LOGINUniversity of Antiquity. Kung saan tatawagin kang ginoo at binibini. Isang unibersidad na purong tagalog lang ang dapat lenggwahe. May mga patakaran na dapat sundin, may mga parusa na dapat bayaran. Kung gusto mong lisanin ang lugar, hanapin mo muna ang kasagutan sa misteryong nababalot sa loob ng Unibersidad. Lahat ng misteryo, nasasagot sa tamang proseso. Lahat ng misteryo, may nakabaon ritong kwento...
View More12Lunes ng umaga ay tila sandamakmak ang aking mga katanungan sa isip, kaya habang kami ay kumakain ng mireyenda at nakatanaw sa buong lugar mula sa aming kintatayuan rito sa 4th floor ay nagsalita na ako, "Bakit may patayan na nagaganap noon rito sa Unibersidad? At bakit tayo ang magreresolba ng krimen?" tanging tanong ko sa dakawang babae at dalawang lalaki na payapang kumakain ng panghimagas. Kaya tumingin naman sila sa akin sa biglaang balandra kong tanong.Tumikhim si Eren, "Gusto mo bang maupo o ganito na lang Binibini? Dahil mahabang paliwanaganito," ngising sagot ng lalaki.Linunok ko muna ang kinakaing prutas bago nagsalita, "Okay lang kahit dito na."Tumango naman si Eren at tinignan si Rouge, ganoon din ang dalawa kaya napatikhim ang lalaki. Hudyat na siya na nga ang magpapaliwanag ng lahat."Ang krimeng ating iniimbestigahan ay nangyari na noon pa," panimula nang lalaki at tumitig ito sa akin, "May mga mag-kakaibigang
"Ang mga ipinapasok lang rito sa Unibersidad ay ang mga suwail, at ang mga kabataang sakit sa ulo," saad ni Susein habang nakatingin sa malayong lugar nang aming dormitoryo. Nasa 4th floor kasi kami, kaya mula rito ay kitang-kita namin ang view nitong buong lugar."Ha?" tumingin ako sa gawi nila ni Vina, "Ang alam ko'y hindi naman ako suwail na apo, ha?" kunot noong sagot ko.Tumaas lang ang sulok ng labi nito, "'Di mo sure? E, bakit ka narito ngayon?"Iyon nga ang ipinagtataka ko, bakit ako nilagay ni lolo rito, e hindi naman ako ganoon."Ang alam ko'y gusto niya lang maranasan ko ang mga makalumang bagay noon, kaya linagay niya ako rito?" hindi ko nga sure na sagot bago nagkibit-balikat."Rebeldeng mga anak kami sa Maynila no'n Agnes, kung nagtataka ka pa rin kung bakit kami narito," rinig kong usal ni Vina, na nakatingin din sa malayo. Habang nakasalampak ang yosi sa bunganga nito. Tinignan niya muli ako at nagbuntong hininga, "Bukod pa kasi sa
"Agnes! Narito na kami!" nakakarinding sigaw ni Susein sa labas!Jusko! Ang babaeng iyon!Pakamot-kamot nga ako sa aking leeg habang humihikab na pinagbuksan sila.Ang aga-aga nila lagi!"Mmn?" namumungay na matang saad ko sa dalawang babae na naka-bihis na, "Sabado ngayon, a?" nagtatakang tuloy ko dahilan para mapataas ang kilay ni Susein."At ano nga uli ang sabi ni profesora Sonya?" sarkrastikong aniya, kaya parang naging bombilya naman nang ilang segundo ang aking ulo.Jusko, practice pala namin ngayon!Mga ilang buwan pa naman naman iyon bago itanghal, ngunit mas-maigi na raw na simulan na namin para maging perfect ang kalalabasan.Hindi yata nainform si prof. Sonya na nobody's perfext. Lol.Tsaka ang sapa na pag-pa-practice-san ay sa Unibersidad na raw gagawin. Dahil baka raw may mangyaring hindi maganda kapag doon kami sa gilid ng sapa, may care naman pala sa amin ang professor. naming iyon."Si
Agnes POV Tinaasan ako ng kilay ni Susein nang makitang iba ang aking lakad, "Ano namang ka-emehen 'yan?" ani nito habang naglalakad kami papuntang Unibersidad. Ngayon lang yata kami hindi late. Hinintay nila ako kanina sa aking silid kaya kami na nga ay nagakakasamang papunta sa skwelahan. "N-Nabitawan ko kasi 'yong bato kanina sa paa ko..." Umikot ang mata nito, "Tanga, tanga!" sinamaan ko ng tingin ang babae, kukutusan ko pa sana ito ngunit natatawa na itong tumakbo. Jusko na iyan, binibini na binibining tignan ngunit ang lalaki ng mga hakbang kung tumakbo! "Eren, bebe!" "Piste," naiusal na lang ni Vina nang bigla ba namang isigaw iyon ni Susein kila Eren habang kumakaway! Ayon at pinagtitinginan kami tuloy ng mga ibang estudyante rito. "Hi!" masiglang bati ni Susein nang sa wakas ay nasa harapan na kami ng dalawang lalaki. Nginitian ko pabalik si Rouge nang ngumiti ito sa akin na
reviewsMore