Share

CHAPTER 6: ORIENTATION

[BLAINE'S POV]

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, nagising lang nang may kumatok sa pinto. Agad akong nag-ayos at binuksan ang pinto. Hash Mendoza, ang lalaking nakipag-feeling close sa akin kanina habang papunta kami dito sa dorm. Hindi naman sa ayaw kong makisalamuha lalo na't nasa delikado kaming sitwasyon pero gusto ko si Trent ang lumapit sa akin kanina, hindi naman pwedeng wala lang sa kanya ang halikan namin.

"Oh hey" panimula ni Hash, ngumiti namna ako sa kanya baka masaktan pa pag sumimangot ako.

"Hi, what can I do for you?" pabalik kong tanong. 

"We should go, they're already waiting downstairs" nagulat ako sa kanyang sinabi kaya sumilip ako sa baba. Yup, they're already there.

Pumasok muli ako sa loob para tignan ang oras at nasa 5'o'clock na nga ng hapon. Nag-ayos muna ako at muling lumabas sa pinto. Habang pababa kami ni Hash sa pinto ay siya namang pagtaas din nina John Elmer at Anton.

"Go, sasabay nalang ako sa kanila" saad ko nalang kay Hash, hindi naman ito umangal at nauna na ngang bumaba. I feel uncomfortable around him, I don't know why.

Tumaas na nga kaming tatlo at sakto namang pababa din naman sina JG at Trina. Nagyakapan ang apat na para bang nang-iinggit. Natawa nalang ako sa iniisip bago magsalita. 

"Alam ko naman na kayo na ang may perfect lovelife. Tara na, tayo pa ang iniintay doon"

Natawa naman ang apat sa harap kaya nagtaka ako. Nakita kong ngumuso si Trina sa akin na parang may itinuturo. Pag talikod ko ay andoon nga si Trent, ni hindi ko manlang narinig ang mga yabag nito paakyat. Ngumiti muna siya sa akin at ngumiti din ako. I feel happy now but the scene of yesterday entered my mind. 

Isinawalang-bahala ko nalang iyon at bumaba na kaming anim. Hinintay muna namin ang mga ibang kasamahan kabilang na doon ang babaeng tumawag ng 'babe' kay Trent. Speaking of Trent, I caught his eyes looking at her too.

Naramdaman ko nalang na hinila ako ni JG bago tumabi naman sa akin ang apat. Lalapit din sana sa akin si Trent nang umilaw ang led screen. Tulad kanina, naka-maskarang tao na naman ang nagpakita.

"Hope all of you had a good rest. Now that the roles are distributed, I shall announce the function of each roles. Blame ang pamagat ng laro natin, alam kong familiar kayo doon dahil lahat kayo ay nalaro na ang game na yun. Bakit kaya hindi natin laruin dito? Hmm, same roles lang rin naman kaya kayang-kaya niyo yan" masayang wika ni Azul

Muli na namang nagsalita si Azul.

"Una, ang mga citizens, nasa inyong mga kamay nakasalalay ang mga buhay ng mga kasama niyo. You can only vote one person every meeting. Maaari niyong ipagsabi sa mga kasama niyong citizens ang mga nalalaman kung nais niyong manalo. Magkakakilala kayong lahat kaya iwas-iwasan ang pagkakadikit sa isa’t isa para hindi mahalata. Kung ayaw niyo o mas kailangan niyo pa ng ebidensya ay pwede kayong magskip button para walang mamatay sa execution day.

Pangalawa, ang mga police, sila ang bahala sa paghuli ng mga pumapatay. Pwede rin silang mag-imbestiga sa gabi at araw pero mag-ingat kayo dahil sa iba’t ibang bahagi ng lugar na ito ay ang mga mata ng kriminal. Maaari rin kayong mag post sa sating board tuwing madaling araw kapag kayo’y mag-aanunsyo.

Pangatlo, ang nag-iisang mayor. May sampung spy cameras na maibibigay sayo na maaari mong ilagay sa iba’t ibang lugar, ngunit piliin mo ang tamang angulo dahil maaaring sirain ito ng kung sino. Hindi ka maaaring maiboto ng mga citizens pero maibubunyag ang iyong papel bilang mayor, kapag naman pinatay ka ng mga fraud ay maipapadala sa lahat ang mga nakuha mong video kasama na ang mga nakunan ng nasirang camera.

Fourth, we have the doctors. Ipagdasal niyo nalang na hindi makasarili ang doctor niyo para kayo lagi ang maililigtas, sila ang bahala kung sino ang isasalba sa bawat gabing maglalaro kayo. Maaari rin nilang isalba ang kanilang sarili kung kinakailangan, ang mga napili ng mga doctor na safe ay hindi maaaring maglalakd-lakad kung saan kaya mananatili kayo sa kwarto niyo hanggang matapos ang laro. Kung ilan man ang bilang ng mga doctor na buhay, ay siya ring bilang kung ilan ang kanilang maisasalba.       

Ang panglimang role ay ang mga marksman. May kanya-kanya kayong drone na maaari niyong paliparin up to 10 meters high at kapag ito’y lumagpas, sisirain ng mga nakabantay kong sniper, pwede rin silang sirain ng iyong mga kasamahan. Mapapalitan naman ng bagong drone pero hindi na maibabalik ang mga dati mong nakuhang video na pwede mong ipadala.

Pang-anim, ang soothsayer. Alam niya lahat ang mga papel ninyo kaya ingat na ingat siya kung sino ang mga makakasama o makakasalamuha niya tuwing gabi. Nagbibigay siya impormasyon na maaaring ipadala ng mga psycho ngunit hindi niya maaaring ipagkalat o sabihin ang role ng mga iba sa psycho o kung sino pa, kumbaga sila ay isang “mute”.

Pang-pito, ang mga psycho. Sila ang ang tagapagpadala ng mga liham mula sa sootsayer o mula sa kanila mismo, papunta nalang kung sino ang kanilang gugustuhin. May access silang lahat sa anumang computer kaya mababasa nila ang lahat na pinag-uusapan ng mga iba’t ibang papel.

Pangwalo ay ang mga frauds, sila ang mga pumapatay at kontabida sa larong ito. Hindi larong patay-patayan, dahil talagang mapupunta kayo sa langit o sa impyerno. Maaari silang gumawa ng mga patibong na papatay sa mga tao ngunit hindi nila pwede patayin ang mga marksman dahil kapag ito’y kanilang nahawakan sa gabi ng laro ay agad na maibubunyag ang kanilang ginagampanang papel.

Pang siyam ay ang dalawang spy. Sila ang mga mata na nag-iimbestiga at nagbibigay impormasyon sa mga frauds. Kung ang mga amo nila ay hindi mapatay ang marksman, sila lang ang pag-asa dahil hindi sila pwedeng pumatay maliban sa mga marksman” panandaliang huminto sa pagsasalita si Azul.

“May mga nagtaka sa inyo dahil hindi ko nabanggit ang kanilang mga papel kaya ito ang malaking pasabog. May maidadag na tatlo pang roles mula sa orihinal nitong bersyon. Boring naman ang laro kung di ko maidadagdag ang mga ito.

Pansampu, the hustler. They have the power to disable or silence anyone’s role function for the whole night. Alam na nila ang gagawin kaya iyon lang ang maibibigay kong ipormasyon tungkol sa hustler.

The eleventh role is the assasin. Ang kanyang special na abilidad ay kapag siya ang pinili ng mga citizens na mamatay ay maaari pa siyang pumili ng isa kung sino ang makakasama niyang mamatay. Kapag naman pinatay siya ng mga fraud ay mamamatay naman ang kanyang pinili bago magsimula ang laro.

And lastly, the journalist. Sa pangalan palang, alam na nating sila ang may kapangyarihan para ibulgar ang katotohanan. Sila ang makakatanggap ng video na nagmalalaman ng mga impormasyon mula sa mga marksman. Kilala sila ng mga marksman pero hindi nila kilalala kung kanino sila nakakatanggap ng impormasyon. Every journalist should report everyday.

We’ll only have three rules for this game:

  1. Hindi niyo pwedeng ipagsabi sa mga iba ang mga role niyo maliban sa kapwa ka-role niyokundi sabog ka.
  2. The functions of the the following role can be used during nighttime only: Doctor, Spy, Fraud, so that means fraud can’t kill during daytime. The functions of the following roles can be used during daytime only: Citizen, Psycho, Journalist, and Hustler. For the others, you can use it both daytime and nighttime.
  3. Ang alarm light pendant ay siyang magpapahiwatig kung tapos na ang laro, kaya kailangan niyo itong suotin kapag magsisimula na tayo.
  4. If ever na hindi makapatay ang fraud sa gabi ng laro ay ako mismo ang pipili kung sino ang mamamatay.

Syempre alam kong marami sa inyo tututol na maglalaro kaya lahat ng games ay may premyo. For those 8 people who managed to survived will win 25 million each. Any questions?” nagsitaasan kaming lahat ng kamay. Isang malakas na putok ng baril ang marinig namin kaya napasigaw ang ilan sa amin.

“I said, anymore questions?” umiling naman kami bilang responde, ayaw pa naming mamatay.

“Okay good, isa-isa ko kayong tatawagin at pupunta sa likod ng monitor na ito at pipili ng ingame codename niyo… Gail” pumunta ang isang babae sa likod ng monitor at parang may pinindot.

“Davis” sumunod naman ang isang lalaki. “Anton” si Anton naman sumunod kay Davis. “Olivia” ang pangalan na sumunod kay Anton ay pangalan na ayaw kong naririnig. Iba pa naman ang tingin ng mapalingon sa akin, buti nalang at napansin iyon ni Trina at iniharang ang mukha nito.

“Madid… Carlo… Maggie… Hamada… Zafra… Sid… Hash… Trent… Yanna… Molly… Rolando… Conor… Delmara… Ellie… Melvin… Asher… Brooklyn… Clemente… Ramon… Max… Nina… Kate… John Elmer… Kevin… Alexandro… Herbert… Chance… Stephano… Nicole… Verdan… Blaine… Clementine… Reece… Preston… Jeremy…Trina… Jerry Gawn… Gregorio… Abby… Amira… Julio… Tiffany… Jay… Belen” isa-isa nga kaming tinawag at pumili ng sarili codename, pangalan lang naman ng mga hayop ang nasa choices.

“Not in order. So we have dog, boar, snake, owl, rabbit, giraffe, turtle, rooster, frog, shark, fish, lion, eagle, deer, sheep, goat, octopus, cheetah, monkey, horse, pig, fox, beaver, platypus, ox, mouse, crocodile, iguana, dolphin, eel, elephant, seahorse, whale, polar bear, grizzly bear, panda, antelope, bat, rhinoceros, chameleon, chipmunk, squirrel, cow, bull, gorilla, cat, meerkat, and hyena” sinabi niya ang mga napili naming mga codenames bago magsara ang led screen.

Iba’t ibang reaksyon at opinion ang maririnig sa pwesto kong iyo kaya minabuti kong ipinikit ang mga mata at huminga ng mga malalim. Habang nanatiling nakapikit ay tumahimik ang paligid ko kaya muli na namang dumilat para alamin kung anong meron.

“Proceed to cafeteria” iyan ang nabasa ko sa led screen. Nagsimula kaming maglakad papunta sa direksyon kung saan itinuturo ng nasa led screen.

Yakap-yakap nila John at Anton ang kanilang kapareha na alam kong natatakot din sila kung ano man ang magiging resulta. Nasa ganoong paglakad kami ay may umakbay sa akin, nang lumingunin ko ito ay may isang mapait na ngiti sa kanyang labi.

