Lumapit si Daniel at ngumiti kay James. Tapos, binigay niya ang utos.“Hulihin sila.”Ang mga mabangis na mga thug ay nahuli ng kaagad.Ng makita si Daniel, kumabog ang puso ni Xara.Ito ay ang one-star na Heneral si Daniel Highsmith sa ilalim ng pamamahala ng Blithe King!Subalit, bago pa man siya makakilos, umalis si Daniel.Pinanood niya siyang umalis, ang kanyang kalungkutan ay malinaw sa kanyang mukha. Iyon ang pinakamalapit niyang naging sa kanyang bayani. Paano niya nagawang mapalampas ang pagkakataon na makasama siya sa litrato?Matagal ng alam ni James na ang Blithe King ay patagong nagpadala ng tao para buntutan siya. Siguro ito ay tagong blessing, para hindi siya makakuha ng atensyon.Kinuha niya ang suitcase ni Xara at ngumiti. “Tara na.”Tumango si Xara bilang tugon. “Okay.”Nakita ang mga gangster na nahuli, si Francis, na nanonood sa hindi kalayua ay nagmaneho palapit sa kanilla kaagad.Lumabas siya sa sasakyan at lumapit kay Xara. Nagmadali siyang nagpaliwana
Sa Audi.Si Xara ay nasa upuan ng pasahero.Si Francis ay nagmaneho habang nagyayabang ng walang tigil sa prestihiyoso ng kanyang pamilya sa Cansington at kung gaano karaming pera ang kasalukuyang kinikita niya sa kanyang sariling kumpanya.“Xara, narinig ko mula kay Thea na nagpunta ka sa Cansington para maghanap ng trabaho. Bakit hindi ka pumunta at magtrabaho para sa akin sa aking herb processing plant? Sa koneksyon ng pamilya ko, kikita ako ng milyon kada taon. Pwede pa kitang gawing manager.”“Tignan natin.”Hindi interesado si Xara.Maaaring mahusay na boyfriend si Francis. Tutal sila ay magkaklase, siya din ay pamilyar sa kanyang paguugali.Subalit, siya ay walang pakiramdam para sa kanya ano pa man.Mahilig siya sa mga bayani. Gusto niya ang mga malalakas.Pumunta siya sa Cansington para maghanap ng trabaho eksakto dahil sa ang Blithe King ay nalipat dito.Sinasamba niya ang mga bayani at gusto ang mga heneral na may matinding military na kakayahan, tulad ng Blithe Ki
Kumain ng magisa ay nakakatamad.Mabuti na lang, si Daniel ay nandito.Higit sa lahat, si James ay walang pera at kailangan na may tao na magbayad ng bill.“Hindi, hindi ako mag lalakas loob.” Biglang napahinto si Daniel sa kanyang paglalakad. Ang lakas ng loob niya na makipagtanghalian kay James?Ngumuso si James sa kanya. “Binibigyan kita ng once-in-a-lifetime na pagkakataon para ilibre ako ng pagkain. Ikarangal mo ito. Walang sino ang pagkakataon na gawin ito.”“Sige, kung gayon.” Tumango si Daniel at mabilis na bumaba ng jeep.Siya ay wala sa military na uniporme pero nasa kanyang kaswal na damit.Nilagay ni James ang kanyang braso sa balikat ni Daniel at naglakad papunta sa Gourmand.“Nga pala, Heneral Highsmith, meron akong tanong.”Si Daniel ay hindi komportable, hawak ni james ang kanyang balikat. “M-magtanong ka, James.”“Ano sa tingin ang plano ng mga nakatataas, ang ayusin ang limang military region at nilipat pa ang Blithe King sa Cannsington bilang commander-in-c
Ano ang nakikita ni Xara?Bakti si James, ang son-in-law ng pamilya Callahan, kilala na isang talunan, nakikipag tanghalian kay Heneral Highsmith, isang heneral sa ilalim ng pamamahala ng Blithe King?Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon.Talagang gulat, tinakpan niya ang kanyang bibig gamit ang kanyang kamay.Nakarinig ng buntong hininga, tumalikod si James at napansin siya.‘Ano ang ginagawa niya? Nagulat ba siya na makita ako?’Subalit, sa isang tingin kay Daniel at naintindihan niya ang lahat.Tapos tumayo siya. “Anong pagkakataon, Xara, nandito ka din. Kumain ka na ba? Hallika, samahan mo kami. Ah, nga pala, hayaan mong ipakilala sayo si Daniel. Mabuti ko siyang kaibigan. Lumaki kami magkasama sa ampunan. Ito ang aming unang beses na makita ang isa’t isa, kaya nagdesisyon kaming magtanghalian magkasama.”Tinignan ni Daniel si James, nabigla.Kaagad niyang naintindihan ang sitwasyon at sumakay. Tumayo, binati niya si Xara ng nakangiti, “Hello, ako si Dani
