Khaliyah POVMaagang natapos ang paglilinis ko ng bahay. Sa totoo lang, parang unti-unti na akong nasasanay sa mga gawain dito, hindi na ako masyadong nagrereklamo, nagugulat na lang ako na nagagawa ko na nang maayos ang mga gawaing bahay, kahit minsan ay medyo nangangapa. Pero hindi ako puwedeng magpabaya, lalo na ngayon na simula na ng bago kong buhay, ang buhay na hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung paano ko tatahakin.Habang inilalabas ko ang mga supot ng basura sa harap ng bahay ni Tito Yummy, saglit akong napatambay sa gilid. Pinagmasdan ko ang paligid, tahimik pa, mukhang abala ang lahat sa kani-kaniyang gawain. Magpapahinga sana ako saglit nang biglang may tumawag sa akin.“Liya, right?”Napatingin ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang isang dalagitang halos ka-edad ko lang ata. Maganda siya, may mahaba at kulot na buhok at nakangiti siya sa akin na parang matagal na kaming magkaibigan. Napatango ako habang unti-unting napangiti rin.“Ikaw ‘yung kahapon sa isa sa
Khaliyah POVNakahinga ako nang maluwag nang maisara ko nang maayos ang gate at pinto ng bahay. Sinigurado kong naka-lock ang lahat bago ako sumama kay Beranichi papunta sa coffee shop sa may palengke. Minsan lang ako lumabas at gusto ko rin namang magliwaliw kahit saglit.Habang naglalakad kami sa kahabaan ng LJS street, hindi ko maiwasang mapansin ang mainit na pagbati ng mga tao sa akin.“Liya, ang aga mong gumala ngayon, ah!” bati ng isang tindera ng kakanin. Natatandaan ko na nandoon din ito kahapon sa handaan namin ni Tito Larkin.Napangiti ako at masayang kumaway. “Ngayon lang, Ate! Niyaya lang ako ni Beranichi.”Sunod-sunod ang mga pagbating natanggap ko. Parang biglang nagbago ang tingin ko sa lugar na ito. Dati, naiisip ko kasing parang mahirap ang pamumuhay sa probinsya dahil parang pala-away ang mga tao sa ganitong lugar, pero ngayon, parang gusto ko na rito. Hindi sosyal ang mga tao rito, pero may ibang klase ng saya at kapayapaan dito.“Ang dami mo nang kilala rito, ah,”
Khaliyah POVNagpatimpla ng kape si Tito Larkin habang nagbibihis siya ng damit pambahay, tinuloy ko na rin ang isang supot ng tilapia sa lababo, linis na iyon at uugasan na lang. Iniwan ko muna ang tilapia sa may plangganang may tubig at inuna ko munang timplahin ang kape ng asawa ko, este ni Tito Larkin.Nilagay ko sa lamesa ang kapeng mainit na sinamahan ko na rin ng tinapay. Nang makita niyang naka-ready na ang merienda niya, nagpakitang-gilas na ako gamit ang natutunan ko kay Beranichi.Dahan-dahan akong lumapit sa rice cooker na bagong bili kahapon ni Tito Larkin, para mas madali na raw magluto. Sinimulan ko nang hugasan ang bigas. Hindi na ako nagtanong kung ilang beses dapat itong hugasan. Tatlong beses. Iyon ang sabi ni Beranichi kanina, kaya tatlong beses ko itong hinugasan. Maingat kong tinantsa ang dami ng tubig, sinigurado kong sakto lang ito para hindi matigas at hindi rin malata. Nang masigurado kong ayos na ito, isinara ko na ang takip at isinaksak ang rice cooker. Ala
