Share

186

Penulis: Totoy
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-11 15:11:45
"SEE? WALA si Kalus dito katulad ng inaakala ninyo kaya pwede na kayong umalis," pagtataboy ni Naomi nang makalabas ang mga police na walang nakitang Kalus sa loob ng mansyon. Kita niya kung paano sila napahiya sa mga bintang nila sa kaniya. Hindi naman talaga nila matatagpuan si Kalus doon dahil wala roon ang bata.

"Umalis na kayo dahil wala rito ang hinahanap ninyo," sabi naman ni Martin.

Kita niya ang inis at gigil ni Ashley. "No! A-alam kong nasa iyo ang anak ko, Naomi maaring wala siya rito pero alam kong hawak mo siya. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap si Kalus at kapag napatunayan kong ikaw ang kumuha sa kaniya, magbabayad ka!" banta nito.

"Go ahead, Ashley patunayan mo sa lahat na ako ang kumuha sa anak mo. I'm not scared anymore," aniya at ngumiti pa.

"Umalis na kayo," pagtataboy ni Jack.

"Tara na, umalis na tayo," aya ni Christopher sa kanila. Ramdam niya ang talim ng mga tingin nila sa kaniya na may halong pagbabanta.

"Hindi pa kami tapos, Naomi," ani Ivy ba
Totoy

huwag po kayong mag-alala, malapit na rin po itong matapos. siguro by next month tapos na rin ito. salamat po sa pagmamahal ninyo at suporta dahil 37k na tayo.

| 34
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (11)
goodnovel comment avatar
Liza Paballa
more update author sna c martin mka tuluyan n Naomi ok n mg sisi c Grayson at masaktan xa mwala c Naomi wag lng xa mka tuluyan c martin ang dapat pra k Naomi author more update
goodnovel comment avatar
Mich A Michelle
Oo nga Mr author, si Naomi at Martin nlng mgka tuluyan.. Pangit ng character ni Grayson dito, hindi pngbida.
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Oo nga author sna hnd nah mgkabalikan c grayson at noime,, c Martin at noime nlng
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • After Divorce: I Married A Stranger    192

    "NAKUHA ng kompanya ang isang almost billion deal na siguradong magbibigay ng malaking benefits sa kompanya, ate," masayang balita ni Owen sa kapatid nito."Talaga, Owen? That's good news for the company," nakangiti ani Levie, kita ang saya sa mukha nito. "Tuluyan na nating maiaahon ang kompanya at mas mapapalago pa ito, Owen.""Sabi ko naman sa iyo, ate Levie, eh may tiwala ako kay Owen at alam kong kaya niyang makuha ang isang ganoong kalaking deal. Look he did it," puri naman ni Ivy hahang nakakapit sa braso ni Owen. Nasa sala sila ng mansyon. "Ito na ang simula para mas lumago pa ang negosyo ng pamilya ninyo."Tiningnan ni Owen si Ivy at ngumiti ito. "No, it's not just for me kung bakit nakuha ko ang deal, dahil din iyon sa tulong mo, Ivy," balik nito.Inihilig pa ni Ivy ang katawan nito sa nobyo. "Hindi ba't sinabi ko naman sa iyo na tutulungan kita.""Thank you, hon for your help." Hinalikan ni Owen si Ivy sa pisngi at kinilig naman ito.Napangiti na lang si Levie at napailing p

  • After Divorce: I Married A Stranger    191

    "HI, OWEN!" mapang-akit na bati ni Tricia kay Owen habang palapit siya rito, suot ang kulay pula at napaka-sexy na dress na kahit sinong lalaki sa loob ng bar ay mapapatingin sa kaniya. Kumunot ang noo ni Owen nang tingnan nito si Tricia mula ulo hanggang paa pero sa huli'y napakagat labi ito dahil sa suot niya habang hawak nito ang baso na may alak. Ininom nito iyon habang may pagnanasang nakatingin sa kaniya. "Have you missed me, Owen?" malumanay niyang tanong nang tuluyan siyang makalapit dito. Umupo siya sa tabi nito habang ang mga palad niya'y hinihimas ang balikat nito pababa sa braso. "Ilang araw ka ring hindi pumunta dito kaya akala ko hindi ka na babalik," patuloy nito sa pang-aakit dito. Ngumiti ito. "I'm stressed, Tricia kaya kailangan kong libangin ang sarili ko at alam kong nandito ka para gawin iyon," sabi nito at inakbayan siya. "Are you sure, Owen? Hindi ba malalaman ng fiance mo na nandito ka kapag stress ka at hinahanap sa ibang babae ang init ng katawan?" "No, s