Tumingin si Xara kay James at umupo ng siya mismo.“I-Ikaw ba si Heneral Highsmith?” Kuminang ang mata ni Xara.Tumingin si Daniel kay James.Tumawa si James. “Xara, ang pangalan niya ay Danny. Hindi siya heneral.”“T-Tama siya.” Mabilis tumango si Daniel sa pagsang ayon. “Miss… Xara, tama ba? Hindi ako heneral. Ang pangalan ko ay Daniel… Sorry, Danny. Kamukha ko lang si Daniel.”Nadulas siya sa sinabi niya.Narinig ito, si Xara ay malakas na tumawa.Hindi niya inasahan ang dakilang itsurang Heneral sa TV na magkaroon ng ganitong cute na side.Alam niya na ang tao na nasa harapan niya ay talagang ang Heneral Highsmith. Pinanood niya ang succession ceremony ng Blithe King ng hindi mabilang na beses. Imposible na magkamali siya ng ibang tao.Imposible. Siya ay si Daniel.‘Danny? Talaga ba?’“Heneral Highsmith, talagang tinitingala kita. M-Maaari ba kitang makasama sa litrato?” Namula siya habang nilabas ang tapang na humingi ng pabor.“Uhm?” Tumingin si Daniel kay James.Nak
Hindi maintindihan ito ni Xara. Paano nagawa ni James na makilala si Heneral Highsmith?Danny? Isang matandang kaibigan sa ampunan?“James, maging tapat ka sa akin. Ano ang relasyon mo kay Heneral Daniel Highsmith?” Tanong ni Xara.Tumugon si James habang kumakain ng kanyang pagkain, “Heneral Highsmith? Hindi ko kilala kung sino iyon. Ang lalaki kanina ay kababata ko. Matagal na naming hindi nakita ang isa’t isa. Tutal nagkasalubong namin ang isa’t isa, nagdesisyon kaming kumain ng magkasama. Heneral na ba siya ngayon?”“Hindi mo ba alam?” Si Xara ay medyo naghihinala sa sinabi ni James.Si Heneral Highsmith ay mukhang sinusunod ang bawat utos ni James at kumilos ayon sa gusto niya.Nagpatuloy si James, “Hindi ko alam. Higit na sa sampung taon simula ng ako ay nasa Southern Plains. Itong Daniel… Sorry, Danny. Mula sa alam ko, si Danny ay nagpunta sa Western border. Hindi niya binanggit ang kahit ano tungkol sa pagiging heneral.”Binaba ni James ang kanyang chopsticks at tumingin
Matapos sabihin ito, tumalikod siya at umalis.Si James ay nasa likod niya. Bago umalis, nagdagdag siya, “Tandaan mo na bayaran ang bill.”“Bwisit.”Galit na kinuyom ni Francis ang kanyang mga kamao. May bahid ng kabiguan sa kanyang medyo gwapong mukha.“James, basura ka. Maghintay ka lang.”Sinira ni James ang kanyang mga plano, kaya siya ay puno ng sama ng loob para sa kanya.Dinala ni James si Xara sa labas ng Gourmand. Nilagay niya ang kanyang suitcase sa trunk at nagmaneho papunta sa bahay ng mga Callahan.Si Xara ay nakaupo sa upuan ng pasahero. Meron siyang nakakalokong ngiti habang tumingin sa mga litrato na kinuha niya kasama si Daniel sa kanyang phone.Hindi mapigilan ni James na magkomento, “Mga litrato lang ang mga ito. Kailangan pa ba ito.”“Ano ang alam mo?” Tinignan siya ni Xara. “Si Heneral Highsmith ay idollo ko. Ang Blithe King ay mas malaking idolo ko. Matagal ko ng pinapangarap na makakuha ng litrato kasama nila. Sa wakas ang kahilingan ko ay nagkatotoo.”