Khaliyah POVHabang nakaupo sa dining area si Tito Larkin, tahimik siyang kumakain ng nilutong sarsiadong tilapia ko. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero kita ko sa kilos niya na nasasarapan siya. Hindi katulad dati na lagi siyang nakakunot-noo, ngayon ay parang masaya lang siyang kumakain. Napangiti ako tuloy ako. Hindi ko maipaliwanag, pero may kung anong saya sa puso ko na makita siyang ganyan. Na hindi na nagrereklamo.Tikman ko rin kaya?Kumuha ako ng isang piraso ng tilapia at sinubukan ko na ring tikman ang niluto ko. Oh, my God! Tama nga, masarap nga ang luto ko! Ang tamang timpla ng asim, alat, at bahagyang tamis ng sarsa na ginawa ko ay naghalo sa bibig ko. Ang isda, malutong pa rin kahit may sarsa. Tapos, ang kanin, sakto na rin ang pagkakaluto. Napangiti ako. Mukhang hindi nasayang ang mga pinaghirapan kong matutunan galing kay Beranichi. Kahit nakinig lang ako sa mga sinabi niya, natandaan ko iyon at nagawa ko kahit hindi ko siya nakikitang magluto.Habang kumakai
Khaliyah POVNagtaka ako, tahimik ang paligid nang magising ako ng umagang iyon. Nakakagulat na walang tapik o boses na gumising sa akin. Agad tuloy akong bumangon nang makita kong alas otso na ng umaga. Huli na ako sa paggising! Karaniwan, si Tito Larkin ang gumigising sa akin, pero ngayon, hindi niya ako ginising. Napakunot ang noo ko. Hindi kaya nakalimutan lang niya? Pero imposible naman iyon. Alam niyang kailangang may mag-asikaso ng almusal para sa kaniya kasi papasok siya sa trabaho.Mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa kuwarto ni Tito Larkin. Hindi pa siya lumalabas, kaya nagtataka akong kumatok sa pinto ng bedroom niya.“Tito?” tawag ko sa kaniya ng halos tatlong beses pero walang sumagot.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Napanganga ako nang makita ko siyang nakahiga roon, baluktot ang katawan at tila giniginaw. Nakangiwi ang mukha niya na parang hindi mapakali sa pagtulog. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba kasi nakita kong hindi normal ang itsura ni tito
Larkin POVNagising ako sa marahang pagdampi ng isang malamig na bimpo sa noo ko. Sa simula, hindi ko pa mawari kung ano ang nangyayari, pero nang maramdaman ko ang isa pang dampi sa leeg ko, dahan-dahan akong dumilat. At doon ko nakita si Khaliyah, nakayuko sa akin, may hawak na basang bimpo at tila abala sa pagpupunas ng pawis sa katawan ko.Hindi ko siya agad kinausap. Sinilip ko lang siya mula sa pilikmata ko. Ang noo niya’y bahagyang nakakunot habang sinisiguradong napupunasan niya ang bawat bahagi ng mukha ko. Pawisan din siya na mukhang abalang-abala sa pag-aalaga sa akin.Nang makuntento siya sa ginagawa, muli siyang dumampot ng bimpo sa plangganang may maligamgam na tubig, nilublob ito doon, piniga at saka muling idinampi sa balat ko.Nagulat ako kasi pagyuko niya, kitang-kita ang kaluluwa niya sa suot niyang sandong puti. Putarages, kahit may sakit ako at inaantok pa, parang nabuhayan ako bigla, tanginang susö ‘yan, ang laki talaga. Kaya ayaw ko talaga na naka-sando lang siy
Khaliyah POVNapakunot ang noo ko. Narinig ko na parang may gumagalaw na sa labas nung magising ako ng umagang iyon. Tumingin ako sa orasan, alas siyete na ng umaga. Parang sa kusina ‘yung ingay na naririnig ko.May nagluluto?Agad tuloy akong bumangon mula sa higaan ko at nagmamadaling lumabas ng kuwarto ko. Pagdating ko sa kusina, bumungad sa akin si Tito Larkin, nakatayo sa harap ng kalan habang hinihigop ang isang tasa ng kape.“Tito!” Napalakas ang boses ko sa gulat. Agad akong lumapit sa kanya at hinablot ang sandok sa kamay niya. ‘Ano pong ginagawa niyo rito? Hindi pa kayo pwedeng kumilos! Baka mabinat kayo.”Napakamot siya sa ulo at napailing nang bahagya. “Naiinip lang ako, Khaliyah. Hindi naman ako sanay na walang ginagawa.”Hinila ko ang braso niya at dinala siya papunta sa hapagkainan. “Maupo na lang kayo diyan. Ako na ang mag-aasikaso ng almusal natin.” Hindi naman siya tumutol, kaya ako na ang nagpatuloy sa kusina ng mga nasinimulan niyang lutuin.Pinirito ko ang itlog a
Khaliyah POVNapabuntong-hininga ako. Tahimik ang buong bahay. Kung hindi lang delikado, baka lumabas na ako para makapaglakad-lakad man lang o makipag-usap sa mga kapitbahay namin. Pero alam kong hindi pa talaga puwede.Nakaupo ako sa gilid ng sofa, pinaglalaruan ang dulo ng aking buhok habang nakatitig sa cellphone ko. Hindi pa rin tumitigil ang mga post sa social media tungkol sa paghahanap sa akin ng taong ayaw ko nang makita. Paulit-ulit kong nakikita ang mukha ko sa iba’t ibang accounts, pati na rin ang napakalaking halagang pabuya para sa sinumang makapagtuturo ng kinaroroonan ko ngayon.Nakakainis kasi, hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon. Wala pa rin akong magawa kundi manatili rito sa bahay ni Tito Larkin, maghintay at umiwas sa anumang maaaring maglantad ng pagkatao ko.Bored na bored na ako.Tumayo ako at lumakad papunta sa maliit na kusina. Marami namang pagkain sa ref, pero parang gusto kong matutong magluto. Wala akong ibang gagawin, kaya bakit hindi ko subukang mag-ar
Larkin POVSa totoo lang, wala pa ring araw na hindi ko iniisip kung kailan mahuhuli o makikita si Khaliyah. Bawat kibot sa paligid, bawat bagong mukha sa paningin namin o sulyap ng hindi kakilala sa kalsada, parang may takot na palaging namumuo sa akin. Mas natatakot ako kay Khaliyah, kasi ayokong mawala siya sa buhay ko. Pero ngayong umagang ‘to, ibang init ang naramdaman ko sa batok ko. Hindi kasi ako pala-check ng social media, sa gabi, higa kung higa talaga, lalo na’t gabi-gabi, talagang sinusulit ko si Khaliyah sa kama. After nun, tulog kasi pagod na pagod kaming dalawa.Wala akong ginagawa nung umiinom ako ng kape sa dining area. Kakabukas ko lang ng page ng business ni Khaliyah. Tuwang-tuwa pa ako kanina habang tinitingnan ang mga bagong uploads. Hanggang sa nakita ko ang isang post na hindi ko nagustuhan. Nag-selfie pala sila kagabi na kasama si Khaliyah. Naka-upload iyon sa social media kaya nanginig sa galit ang laman ko.Hindi ako makapaniwala na pumayag siyang sumama at
Khaliyah POVMainit na ang hangin sa buong paligid nang magising ako. Patay na pala ang aircon, ewan ko, siguro way ni Larkin ‘yun para maaga akong magising kasi alam niyang marami-rami na namang gagawin ngayong araw.Sinalubong ako ng liwanag ng araw na pumapasok sa bintana, at ang tunog ng mga huni ng ibon sa bubong ng kapitbahay ay parang paalala ng kung anong mahalagang mangyayari ngayong araw. Tama, itong araw kasi na ‘to ay ang araw nang pagde-deliver naman namin.Nag-inat ako, naghilamos at agad na bumaba para hanapin si Beranichi.Gaya kahapon, nandoon na pala silang lahat agad. Nakakahiya, ako ang amo pero ako ang kahuli-hulihang magising. Bukas, dapat na siguro akong mag-alarm para mas maaga akong magising sa kanila.“Beranichi, ready ka na ba?” tanong ko habang sinisilip siya sa may kusina. Nakatalikod siya, nag-aayos ng mga papel at listahan.“Halika na, Liya. Tignan natin ulit ang listahan bago natin ipaubaya kina Poge, Uda, at Ipe ang pagde-delivery-an nila.”Umupo ako s
