Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)

Loosing Hope (Lonely Soul Series 1)

By:  LaAiraMae  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
30Chapters
2.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Charlotte Hope, a teenager who tried to escape her sorrowful fate find hope to a person who fulfilled everything she dreamed of, not until everything has changed. Unknowingly, that person is just the other part of his personality. Will she embrace the violent side of the person or will she let him go?

View More
Loosing Hope (Lonely Soul Series 1) Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
30 Chapters

Prologo

PrologoNagising ako dahil sa kiliting hatid ng mumunting halik na dumadampi sa aking leeg."Hmm," reklamo ko pero naging ungol iyon.Bahagya ko siyang tinulak pero pinuwersa niya ako."Ano ba? Pagod ako." Natigil siya sa ginagawa at bumaba sa kama. Tuluyan na akong nagising sa ginawa niya kaya't napaupo na lang ako."Uuwi ka rito ng gabing-gabi, tapos makikipagtalik ka sa akin? Ni halos hindi ka na nga tumitira rito, asawa mo ba talaga ako o parausan lang?" nang-aasar siyang tumawa."Gusto ko lang magpainit sige na." Lumapit ulit siya sa akin at sinugod ako ng halik pero muli ko siyang tinulak."Ano hindi ka nakatikim sa babae mo at sa akin ka magpaparaos?" sumbat ko sa kanya.Napapikit ako dahil sa malakas niyang sampal sa akin. "Ano bang problema mo? Ikaw na nga ang nilalambing ayaw mo pa?""Lambing mo'ng mukha mo!" Sa lakas ng singhal ko ay tumalsik yata ang laway ko sa kanyang mukha kaya't napapikit siya.Galit
Read more

Kabanata 1

"Class copy this in your notebook." Napahikab ako matapos marinig ang sinabi ng aming guro sa una naming Asignatura. Umagang-umaga ay inaantok ako. Napabuntong hininga ako at ibinagsak ang ulo sa arm chair ng aking upuan. Isang oras at kalahati ang klase namin sa English ngunit walang alam na ipagawa ang guro namin kundi magpasulat nang magpasulat. Hindi niya ba alam na pudpod na nga ang kamay ko sa pagtatrabaho sa bukid ay mas lalo pang napupudpod dahil sa kakasulat? "Hoy.. sumulat ka na nga nakatingin na si Maam sa'yo," bulong ni Andra sa aking tabi. Tamad kong kinuha ang aking notebook dahil nakatingin nga sa akin ang guro. Binuklat ko ang aking kwaderno na iilang piraso ng pahina na lang ang natitira. Dalawang beses na akong bumili ng notebook sa klaseng ito at nagagalit na si nanay sa akin. Ngayon ay pinoproblema ko kung saan ako kukuha ng pambili kapag naubos na ito. Baka magbaon na lang ako ng dahon ng saging at doon magsulat total iyon din naman daw a
Read more

Kabanata 2

Kabanata 2"Magtanim kayo ng kamoteng kahoy at kamote para hindi kayo magutom," sermon ni tatay sa amin nina Leila at Tintin.Panganay ako sa aming limang magkakapatid at lahat kami ay puro babae.Pawis na pawis na kami habang nagbubunot ng kamoteng kahoy dahil wala kaming bigas at ito lang ang almusal namin. Kanina pa kami sinesermunan ni tatay tungkol sa pagtatanim. Sa isip ko ay hindi ko hahayaang maging ganito ang buhay namin.Tuwing fiesta sa amin ay abala ang lahat sa pagluluto para sa mga darating na bisita samantalang sa amin ay parang walang piyestang nagaganap.Nagkukumahog na hinawakan ng dalawa kong maliit na kapatid ang bagong hain na kamoteng kahoy. Kahit mainit ay pilit na hinahawakan maibsan lang ang gutom na nararamdaman. Maswerte na lang sa isang linggo kung hindi kami makakapag-almusal ng camote o kamoteng kahoy o kaya naman ay saging. Himala na lang din siguro kapag mamantikaan ang aming bibig isang beses sa isang buwan. Hindi nak
Read more

Kabanata 3

Nakakabinging ingay ang sumalubong sa amin pagpasok namin sa plaza ng aming baranggay. Bawat beat ng tugtog ay parang tinatambol din ang aking dibdib. "Whoah..sige pa." Agad akong hinila ni Andra sa gitna at agad na ginalaw ang katawan. Hindi ko maintindihan ang kanta dahil remix iyon at puro beat lang. Kita ko rin ang pagsayaw ni Arnold at ng aking kapatid. Si Sander ay nasa harap ko rin at parang nahihiya pang bahagyang gumalaw. Naaliw ako sa kanya kaya't bahagyang napasayaw na rin ako. Dahil hindi ako sanay ay galaw galaw lang ng paa at kamay ang alam ko at bahagyang kembot. Kahit mainit at siksikan ay walang pakialam ang bawat isa at basta na lang sumusunod sa beat ng tugtog.
Read more

Kabanata 4

Inaamin kong hindi ko nagugustuhan kung gaano siya ka prangka ngunit hindi ko rin maiwasang maapektuhan sa kanyang mga salita. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Mas mabuti nang salubungin ang mga mapanghusgang mata sa paligid matakasan ko lang ang kanyang nakakatunaw na tingin. "Pwede ko bang makuha ang number mo?" Sikreto akong napapikit nang muli siyang magsalita. "Anong number?" Painosente kong tanong. Mas lalo akong nawala sa aking sarili dahil sa ngiti niya. Parang natutuwa pa siya sa pagpapanggap kong slow. "Cellphone number." "Wala," maikling tugon ko at umiwas muli ng tingin. "Grabe naman, ang damot. Ayaw mo lang ibigay eh." Bulong niya na hindi nakatakas sa aking pandinig. "Wala nga! Wala akong cellphone at kung meron man ay hindi ko pa rin ibibigay sayo." Tumaas na ang boses ko at hindi na naitago ang inis pero ang demonyo hindi man lang naapektuhan at nakangiti pa rin na parang natutuwa habang pinapan
Read more

Kabanata 5

Nang sumunod na araw ay umuwi si tatay, hindi pa rin nakakalabas si Tintin dahil nagtamo ito ng 3rd degree burn sa mukha at katawan."tay," tawag ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin.Akala ko ay masakit ang mga sampal at sabunot sa akin ni nanay at ng mga tiyahin at tiyuhin ko. Akala ko ay masakit na ang kanilang mga salita ngunit mas masakit pala ang hindi ka pansinin.Sa kanilang lahat si tatay lang ang hindi nanakit at nagsalita nang masakit sa akin. Akala ko ay okay lang pero mas masakit pala ang tratuhin kang ganito, parang hangin lang ako na hindi nararamdaman. Nakakadurog ng puso na halos hindi ako tinitingnan ni tatay.Nakatanaw lang ako sa kanya habang nilalagay niya ang uling sa sako. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan, hindi
Read more

Kabanata 6

Sa pagkagat ng dilim ay baon ko ang lahat ng hinanakit at sama ng loob. Tulala akong nakaupo sa aking katre habang yakap-yakap ko ang aking mga tuhod. Nawalan ng halaga ang aking buhay simula ng mangyari ang aksidente. Galit silang lahat sa akin, tanggap ko iyon. Pero hindi ko matanggap na pinutulan na rin nila ako ng karapatan para sa sarili ko. Binuksan ko ang bintana sa tabi ng aking katre. Agad na bumungad sa akin ang malamyos na hangin na para bang may binubulong. Ang buhay ko ay para na ring kadiliman, kagaya nito ay wala akong makitang kinabukasan para sa akin. Hanggang kailan ako magiging ganito? Hanggang kailan ko pagsisisihan ang nangyari? Lord, hiniling kong parusahan mo ako para mapatawad nila ako pero bakit hindi nila matanggap ang pagkakamali ko? Hindi ko naman ginusto ang nangyari. Wala ako sa sarili nang dahan-dahan akong umapak sa sahig na semento. Ramdam ko ang gaspang nito sa aking yapak. Binuksan ko ang pintuan at agad akong sinalubong at niyakap ng lamig. Lalo
Read more

Kabanata 7

"Cha," tulala akong nakasandal sa bintana nang tinawag ako ni Rita. Tumabi silang dalawa ni Andra sa akin sa pag-upo. Pagbaling ko sa kanya ay iniabot niya ang mga notes niya sa akin. Nakausap ko si Maam Flores at ang iba ko pang subject teacher at bibigyan nila ako ng time para makapag review sa special test bukas. Sa hina ng utak ko ay sigurado akong hindi ko rin maipapasa iyon. Buti at nandito si Rita at binigyan ako ng pointers para daw di ako mahirapan. Kanina pagpasok ko pa lang sa gate ng school namin ay agad na nakatingin ang mga estudyante sa akin na para bang di kapani-paniwala na bumalik ulit ako sa pag-aaral. Mabuti na nga lang at nakuha ko ang loob ni nanay at pumayag pa siya sa akin. "Cha.. galinga mo ahh, para ma perfect mo ang exam,” pasaring ni Arnold sa akin. Gusto ko mang mag-pokus pero kung ganito ka-epal ang mga kaklase ko ay wala na talagang pag-asa. "Wag niyong isrtorbohin si Cha, seryoso pa naman yan,” dagdag pa ni Edison. Napapailing na lang ako. Walang m
Read more

Kabanata 8

Dire-diretso kong tinahak ang mapunong daan papunta sa amin. Malapit nang dumilim kaya mas binilisan ko ang lakad ko. Hindi dilim ang kinakatakutan ko kundi ang galit ni nanay at tatay sa akin. Bantay-sarado na nila ako dahil sa nangyari. Natigil ako sa aking paglalakad at napahiyaw nang may humablot sa akin papasok sa mapunong bahagi. Bigla akong binundol nang kaba ngunit agad ding napawi sa aking nakita. Nanlalaki ang mata ko nang harapin ako ni Sander. Ang akala ko ay masamang tao na ang humablot sa akin. Agad akong pumiglas sa kanyang hawak. Ramdam ko ang tusok ng mga mga maliliit na sanga at talahib sa aking balat. "Ano ba! Ba’t bigla-bigla ka na lang nanghihila? Nakakagulat ka naman akala ko kung sino na,” nandidilat ang mga mata kong nakatingin sa kanya habang nakahawak sa aking dibdib. Inis na inis ako dahil sa paghila niya sa akin. "Cha naman eh, huwag mo na kasi akong iwan.” Hindi na ako nagpumiglas nang hinawakan niya ako. Inaamin kong gusto ko ang pakiramdam ng kanyan
Read more

Kabanata 9

Minsang may mga bagay talagang kahit gusto mong ikwento ay kailangan mong sarilinin. Ang dahilan marahil ay hindi mo pa kaya o hindi pa ang tamang oras. Narinig ko ang pagtawag ni Andra. "Grabe naman kasi 'yang nanay mo, hindi naman kasi masama ang ginagawa mo," komento nito nang makahabol sa akin. Siguro nga para sa amin ay wala kaming ginagawang masama. Pero sa isang magulang na naghahangad lamang ng kabutihan para sa kanyang mga anak ay maling mali lalo na at ipinagbabawal pa nila ang pagboboyfriend naming magkakapatid. "Yang nanay mo kung makapaghigpit akala mo hindi nakaranas maglandi noong panahon niya." Nabigla ako sa tinuran ni Rita kaya't taka akong napatingin sa kanya. Naninibago akong makarinig ng ganitong komento galing sa kanya, nasanay akong lagi niyang naiintindihan ang opinyon ng iba at hindi siya nagkokomento ng hindi maganda. "Anong gusto niyo? Libre ko na kayo," tanong sa amin ni Andra pagkarating namin sa maliit na canteen ng school. Hindi ako sumagot kay An
Read more
DMCA.com Protection Status