Walang ekpsresyon ang mukha ni Simon at malamig na sinabi, “Kapag sinaktan mo ang bata, huwag mo akong sisihin kung hindi kita pakitaan ng awa sa oras na iyon.” Binitawan niya ang kamay nito pagkatapos itong sabihin.Napaatras ng dalawang hakbang si Howard bago magawang mabalanse ang sarili. Namamanhid ang kaniyang buong braso, nakalaylay lamang ito sa gilid ng kaniyang katawan habang patuloy itong nanginginig. Hindi niya inasahang sasaktan ng kaniyang tiyuhin ang sarili nitong pamangkin para kay Sharon at SebastianMabilis na tumayo si Sally at sinuportahan si Howard at masama ang loob. “Ayos ka lang ba, Howard?”Mayroong nag-aalab na galit sa dibdib niii Howard. Tiningnan niya nang masama si Sharon. Pagkatapos, sinabi niya sa babaeng nasa tabi niya, “Tara na.”Hindi kuntento si Sally, pero dahil nakauwi na si Simon, wala siyang magagawa kay Sharon. Nagngalit ang kaniyang ngipin at pumasok sa bahay kasama si Howard.“Dad, hindi ko talaga siya tinulak. Binugbog ko lang po yung lal
Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Sally. Habang nakaukit sa kaniyang mukha ang galit at sama ng loob, hinarap niya si Sharon. “Sharon, alam mo ba kung bakit ako lumipat dito? Dahil gusto kitang mapalayas nang tuluyan sa bahay ng mga Zachary. Maghintay ka lang at makikita mo!”Tinapatan ni Sharon ang matalim na tingin nito. Nagawa niyang maintindihan ang hindi pagkakuntento at galit na umiikot sa mga mata ni Sally, ang determinasyon nitong mapalayas siya sa bahay o kahit na mapaglaho siya sa mundo kung kaya nito.Natatawa siya rito. “Sally, limang taon na ang nakalilipas, inagaw mo sa akin ang kasal ko at ninakaw ang mapapangasawa ko. At ngayon naman ay gusto mong sirain ang pamilya ko. Mayroon bang problema sa iyo? Hindi mo ba talaga kayang matiis na makita akong mabuhay nang maayos?”Matagal ng tumapak sa landas ng pagkapanatiko si Sally. Kaunti na lang ang natitirang katinuan sa kaniya. Ngumiti ito nang malamig at sinabi, “Tama ka. Hindi ko kailanman hahayaan na mabuhay ka nang
“Kung hindi mo sila gustong makita, pwede ko silang paalisin.” Madaling sinabi ni Simon ang pahayag na ito. Para sa kaniya, walang hirap niya itong magagawa.Natulala si Sharon. ‘Paalisin sila?’ hindi niya maitatanggi na hindi niya talaga gustong makasama ang mga ito at makita sila araw-araw. Mapapabuti kung mapapaalis ni Simon ang mga ito.Pero…Tinikom niya ang bibig at sinabi,”Sa tingin ko ay mas mabuting huwag mong gawin iyon. Ayaw kong tawagin nanaman akong masamang babae ni Director Zachary.”Nagawang manatili ni Sally sa bahay matapos makuha ang permiso mula kay Douglas na sinabihan pa siyang magpahinga nang maayos sa bahay ng mga Zachary. Naniniwala itong baka mayroon pa siyang pag-asang magbuntis ulit kapag gumaling siya.Kung pipilitin sila ni Simon na umalis ng bahay, si Sharon lang ang matitirang sasalo ng sisi.Tiningnan ni Simon ang gilid ng maputing mukha nito at ngumiti. “Bakit masiyado mong inaalala ang sasabihin ng matandang iyon? Gusto mo bang gampanan ang pagi
Habang sinusubukan ni Sharon isipin ang susunod niyang gagawin, biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Isang bata ngunit masayang boses ang narinig, “Mommy… Nanalo ulit ako kay lolo!”Tumakbo papasok sa kwarto si Sebastian, tuwang-tuwa, at nang makita nito ang mga magulang na magkayakap sa sofa, biglang itong natigilan. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat habang tinitingnan ang dalawa, at sa sumunod na sandali, sumigaw ito at tinakpan ang mga mata.Hindi inasahan ni Sharon na biglang papasok ang kaniyang anak sa kwarto at makita sila sa ganitong sitwasyon. Kahit na hindi naman intimate ang aktong ito, nahihiya pa rin siya.Mabilis niyang itinulak si Simon at kumalas sa mga bisig nito. Lumapit siya sa kaniyang anak at nag-aalala ang tonong sinabi, “Anong problema? Bakit mo pinikit ang mga mata mo?”“Masakit po ang mga mata ko.” Nakatakip pa rin ang mga kamay ng bata sa mata nito.Kinabahan si Sharon. “Masakit? Hindi ba’t ayos ka lang naman kanina? Bakit biglang sumakit? Tingnan ko.”