Khaliyah POVNagsimula na ang pagsalang ng unang batch. Pineapple-calamansi. Amoy pa lang, parang gusto ko nang gawing pabango. Pinaghalo namin ang diced pineapple, calamansi juice, at brown sugar. Dahan-dahan itong hinahalo ni Larkin habang kami ay nag-aayos pa ng iba pang sangkap sa gilid.“Guys, 3 hours daw ‘to na halo-halo. Gusto niyo ng kape?” tanong ko.“Ako gusto ko ng milk tea,” sabay taas ng kamay ni Poge.“Ako gusto ko ng cake,” sabay ngiti ni Ipe.“Ako gusto ko ng jowa,” hirit naman ni Uda.“Ako gusto kong manahimik kayo pagdating sa trabaho,” sagot ni Larkin habang tuloy lang sa paghahalo.Natahimik tuloy ang lahat bigla. Napasabi tuloy ako sa isip ko na minsan, KJ ang asawa ko. O, baka ganito talaga siya kapag may ibang tao. Kapag kaming dalawa lang kasi ang magkasama ay super bait at super sweet niya.Sa akin kasi, okay lang na magbiruan at tuksuhan, basta nagagawa naman ng maayos ang trabaho.“First natin kaya dapat seryoso at ipakita ang galing at kasipagan, saka ang a
Khaliyah POVToday is the day, na kung saan, unang araw naming magagamit ang silong ng bahay namin ni Larkin. Hindi pa man ako bumababa ng hagdan, naririnig ko na ang malalakas na boses nina Ipe, Poge at Uda. Para bang sila ang may-ari ng bahay, hindi kami ni Larkin. Halatang mga excited sila sa unang araw ng trabaho nila.Pagbaba ko, sinalubong ako ng amoy ng bagong linis na sahig at kaunting usok mula sa bagong bukas na kalan sa silong ng bahay. Oo, sa wakas, ngayong araw na ang opisyal na simula ng jam business ko. Ang silong ng bahay namin ni Larkin, ay parang naging mini-pabrika tuloy. Kung dati eh, tambayan lang 'yan ng mga lumang kagamitan, ngayon ay isa na itong pagawaan ng jam ko. Mas malawak na ang gawaan ko kaysa sa kusina ng bahay na sobrang liit.“Aba, Madam Liya! Good morning po CEO namin!” bungad ni Poge habang naka-apron na kulay red at may nakadikit pang sticker na hindi ko malaman kung anime ba o cartoon. Basta, binili nalang namin ‘yan ni Larkin para sa kanila. Mura
Khaliyah POVNakatulog pa rin si Larkin pagkatapos ng bakbakan namin sa kama ngayong umaga, kaya hindi ko na siya ginambala. May gusto kasi akong gawin—kailangan ko na kasging maghanap ng staff para sa big jam business ko. Ngayong malinis na ang silong, ready na itong gawing production area, at siyempre, hindi ko kakayanin ‘to mag-isa.Pagkakain ko ng almusal, agad akong lumabas ng LJS street. Una kong nilapitan ang ilang tindera sa kanto—may nagbebenta ng banana cue, fishball, kwek-kwek at turon.“Ate, baka gusto mo mag-part time sa akin? Sa paggawa ng jam, magre-repack, minsan magde-deliver din. Kung gusto mo, puwede ka ring maging regular na sa work sa akin?”“Ay naku, ate, salamat ha, pero hindi ko kayang iwan tong paninda ko. Marami na kasi akong suki sa pagtitinda ko nito,” sagot ng isa sa kanila.Umiling din ang iba. Pare-pareho ng sagot. Sayang, mababait sana sila pero naiintindihan ko naman na may priority din sila. Baka kasi galamay na nila ang ganoong negosyo kaya ayaw na n
Khaliyah POVPagkatapos ng dinner, pumasok na si Larkin sa kuwarto. Sabi niya, magce-cellphone lang daw muna siya saglit habang ako naman ay nagligpit ng pinagkainan. Ilang sandali lang, lumipat na rin ako sa banyo para maligo muna, baka kasi kainin niya ako, nakakahiya at maghapon akong pawisan. Hindi naman ako nagtagal, mabilisang banlaw lang at toothbrush, tapos ay pumunta na ako sa kuwarto namin.Pagbukas ko ng pinto, isang malalim na hilik agad ang sumalubong sa akin.“Ha?”Napanganga ako. Nakatagilid na ang asawa ko, yakap ang isang unan, habang tulog na tulog at medyo nakanganga pa. May maliit pang bahid ng pawis sa noo niya, marahil dala ng pagod sa paglilinis namin sa silong buong maghapon. Binuksan ko na ang aircon kasi ang usapan namin, hindi muna mag-e-aircon kasi magse-sëx pa kami.Nakakainis pero inisip ko na lang na mas mapagod talaga siya dahil malalaking mga gamit ang binuhat niya.“Grabe ka, mahal,” mahina kong bulong, sabay ngiti na lang habang pinapanood siyang mah
Khaliyah POVNgayong araw, wala munang training si Larkin at sa Lunes pa magsisimula ang regular na pasok niya sa trabaho, kaya sinamantala na naming dalawa ang pagkakataon para asikasuhin ang paglilinis ng silong ng bahay namin.Pagkagising palang ng umaga, nagluto na agad ako ng masarap na almusal para kapwa kami masipag sa mga gawain ngayon. Nagluto lang ako ng fried rice, adobong pusit at saka fried egg. Gumawa rin ako ng guyabano juice at pati na rin kape para mamimili na lang siya kung anong gusto niyang inumin.Pagkababa namin sa silong, agad kaming sinalubong ng alikabok at amoy ng lumang kahoy doon. Grabe, nung makapasok kami sa pinaka-loob, nakita namin ang mas marami pang kagamitan, may mga sirang upuan, lumang bentilador, kahon ng mga hindi na ginagamit na kagamitan ni Larkin noong binata pa siya.Hindi pa kami nag-uumpisa pero parang pagod na ako. Pero dahil para ito sa future namin ng asawa ko, laban lang!Tinapik na niya ako sa balikat. “Let’s start clearing, mahal,” an
Khaliyah POVMag-aalas singko na ng hapon nang mapagdesisyunan kong kausapin na si Larkin tungkol sa iniisip kong planong palakihin ang business kong jam. Kanina ko pa ito pinag-iisipan pero ngayon ko lang talaga naramdaman na handa na akong gawin. Nakaupo siya noon sa sofa, nakataas ang isang paa, hawak ang cellphone at mukhang pinapanuod na naman ang favorite niyang series na anime, para siyang bata, pero normal lang ata talaga sa isang lalaki na makahiligan ang panunuod ng anime, kahit matanda na.“Larkin, mahal,” tawag ko sa kaniya nang lapitan ko siya. Hindi ko alam kung papayag ba siya o hindi, pero kung anong magiging desisyon niya, okay lang sa akin kasi baka may iba siyang plano sa buhay namin.“Hmm?” tumingin siya sa akin na para bang medyo nagulat pa. Agad din naman niyang ni-lock ang cellphone niya para ibigay ang buong atensyon niya sa akin. “Bakit, mahal? May problema ba?”Umiling ako. “Wala naman. Gusto ko lang sana ipaalam sa ‘yo na... plano ko nang ituloy-tuloy na ang
Khaliyah POVPagod man ako buong araw, sinigurado kong may masarap na merienda si Larkin pag-uwi niya galing sa training niya sa bar. Mahigit isang oras ko ring niluto ang carbonara. Hindi ito ‘yung instant na tipong lalagyan lang ng powder. Pinag-igihan ko talaga ang pagluluto kasi gusto kong makuha ‘yung lasa ng carbonara na natikman namin sa may coffee shop sa palengke. Gusto kong makita sa mukha ni Larkin ‘yung saya—’yung tipong ngiting papawi sa pagod niya sa buong training niya. Baka kasi nahirapan siya ngayon sa naging training niya, kawawa naman. Kaya kung pagod man siya, deserve niya ang masarap na merienda ko.Habang pinipilit kong ayusin ang plating ng carbonara sa puting plato, naglalakad-lakad na ako pabalik-balik sa kusina at dining area. Kumukulo pa ang tubig sa kettle para sa kape niya. Natutunan ko na kasi kung gaano siya kasaya tuwing may mainit na kape siya tuwing hapon, lalo na kung umuulan o kung pagod talaga siya. Parang pampawi niya iyon ng pagod ng katawan.Sak