LOGINSa kagustuhan kong ipamukha sa ex-boyfriend ko na kaya kong magbuntis ay nagdesisyon akong sumailalim sa isang IVF procedure pagkatapos ay sa isang surrogacy. Pero mukhang hindi kami kampi ni Lord dahil ang naiturok sa akin ay ang sample na galing sa boss kong laging galit at sinisante ako! Pero paano kung dahil sa pagkakamaling iyon ay magbago nang tuluyan ang buhay ko? Paano kung mawala sa akin ang lahat dahil tinanggap ko siya sa buhay ko? At paano kung dumating ang isang araw ay maghihiganti ako sa kanya?
View MorePakiramdam ko ay nagpaulan ng kamalasan sa buong mundo ngayon dahil salong-salo ko lahat!
Halos matapilok na ako habang tumatakbo papunta sa elevator. Diyos ko, ayaw kong ma-late! Muntik pa akong masaraduhan. Hinihingal na ako pero hindi nakatakas sa akin ang pag-uusap ng dalawang staff sa tabi ko. "Galit na naman si Sir Javier!" "Baka masama lang ang gising." "Masama na talaga ang ugali niya!" Mas lalo tuloy akong kinabahan. Napahigpit ako sa hawak kong folder at parang maiihi na sa paghihintay kung kailan titigil ang elevator sa executive floor. "Uy, Sol, ikaw pala iyan," tawag sa akin ng isa sa mga marites. Hindi ko sila kilala pero kilala nila ako. Hindi dahil sa sikat ako, kung hindi dahil sa— "Secretary ka ni Sir Javier, hindi ba?" Tumango na lang ako. Siguro nasa ibang department sila. Napatingin naman ako kaagad sa sling ng ID nila— kulay dilaw. Ibig sabihin ay intern pa lang sila. "Mabuti at natagalan mo siya? Ikaw na kaagad ang naging secretary niya mula nang umupo siya bilang CEO hindi ba?" tanong pa niya. Kailan ba siya mananahimik! Intern pa lang pero ang dami nang alam! Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. At kapag minamalas ka nga naman! Hayop! Eksakto namang palabas ng boardroom si Sir Javier. Iyong hallway ng boardroom kasi ay madadaanan ko papunta sa table ko na nasa labas lang ng opisina niya. Cubicle style office ang mayroon kami. Magkakadikit lang at kapag uupo ka ay hindi ka makikita. Tang ina lang talaga. Bakit nauna pa siya sa akin? Dahan-dahan akong lumabas ng elevator. Parang ayaw kong gumalaw dahil pakiramdam ko ay mapapansin niya kaagad ako. Malayo pa lang ay kita ko na ang magkasalubong niyang kilay at ang awra niyang parang napapalibutan siya ng hindi nakikitang itim na usok. Ganoon ang dating niya. Intimidating as always. Na para bang isinumpa siyang mamamatay kapag ngingiti. Sa loob ng limang taon ko bilang secretary niya, not once did I saw him smile! Mabuti na lang at abala siya sa pakikipag-usap sa isang board member kaya pasimple akong naglakad, diretso ang tingin, at nagdadasal na sana ay hindi niya ako mapansin. Pero mukhang hindi kami kampi ni Lord ngayon. "Stop, Rivera." Iyong paa kong hahakbang pa lang ay natigil sa ere. Dahan-dahan ko pa iyong nilapag sa sahig bago ko siya hinarap at hindi makatingin sa kanya nang diretso. "G-Good morning—" "What's good in the morning when you're late by exactly..." Kaagad niyang sinipat ang suot na relo, "...three minutes and eight seconds." Time conscious talaga ang lalakeng ito. Normal naman iyon dahil pinapasahod kami ng tama. Pero hindi naman tinatrato ng tama! "Traffic po kasi—" "Wala akong pakialam sa traffic," sabi niya at hindi na naman ako natapos sa pagsasalita. Kung sa bagay ay hindi niya naman hinahayaang magpaliwanag ang mga staff niya. "Everyone deals with it. So don't give me excuses because you're not an exemption." "S-Sorry po, s-sir..." nakayuko kong saad at pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko, damang-dama ko ang init. "Kung sa kada sorry mo ay nababawasan ang mga pagkakamali mo, maiintindihan ko pa," sagot niya. "Pero parami nang parami ang kapalpakan mo." Hindi na ako sumagot. Hindi dahil sa wala akong masabi pero dahil alam kong kahit anong paliwanag ko ay hindi niya iyon tatanggapin. "Is that the monthly report I ask you to finish?