris mula sa kabilang linya. Abala siyang inaayos ang kanyang gamit na dadalhin dahil mayamaya lamang ay flight na niya paalis ng bansa. Kagabi pa siya kinukulit ng kanyang mga kaibigan lalong-lalo na si Chris kung dadalo ba siya ng burol kinabukasan which is ngayon na. Gustuhin man niyang dumalo pero mas mahalaga sa kanya ang kanyang lakad. Wala siya sa wisyo para dumalo ng burol. Gusto niya ng peace of mind kaya mas pipiliin niyang huwag nalang dumalo."Sabihan mo lang ako kung oo, ipapasundo kita kay Manong Pito, ha?" Napakamot ng ulo si Luis sa inis dahil sa pagiging makulit ni Chris. Kung nasa harapan niya lamang ito ay baka kanina niya pa ito binatukan. Sa halos trenta minutos na niyang kaharap si Chris sa kanyang selpon, wala itong bukambibig kundi ang pagdalo nito sa burol na wala naman siyang balak daluhan."Anak ng yawa, Chris, hindi nga 'ko dadalo. Ang kulit mo naman. Kanina ka pa ah.
"Twenty-four hours left. Just fucking twenty four hours, Mahana..."Pagkatanggap niya sa ibinalita ng doktor na mayroon na lamang bente kuwatro oras upang maisalba ang buhay ni Mahana sa pamamagitan ng pagkakaroon niya ng malay. Hindi na siya makaalis sa tabi ng babae. Hindi niya magawang bitawan ang mga kamay nito. Hindi niya magawang alisin ang tingin niya sa maamo nitong mukha. Natatakot siya na baka sa susunod na mga segundo ay biglang mawala ang babae."Please, wake up, love...please..." Pakiusap nito. Basang-basang na ang mukha nito ng luha na umaagos mula sa kanyang mga mata.Kasama niya sa kwarto ang pamilya ni Mahana na naghihintay rin sa paggising nito. Maski ang mga ito ay nilalamon rin ng takot. Lahat sila ay hindi mapalagay. Lahat ay ayaw iwan si Mahana at ninanais na manatili na lang sa tabi nito. Nagbabakasakali silang gigising ito sa pamamagitan ng tahimik nilang mga dasal."Luwi.."Napalingon si Luis nang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Rhaiven kasama si Chris. N
"Mahana, anak ko..."Maririnig sa kuwadradong silid na kinaroroonan nila ang masakit na paghagulgol ni Meredith habang yakap-yakap nito ang kanyang anak na si Mahana na walang malay na nakahiga sa hospital bed.Sa tinig ng pag-iyak nito ay sapat lamang upang maramdaman nila ang sakit na dumudurog sa dibdib ng ginang. Walang nagawa ang apat na lalaki kundi ang panoorin na lamang ang ginang at hayaan na maramdaman ang yakap nito mula sa kanyang anak.Napayuko si Luis dahil nahawa siya sa pagiging emosyonal ni Meredith. Sinubukan niyang itago ang emosyon nito pero habang naririnig niya ang pag-iyak ng ginang ay nadadala siya. Naramdaman niyang hinagod-hagod ni Rhaiven ang kanyang likod, nakatulong naman iyon ng konti para gumaan ang kanyang pakiramdam. Malaking pasasalamat niya na sa kabila ng hindi nila pagkakaintindihan ni Rhaiven ay nagawa pa rin siya nitong tulungan."Sir...patawarin niyo po ang anak ko..."Napunta ang kanilang tingin kay Meredith na dahan-dahan na naglakad palapit
"She's a cancer patient, Luis.."Halos malaglag ang panga ni Luis matapos marinig ang balitang iyon mula sa Lola Luisa niya. Ang salitang cancer rin ang tumatak sa mata niya pagkakita sa iniabot nitong envelope kanina na naglalaman ng impormasyon sa totoong karamdaman ng babae.Nakaramdam ng panlulumo si Luis matapos malaman ang totoo. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang tumayo kaagad upang puntahan si Mahana pero ramdam niyang wala siyang lakas. Mas nanaig ang kalasingan na kanyang nararamdaman."No...you're joking, La. She's not..." napailing-iling pa si Luis na pilit hindi pinapaniwalaan ang kanyang nalaman. Nag-unahang bumagsak ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi. "Apo, kaya siya pumayag sa gusto ng mama mo ay dahil gusto niyang makita ang tatay niya bago siya mawala. Ang kapalit ng pagpapanggap niya at panloloko sa'yo ay ang pagkikita nila ng tatay niyang matagal na niyang hinahanap. Nararamdaman na kasi niya na hindi na siya magtatagal. She take risk, Luis." Pagpapaliwanag n
"Matagal na naming alam." Pambabasag ni Rhaiven sa katahimikan habang pinapanood nila si Luis na nilulunod ang sarili sa alak. Ni hindi na nila ito maawat at walang kahirap-hirap na inuubos ang mga alak na inorder nito. Napahinto si Luis sa paglagok ng bote ng alak na kanyang hawak. Diretso niyang tinapunan ng tingin si Rhaiven na seryosong nakatitig naman sa kanya. "What do you mean?"Nagkatinginan muna ang tatlo. Matagal na silang may alam pero nanatili silang tahimik at hinayaan na si Luis mismo ang makabisto kay Mahana. Palihim naman nila itong minamanmanan nang sa ganon ay may ebidensya sila kung sakaling pilit itong ideny ng babae.Sinenyasan ni Kenneth si Rhaiven na siya na lamang ang magpaliwanag kay Luis. Tutal siya naman ang unang nakaalam ng katotohanan dahil pasikreto itong kumuha ng imbestigador upang asikasuhin ang kaso nina Luis. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may hindi kanais-nais siyang nalaman at iyon ay dawit si Mahana."Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin
"Let's talk, Mahana..."Malalaking hakbang ang ginawa ni Luis para maabutan si Mahana na dali-daling naglalakad papunta sa kwarto nila sa tinuluyan nilang hotel. Gusto niyang malaman ang katotohanan sa paratang ng kanyang pamilya laban kay Mahana. Hindi nag-antubili si Mahana na ipaliwanag ang kanyang sarili matapos ang hindi inaasahan na pagbubuking ng pamilya ni Luis sa kanya. Ang tanging paraan na naisip niya lang ay ang magwalk-out. Hindi siya nakapaghanda sa bagay na 'yon na matutuldukan ng biglaan ang kasinungalingan niya."Luis, please, huwag ngayon...." Mabilis na binawi ni Mahana ang braso niya na nahuli ni Luis pagdating nila sa tapat ng kanilang kwarto. Sinamantala ni Mahana na pihitin ang doorknob para makapasok na siya sa loob kahit ang totoo ay wala siyang takas kay Luis. "Hana, ano ba! Kausapin mo 'ko.." muling humakbang ng malaki si Luis upang maabutan si Mahana nang tuluyan na silang makapasok ng kwarto. Sinubukan niyang pakalmahin si Mahana upang makausap niya it