“Boss, may tumatawag sa telepono mo,” sabi ng isang lalaki. Ibinigay niya ang cellphone at tinanggap naman ‘yon ng boss nila.
“Hello, sino ‘to?” tanong ng boss ngunit nagtaka siya nang tawa lang ang isinagot ng kausap niya.
“Hindi ba ako nakikilala at naaalala?” tanong ng isang malalim na boses.
“Kung hindi ako nagkakamali, ikaw ang nag-utos sa amin na patayin si Golden Cazburn, ‘di ba?” paniniguro ng lalaki.
“Nabalitaan kong hinahanap ng prinsipe ‘yong bote ng lason,” sabi ng misteryosong lalaki at maririnig sa kabilang linya ang pag-tap niya ng daliri sa mesa.
“Diretsuhin mo na ako. Ano’ng ipapagawa mo?” tanong niya. Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi pa rin sumasagot ang kausap niya. Nang akmang papatayin na niya ang tawag ay muli itong nagsalita.
“Alam kong hanggang ngayon ay nasa inyo pa rin ang bote. Ibigay n’yo ‘yon sa kanya.” Nanlaki an
THIRD PERSON’s POV“Paano natin mahahanap ‘yon? Sampung taon na ang nakalilipas nang makuhaan ng litrato ang bote,” reklamo ng isang lalaki habang pinapalo ng hawak niyang kahoy ang mga dahon na nadaraanan.“‘Wag ka na ngang magreklamo riyan, Georgie. Maghanap ka na lang nang may matanggap kang reward kay Yna,” sabi ng kasamahan niya na ikinatuwa ni Georgie.“Sa tingin mo, Jester, ano ang ibibigay na reward sa atin ni Yna?” nakangising tanong ni Georgie.“Ano pa ba? Malamang, katawan niya. ‘Yon naman ang lagi niyang ibinibigay sa atin tuwing nananalo tayo sa misyon na ginagawa natin,” ani Jester at nag-apir pa sila ni Georgie na parang nanalo sa lotto.Sa kabilang gilid ay may isang lalaki na iiling-iling na lang habang pinapakinggan ang kamanyakan ng kanyang mga kasamahan. Siya lang kasi ang bukod-tanging hindi tumatanggap sa katawan ni Yna dahil iginagalang niya ang mga babae.“Hans, sumama ka sa amin nang madali na nating mahanap ang bote
DZION’s POV “Zio, narito na ang ipinapahanap mong container,” ani Dex kaya agad kong pinaharurot ang aking kotse papunta sa kaniyang office. Halos magkandarapa na ako sa pagtakbo para lamang makarating ng mabilis doon. Pagkapasok ko’y naabutan ko siyang naka-cross arms ang mga braso habang nakataas ang kaniyang kilay at nakatingin sa akin. “Ang tagal mong dumating, kahit kailan talaga’y kilos-pagong ka,” reklamo niya ngunit hindi ko na lang siya pinansin. Agad kong hinablot ang plastic kung nasaan ang malinis na container. Kulay ginto ito at medyo mabigat siya ng kaunti. Agad akong nagsuot ng gloves at inilabas ang container mula sa plastic bag. Habang sinusuri ko i
“Tama bang tinutulungan natin si Zio sa paghahanap ng totoong may-sala? Dapat ay hindi na tayo nanghihimasok pa rito.” Balisa siyang nakaupo sa sofa ng kanilang bahay na tinutuluyan. Tuwing may pagpupulong sila, laging sa bahay na pagmamay-ari nila nagaganap ito. Malayo ito sa Underworld at hindi sila maaaring mahuli o makita ng mga kasamahan nila dahil sila’y mabibisto sa kanilang mga ginagawa. “Tama lang ang ginawa natin. Nais ko ring tulungan si Zio sa paghahanap ng totoong salarin.” Idinukdok ng kaniyang kaibigan na itinuturing nilang Boss ang sigarilyo sa ash tray habang nakangisi sa kawalan. “Maaaring madamay ang mga inosente nang dahil sa ginawa natin," wika muli ng lalaki na animo’y nakokonsensiya na sa k
