ang bigat ng eksena huhuhu huwag po sana kayong bibitaw marami pang mangyayari at mga plot twist. ingat po kayo palagi enjoy
NAGMADALING BUMABA ng silid si Naomi nang marinig niya ang tunog ng sasakyan. Wala siyang pakialam kung magang-maga na ang mga mata niya dahil sa walang tigil na pag-iyak. Maaring nandiyan na si Grayson, magpapaliwanag siya dahil hanggang ngayon umaasa siyang papaniwalaan siya nito. Baka kasi galit lang ito dahil alam niya kung gaano kahalaga kay Grayson ang lola nito.Pagbaba niya ng hagdan, saktong papasok sila Grayson, kasama nito si Ashley, ang anak nito na si Kalus, kasama rin si Ivy at Champagne. Pakiramdam niya'y mga patalim ang sumalubong sa kaniya dahil sa tingin nila na para bang siya na ang pinakamasamang tao sa paningin nila. Nawalan siya ng lakas at mas gusto na lang niyang maglaho at hindi na lumitaw pa."At talagang may mukha ka pang ihaharap para salubungin kami?" ani Ivy na akala mo'y parte ito ng pamilya kung makapag-react sa nangyari. Ngumisi ito. Malamang na sa loob nito, nagbubunyi na ito dahil nagtagumpay ito sa masama nitong plano.Para siyang sinasaksak ng mata
LAYLAY ANG mga balikat at walang lakas na pumasok si Naomi sa mansyon habang patuloy sa pagbuhos ang mga luha sa kaniyang mga mata dahil sa nangyari. Sa isang iglap, siya ang naging masama at kontrabida sa paningin ng lahat dahil lang sa malaking kasinungalingan ni Ivy."M-Ma'am Naomi, kumusta na po si lola Marina?" salubong sa kaniya ni Merry na bakas ang pag-aalala sa boses nito.Parang hindi niya narinig ang sinabi nito. Dire-diretso siya ng lakad hanggang makarating siya sa may hagdan. Tumingin siya mula sa taas at iniisip niya ang nangyari kay lola Marina.Umiling siya. "W-wala akong kasalanan!" mahinang hinaing niya at dahan-dahang napaupo sa sahig kung saan niya nadatnang nakahandusay si Lola Marina. "Wala akong ginagawa!" patuloy niya habang umiiyak at halos humiga na sa sahig.Nag-aalalang nilapitan siya ni Merry. "M-Ma'am Naomi, bakit po? Ano pong nangyari?" naiiyak na sabi nito habang kinakabahan. "May nangyari po bang masama kay lola Marina? Kumusta po siya?"Madiin niyang
TULALA LANG si Naomi habang palayo si Grayson kalong si lola Marina, kasama si Ashley. Sunod-sunod ang patak ng luha sa kaniyang mga mata dahil nasasaktan siya sa nangyari. Pakiramdam niya'y dinurog siya ni Grayson dahil pinaniwalaan nito ang sinabi ni Ivy kahit alam nitong hindi niya magagawa ang bagay na iyon kay Lola Marina."Kumusta ka, Naomi? Masakit ba? I'm sorry huh kasi ikaw lang naman ang nakita naming nasa crime scene kaya sino pa bang paghihinalaan namin?"Humikbi siya at kinagat ang pang-ibabang labi. Tiningnan niya si Ivy gamit ang galit niyang mga mata. "H-hayop ka, Ivy! Alam mong wala akong kasalanan sa nangyari, alam mong hindi ko magagawa iyon kay lola Marina," pagtatanggol niya sa sarili."Talaga ba? Hindi ba't nasaktan ka nang kampihan ni lola Marina si Kalus kaysa sa kapatid mo? Anong malay ko na gusto mong gantihan ang matanda kaya ginawa mo iyon," giit nito.Nilapitan niya ito at mahigpit na hinawakan sa braso. "Sa tingin mo dahil sa ginagawa mo masisira mo ako?
UKUPADO pa rin ang buong isip ni Naomi ng mga nalaman niya tungkol sa kaniyang ina at dinagdagan pa ni Martin ang mga iniisip niya. Sino ba ang tinutukoy nito? May alam ba ito sa kung sino ang totoo niyang ama? Naguguluhan na din siya at kahit anong isip ang gawin niya, hindi niya makuha ang gustong sabihin ni Martin sa kaniya.Nag-alok si Martin na ihatid siya sa mansyon pero ayaw pa niyang umuwi kaya nagpasiya siyang magpahatid dito sa kaibigan niyang si Luna dahil kailangan niya ng kausap."What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Luna ng makita siya nito sa lobby ng building kung saan ito nagtatrabaho. Para siyang pinagtakluban ng tadhana dahil sa hitsura niya. "Ok ka lang? May nangyari ba?" Umupo ito sa tabi niya.Ngumuso siya. "Pwede ba tayong lumabas?"Tiningnan ni Luna ang watch na suot nito at ngumiti. "Tamang-tama dahil magla-lunch break na rin naman kami," sabi nito. "Wait for me, kukunin ko lang gamit ko sa loob." Tumayo ito at iniwan siya pero agad ding bumalik."S
IMBIS NA sumagot ay bahagya lang yumuko si Jack sa naging tanong niya. May alam ba ito sa pagkatao ng kaniyang ama? "P-please, answer me dahil matagal ko ng gustong malaman kung sino ang totoo kong ama na kahit apelyido niya ay hindi ko dala. I-I've always wanted to know him dahil alam kong sa sarili ko na mas magiging buo ako kapag nakilala ko siya. I'm not asking for more, gusto ko lang po talaga makilala ang aking ama," pagmamakaawa niya dahil baka iyon na ang pagkakataon niya para makilala ito o kahit malaman man lang ang pangalan nito. "I-I'm sorry...h-hindi ko kilala ang iyong ama," sabi nito na hindi makatingin sa kaniya. "H-hindi po ba't kilala ninyo ang aking ina? Kung hindi man kayo nagkatuluyang dalawa, baka po may alam kayo sa nangyari sa kaniya pagkatapos ninyong maghiwalay. Sinabi niyo po na pinahanap ninyo siya, 'di ba? B-baka may nalaman kayo tungkol sa asawa niya noon, sa lalaking nakasama niya, sa naging buhay niya," giit niya. Bumuntong-hininga si Jack at malungk
PAGKATAPOS MAGBIHIS ni Naomi hindi na niya ginising si Grayson at nag-iwan na lang ng notes sa table kasama ng breakfast nito. Sa hindi niya alam na dahilan kinakabahan siya sa kung anong sasabihin ni Jack sa kaniya kahit wala naman siyang ideya kung tungkol saan ba iyon. Tungkol ba kay Martin?Pababa na sana siya nang hagdan ng makita niya si Levie na palabas ng main door ng gate. Napakunot ang noo niya dahil masyado pang maaga para umalis ito. Mabilis siyang kumilos pababa at nakita niyang dumeretso ito sa garage ng mansyon at hindi niya alam kung bakit sinundan niya ito.Agad siyang tumago sa gilid ng wall nang huminto ito at kinuha ang cellphone sa dala nitong sling bag at sinagot ang tumawag dito."I'm coming, medyo nahirapan lang akong makaalis dahil nandito pa sa bahay si Christopher," mahinang sabi nito at luminga sa paligid habang may hinahanap sa bag nito. Agad siyang nagtago at napalunok. Sinong kausap nito?Sinilip muli niya ito at nakita niya ang masayang ngiti sa mga lab