공유

Chapter 56

NATATAMEME AT NAPAPAISIP pa rin si Evie sa mga sinabi ni Silver.

"You don't have to think about it, mommy. As I said, whatever happens, I'm gonna make all our dreams come true, together."

Pero hindi pa rin maiwasan pagisipan ito ni Evie. Nabibigla lang siguro siya pero ang mas nakakapagpabigat ng isipin niya ay ang desisyon sa buhay niya na hindi pa rin siya sigurado kung matatanggap ba niya, dapat niya bang tanggapin o hindi.

Bakas sa mukha ni Silver ang saya ng sabihin ito sa kanya kaya tila nagaalangan siyang alamin pa rin ang patungkol sa bagay na pareho nilang kinaiilangan pagusapan. Ayaw naman din niya masira ang gabi nilang dalawa dahil ngayon na lamang muli sila nagkasama at aminado siyang nami-miss niya rin ang binata.

Pinaglatag na lamang ni Evie ng makapal na comforter sa baba ng kama si Silver dahil ayaw nitong matulog sa sofa na. Halata sa mukha ni Silver ang pagkadismayado pero wala naman din siyang magagawa.

Palihim na natatawa si Evie rito dahil para siyang may isa pang anak na gustong mag-tantrums rin. Inabutan na rin niya ito ng kumot at unan pero panay pa rin ang pagdadabog at bulong ng bulong ng kung ano dahil naiinis.

"Shut your mouth, daddy. Baka magising pa si Parker." pagsuway na ni Evie rito habang inaayos naman ang mga unan na iniharang sa kabilang side ng kama kung saan para hindi mahulog doon ang bata.

Biglang bumangon si Silver at dinungaw siya sa kama kaya napalingon na siya rito.

"Parker, Parker! Hay!"

Nangiti naman siya rito at nilapitan.

"Huwag ka ng maginarte dyan daddy." pagpulupot pa niya ng mga kamay sa leeg ni Silver habang nakapayuko siya rito. "Pahinga ka na ah?"

Hinalikan naman siya kaagad ni Silver na tila kanina pa gustong gawin ito sa kanya. Tinugod naman din niya ang mga halik ni Silver dahil labis din siyang nasasabik na rito.

Uminit ang halikan nila hanggang sa hinaplos na ni Silver ang tagiliran ni Evie at napapahaplos sa dibdib nito. Ipinasok nito ang dila sa bibig ng dalaga na mainit pa ring tinutugon ang halikan nila.

Napaangat na si Silver sa kanya na tila naramdaman niyang nabubuhay na ang dugo nila kahit pa sa malamig na klima ng kwarto.

"May bata daddy." as she cut their kisses.

"And so? Tulog naman eh." paghalik pang muli nito at pagpisil sa dibdib ni Evie.

"Baka magising daddy." paghawak na nito sa mga kamay ni Silver para pigilan sa ginagawang paghawak sa kanya.

Napahinto at sandal na lang si Silver sa balikat ni Evie bilang pagsuko.

"Hay!" malakas nitong pagbuntong hininga at balik sa pagkakahiga sa sahig.

Nangiti at napailing na lang si Evie rito bago tuluyang pinatay ang ilaw sa side table at nahiga.

Ah! Thank God!

Ilang sandali lang ay mabilis nakakuha ng tulog si Evie dahil na rin sa pagod at kulang sa tulog sa araw-araw simula ng napunta sa kanya ang bata.

Ngunit sa kabilang banda, si Silver naman ay kahit pagod na, hindi pa rin makakuha ng tulog. Hindi siya mapakali dahil sa ilang araw na hindi nakakasama si Evie, hindi na siya ganun kasanay na hindi ito katabi. At ngayon ay tila bitin na bitin siya rito. Hindi pa rin humuhupa ang umiigting niyang pagkalalaki kahit ayaw na niyang bigyang pansin.

Maya-maya pa ay bumangon si Silver at dinungaw si Evie na nakahiga na nakaharap sa kanya ang likod.

"Mommy? Gising ka pa?" paghaplos pa nito sa hita ni Evie pero hindi na ito kumibo man lang. "Mommy.."

Isinilid niya ang kamay sa ilalim ng comforter at nakapa niya ang hita ni Evie.

"Mommy.." pagbabakasakali niya pa rin.