ZAFFRIE's POV Kasalukuyan akong nakatulala sa kawalan habang ang aking mga kaibigan ay hinahatak ako upang pumasok sa fitting room ng isang botique. Silang tatlo ang pumipili ng mga susuotin ko dahil kapag ako ang pumili, paniguradong para akong pupunta sa lamay. Maaga akong matutulog ngayon dahil ayoko namang magmukha zombie bukas, lalo na't ka-date ko ang Bulldog na Prinsipe na 'yon. And yes, tinanggap ko rin ang kaniyang offer. Pinuntahan niya ako rito sa office kanina upang i-confirm kung pumayag na ako. Ano pang magagawa ko kun'di ang pumayag. Kanina nga'y binubugaw na ako ng mga kaibigan ko kay Zio para lang mapapayag ako. Kaya ayon, wala na akong nagawa kun'di ang sumang-ayon sa mga kadramahan nila sa buhay. "Brianna Zaffrie!" sigaw ni baklitang T
ZAFFRIE’s POV“Sh*t! Fencers, move!” sigaw ko na agad nilang sinunod. Humawak kami sa aming mga palda upang makatakbo ng maayos papunta sa sari-sarili naming pwesto.Half ng population ng aming school ay taga-Underworld kaya nang may mangyaring kaguluhan ay agad silang tumakbo upang umaksyon. Nakita ko na lumapit ang mga kawal kay Zio at sinigurado nila na ligtas ang Royal Family. Nang nasa kalagitnaan na sila ng grand staircase ay napahinto sila nang may mga armadong lalaki na nakaitim mula ulo hanggang paa ang sumalubong sa kanila. Kailangan nang madala sa hospital si Bulldog!Agad akong luminga-linga sa paligid upang makahanap ng espada. Hindi ako nagkamali dahil mayroong espada na naka-display sa isang tabi na natatabunan ng isang makapal at malaking bubog.Mabigat man pe
“Ter, ano na ang gagawin natin? Alam na ni Zaff ang tungkol sa atin!” natatarantang tanong ni Ven.“Matagal nang alam ni Zaff ang tungkol sa atin. Saang bato ka nabagok at nakalimutang mong magkakaibigan na tayong lahat mula pagkabata?” inis na tanong ni Ter bago humithit sa kaniyang sigarilyo. “Baka ilaglag niya tayo, Ter,” pasigaw nang singit ni Zer. Katulad niya ay natataranta na rin ang kaniyang mga kaibigan “Imposible na ilaglag niya tayo dahil alam niya mismo sa kaniyang sarili na may alas tayo laban sa kaniya,” ani Ter habang nakangisi sa kawalan na parang may malalim na iniisip. Hindi mo gugustuhin na kalabanin ako, Zaffrie. Sa ating dalawa, ikaw ang kik
DZION’s POV“Pare, sa wakas ay nagising ka na rin. Akala namin’y wala ka nang balak bumangon diyan,” ani Jerome at agad akong sinuntok sa aking likod dahilan upang muntikan na akong mahiwa ng bread knife na aking gamit sa paghiwa ng sandwich.S’yempre, Prinsipe ako at hindi uso ang pagkakamay sa amin kaya kahit sandwich ay hinihiwa pa namin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin at dahil sa aking inis ay agad ko siyang tinutukan ng bread knife sa kaniyang leeg dahilan upang agad na mangilig ang kaniyang katawan.“Hoy, Master. Bawal ang ginagawa mo dahil armas ng Fencers ang bagay na iyan, susumbong kita kay Supremo!” kinakabahang sigaw niya. Agad kong binato ang bread knife sa may pintuan at doon ko na lang ibinuhos ang pagkainis ko kay Jerome. Sa hindi inaasahan ay saktong may pumasok sa pintuan
DZION’s POVKasalukuyan kong pinahaharurot ang aking kotse upang mabilis na makapunta sa tinutuluyan ni Dex. Nais ko muling magpatulong sa kaniya. Hindi ako nabigo nang makita kong narito na ako sa harap ng kaniyang tinutuluyan. Agad akong bumaba at tuloy-tuloy na pumasok doon na animo’y ako ang may-ari ng bahay.Hindi naman ako pinigilan ng mga kawal na nagbabantay roon dahil kilala nila ako. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kaniyang office. Nang makarating ako roon ay agad na tumambad sa aking paningin ang mukha ni Dex habang may pinanonood sa kaniyang laptop.Nang dahil sa aking curiousity, agad akong lumapit doon at nakinood na rin. Makikita roon ang pagsabog ng kabilang parte ng palasyo, malayo sa kinaroroonan namin noong gabing iyon. Ang pangyayaring ito’y naganap noong nagkaroon ng Masque