Share

Kabanata 76

Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Sally. Habang nakaukit sa kaniyang mukha ang galit at sama ng loob, hinarap niya si Sharon. “Sharon, alam mo ba kung bakit ako lumipat dito? Dahil gusto kitang mapalayas nang tuluyan sa bahay ng mga Zachary. Maghintay ka lang at makikita mo!”

Tinapatan ni Sharon ang matalim na tingin nito. Nagawa niyang maintindihan ang hindi pagkakuntento at galit na umiikot sa mga mata ni Sally, ang determinasyon nitong mapalayas siya sa bahay o kahit na mapaglaho siya sa mundo kung kaya nito.

Natatawa siya rito. “Sally, limang taon na ang nakalilipas, inagaw mo sa akin ang kasal ko at ninakaw ang mapapangasawa ko. At ngayon naman ay gusto mong sirain ang pamilya ko. Mayroon bang problema sa iyo? Hindi mo ba talaga kayang matiis na makita akong mabuhay nang maayos?”

Matagal ng tumapak sa landas ng pagkapanatiko si Sally. Kaunti na lang ang natitirang katinuan sa kaniya. Ngumiti ito nang malamig at sinabi, “Tama ka. Hindi ko kailanman hahayaan na mabuhay ka nang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rina Francisco Brioso
paunti unti lng nabbsa wait lng Ako s araw araw n free coins ...
goodnovel comment avatar
Shaira Mae Caponpon
wala bang gagawin si simon kung hnd sumeryoso ... kawawa nman c sharon lagi pinagbibintangan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status