Nnagsasabi lang ng kung ano si Xara.Hindi siya umaasa na makakuha ng kahit ano mula dito.Kahit na kung si Heneral Highsmith ay kilala si James simula pagkabata, siya pa din ay heneral at tao na mataas ang katayuan.Higit pa dito, para kay Blithe King, siya ay tauhan lamang.Maaari siyang sumang ayon para tulungan si James, pero ang Blithe King mismo ay hindi makukumbinsi.Ng marinig ang mga salita ni James, kuminang ang mata niya. “Talaga?”Nakangiting sinabi ni James, “Syempre. Dati din akong nasa militar. Tutla ikaw ay sobrang masigasig, magiisip ako ng kung ano.”“James, mabuti iyan! Salamat.”Masaya si Xara.Ang Blithe King ay isa sa mga Limang Commander.Kahit na ang Blithe King ay hindi ang pinaka hinahangaan, kontento na siya kung siya ay makasama siya sa litrato.Tumingin si James sa rear-view mirror.Ang jeep ay nakabuntot pa din sa kanya.Alam niya na ang Blithe King ay nakabuntot pa din sa kanya.Sa huli nabawi ni Xara ang kanyang sarili at nagtanong na may m
Matapos makabuo ng plano si James, hindi na siya nagtagal sa lugar. Pinutol din niya ang kawalan at nagtago sa loob ng mga bitak ng espasyo upang icultivate.Dahil ang formation ay lumiit patungo sa gitnang rehiyon, maraming mga powerhouse ang lumitaw na malapit sa Desolate Grand Canyon. Matapos itago ang sarili sa isang walang laman, bumuo si James ng time formation sa kanyang katawan.Pagkatapos, sinimulan niyang pag isipan ang Three Fire Transformation ng Flame Art. Ito ay isang mapangwasak na Supernatural na Kapangyarihan. Ang mga kinakailangan upang icultivate ito ay lubhang malaki ang kinakailangan. Una, kailangan ng isang makapangyarihang pisikal na katawan. Pangalawa, ang isa ay kailangang sumipsip at pinuhin ang isang Ignis. Pagkatapos matupad ang mga kondisyong ito, magiging karapat dapat ang isa na icultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art."Ang Unang Pagbabago ng Three Fire Transformation ng Flame Art ay God Incarnation.”“Ang Ikalawang Pagbabago ay Everlas
Nagpakita si Wotan na magulo ang buhok at malagim na sugat. May bahid ng dugo ang kanyang puting damit at mukha siyang pagod.Tumingin si James kay Wotan na nakakunot ang noo at sinabing, "Ikaw ang ika sampu sa Gold Rank ng Chaos Ranking. Sa one-on-one na laban, hindi ka matatalo ng mga cultivator sa Quasi Acme Rank. Malaki ang tsansa mong manalo sa isang laban laban sa isang Acmean. Paano ka napunta sa napakasamang estado?"Lumakad si Wotan, umupo sa lupa at malungkot na bumuntong hininga. "Huwag mo na akong tanungin tungkol dito. Wala akong araw ng kapayapaan mula nang umalis ako sa Palace of Compassion. Nagsama sama ang ilang Quasi Acmeans para tugisin ako nitong mga nakaraang taon. Kanina lang, hindi bababa sa 20 Acmeans ang humahabol sa akin. Nagawa kong makatakas ng napakahirap."Mula ng maghiwalay si James, nakahanap na si Wotan ng lugar na maaari niyang linangin. Gayunpaman, hindi nagtagal ay natuklasan ang kanyang kinaroroonan. Simula noon, palagi na siyang tumatakbo.Sa p
Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a
Umalis si James sa lugar, naiwan si Leilani. Naramdaman ni Leilani na blangko ang kanyang isip at tumayo siya sa kinatatayuan.Si James ay nagpakita ng nakakatakot na kapangyarihan. Naalala pa niya ang unang pagkikita ni James. Ginawa niya ang lahat para makuha ang pabor nito. Gayunpaman, siya ay naging napakalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Maging si Leilani ay nag iingat sa kanya sa kanyang kasalukuyang cultivation rank.Agad niyang naunawaan na nagkamali siya sa pag atake kay Wotan. Kung hindi niya ipinagkanulo ang mga ito, maaaring naiwanan niya ng buhay ang Planet Desolation dahil naintindihan na ni James ang pagbuo sa paligid ng planeta. Baka buksan ni James ang formation at palabasin siya sa huli. Gayunpaman, nawalan siya ng pagkakataon.“Huff.” Walang magawa si Leilani.Samantala, nakaalis na si James. Ang balita ng pagpatay ni James kay Wynnstan ay agad na kumalat sa buong Planet Desolation at narinig ng lahat ang tungkol sa labanan. Si James ay naging isang exist
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na
Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti
Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi