Share

010

Author: Totoy
last update Huling Na-update: 2025-03-07 20:51:27

ABALA si Naomi sa pag-aayos ng mga gamit ni Nonoy nang may kumatok sa pinto. Lumipat din si Nonoy ng silid, sa tabi ng magiging kwarto nila ni Grayson.

"Grayson," gulat na banggit niya sa pangalan nito nang buksan niya ang pinto. Walang emosyon ang mukha.

"Tatayo ka na lang ba diyan?" masungit na anito.

"B-bakit? Dapat ba humiga ako?" pamimilosopo niya kaya nangunot ang noo nito. Alangan siyang ngumiti. "I mean, bakit may ipapagawa ka ba sa akin?"

Napailing ito. "Nakalimutan mo bang check up mo ngayong araw?"

Kumunot ang noo niya at saka naalala ang araw ngayon. "Oo nga pala. I'm sorry, Grayson nakalimutan ko," aniya.

Suminghap ang lalaki. "Get yourself ready. Ayaw kong naghihintay ako ng matagal."

Tumango siya, saka mabilis na naglakad papuntang bathroom.

Habang nasa bathroom siya, pumasok si Grayson sa loob at tiningnan si Nonoy na naglalaro ng mga laruan nito. Napansin siya nito.

"K-kayo po ba 'yong mabait na may-ari ng house na ito?" inosenteng tanong ni Nonoy. Tumayo ito sa pagk
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Arlene Nayve
naku Ang kontrabita naglabasan n naomi
goodnovel comment avatar
Beverlyn Pichon Dela Cruz
nice nagustohan ko Sana nku ayan na Naomi
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naku ayan na Naomi ung pamilya ni Grayson mukhang mahihirapan ka sa kanila
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • After Divorce: I Married A Stranger    225

    MABILIS NA bumaba ng sasakyan si Naomi kasama si Martin sa tapat ng malaking bahay ng mga Fravoo. Agad silang pumunta roon nang malaman nilang aalis na sila ng bansa. Kailangan nilang maabutan ang mga ito at makuha ang anak niya.Sunod-sunod na doorbell ang ginawa ni Naomi habang kinakabahan siya. Paano kung nakaalis na sila ng bansa dala ang anak niya? Paano kung nailayo na nila ang bata? Anong gagawin niya? Natatakot siya na baka tuluyan nang mawala ang anak niya."Tao po!" sigaw ni Martin habang sinisilip ang loob ng malaking bahay. Walang lumalabas mula roon na kahit katulong.Hindi niya tinitigilan ang pagpindot sa doorbell, ulit-ulit, umaasang may lalabas mula roon. "Mr. and Mrs. Fravoo, please talk to me!" sigaw niya, naiiyak may pagmamakaawa."Lumabas kayo and talk to us! Alam naming nandiyan pa kayo at hindi kami aalis dito hanggang hindi kayo lumalabas," sigaw ni Martin. Bumuntong-hininga ito at hinarap siya. "Sigurado akong hindi pa sila nakakaalis ng bahay," tila siguradon

  • After Divorce: I Married A Stranger    224

    "NAOMI." Napakurap siya nang marinig niya ang boses ni Grayson habang kanina pa niyang pinagmamasdan si lola Marina na mahimbing na natutulog. Pasimple niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata. Nasasaktan siya sa mga nangyayari. Hindi siya humarap. Nanatili siyang nakatingin kay lola Marina habang hawak niya ang kamay at braso nito. Gusto niyang maramdaman nitong nasa tabi lang siya nito. "P-pwede ba tayong mag-usap?" mahinahong tanong nito. "Alam kong hanggang ngayon galit ka pa rin sa akin at ayaw mo akong makita pero baka this time, pwede mo akong bigyan ng pagkakataong makausap ka," pakiusap nito. Bumuntong-hininga siya at bahagyang yumuko. Dahan-dahang niyang binitawan ang kamay ni lola Marina at tumayo mula sa pagkakaupo. Hinarap niya ito pero walang boses na lumabas mula sa bibig niya bago naglakad palabas ng silid. Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na hangin habang nasa dulong bahagi sila ng hallway ng hospital kung saan walang tao. Nakatingin siya sa lab

