Share

Kabanata 1612

Hindi maintindihan ni Fern kung bakit bigla itong sinasabi sa kaniya ni Eugene. Iniwasan niya ang mga labi nito. Saka niya ito diretsong tinitigan sa mga mata at nagtanong, “Bakit mo sinasabi iyan?”

Nagdilim ang mga mata ni Eugene kasabay nang pagbaba ng kaniyang boses. “Mayroong nagsabi sa akin na mawawalan ka ng kalayaan pagkatapos mo akong pakasalan.”

Kumunot ang noo ni Fern bago muling ngumiti. “Sino ang nagsabi sa iyo niyan?”

“Hulaan mo.” Sinubukan niyang panatilihin ang suspense.

Nag-isip nang mabuti si Fern, pero hindi niya ito mahulaan. Saka niya sinubukang manghula. “Isa ba siya sa mga elders ng pamilya Newton?”

Tumaas ang kilay ni Eugene at nagtanong, “Magkakaroon ba sila ng pakialam sa kalayaan mo?”

Tama, gusto lang nilang iwan niya si Eugene dahil naniniwala silang isa siyang malas.

Mayroon siya biglang naisip. Nag-aalinlangan siyang nagtanong, “Si Asher ba?”

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Eugene at nagtanong, “Asher? Hindi ka ba natatakot na magseselos ako kun
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status