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang folder na hawak ko. "Y-Yes, sir." Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa folder, na para bang sinasabi ng mga mata niya na mali na naman ang ginawa ko. "Bring that to my office." Kaagad niya akong nilampasan at dire-diretso ang lakad papunta sa opisina niya. Doon pa lamang ako nakahinga nang maayos. Pakiramdam ko kasi mali rin para sa kanya kapag huminga ako sa harapan niya. Dali-dali akong pumunta sa table ko. "Malas na naman ba?" bungad na tanong sa akin ni Mariz na katapat lang ng cubicle ko. "Isipin mo na lang para sa pinag-iipunan mo iyan!" Mabuti na lang at may karamay akong kaibigan. Tumango ako at inayos muna ang folder. "Para sa future!" Hindi ko na hinintay pang makasagot siya at nagmamadaling pumunta sa opisina ni Sir Javier. Pagpasok ko pa lang ay ramdam ko na ang mainit na titig niya. Sanay naman na ako sa kanya. Tatagal ba ako ng limang taon bilang secretary niya kung basta na lang ako nagpapadala sa emosyon ko? Hindi. Pero may mga araw talaga na gugustuhin mo na lang maglaho kasama ang hangin sa ere. May mga araw na tahimik lang siya. May mga araw na laging sumisigaw. May mga araw na isang mali mo lang ay sisante na kaagad. Maraming beses na rin akong napahiya, nasigawan, at muntik masisante. Pero tiniis ko ang lahat. Nag-iipon kami ng nobyo kong si Randolph para sa magiging kasal namin. Siya naman daw ang gagastos pero gusto ko kasing makadalo ang pamilya ko na nasa probinsya. Kaya kahit anong sigaw at pagsusungit pa ni Sir Javier ay kinakaya ko dahil may goal akong dapat na tuparin. "Hindi lalapit ang mesa ko sa iyo," malamig niyang saad sa akin. Kadalasan talaga ay sarkastiko siya. Kaagad na akong naglakad papunta sa mesa niya at nilapag ang dalang folder. Kinuha niya naman iyon at hindi pa nag-iisang minuto mula nang basahin niya ay kaagad niya na iyong padabog na nilapag ulit. "Incomplete." "But, s-sir, ilang beses ko na po iyang ni-review ulit at—" "Third quarter projections. Where are the comparative visuals? Where is the forecast analysis? And why..." Tumigil ito saglit, tumingin sa akin nang matalim, "...is your formatting inconsistent?" "S-Sir, I followed everything based on the last template you sent," sabi ko habang hindi makatingin sa mga mata niya. "Do you think that makes this acceptable?" malamig niyang tanong, blangko, walang ibang tonong maririnig sa boses niya kung hindi pagkadismaya. "Redo everything," dagdag pa na sabi niya. "You have until five." "S-Sir, l-lahat po ba? Including the raw data cleaning?" "Yes. All. If you can't handle your tasks, tell me. I can easily find someone who can." Kahit ilang beses niya na akong pinagsalitaan na para bang gusto niya na akong patalsikin, masakit pa rin iyong marinig. "Don't put that kind of expression in your face. I'm not firing you... yet." Lumabas na ako matapos kong kunin muli ang report na buong gabi kong ginawa. Ilang oras lang yata ang naitulog ko kaya ako na-late kanina. Huminga ako nang malalim habang naglalakad papunta sa table ko. Hindi ito ang oras para panghinaan ng loob. Kaya inumpisahan ko nang ulitin ang twenty pages ng monthly report. Nang sumapit ang tanghali ay nagyaya si Mariz na mag-lunchbreak. "Mauna ka na at tatapusin ko muna itong isang page." "Sige at ipapa-reserve kita ng paborito mong ulam," sabi pa ni Mariz saka umalis. Sakto namang tumunog ang cellphone ko at may text message si Randolph. Nakangiti ako habang binubuksan iyon. "Magkita tayo mamayang alas sais, sa lagi nating kinakainan." Alas sais. Sakto pa naman dahil alas singko ang out namin. Thirty minutes papunta roon. "Did I told you to take a break?" Isanng