Share

009

Penulis: Totoy
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-07 18:19:21

"KAILANGAN ba talagang magkasama tayo sa iisang kwarto? Paano si Nonoy?" alangan at nahihiyang sabi ni Naomi kay Grayson habang nasa silid siya nito na sa sobrang laki, parang isang bahay na iyon.

Nakahalukipkip lang ito habang nakasandal sa gilid ng pinto.

"May mag-asawa bang hindi magkasama sa iisang kwarto? Paano sila maniniwala na tunay tayong mag-asawa kung magkaiba tayo ng room? And about Nonoy, pinalipat ko na rin siya sa katabing kwarto para madali mo siyang mapuntahan," sabi nito.

Kahit namimilosopo ito, napakaseryoso pa rin. Hindi pa nga niya ito nakitang ngumiti o kung marunong ba ito ngumiti man lang.

"P-pero bakit ba kailangang magkatabi? Malawak naman ang kwarto mo. Pwede ka sa sofa o sa sahig..." saka niya na-realize ang sinabi. Napangiwi siya at umiwas ng tingin kay Grayson. "I mean ako...p-pwede ako sa sofa o kaya sa sahig. Ayaw mo rin naman na katabi ako, 'di ba?" Alangan siyang ngumiti.

Napakamot sa noo si Grayson. "Magkatabi tayong matutulog, Naomi. May reklamo k
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • After Divorce: I Married A Stranger    193

    "NGAYON NA pinirmahan na ni Owen ang almost billion deal na ipinain natin sa kaniya, madali na nating mapapabagsak ang kompanya nila at sisiguraduhin nating hindi na sila muling makakaahon pa," masayang sabi ni Martin kay Noami habang naglalakad sila sa ground floor ng Phantom building."Hindi na ako makapaghintay na makita ang pagbagsak ni Owen, Martin. Hindi tayo titigil hangga't hindi sila tuluyang bumabagsak sa lupa," aniya."Kapag nabaon sa utang ang kompanya ni Owen, wala na silang choice kung 'di ibenta ang natitirang assets nila at bitawana ang kompanya," anito pa.Mayamaya'y napatigil sila sa gitna nang ground floor nang makita niya si Ivy na parang leon na handang manlapa ng tao. Mabilis itong naglalakad papunta sa direksyon niya. Napakunot ang noo niya."Naomi!" galit na banggit nito sa pangalan niya at nagulat siya nang ibato nito ang isang bagay. Kapagkuwa'y napangiti siya nang makita ang USB na pinadala niya rito. "Alam kong ikaw ang nagpadala sa akin niyan at kung sa ti

  • After Divorce: I Married A Stranger    192

    "NAKUHA ng kompanya ang isang almost billion deal na siguradong magbibigay ng malaking benefits sa kompanya, ate," masayang balita ni Owen sa kapatid nito."Talaga, Owen? That's good news for the company," nakangiti ani Levie, kita ang saya sa mukha nito. "Tuluyan na nating maiaahon ang kompanya at mas mapapalago pa ito, Owen.""Sabi ko naman sa iyo, ate Levie, eh may tiwala ako kay Owen at alam kong kaya niyang makuha ang isang ganoong kalaking deal. Look he did it," puri naman ni Ivy hahang nakakapit sa braso ni Owen. Nasa sala sila ng mansyon. "Ito na ang simula para mas lumago pa ang negosyo ng pamilya ninyo."Tiningnan ni Owen si Ivy at ngumiti ito. "No, it's not just for me kung bakit nakuha ko ang deal, dahil din iyon sa tulong mo, Ivy," balik nito.Inihilig pa ni Ivy ang katawan nito sa nobyo. "Hindi ba't sinabi ko naman sa iyo na tutulungan kita.""Thank you, hon for your help." Hinalikan ni Owen si Ivy sa pisngi at kinilig naman ito.Napangiti na lang si Levie at napailing p

  • After Divorce: I Married A Stranger    191

    "HI, OWEN!" mapang-akit na bati ni Tricia kay Owen habang palapit siya rito, suot ang kulay pula at napaka-sexy na dress na kahit sinong lalaki sa loob ng bar ay mapapatingin sa kaniya. Kumunot ang noo ni Owen nang tingnan nito si Tricia mula ulo hanggang paa pero sa huli'y napakagat labi ito dahil sa suot niya habang hawak nito ang baso na may alak. Ininom nito iyon habang may pagnanasang nakatingin sa kaniya. "Have you missed me, Owen?" malumanay niyang tanong nang tuluyan siyang makalapit dito. Umupo siya sa tabi nito habang ang mga palad niya'y hinihimas ang balikat nito pababa sa braso. "Ilang araw ka ring hindi pumunta dito kaya akala ko hindi ka na babalik," patuloy nito sa pang-aakit dito. Ngumiti ito. "I'm stressed, Tricia kaya kailangan kong libangin ang sarili ko at alam kong nandito ka para gawin iyon," sabi nito at inakbayan siya. "Are you sure, Owen? Hindi ba malalaman ng fiance mo na nandito ka kapag stress ka at hinahanap sa ibang babae ang init ng katawan?" "No, s

  • After Divorce: I Married A Stranger    190

    "PAANO MO itatago kay Grayson ang pinagbubuntis mo, Naomi? Habang tumatagal nahahalata na ang paglobo ng tiyan mo at hindi mo na maitatago pa yan sa kaniya," nag-aalalang tanong ni Luna sa kaniya habang nasa sala sila ng mansyon ng mga Phantom."Kung gusto mo, pwede muna tayong manirahan sa America habang hindi mo pa ipinanganganak ang bata," suhestiyon ni Martin."Sigurado ka bang itatago mo kay Grayson ang tungkol sa anak niya? Dahil habang nandito ka sa Pilipinas malalaman at malalaman ni Grayson ang tungkol sa batang dinadala mo," segunda naman ni Jack habang nakatingin sa kaniya. "Tama si Martin, habang hindi ka pa nanganganak pwede ka munang manatili sa America."Hindi agad siya nakasagot. Lalayo ba muna siya para ipanganak ang kaniyang anak? Paano ang paghihiganti niya sa mga Alcantara, isasantabi ba muna niya iyon? Tiningnan niya ang kaniyang tiyan na lumulubo na at sa mga susunod pang araw hindi na niya iyon maitatago pa."P-pero paano ang lahat ng plano natin para pabagsakin

  • After Divorce: I Married A Stranger    189

    LAHAT ay naghihintay at kinakabahan sa magiging hatol ng korte kay Naomi. Base sa mga arguments at ebedensiyang hawak nila, malakas ang laban nila pero hindi pa rin niya maiwasang kabahan dahil alam niya ang kakayahan at impluwensiya nila Levie, na kaya nilang baliktarin ang totoo at iyon ang kinatatakot niya. Naramdaman niyang hinawakan ni Martin ang kamay niya at marahan iyong pinisil habang nakatayo silang lahat at naghihintay sa magiging hatol sa kaniya. Tiningnan niya ito. Ngumiti ito at tumango. "Mananalo ang katotohanan, Naomi," mahinang sabi nito sa kaniya. Hindi siya umimik dahil pakiramdam niya'y bumibilis ang tibok ng puso niya. Tiningnan din niya si Jack at Luna na kapwa tango lang din ang binalik sa kaniya na parang sinasabi nilang mananalo sila. Kapagkuwa'y binalingan niya si Grayson, na saktong nakatingin sa kaniya. Seryoso lang ang mukha nito at hindi niya mabasa kung anong iniisip nito. Ramdam naman niya ang matatalim na tingin nila Levie sa kaniya at parang confide

  • After Divorce: I Married A Stranger    188

    GANOON NA lang ang gulat ni Naomi at ni Martin nang tawagin ng attorney ng mga Alcantara ang bagong witness nila laban sa kaniya. Natigilan siya ng pumasok ang tinawag nitong babae. Nagkatinginan silang dalawa ni Martin at kapwa hindi makapaniwala. "W-what?" gulat na reaction ni Luna. "I-I can't believe this," naguguluhang aniya. "Anong ginagawa ni Crystal dito? Why does she become the witness of this case?" hindi makapaniwalang sabi naman ni Martin. "Kilala mo ba ang nasasakdal?" Alangang tumingin si Crystal sa mga tao pero dahan-dahan din itong tumango. "Now, Miss Crystal, sabihin ninyo sa harap ng korte ang nalalaman ninyo tungkol kay Mrs. Naomi Alcantara," tanong ng lawyer nila Grayson. Naalala niya ang huling pag-uusap nila ni Crystal at inamin nito ang lahat ng alam nitong kasamaan na ginawa ni Ivy kaya bakit ngayon ay nasa harap nila ito para maging witness laban sa kaniya? Saglit siyang tiningnan ni Crystal pero agad din itong umiwas. Bahagya itong yumuko at kita niya an

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status