Malalim ang pagkakunot ng noo ni Sharon sa emergency room na nasa tabi nila, nakasara ang pinto nito. Ginagamot ng doktor ang bata sa loob at tanging maghintay lamang sa labas ang magagawa nila.Nag-aalala si Sharon, at kasaba nito, pinipigilan ang kaniyang galit. ‘Sally, sinadya mo ito, hindi ba?’Mayroong lumapit na mga yabag sa kaila. Tumalikod si Sally at nakita ang walang iba kung hindi si Sally. Kaagad na nagdilim ang kaniyang ekspresyon. ‘Ang lakas ng loob niyang magpakita?’Umarteng nag-aalala si Sally para makita ng iba at sinabi, “Butler, malala ba ang sugat ni Sebastian?”Nagpaliwanag ang butler, “Inaasikaso siya ng doktor. Sa ngayon, hindi pa po tayo nakakasigurado.”SInulyapan ni Sally si Sharon na katakut-takot ang dilim ng ekspresyon. Isang malamig na ngiti ang makikita sa kaniyang mga mata, nagkunwaring nagsisisi si Sally nang magsalita. “Kasalanan ko ito, tita. Hindi ako nakatingin sa bata nang mangyari ito. Makulit ito at natapon ang tubig sa mesa.”Tumigil siy
“Nasaktan ka ba talaga? Hindi ba’t chess piece mo lang naman ang batang iyon? Napakasama mo na para patayin siya, kaya’t anong karapatan mong magsalita tungkol sa kalungkutan? Hindi anak ni Howard ang batang iyon. Kaya’t wala kang awa sa bata, tama ba ako?” Hindi mapigilan ni Sharon ang kaniyang galit at sumagot kay Sally.Naglaho ang ngiti sa mukha ni Sally. Sumunod ay ngumisi ito nang masama at sinabi, “Ano naman? Dahil walang nakapagpapatunay na hindi sa kaniya ang bata, huwag mo ng isipin pang gamitin ang bagay na ito para takutin ako! Kahit na si Simon pa… imposible!”Nang marinig ito ni Sharon, mayroon siyang biglang naisip, at kaagad niyang naintindihan ang isang bagay. Ang matalim niyang tingin ay nakatuon lamang kay Sally habang nag-aalinlangang sinabi, “Ikaw.. ikaw ang humarang sa parental DNA test report?”Nagulantang siya nang ipakita sa kaniya ni Simon ang parental DNA test. Hindi niya maintindihan ang rason sa likod nito. ‘Malinaw na hindi kay Howard ang bata, pero bak
Natahimik nang ilang segundo si Howard bago sabihing, “Sige.”Kinakabahang pumasok si Sharon sa ward at nakita ang kaniyang anak na nakahiga sa kama ng hospital. Ang nasunog nitong kamay ay nakabenda na at hindi niya makita kung gaano ito kalala.“Doktor, ano..” Nang buksan ni Sharon ang kaniyang bibig, mabilis na sinabi ng doktor, “Seryoso ang natamong pinsala ng bata. Kung nahuli ang pagdadala sa kaniya sa ospital, maaring maputol ang kamay niya.”Hindi inasahan ni Sharon na ganoon kalala ang pinsala kaya naman halos mawalan siya ng balanse, bahagyang nanlalambot ang kaniyang katawan. Inunat ni Simon ang kamay para suportahan ito.Tanging isang ina lamang ang makakaintindi kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon!Hindi niya mapigilang tingnan nang masama si Sally, kumukulo ang kaniyang mata sa galit.Nagpatuloy ang doktor, “Nagamot na ang sugat niya ngayon, dapat manatili siya sa ospital para maobserbahan. Basta’t mabantayan lang siya nang maingat, magiging maayos ang p
Nang makita ang mukha ng anak na puno ng luha, pinigilan ni Sharon ang sarili na punasan ito. Mahal na mahal ni Douglas ang apo niyang ito, marahil ay siya lang ang tanging taong makakapagparusa kay Sally sa pagkakataong ito.Totoo nga, nang marinig ni Douglas ang sinabi ni Sebastian, kumunot ang noo nito, ang kaniyang matanda ngunit marilag na mga mata ay dumapo kay Sally, at kasing lalim ng lumang kampana ang boses nito habang nagsasalita, “Sinaktan mo ba si Sebastian?”Hindi maganda ang pakiramdam ni Douglas ngayong araw kaya’t nagpahinga siya sa kwarto nang hindi nakikipaglaro kay Sebastian. Kung hindi siya sinabihan ng kasambahay na nasunog ang kamay ng kaniyang apo, hindi niya ito malalaman.Labis na natataranta si Sally sa matinding pagkakatitig sa kaniya ni Douglas. Sa puntong ito, anong magagawa niya?Pinagngalit niya ang kaniyang ngipin, sinalubong ang mapanuring tingin ni Douglas, at nagkunwaring kaawa-awa. “Lolo, hindi po. Namatayan ako ng anak. Wala akong ibang narara