tanong mula sa malamig na boses ang narinig ko kaya kaagad akong napatayo. "N-No, sir." "Then why are you on your phone?" Huminga lang ako nang malalim at hind na nag-abalang magpaliwanag. Useless lang din. "When you're working, I expect your full attention. Kaya ka puro mali. Understand?" "Y-Yes, sir." Mabilis nitong tiningnan ang tablet na binigay sa kanya ni Marco— ang personal assisstant nito slash bodyguard. "You will attend the meeting with me at three. Update the decks before that. And finish that report before five." Paano ko matatapos ang report na ito kung may isisingit akong trabaho. Hindi na ako nakasagot dahil parehas na silang naglakad palayo ni Marco. Padabog akong napaupo. "Konting tiis na lang, Sol..." pang-aalo ko sa sarili bago hinarap muli ang nire-revise na monthly report. Hindi ko namalayan ang oras at alas dos na. Kaya naman ay tumayo na ako at pupunta ng boardroom para ihanda ang lahat bago magsimula ang meeting. "Hoy, gaga, hindi ka kumain!" nakapameywang na sabi ni Mariz. Kinawayan ko lang siya. Nang makapasok ako sa boardroom ay umupo kaagad ako sa harap ng laptop na naka-connect sa projector. Ilang sandali pa ay dumating na si Sir Javier kasama pa rin si Marco at ilang staff. Binalik ko ang atensyon sa laptop at sa pag-aayos ng gagamiting slide para sa meeting. "Slide seven, wrong graph." Muntik na akong mapamura. Hindi ko man lang namalayang nasa likod ko na pala siya. Nang mag-umpisa na ang meeting ay alerto akong naghihintay sa bawat senyas niya. "The data is wrong..." bulong niya at kaagad ko namang nilipat iyon. "Switch to the next slide faster," mahina niyang sabi pero halatang nagtitimpi lang na sumigaw. "Are you even listening?" tanong niya nang matapos ang meeting. Nakayuko lang ako. "Next quarter’s performance would drop if we retain incompetent staff. Some might need to be replaced." Parang sinasabi niyang... "Ikaw ang mauuna." "Your performance today was below average," sabi pa niya habang naglalakad na palabas. "At this rate, baka hindi ka umabot sa end of quarter evaluations." Pinigilan kong umiyak. Pagtingin ko sa relo ay alas kwarto na. Hindi ko alam kung anong uunahin sa mga nararamdaman ko. Ang pagod ba o ang gutom. Pero nauna na ang mga luha ko sa pagpatak.Tahimik pa rin ang café matapos ang lahat.Hindi na iyon ang parehong katahimikan kanina—hindi na iyon ang tensyon ng dalawang taong nagtataguan ng lihim. Ito na ang katahimikan ng dalawang taong parehong may alam at parehong pumili na hindi na umatras.Nakatingin pa rin si Leon sa akin.Hindi na ganoon katalim ang tingin niya tulad kanina, pero hindi rin iyon naging magaan. Mas naging malinaw at mas buo. Mas totoo.“Ipapakilala kita kay Tito Eli,” sabi niya sa wakas.Bahagya akong napakunot ng noo. Hindi dahil hindi ko inaasahan—kundi dahil sa bilis ng susunod niyang hakbang.“At alam kong matutuwa siya kapag nalaman niyang buhay ka.”Nanatili akong tahimik. Hindi ko agad sinagot.Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil kailangan kong iproseso ang bigat ng pangalang iyon.Eli.Ang taong matagal nang nasa gilid ng kuwento namin—pero ngayon ay unti-unti nang pumapasok sa sentro ng lahat. Ang taong tumulong sa nanay ko at sa akin noong bata pa lang ako, noong mga panahong hindi pa ako napad
