LOGINHalos maluha sa tuwa si Elaine sa narinig niya. “Ay, ang saya! Ang tagal ko nang hindi nakakapaglakbay! Noong nasa US pa ako, ni hindi ko nga nagawang mag-enjoy, tapos nadagdagan pa ng malas bago ako umalis.”Pagkatapos, humarap siya kay Jacob at nagreklamo, “Noong kinasal tayo, wala ka talagang pake. Hindi lang na tahimik ang kasal natin, hindi mo pa ako dinala sa honeymoon!”“Buntis ka na noon,” sagot ni Jacob na medyo nahihiya. “Saan naman kita dadalhin noon…?”Agad niyang idinagdag, “Pero dahil sinabi na ito ni Charlie, pumili ka na lang ng lugar na gusto mo. Gawin na nating honeymoon iyon!”Hindi lang naman si Elaine—matagal na ring hindi nakakalabas si Jacob para maglakbay.Akala niya, sa Korean exchange trip ay makakamit niya ang tagumpay sa pag-ibig at sa career, pero natabunan lang siya ng kinang ni Yolden Hart, at doon na rin tuluyang natapos ang kanyang pag-asa sa pag-ibig. Kaya naman, wala talagang magandang alaala ang biyahe niyang iyon.Bukod pa roon, halatang hindi
"Ha!"Napasinghal si Elaine at napangiwi. “Masakit daw itago ang pera? Ngayon ko lang narinig ang kalokohan na ‘yan. Kalimutan mo na ang two million US dollars—itatago ko kahit dalawang gintong bar pa ‘yan na parang nagbabaga sa init!”Dagdag pa niya agad, “Kung masakit sa’yo na itago, i-wire mo na lang sa akin. Ako na ang magtatabi niyan para sa’yo. Pag nagkaanak kayo ni Charlie, magagamit niyo iyan pambayad ng tuition nila sa kolehiyo!”Naaliw agad si Charlie—si Elaine lang talaga ang may lakas ng loob na sabihin ito kahit siguradong mauubos ang two million bago pa man sila ni Claire magkaanak.Alam ni Claire na hindi niya pwedeng asahan ang kanyang ina pagdating sa pera, kaya sinabi niya, “Pag-iisipan ko muna… Sa ngayon, plano kong tapusin ang proyekto hanggang dulo. Kung maging matagumpay, itatabi ko ang pera. Pero kung hindi, ibabalik ko na lang kay Miss Fox.”Agad namang sabi ni Elaine, “Kung ibabalik mo, kalahati lang dapat. Bigyan mo ako ng one million—ilalagay ko ito sa f
Pero agad ding pinigilan ni Jacob ang sarili niya at kinuyom ang mga kamao niya. “Ayos lang—maghahanap na lang ako ng ibang paraan para makaganti. Anuman ang mangyari, kung maglakas-loob si Raymond Cole na bumalik sa Aurous Hill, hindi ko siya pagbibigyan. Kung hindi ko kayang ipagtanggol ang dangal ko, paano ko pa maipapakita ang mukha ko sa Antique Street?”At nang hindi na nagsalita pa, tumalikod siya at lumabas ng sala.Napabuntong-hininga si Claire at lumingon kay Charlie. “Paki-bantayan si Papa, mahal. Huwag mong hayaang gumawa siya ng gulo sa labas.”Bahagyang tumango si Charlie. “Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala.”Pagkatapos noon, niligpit nila ang sala at sabay na lumabas. Naabutan nila si Jacob na nakaupo sa sopa sa drawing room, umiinom ng tsaa habang nanonood ng TV.Si Elaine naman ay may bihirang ngiti sa kanyang mukha habang nakaupo sa tabi ni Jacob, paulit-ulit na pinupuno ang tasa niya ng tsaa.Nang makita niya sina Claire at Charlie, agad siyang sumenyas.
Tahimik lang si Charlie, pero marami siyang iniisip.Ayaw niyang makita si Raymond na napapahiya sa bulok na lugar gaya ng Antique Street sa Aurous Hill—lalo na’t isa siyang bayani na handang isugal ang buhay para makipagkita sa pamilya Rothschild at makuha ang Four-Sided Treasure Tower.Kaya ang una niyang naisip ay tawagan si Don Albert at sabihing bantayan nang mabuti ang Antique Street, para maagapan agad ang anumang gulo bago pa man makalapit ang mga mangsasabotahe kay Raymond.Pero alam din ni Charlie na siguro ay tatanggihan ni Raymond ang proteksyon. Sanay na kasi siyang humarap sa panganib at may tapang na lumaban pa sa mga Rothschild. At dahil Aurous Hill lang ito, alam niyang kaya ni Raymond ayusin ang mga ganitong problema, alo na kung simpleng grupo lang ng mga manggugulo.Kaya matapos mag-isip, nagpasya si Charlie na huwag muna makialam. Manonood na lang siya sa gilid habang hinahayaan si Raymond na harapin ang mga tao sa Aurous Hill. Hangga’t hindi lalampas sa limita
"Ano?!" siingaw ni Jacob nang sabik habang biglang tumayo. "Talagang magbubukas ng negosyo sa Aurous Hill ang bastos na iyon? Ano, nagsawa na na ba siyang mamuhay nang marangya sa ibang lugar?"Sa isip ni Jacob, dalawa lang ang pwedeng dahilan kung bakit bumalik si Raymond sa Aurous Hill.Una, baka sobrang yumaman siya at bumalik lang para magbukas ng tindahan sa Antique Street, para maibalik ang kaunting dangal matapos siyang tanggalin sa Vintage Deluxe.Ang isa ay ang kabaligtaran—baka nagkaproblema rin siya sa ibang lugar at wala nang ibang magawa kundi bumalik sa Aurous Hill para maghanapbuhay.Kung ito ang una, wala na siyang pag-asa sa paghihiganti.Pero kung ang pangalawa, iba na ang usapan!Samantala, sumagot si Zachary, "Sa totoo lang, hindi ko pa siya nakita sa personal. Pero ayon sa natanggap kong tip, hindi maganda ang kalagayan niya sa ibang lugar, dahil medyo maliit lang ang negosyo na balak niyang buksan."Tumawa agad si Jacob. "Hahaha! Ganoon ba… Siguro pumalpak
Napangiwi si Claire at nagreklamo, “Gaya ng sinabi mo, hindi ko na sasabihin kay Mama para sa kapayapaan ng pamilya. Pero alam mo na hindi mo na dapat ulit gawin iyon!”Paulit-ulit na tumango si Jacob habang nangangako. “Huwag kang mag-alala—hindi ko na uulitin iyon.”Pagkatapos niyang magsalita, biglang tumunog ang cellphone niya sa mesa, at nang tingnan niya, nakita niyang si Zachary ang tumatawag.“Kakaiba,” binulong niya sa sorpresa. “Matagal na niya akong tinataguan, tapos tatawag siya ngayon?”Nagulat din si Charlie.Dahil matapos umalis ni Zachary sa Antique Street at magsimulang tumulong sa mga negosyong hindi kanais-nais ni Don Albert, wala na dapat siyang dahilan para tawagan pa si Jacob.Kaya bakit siya tumatawag ngayon?Nalito rin si Jacob, pero sa huli ay sinagot din niya ang tawag.Sa kabilang linya, magalang na bumati si Zachary, “Mr. Wilson? Ako ito—si Zachary. Naalala mo pa ba ako?”“Kalokohan,” singhal ni Jacob. “Paano naman kita makakalimutan eh ang dami na