Tumayo na siya at pilit na naupo sa kama habang hinahaplos pa rin ang legs ni Evie mula sa ilalim ng comforter. Minasdan niya ito na mahimbing na ngang natutulog at napatingin rin siya sa bata na tulog pa rin na kapareho ni Evie ng posisyon.

Hinalikan niya si Evie sa nakalabas na balikat nito hanggang leeg. Ibinababa niya ang kumot nito at pinagkakasya ang sarili sa kama para makapwesto.

Ilang sandali pa niya iyon ginagawa hanggang sa magising na ng bahagya si Evie.

"Hmm.."

"Mommy.." patuloy nito sa paghalik sa leeg ni Evie habang binabaybay ng haplos ang dibdib nito.

"Pagod ako, daddy.." as she said sabay pagtaas pa nito ng comforter sa balikat niya kaya napatigil si Silver sa paghalik.

Isang malakas na buntong hininga na lamang muli ang nagawa ni Silver bago dismayong bumalik sa pagkakahiga sa sahig.

Dahil naalimpungatan na rin si Evie, bahagya siyang nadilat ng maramdamang nahiga na muli si Silver. Bukod sa pagod siya, bigla na naman siyang hindi naging komportable dahil sa naisip niya kanina.

Pilit na lamang din ni Silver na makakuha ng antok kahit pa yamot na yamot siya, at gayun din si Evie dahil na rin sa pagod at kulang lagi sa tulog.

Pero tila kapipikit at kuha pa lamang ni Silver ng tulog bigla siyang nagising dahil sa malakas na iyak ng bata.

"Waaah! Mama!"

Pag-ngawa ng bata na kinairita ni Silver kaya kinapa niya si Evie sa taas ng kama pero hindi niya ito maabot kaya bumangon na siya ng bahagya.

"Mommy? Mommy, yung bata." pagtawag niya rito at kalog sa hita ni Evie pero ni hindi siya nito pinansin. "Mommy!"

Tuluyan siyang tumayo at naupo sa kama, binuksan niya ang ilaw sa side table at nakita niya ang bata na nakapaupo rin sa kama na nagiiyak, nagpapasag pa ito at kiskis ng mga paa habang nagiiyak.

"Mama! Mama!"

"Mommy!"

Napapakamot ng ulo na lang si Silver habang ginigising pa rin si Evie pero parang hindi ito natitinag sa iyak ng bata at panggigising niya.

"Shh baby. Huwag ka ng -- aray ah!" tila nabuhay ang diwa ni Silver dahil sinusubukan niyang pakalmahin ang bata ngunit binato siya nito ng walang laman na feeding bottle kaya tila nagulat siya.

"Waaaah! Mama!" pag-iyak pa ng bata na tila natakot kay Silver.

Nakuha naman ni Silver ang walang lamang bote at napagtanto niya na baka nanghihingi ito ng gatas.

"Mommy, gatas daw yung bata." pagkalog pa rin nito kay Evie na nakatalukbong ang buong katawan sa ilalim ng comforter pero hindi pa rin natinag. "Hay!"

Pumupungas man, nagmartsa na si Silver papuntang kusina para magtimpla ng gatas ng bata. Nakita niya sa kitchen counter ang ilang malinis ng feeding bottle kaya yun na lamang ang gagamitin niya, may naka-portioned formula milk rin sa tabi nito kaya nagpainit siya kaunti ng tubig para maligangam ang tubig ng ipangtitimpla niya. Tinantsa-tantsa niya lang ito at bumalik na ng kwarto habang kinakalog ang bote.

"Eto na baby oh." pag-abot niya sa bata ng bote ng gatas at pag-dede na nito. "Sleep ka na ulit, sige na." pagpapahiga niya sa bata pero nagmamatigas ito na ayaw humiga pa.

Bigla itong humaya sa mga kamay na tila nagpapabuhat sa kanya. Nang hindi niya ito pansinin, tila bumalik sa pag-iyak ang bata habang nakapataas pa rin ang mga kamay sa kanya na tila nagpapabuhat.

"Ay pambihira!"

Kaagad binuhat na ni Silver ang bata na nakapahiga sa mga bisig niya. Prente namang dumidede pa rin ang bata habang buhat niya, bahagya niya rin itong inihele hanggang sa napapansin niyang napapapikit na ang bata.

"Ganito lang pala ang gusto, magwawala pa tss." tila inis niya pang saad pero patuloy lang siya sa ginagawa.

Namasdan niya si Evie na nakapalabas na ngayon ang ulo pero mahimbing pa rin ang tulog dahil nakanganga pa ito kaya hindi niya napigilang mangiti.

"Pinagod mo talaga siguro ang asawa ko noh? Hindi lang tulog mantika eh, tulog crocodile na." paghele pa rin niya sa bata na ngayo'y pikit na habang inuubos pa rin ang laman ng bote.

Nang maubos ng bata ang gatas, inalis na rin ito ni Silver at maingat na ilalapag na ito sa kama ngunit gumalaw ang bata at kumapit sa kanya, tila ayaw pa nito magpababa kaya napangiwi siya at muling tumayo sa gilid ng kama para ihele muli ito. Nakapasampay na ang ulo ng bata sa balikat niya habang yakap niya at hinihele.

"Humm.. Hummm.." patuloy niya sa paghele na kahit siya mismo ay napapapikit. Nasilip niya ang wall clock sa kwarto at nakitang lagpas alas kwarto pa lamang ng madaling araw. Panay pa rin ang hikab niya at hindi na mapigilang mapapapikit.

Makalipas ng ilang minuto ay maingat na niyang inihiga ang bata sa kama at kinumutan. Napasulyap pa siya kay Evie na mahimbing pa rin ang tulog bago ito hinalikan sa ulo. Nahiga na siyang muli at kaagad rin nakakuha ng tulog.

TILA naging mababaw na lamang ang tulog ni Silver dahil naaamoy na niya ang mabangong tila niluluto na nanunuot sa ilong niya.

Bahagya siyang namulat na at nakitang bukas na ang pinto ng kwarto, nadudungaw niya si Evie na nasa kusina na ang kumikilos.

Kahit antok pa, bumangon na siya at napansing natutulog pa rin ang bata sa kama. Kaagad siyang nagtungo sa kusina na.

"Morning, mommy." bati niya rito at pumupungas pang naupo sa dining.

"Morning, daddy. Sakto! Patapos na ko dito."

Nakahain na sa mesa ang poach egg at tapa, tinatapos na lamang ni Evie ang pagluluto sa garlic fried rice. Tumayo muli si Silver at nagtimpla naman ng kape nila ni Evie, kabisado na rin niya ang gustong timpla nito.

Sabay na silang naupo at nagsimulang kumain na ng almusal. Tuwing nasa bahay ni Evie natutulog si Silver, doon lamang ito nagluluto ng almusal bago sila pumasok sa kani-kanilang trabaho.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" panimula naman ni Evie rito. Napatingin ng seryoso sa kanya habang iniintay malunok ang nginunguya.

"Madaling araw kanina, nagwawala yang bata. Tinimplahan ko ng gatas at hinele." bakas rito na parang na-bad trip sa ginawa pero napangiti naman si Evie na parang hindi makapaniwala sa ginawa niya.

"Weh? Bakit -- bakit hindi ko man lang alam?"

Napatingin ulit ng masama si Silver sa kanya.

"Halos ihulog na kita sa kama sa paggising ko sayo, hindi ka man lang natinag. Tss.."

"Hahaha!"

"Sobrang pagod ka ba sa pagaalaga sa batang yan at kapag nagkagyera na dito, tulog na tulog ka pa rin?"

Kumalma naman si Evie sa pagtawa. "Parang ganun na nga. Akala ko, trabaho lang kaya kong pagsabayin, pati rin pala pagaalaga ng bata."

"Bukas naman na turn over mo sa kanya sa DSWD di ba?"

"Oo nga." nahalata naman dito ang kaunting lungkot at pagbagsak ng balikat. "Hindi ko lang akalain na, nagustuhan ko ring magalaga ng bata kahit wala akong karanasan dyan. Unti-unti akong natututo."

"Huwag ka ng malungkot mommy, gagawa na lang tayo ng atin." paghawak pa nito sa hita ni Evie at ngiting nakakaloko.

Napairap naman si Evie sa kanya bago uminom ng kape.

"Nakakaawa lang kasi talaga si Parker, hindi naman siya sinasadyang maiwala pero nakakapagtaka lang na -- hindi man lang din siya nai-report o hanapin ng nanay niya."

"Baka nga may nangyari na sa nanay niya kaya ganun? Mabuti ng DSWD na lang ang mangalaga sa bata kung sakaling mabalikan siya ng nanay niya di ba?"

Pilit na napangiti na lamang si Evie dahil nalulungkot siyang mawawala na sa kanya ang bata.

Halos sa isang linggong pagaaruga niya rito, hindi niya akalain mapapalapit siya sa bata. Aminado siyang labag sa loob niya noong una itong napunta sa kanya pero sa araw-araw na nakakasama niya ito, sa pagaalaga niya rito, napapalapit na rin ang loob niya sa bata at kinatutuwaan niya na rin ito.

Kahit sa mga simpleng paglalakad, pagkain ng marami, kahit sa paglalaro o pagtulog nito, hindi niya mapigilan hindi matuwa pa rin sa bata. Tila nasasanay na siya at kabisado na niya ang mga tantrums nito, kinakaya naman na niyang i-handle ito at kung papaano rin aamuhin ang bata.

Hindi niya rin akalaing mag-e enjoy siya sa pagaalaga ng bata. Mahirap at nakakapagod man, pero nakakawala rin ng pagod kapag nagampanan ng tama.

Pinauna na ni Evie si Silver na makaligo at makapagbihis,  inayos naman na niya ang gamit ng bata bago ito gisingin para liguan at bihisan.

"Daddy, ikaw munang magbantay sa bata ah? Ako naman ang gagayak." pagiwan na ni Evie sa kanila sa kwarto at nagmamadaling pumasok ng banyo.

Nakaupo lang ang bata sa kama na bagong ligo at nakabihis na pang alis. Tahimik lamang ito habang nilalaro ang stuffed toy ni Evie. Napatingin naman si Silver rito na pormado na rin ng polo long sleeves at pants niya.

"Oy baby? Huwag mong isubo yan." pagsuway niya sa bata dahil sinusubo nito ang tainga ng stuff toy, pero hindi siya pinansin nito. "Huwag sabi eh." pag-alis ng laruan sa bibig ng bata pero bigla itong akmang iiyak. "Madumi kasi yun baby."

Tuluyang umiyak ang bata na tila nagwawala na.

"Ayt!" napakamot ulo naman si Silver at sinusubukang patahanin ang bata. "Nako baby! Huwag kang umiyak -- shh shh!"

Pag-upo na rin niya sa kama para himasin ang dibdib at likod ng bata.

"Shh.. Shh.. Tahan na baby." hindi niya malaman kung papaano pa papatahanin ito kaya binuhat na niya. "Tahan na, baby. Tahan na." paghehele niya pa rito habang nakapayakap na buhat at hinihimas ang likuran.

Inabot niya ang stuff toy na nasa kama at inaabot sa bata pero ayaw ng tanggapin ito ng bata na patuloy sa pagiiyak. Inabot niya rin ang ibang laruan nito pero tinatapik lang ng bata palayo.

"Shh shh baby, tahan na. Anong gusto mo ba ha?" pag-aalo pa ni Silver rito pero parang hindi siya pinapakinggan.

"Mamaaa.."

"Shh.. Wala nga ang mama mo --"

"Waaaah! Mama! Mama!"

Tila naiirita at nabubugnot na si Silver sa pagpapatahan sa bata. Lumabas na siya ng kwarto at kinatok si Evie sa banyo.

"Mommy? Mommy?"

"Bakit?!" pagsigaw naman ni Evie mula sa loob ng banyo.

"Bilisan mo, nagwawala na 'tong isa oh."

"Wait lang! Kargahin mo lang!" sigaw pa ni Evie rito.

Inaalo pa rin ni Silver ang bata habang karga pa rin ito.

"Tahan na, tahan na.." pagsaliw pa nito para tumahan lang pero patuloy pa rin sa pag-iyak.

Nagpalakad-lakad na siya sa kabuuan ng bahay para lang mapatahan ang bata pero ayaw pa rin nitong tumigil sa pag-iyak. Panay pang pasag ng bata at pagpalag sa pagkakabuhat niya.

Napatingin na lamang si Silver sa bata na umiiyak pa rin dahil hindi na niya malaman kung papaano pang gagawin. Pero naisip niya rin ang hirap ni Evie rito sa pagaalaga. Kung kinaya ni Evie, dapat siya rin.

Kung kaya't tila nakaisip pa siya ng paraan.

"Blooo bloooo!" paglalaro niya sa dila niya na mabilis na labas-pasok sa bibig niya. Tila napansin yun ng bata at napatingin sa kanya.

Pinagpatuloy niya ang ginagawa at himalang tuluyang natigil ang bata ngunit bigla siyang sinampal nito sa bibig.

"Aray naman baby?"

"Waaah!" biglang iyak ulit ng bata kaya mabilis ulit itong ginawa ni Silver.

"Blooo blooo!"

Napatingin ulit sa kanya ang bata at tila gustong hawakan ang dila niyang nakikita nito. Napansin niyang mukhang gustong gayahin ng bata ang ginagawa niya dahil nilalabas rin nito ang dila niya pero hindi magaya ang mabilis na paglabas-masok.

Pinalobo niya ang kaliwang bahagi ng loob ng bibig niya at pinisil niya yun para lumabas ang hangin. Lumikha ito ng tunog na tila naku-curious ang bata.

"Oh ikaw naman magputok baby." ginawa niya muli ito sa kanang bahagi naman ng bibig niya at sinampal nga ng bata ang pisni niya. Tila tunog ng utot ito kaya biglang napangiti ang bata. "Aray naman."

Pero inulit-ulit ito ni Silver hanggang sa tuluyang matuwa na ang bata sa pinaggagawa nila.

Lumabas na si Evie ng banyo at nasilip na mukhang okay naman na ang bata kay Silver, mabilis itong pumasok ng kwarto niya para makapagbilis at ayos na ng sarili.

Patuloy sa paglalaro si Silver sa bata hanggang sa naging okay muli ang mood nito. Nang matapos si Evie gumayak, kaagad itong lumabas sa kanila sa may salas.

"Galing ah? Napatahan mo talaga." puri pa niya kay Silver habang nilalapag ang baby bag at shoulder bag niya sa solo sofa chair.

"Nakapagbantay na rin naman ako ng mga pamangkin ko pero yung magalaga pa talaga? Ngayon palang." nakapaupo na siya ngayon sa sofa habang nasa kandungan niya ang na hawak ang laruan nito.

Nangingiti naman si Evie rito pero napansin niya ang polo ni Silver na gusot at may kaunting dumi na kaya kaagad siyang pumasok ng kwarto para kunin ang isa pang polo nitong naroon. Mabuti na lamang at napa-laundry na niya ito bago pa si Silver nakauwi, wala na rin kasi siyang oras maglaba dahil sa pagaalaga sa bata.

"Daddy, palit ka muna." paghaya ni Evie ng panibagong dry clean na polo nito.

Doon lang naman din napansin ni Silver na napakagusot at dumi na rin pala ng suot niya dahil sa pagkarga sa bata, may bahid rin ito ng luha at sipon.

Kinarga na muna ni Evie ang bata habang nagpapalit si Silver ng polo. Nangingiti naman si Silver habang minamasdan si Evie na karga ang bata ng isang braso lang habang nagpapatay ng ilaw sa ibang parte ng bahay. Tila natutuwa siyang isipin na balang araw magiging isang ina rin ito sa kanilang anak.

Nang matapos magbihis si Silver ay nilapitan siya ni Evie at mas inayos nito ang kwelyo ng polo niya.

"Ayan! Pogi na. Pwede na mambabae!" pangaasar pa ni Evie na tila natutuwa naman. Napatawa rin naman ng bahagya si Silver sa kanya.

"Tss? Ako mambababae? Wala sa bokabularyo ko yan. Faithful toh noh!" pagyayabang pa ni Silver rito.

"Woo?! Talaga lang ah?"

Nilapit naman ni Silver ang mukha niya kay Evie na tila nangaasar pa rin sa kanya.

"Gusto mo -- magpakasal na kaagad tayo para ipangalandakan ko na sa buong mundo na -- ikaw lang ang babae sa buhay ko."

Napataas naman ng dalawang kilay si Evie rito.

"Dami mong alam!" sabay layo naman ni Evie rito at talikod na kay Silver. Hindi niya kasi mapigilan hindi kiligin at mag-init ang pisngi dahil sa mga sinabi ni Silver. Itago man niya, malaki pa rin ang epekto ni Silver sa kanya.

Bumaba na sila sa may parking ng compound, si Evie na ang nagbuhat sa bata habang si Silver naman ang nagdala ng stroller, baby bag at shoulder bag ni Evie.

"Ihahatid ko na kayo." prenteng saad ni Silver at binuksan niya ang compartment ng rover niya para ilagay ang stroller ng bata.

"Ha? Eh papaano kami uuwi --"

"Susunduin ko rin kayo mamaya."

"Sure ka? Eh baka busy ka mamaya at late ng matapos sa office?"

"Hindi naman siguro. Basta susunduin ko kayo ah?"

Hindi na lamang din tumanggi si Evie at sumakay na sila sa kotse ni Silver.

Habang nagmamaneho ay nakatulog naman din ang bata na nakakandong kay Evie. Napasulyap naman si Silver rito bago hinawakan ang kanang ni Evie na nakapayakap sa bata kaya napatingin rin ito sa kanya.

"Ang sarap siguro sa feeling noh?" patuloy pa rin nito sa pagmamaneho.

"Na ano?"

"Na ganito. May sarili tayong pamilya. Lagi kong nai-imagine noon kung ano kayang pakiramdam na kasama na kita at may sarili na tayong pamilya." bakas sa tono at mga ngiti ni Silver ang saya at pagkakilig sa sinabi. Nangiti naman din si Evie sa kanya.

"Kilig ka naman?" pagpipigil rin ng kilig ni Evie rito.

"Aba'y syempre noh! Ang tagal kong pinangarap yun!"

Napakapit na rin si Evie sa kamay ni Silver na nakahawak sa kamay niya.

"Noong nagkasakit ako, halos gumuho lahat ng pangarap ko, pati na rin yung mga pangarap ko habang kasama ka. But -- you just proven to me that there's still a hope."

Napapatitig na lamang din si Evie kay Silver na panay lang sulyap sa kanya dahil nagmamaneho.

"Gumuho ulit yun nung nawala ka pero kaagad na nabuo muli nung nakita na kita at nakasama. And this time, hinding-hindi na ko papayag na hindi yun mangyari. That's what keeps me alive na lang mommy." sincere pang saad nito na tila parang may tumarak sa dibdib ni Evie.

Labis siyang natutuwa sa mga sinasabi ni Silver sa kanya ngunit bigla itong napawi ng maalala niya ang bumabagabag sa kalooban niya. Tila nakokonsensya siya na baka muling maSira na naman ang pangarap nila ni Silver na nabuo dahil lang sa isang bagay na hindi niya masigurado pa sa sarili niya kung matatanggap ba niya talaga ng buo.

Hindi na lamang nakaimik pa si Evie pero matipid siyang napangiti na lamang rito.

Gusto niyang malusaw dahil ayaw niyang mawala ang mga matatamis na ngiti ni Silver. Natatakot siya na baka maglaho ang mga ngiti nito dahil sa kanya, doon pa lamang labis na siyang nasasaktan.

NANG makarating sila ng opisina ni Evie, tinulungan muna siya ni Silver sa pag-assemble ng stroller bago inihiga ni Evie roon ang bata na natutulog pa rin.

"Thanks daddy. Ingat sa pagda-drive." saad pa nito habang inaayos ni Silver ang gamit pa ng bata.

"Hatid ko na kayo sa taas." pag-take over nitong hawak sa stroller at kuha ng baby bag kay Evie na kinabigla ng dalaga.

"Ah, huwag na daddy. Na -- nakakahiya. Kaya ko naman na."

"Anong nakakahiya dun? Kinakahiya mong may makakita sa atin magkasama?"

"Hi -- hindi sa ganun!" pagdepensa naman niya kaagad. "Ano kasi -- alam mo na -- baka pagchismisan na naman ako. Sabihin, anak pala talaga natin itong bata."

Natawa naman din si Silver rito.

"Hayaan mo sila, mommy. Tara na."

Prenteng nauna naman na si Silver habang tulak ang stroller kung nasaan ang bata at natutulog. Nakasunod lang naman din si Evie kay Silver na tila proud na proud dahil sa unang pagkakataon ay ito ang unang beses na may makakakita sa kanila ni Evie sa opisina nito na magkasama.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status