Tahimik ang café.Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas matapos kong itanong ang tanong na iyon. Pero pakiramdam ko ay parang oras ang lumipas sa bigat ng katahimikan sa pagitan namin.Nakatingin pa rin si Leon sa akin. Diretso sa mga mata ko. Walang pag-iwas. Walang pagkurap. Parang sinusubukan niyang basahin ang bawat bahagi ng mukha ko. Para bang hinahanap niya kung may bakas ba ng kasinungalingan sa mga sinabi ko.Pero wala. Dahil wala akong itinago.Hindi na.Sa sandaling ito, ang lahat ay nakalatag na sa mesa. At ang tanging kulang na lang ay ang sagot niya.Sa tenga ko ay narinig ko ang mahinang boses ni Atlas. “He’s thinking.”Hindi ako sumagot. Hindi ako gumalaw. Hindi ko rin inalis ang tingin ko kay Leon. Hindi ko kayang ipakita ang kahit anong kahinaan sa sandaling ito. Dahil kung may isang maling galaw lang ako ay maaaring mabasag ang manipis na linya na nagdudugtong sa amin ngayon.At kapag nangyari iyon ay wala na akong babalikan.Ilang segundo pa ang lumipas.Pag
“I am...” Huminto ako. Hindi dahil nag-aalinlangan ako. Kundi dahil alam kong sa sandaling matapos kong sabihin ang susunod kong mga salita ay wala nang babalikan at wala ng atrasan. Wala nang pagtatago. Wala nang kontrol sa kung paano niya ako titingnan pagkatapos nito.Tahimik ang café.Hindi naman literal—may mga mahihinang ingay ng kubyertos, may mga usapan sa malayo—pero sa pagitan naming dalawa, parang naglaho ang lahat ng iyon. Parang kami lang ang nasa loob ng mundong ito.Nakatingin si Leon sa akin nang diretso sa mga mata ko. Mukhang hindi na nga kumukurap. Naghihintay sa kung anong susunod kong sasabihin.At ramdam ko na handa siyang pakinggan ang kahit anong sasabihin ko—pero hindi ko pa alam kung handa siyang tanggapin iyon.Huminga ako nang malalim.“I’m not just a secretary,” sabi ko sa wakas.Bahagyang gumalaw ang ekspresyon niya. Hindi pa galit. Hindi pa duda. Pero naroon na ang alertness.“Then what are you?” tanong niya.Mababa ang boses niya. Kontrolado iyon pero r
Paglabas ko ng headquarters ng Astra Noctis ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin ng gabi.Tahimik ang paligid.Kung kanina ay puno ng tensyon ang loob ng underground base, ngayon naman ay parang napakalawak ng mundo sa labas—pero mas mabigat.Mas tahimik at kapag mas tahimik ay mas mapanganib.Huminto ako saglit sa tabi ng sasakyan ko, nakatitig sa walang laman na kalsada. Sa tenga ko ay narinig ko ang mahinang boses ni Atlas.“So, you’re really doing this.”Hindi ako agad sumagot.Sa halip ay inilabas ko ang phone ko at tinitigan ang screen. Nandoon ang pangalan niya.Leon.Bahagya akong napapikit.Sa loob ng ilang segundo ay bumalik sa isip ko ang lahat.Ang usapan namin kanina. Ang kwento niya. Ang sakit sa boses niya habang kinukwento ang pagkawala ng pamilya niya. Ang galit na pilit niyang pinipigilan.At ngayon...Alam ko na kung sino ang kalaban niya at kung sino ang kalaban ko.Pareho lang.Pareho lang kami ng taong nais pagbayarin.Huminga ako nang malalim.“Atlas,”
Tahimik pa rin ang silid matapos banggitin ni Atlas ang codename na iyon.King Serpent.Parang may kung anong bumalot sa dibdib ko sa sandaling marinig ko iyon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit… pero pakiramdam ko, mas malalim pa sa inaakala ko ang koneksyon ng lahat.Hindi lang ito basta tungkol k
Tahimik ang kalsada habang humihinto ang sasakyan sa isang madilim na bahagi ng lungsod.Mula sa labas ay tila wala namang kakaiba sa gusali na nakatayo sa harap ko.Pero alam ko ang totoo.Ang headquarters ng Astra Noctis.Ibinaba ko ang sarili ko mula sa sasakyan at tahimik na naglakad papunta sa
Tahimik ang opisina matapos ang mahabang usapan namin tungkol sa nakaraan ni Leon.Ang sikat ng araw na kanina ay sumisilip pa lamang sa gilid ng mga gusali ay ngayon ay ganap nang sumikat. Mula sa malawak na bintana ng opisina niya ay makikita ang lungsod na unti-unting nagiging abala.Mga sasakya
Tahimik ang opisina matapos sabihin ni Leon ang huling bahagi ng kuwento niya. Nakatayo pa rin siya sa tabi ng bintana, nakatanaw sa ilalim ng lungsod na unti-unting nagiging abala sa labas habang papaangat na ang haring araw.Samantalang ako naman ay nakatayo sa kabilang bahagi ng silid, nakaharap


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews