MasukAng tinutukoy na Mr. Crane sa kabilang linya ay si Mick Crane—ang kasalukuyang manager ng Vintage Deluxe, at isang taong gustong lapitan ng lahat sa Antique Street.Noon ay assistant manager lang ni Raymond si Mick, at masasabi na katamtaman lang ang galing niya sa pagbebenta ng mga antique. Pero dahil sa palakaibigan niyang ugali, marami siyang naging kakilala at koneksyon sa Antique Street.Kaya noong tinanggal ni Jasmine si Raymond, si Mick ang pumalit bilang pansamantalang manager. Alam din ni Jasmine na hindi ganoon kagaling si Mick bilang isang manager, kaya balak lang talaga niyang maging tagapangalaga si Mick hanggang makahanap si Jasmine ng mas mahusay.Nang mas lumakas ang koneksyon niya kay Charlie at nagsimula siyang tumulong sa kanya, biglang tumaas ang posisyon ni Jasmine sa pamilya nila. Pero dahil doon, hindi na niya natututukan ang karamihan ng operasyon sa Vintage Deluxe.Ngayong siya na ang pinuno ng pamilya Moore at namumuno sa isang dinastiyang bilyon ang halag
Bukod pa roon, may iba’t ibang trabahong konektado sa mga antique ang dating pagkakakilanlan ni Raymond.Kaya ang plano niya ngayon ay pumunta sa Antique Street, maghanap ng lugar para makapagpahinga, at pagkatapos ay kumuha ng tindahang katamtaman ang laki at mura ang renta para makapagsimula ng negosyo sa Aurous Hill.Pumunta siya sa precinct sa Antique Street para iparehistro ang mukha niya at iba pang detalye niya sa database, bilang patibay sa legal na dokumento niya. Pagkatapos, binigyan siya ng visa ng precinct para makapanatili muna siya sa isang hotel.Karamihan sa mga tindahan sa Antique Street ay nagsasara na nang lumabas siya sa perecinct, pero kinuha niya ang kanyang backpack at naglakad-lakad muna.Hindi naman gaanong nagbago ang lugar kumpara noon, kahit akala niya noon ay hindi na siya makakabalik pa rito…Pero, hindi pa siya gaanong nagtatagal doon nang may isang tindero na nakapansin sa kanya at nagulat. “Uy! Hindi ba ikaw si Mr. Cole? Mula sa Vintage Deluxe? Kai
Nagkibit-balikat si Jacob. “Kung bayad na ang utang ni Hannah, ayos na siya ngayon, hindi ba?”“Oo,” sagot ni Elaine. “May nabalitaan ako mula sa dating kaibigan mga dalawang araw na ang nakalipas. Sabi niya, naipasa na raw ang dokumento ng non-arrest… o non-prosecution, kung ano man tawag doon. Kapag naaprubahan iyon, makakauwi na siya.”“Siguro ay non-prosecution,” sinabi ni Charlie.“Tama, iyon ata!” tumango nang paulit-ulit si Elaine sabay buntong-hininga na may inis. “Sobrang gaan ng naging kaparusahan niya. Dapat ikulong siya ng kahit sampung taon.”Napabuntong-hininga si Jacob. “Sige na, mahal—mali nga sina Mama at Chris, pero grabe na rin ang pinagdaanan nila ngayon. Wala namang dahilan para ipanlangin na mas lalo silang maghirap dahil hindi pa rin makapagtrabho sina Harold at Chris dahil sa mga sugat nila. Nabubuhay pa sila dahil sa kinikita ni Wendy, kung hindi, hindi sila mabubuhay.”Pero dahil natatakot siya na magagalit si Elaine at isipin niya na kumakampi siya sa ka
Nag-iba talaga ang opinyon ni Charlie kay Elaine matapos makita na handa siyang patayin si Jacob kanina, pero ngayon ay biglang naging malambing.Sa kabila ng mga kapintasan niya, si Elaine ang kalahati ng kasal nila na tunay na nagmamahal.Para naman kay Jacob, halatang wala siyang totoong damdamin para kay Elaine.Sa tuwing mababanggit ang nakaraan nila ni Elaine, puro reklamo at inis lang ang lumalabas sa kanya. Pero ngayon, malinaw na si Elaine talaga ang pinakamaganda na mapagpipilian niya. Sa ugali at paraan niya ng paggawa ng mga bagay, siguradong naghiwalay na sila ni Matilda ngayon kahit na magkasama silang pumunta sa States.Sa huli, napakaraming kapintasan ni Jacob na karaniwan sa mga lalaki sa edad niya, pero kung ang iba ay may lima lang sa dalawampung kahinaan, siya ay may labing-walo.Kaya kung tutuusin, sa ibang pananaw, ang nag-iisang babae lang na kayang tiisin si Jacob ngayon ay si Elaine, si Elaine lang talaga. Sa isang banda, ang pagiging prangka at medyo mara
Tumango si Elaine, halatang emosyonal din. "Ay naku, sa wakas ay nakabalik na si Claire pagkatapos ng matagal na panahon sa States. Tigilan na natin ang drama—umuwi na tayo!"Tumango si Jacob, labis ang ginhawa at halos maiyak. "Oo! Umuwi na tayo!"Samantala, napanganga lang si Claire habang pinapanood ang lahat, at si Charlie naman ay pinupunasan ang pawis sa kilay niya—talagang muntik na silang matalo pero nagawa pa rin nilang manalo sa huli!At mukhang tuluyan na nga nilang napawala ang pagdududa ni Elaine kay Matilda, at malamang ay iiwasan na rin talaga niyang makasalubong pa si Matilda.Sa ganong paraan, hindi na malalantad ang lahat ng kalokohang sinabi niya.Nang matauhan si Claire, sinabi niya kay Charlie, "Ang galing mo, darling! Nagawa mong makalusot sa gulong iyon!"Napatawa si Charlie nang medyo nahihiya. "Wala akong magawa kundi isakripisyo ang pride ko para sa kapayapaan ng pamilya."Niyakap ni Claire ang braso niya at masayang tumawa, "Walang tagumpay nang walang
Kahit na wala masyadong naipagmamalaki si Jacob, malaki pa rin ang ego niya, at ni minsan ay hindi siya umamin na matatalo siya ng kahit sino sa harap ng asawa at anak niya.Kaya pareho silang nagulat ni Claire nang bigla na lang umamin si Jacob na isa siyang walang kwenta sa harap nila. Sa tagal ng panahong magkasama sila, ni minsan ay hindi nila narinig ang ganitong salita mula sa kanya!Sa totoo lang, hirap na hirap din si Jacob na insultuhin ang sarili niya nang ganoon.Pero paulit-ulit siyang pinaalalahanan ni Charlie na kailangan niyang sabihin iyon bago pumunta rito—dahil sigurado si Charlie na iyon ang susi para matapos ang gulong ito, at totoo nga na iyon ang nakapawi sa tensyon.Habang sinasabi iyon ni Jacob, pakiramdam niya ay dumudugo ang puso niya, para bang nilapag niya sa sahig ang kanyang pride at tinapakan iyon hanggang sa madurog.Kahit na ginawa niya iyon para mawala ang pagdududa ni Elaine, masakit pa ring tawagin niya ang sarili niya na walang kwenta—lalo na a







