Nanlabo ang paningin ni Madeline dahil sa ulan, ngunit ramdam niya ang galit ni Jeremy. Sa sobrang higpit ng hawak ni Jeremy sa leeg ni Madeline, halos hindi na siya makahinga. Nang makita niya ang namumulang mukha ni Madeline na halos malagutan na ng hininga, bumitaw siya na para bang nailabas niya na ang kanyang galit. Pagkatapos nito, itinulak niya palayo si Madeline. Naghabol ng kanyang hininga si Madeline habang bumubuhos ang ulan. Pinulot niya ang basa niyang phone at nakita niya ang mga message niya sa screen. Mayroong message mula sa isang unknown sender na nasa unahan ng listahan. 'Ayaw makinig sakin ng bata, kaya binugbog ko siya. Hindi na siya nag-iingay ngayon. Kailan mo ba makukuha yung pera sa mga Whitman para kunin yung bata na 'to?' Noong mabasa niya ang message na ito, sumabog ang utak ni Madeline. Pagkatapos, nablanko ang kanyang isipan. Malinaw na isa itong mensahe tungkol sa pandurukot na naganap, pero bakit ipinadala sa kanya ang mensaheng 'to? "Mad
Sinabi ng lalaki ang kinaroroonan niya bago niya ibinaba ang tawag. Agad na tinawagan ni Madeline si Jeremy, pero naisip niya na malamang ay blinock ni Jeremy ang number niya. Pagkatapos, tiningnan niya ang blankong contact list niya. Ang tanging number na pwede niyang tawagan ay ang kay Old Master Whitman. Subalit, pagkatapos niyang mag-isip-isip, hindi na tinawagan ni Madeline si Old Master Whitman. Tumatakbo ang oras, at wala na ring ibang pagpipilian si Madeline. Tumawag siya ng taxi at binigay ang address sa driver. Mukhang mabait ang driver. Noong makita niyang namumutla at may iniindang sakit si Madeline, binalak niyang dalhin sa ospital si Madeline. Pagkatapos siyang pasalamatan at tanggihan ni Madeline, nagpatuloy sila sa kanilang destinasyon. Pagkalipas ng kalahating oras, nakarating si Madeline sa lokasyon na binigay ng lalaki sa kanya. Ito ay isang liblib na lugar na pinaliligiran ng mga bundok at anyong tubig. Maraming puno na naninilaw na ang mga dahon sa pa
Matapos iyon sabihin ni Tanner, napunit ang damit ni Madeline.Sobrang namimilipit sa sakit sk Madeline sa puntong wala na siyang lakas na magpumiglas. Nang maisip niya na makakatakas dito si Tanner, may sumipa pabukas ng pinto at kumalabog nang malakas. Gumewang muna sa gilid ang pinto bago bumagsak sa sahig. Lumingon si Madeline at nakita ang gwapo ngunit nakakakilabot na mukha ni Jeremy na kahawig kay Satanas. Nang magtagpo ang mga mata niya at ang mapanlinlang na titig nito, kinilabutan siya. Naglakad palapit si Jeremy at hinila si Tanner na nakaibabaw kay Madeline palayo. "Ang lakas ng loob mong dakpiin ang anak ko? Sawa ka na bang mabuhay?" Sinuntok niya nang malakas si Tanner sa gilid ng mukha nito, kaya napahagulhol ito sa sakit. Natanggal ang isa nitong ngipin at nagsimulang bumuhosbang dugo mula sa kanyang bibig. Sinipa ni Jeremy si Tanner papunta sa sulok ng pader, at sa sandaling iyon, hindi na makabangon si Tanner sa sakit. Matamlay na bumagsak sa sahig si M
'Talaga?''Kay Meredith ka lang nangako sa buong buhay mo? 'Kung ganon, ang mga sinabi mo noon ay walang kahulugan? At isa lamang akong tanawin na dinaanan mo sa buhay mo na di karapat-dapat ka maalala.' Hehe. Pumikit si Madeline. Hindi niya matukoy kung luha o ulan ba ang dahilan ng pagkabasa ng mata niya. Bago siya magkaroon ng lakas na tumayo, dinala silang dalawa ni Tanner sa kotse ng pulis. Sa loob ng 48 oras sa detention, hindi makatakas si Madeline sa muling pagkakabugbog. Subalit manhid na siya sa lahat ng ito. Sa sobrang manhid niya ay hindi na siya nasaktan nang magsimula siyang sumuka ng dugo. Luha lamang ang walang-humpay na lumabas sa kanyang mga mata. Napaso ng mga luha ang kanyang puso, nanlabo ang kanyang paningin at nalunod ang puso niya. Gumapang si Madeline at pumunta sa rehas. Pinagsisipa at pinagsusuntok siya sa kanyang likod. Nang tignan niya ang sikat ng araw sa labas, nagdadalamhati siyang ngumiti. Habang siya ay nabubuhay sa mundong ginawa
Biglang tumahimik sa loob ng kotse. Mapait na tumawa si Madeline sa pagod. "Jeremy, kahit na hindi ka maniwala sa akin, paano naman si Lolo? Isa siyang wais na tao at maraming karanasan sa buhay. Kung ganon ako kasamang tao, edi bakit siya pumayag na pakasalan kita? Bakit niya ako aalagaan at malamig ang pakikitungo niya kay Meredith?" Inakala niya na pag-iisipan ito ni Jeremy, ngunit sa sandaling tumigil siya sa pagsasalita, tumawa ito. "Alam na alam mo kung bakit mo ako napakasalan at bakit malamig ang pakikitungo ni Lolo kay Meredith." Halatang sinasabi nito na palihim nagsisimula ng hidwaan si Madeline sa pagitan ni Old Master Whitman at Meredith. Subalit di niya naisip na kung gaano kalaling problema ang isang babaeng tulad ni Meredith na ginustong maging isang kabit. "Madeline, tama na ang pag-arte. Dadalhin kita kay Lolo ngayon na. Ipapakita ko sa kanya ang tunay mong pagkatao." Malungkot na ngumiti si Madeline. Ayaw na niyang magpaliwanag pa. Ang pagkatao niya a
Tumigil si Meredith sa nakakaawa niyang pag-arte at naiilang na tumingin kay Old Master Whitman. Malumanay ang mukha ng old master at ang asal niya ay marangal. "Isa kang babaeng nangialam sa kasal ng iba at nagluwal ka pa ng isang anak sa labas nang buong tapang. Di ka lamang walanghiya sa ginawa mo, sa halip ay ipinagmamalaki mo pa. Walang granddaughter-in-law ang mga Whitman na walang respeto at pagmamahal sa sarili." "..." kumirot ang sulok ng labi ni Meredith nang mababasag na ang peke at mahinhin niyang maskara. Tila ba hindi niya inasahan na ganito ang tingin sa kaya ng old master. Kaya pala ayaw sa kanya ng old master. Nakita ni Madeline si Meredith na tinitikom ang kanyang mga kamao. Nahihirapn itong panatilihin ang kanyang pagpapanggap, subalit, hindi pa rin niya maibaba ang kanyang mahinhin na maskara. "Ama, wag mong sabihin yan. Si Madeline ang naunang nangialam sa kanilang dalawa. Siya ang kabit! Kung di siya namagitan sa dalawa para pagplanuhan si Jeremy, kasa
Hindi inasahan ng lahat sa kwarto na magtatanong nang ganito ang old master, maging si Madeline. Ang maayos na tibok ng puso ni Madeline ay muling tumaas sa isang iglap. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong. Nakita ni Old Master Whitman ang namumulang mukha ni Madeline at naunawaan niya. Mahinahon siyang ngumiti at itinaas ang kanyang ulo para tumingin kay Jeremy. Pagkatapos, mahinahon siyang tumingin kay Meredith at sa nanay ni Jeremy na mga mukhang naiilang. "Walang may karapatang sumira ng kasal na ito hangga't nandito pa ako!" Seryosong ipinahayag ng old master. Nakita ni Madeline na ang mukha ni Meredith ay kasindilim ng uling at napakalagim. Naisip niya na siguro minumura na nito ang old master gamit ng lahat ng murang maisip nito. "Miss Montgomery." Ganito ang tawag ng old master kay Meredith dahil siya na ang dalaga ng Montgomery ngayon. Pinilit ni Meredith na ngumiti. "Opo, Old Master Whitman." "Naniniwala ako na di dinakip ng aking grandaughter-in
Dahil sa lakas ng pwersa, sumubsob ang katawan ni Madeline. Sumakit nang matining ang kanyang tiyan. Namaluktot si Madeline para mabawasan ang sakit, pero bago niya ito magawa ay hinila na siya ni Jeremy. Ang kanyang makisig na mukha ay hindi naaapektuhan ng kanyang galit at lalo pa itong tumindi sa kanyang harapan. Tinitigan nang masama ni Jeremy si Madeline. "So inaamin mo na drinoga mo ako para makaakyat sa kama ko noon?" Tinitigan ni Madeline ang mukha na kanyang minahal sa loob ng napakaraming taon at ngumisi. Kung sa tingin mo ginawa ko 'yon, eh di sige, Mr. Whitman." Hindi na niya gustong magbigay ng mga hindi kailangang paliwanag. Subalit, huminto si Jeremy at tinignan ang nakangising mukha sa kanyang harapan. Isang ngisi na kahalintulad nito ang lumitaw sa kanyang isipan at lumuwag ang hawak niya sa kwelyo ni Madeline. Pagkatapos ng ilang saglit ay napuno ng pandidiri ang kanyang mga mata. "Napaka-cheap mo." Sinambit niya ang mga nakakainsultong salitang iyon mula