  • After Divorce: I Married A Stranger    223

    "HINDI na ako makapaghintay na makita at makausap si lola Marina, Martin," masayang sabi ni Naomi habang lulan siya ng sasakyan nito. Nang malaman nila mula kay Vincent na gising na raw si Lola Marina, agad silang bumyahe papunta sa hospital. Masaya siya at natutuwa sa nalaman. Mas binilisan pa ni Martin ang pagmamaneho sa sasakyan nito. "Ngayong gising na si lola Marina, mapapatunayan na natin ang lahat ng ginawa ni Levie at Ivy sa kaniya at mas madali natin silang masisingil sa lahat ng kasalanan nila," ani Martin. Ngumiti siya. Hindi na siya makapaghintay na makitang nasa kulungan ang mga taong gumawa ng masama laban sa kaniya at kay lola Marina. Ilang sandali pa at nakarating na sila sa hospital. Agad silang bumaba ng sasakyan at pumasok sa gusali. Nasapo niya ang umbok na niyang tiyan dahil pakiramdam niya'y bumibigat na iyon. Nakakaramdam din siya ng sakit ng balakang at pagkapagod dahil sa paglalakad. Kapagkuwa'y naramdaman niyang hinawakan ni Martin ang braso niya para

  • After Divorce: I Married A Stranger    222

    "ANONG balak mong gawin kay, Kalus?" tanong ni Martin kay Naomi habang sakay sila ng sasakyan nito patungo kay Kalus. Habang nasa backseat si Yuan, abala sa paglalaro sa cellphone nito. "Sa tingin ko hindi na natin magagamit si Kalus laban sa kanila lalo't wala na sa panig nila si Grayson at tito Christopher." "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong nito. "Sa tingin mo ba may pakinabang pa sa kanila si Kalus at Ashley gayong hindi na nila kailangang magpanggap sa harap ng mga Alcantara? Sigurado ako ngayong nakuha na nila Ivy ang posisyon ni Grayson, hindi na rin nila kailangan si Kalus at Ashley. Katulad ni Gino, itatapon na lang din nila ang mag-ina na parang basura pagkatapos nilang gamitin." Napaisip si Martin at kapagkuwa'y tumingin sa kaniya. "Kung ganoon ibabalik na natin kila Grayson ang bata?" Umiling siya. "Kapag lumabas na ang DNA results ni Kalus at napatunayan kong anak siya ni Grayson, ibabalik ko siya sa kaniya pero kapag hindi siya anak ni Grayson, hahayaan k

  • After Divorce: I Married A Stranger    221

    "BABALIKAN natin ang anak mo, Naomi," ani Martin habang lulan sila ng sasakyan pauwi. Kanina pa siya walang kibong dahil gustong-gusto na niyang makita ang anak na nawalay sa kaniya. Hindi na siya makapaghintay na mayakap at makasama ito.Gusto sana niyang makita ang umiiyak na bata sa bahay ng mga umampon dito pero pinigilan siya ni Martin dahil baka raw malaman ng mga katulong kung anong totoong pakay nila roon at kapag nangyari iyon, baka ilayo ng mag-asawa ang kaniyang anak."Hindi nila pwedeng malaman na alam na natin ang tungkol sa batang inampon nila dahil sigurado akong hindi nila basta ibibigay sa atin ang bata lalo't mahigit isang taon na rin nilang inalagaan ang anak mo." Saglit siya nitong tiningnan at hinawakan ang kaniyang kamay at marahan iyong pinisil. "Pero huwag kang mag-alala dahil sigurado akong wala silang matibay na panghahawakan para angkinin ang bata. Kapag napatunayan nating siya ang anak mo at hindi nila ibinigay sa atin, dadaanin natin sa legal na proseso."

  • After Divorce: I Married A Stranger    220

    "NGAYON na nakuha na ni Owen at Levie ang posisyon ni Grayson sa kompanya, sa tingin mo ba may panahon pa si Ivy para balikan ka rito at tuparin ang pangako niya sa iyo? Kung wala kang pera at kapangyirihan kagaya ni Owen, hindi ka niya mamahalin. You're useless to her! Isa ka lang niyang kasangkapan, gagamitin sa sarili niyang benepisyo. Ilang beses ka ba niyang dinadalaw dito? Did she tell you that she loves you? Anong pinanghahawakan mo para sabihin mong ikaw ang pipiliin niya?" Ngumisi pa si Naomi dahil alam niyang alam ni Gino na totoo ang lahat ng sinabi niya.Hindi ito nakaimik at bahagyang yumuko, kita ang sakit at pait ng katotohanan."Papayag ka bang ikaw ang nakakulong habang malayang nagmamahalan si Owen at Ivy?" segunda naman ni Martin. Kapwa batid nila na ginagamit lang ni Ivy si Gino para sa sarili nitong kapakanan at paraan nilang saktan ito at ipamukha ang masakit na katotohanan para malaman nito ang totoong intensyon ni Ivy sa rito."Kaya kung ako sa iyo, hindi ako p

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status