  • After Divorce: I Married A Stranger    190

    "PAANO MO itatago kay Grayson ang pinagbubuntis mo, Naomi? Habang tumatagal nahahalata na ang paglobo ng tiyan mo at hindi mo na maitatago pa yan sa kaniya," nag-aalalang tanong ni Luna sa kaniya habang nasa sala sila ng mansyon ng mga Phantom."Kung gusto mo, pwede muna tayong manirahan sa America habang hindi mo pa ipinanganganak ang bata," suhestiyon ni Martin."Sigurado ka bang itatago mo kay Grayson ang tungkol sa anak niya? Dahil habang nandito ka sa Pilipinas malalaman at malalaman ni Grayson ang tungkol sa batang dinadala mo," segunda naman ni Jack habang nakatingin sa kaniya. "Tama si Martin, habang hindi ka pa nanganganak pwede ka munang manatili sa America."Hindi agad siya nakasagot. Lalayo ba muna siya para ipanganak ang kaniyang anak? Paano ang paghihiganti niya sa mga Alcantara, isasantabi ba muna niya iyon? Tiningnan niya ang kaniyang tiyan na lumulubo na at sa mga susunod pang araw hindi na niya iyon maitatago pa."P-pero paano ang lahat ng plano natin para pabagsakin

  • After Divorce: I Married A Stranger    189

    LAHAT ay naghihintay at kinakabahan sa magiging hatol ng korte kay Naomi. Base sa mga arguments at ebedensiyang hawak nila, malakas ang laban nila pero hindi pa rin niya maiwasang kabahan dahil alam niya ang kakayahan at impluwensiya nila Levie, na kaya nilang baliktarin ang totoo at iyon ang kinatatakot niya. Naramdaman niyang hinawakan ni Martin ang kamay niya at marahan iyong pinisil habang nakatayo silang lahat at naghihintay sa magiging hatol sa kaniya. Tiningnan niya ito. Ngumiti ito at tumango. "Mananalo ang katotohanan, Naomi," mahinang sabi nito sa kaniya. Hindi siya umimik dahil pakiramdam niya'y bumibilis ang tibok ng puso niya. Tiningnan din niya si Jack at Luna na kapwa tango lang din ang binalik sa kaniya na parang sinasabi nilang mananalo sila. Kapagkuwa'y binalingan niya si Grayson, na saktong nakatingin sa kaniya. Seryoso lang ang mukha nito at hindi niya mabasa kung anong iniisip nito. Ramdam naman niya ang matatalim na tingin nila Levie sa kaniya at parang confide

  • After Divorce: I Married A Stranger    188

    GANOON NA lang ang gulat ni Naomi at ni Martin nang tawagin ng attorney ng mga Alcantara ang bagong witness nila laban sa kaniya. Natigilan siya ng pumasok ang tinawag nitong babae. Nagkatinginan silang dalawa ni Martin at kapwa hindi makapaniwala. "W-what?" gulat na reaction ni Luna. "I-I can't believe this," naguguluhang aniya. "Anong ginagawa ni Crystal dito? Why does she become the witness of this case?" hindi makapaniwalang sabi naman ni Martin. "Kilala mo ba ang nasasakdal?" Alangang tumingin si Crystal sa mga tao pero dahan-dahan din itong tumango. "Now, Miss Crystal, sabihin ninyo sa harap ng korte ang nalalaman ninyo tungkol kay Mrs. Naomi Alcantara," tanong ng lawyer nila Grayson. Naalala niya ang huling pag-uusap nila ni Crystal at inamin nito ang lahat ng alam nitong kasamaan na ginawa ni Ivy kaya bakit ngayon ay nasa harap nila ito para maging witness laban sa kaniya? Saglit siyang tiningnan ni Crystal pero agad din itong umiwas. Bahagya itong yumuko at kita niya an

  • After Divorce: I Married A Stranger    187

    "HINDI MO ba naisip na baka si Sir Jack ang totoo mong tatay?" Napakunot ang noo ni Naomi nang sabihin iyon ni Luna habang papunta sila sa lugar kung saan nila dinala si Kalus. Ito ang nagmamaneho ng sasakyan. "Bakit mo naman nasabi iyon?" Kahit siya ay naisip naman ang posibilidad na iyon pero malabong mangyari dahil kung talagang anak siya ni Jack, sinabi na nito iyon noon pa. "Tingnan mo, huh simula nang malaman ni Sir Jack na anak ka ng nag-iisang babaeng minahal niya lahat ng mabuting bagay ibinigay niya sa iyo. Tinulungan ka niya, pinaramdam niya sa iyo ang totoong pamilya at hindi ka niya iniwan, kinupkop ka niya. Napakabuti nila sa iyo kaya baka may posibilidad na siya ang totoo mong ama," paliwanang nito. Naalala niya ang sinabi ni Martin sa kaniya. Ayaw nitong maging kapatid siya. Kung totoo man ang hinala ni Luna, alam na dapat iyon ni Martin. Nanliit ang mata niya. "Dahil sinabi sa akin ni tito Jack na nangako siya sa mama ko na aalagaan niya ang mga anak nito. Sadyang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status