“Are you okay?” ang nag-aalalang tanong ni Trent, ngumiti naman ako sa at tumango bilang sagot.

“She’s my ex, pinagpalit niya ako sa mas better sanhi ng paghihiwalayan namin. Believe me, we already broke up” ang paliwanag niya, hindi na ako nagtanong kung tungkol saan ang sinasabi niya.

“Okay” ang tanging naisagot ko at humarap na muli sa daanan. Tinanggal na niya ang pagkakaakbay sakin, akala ko pupunta na naman siya sa likod pero nabigla ako ng isang mainit na palad ang humawak sa aking kamay. Malalaki at magaspang ang kamay ni Trent, halatang nagbubuhat ito ng mga mabibigat.

Hinayaan ko nalang ang kamay naming ganoon hanggang sa marating namin ang cafeteria, nasa likod ito ng dorm pero may kaunting distansya mula roon. “Kayo na ang magluto ng kakainin niyo” iyan ang nakasulat sa pinto ng cafeteria.

Pagkabukas ng sliding door ay malinis na lamesa ang makikita, may water dipenser din at kuhanan ng mga softdrinks, sa gilid ng water dispenser ay isang kwarto kung saan naroon ang ref, iba’t ibang ginagamit sa panluto, mga kawali, oven at stove.

“Kami na ng kapatid ko ang bahala sa pagluluto” ang pagpresenta ng isang babae katabi nito ang kanyang kakambal. Kung matatandaan ko ang kanilang pangalan ay Clementine at Clemente.

“Tutulong na rin ako” pagpresenta din naman ni Nina. Naghanap naman kami ng mauupuan, bale may limang lamesa at bawat lamesa ay may mahabang upuan sa kaliwa’t kanan na kakasya ang limang tao sa bawat gilid nito.

Tahimik kaming umupo sa pang-apat na lamesa, umupo na rin ang mga iba at may naki-upong apat sa amin. Kung naaalala ko ang pangalan nila, sila ay sina Brooklyn, Jay, Delmara, at Gregorio. Habang naghahanda ng hapunan ang lima dahil may tumulong pa sa kusina na dalawa, naghihintay naman kaming lahat pero amoy na amoy mula sa kusina ang niluluto nila.

Alas syete ng gabi, natapos na kaming kumain. Masarap ang niluto ng lima, adobo na may halong pinya. Isang oras pa ang natitira bago magsimula ang laro namin, hindi ko alam kung ano ang magiging takbo ng larong ito pero nasabi naman na ni Azul ang gagawin ng gagampanan ko. Muling bumalik ang takot sa aking dibdib na iniisip na ayokong mawalay sa mga kaibigan ko.

Nasa ganoong pag-iisip ako, nang may nagsalita sa speaker ng cafeteria. “Isang oras pa bago ang laro kaya maaari kayong pumasok sa loob ng kwarto niyo para mag-ayos at makipag-usap sa mga kakampi niyo, hindi kayo maaaring lumabas hanggang sa magbibigay ako ng hudyat. Iwan niyo nalang ang mga pinagkainan niyong iyan dahil magdadala ako ng mag-aayos para diyan”

Sa sinabi nga ni Azul na iyon ay tahimik naming iniwan sina Anton, Trent, at John Elmer sa harap ng kanilang kwarto. Nang nasa 4th floor kami, ay naiiyak kong niyakap ang dalawa kong kaibigan, niyakap rin nila ako pabalik bago umakyat na sa 5th floor.

Pagkapasok ko sa kwarto, doon ko ibinuhos ang aking iyak, humagol ng malakas na parang bata at iniisip ang magiging resulta ng larong ito. Makalipas ng ilang minuto ay tumayo na ako at pinunasan ang mga luha saka ipinangako sa sarili na magkikita kaming magkakaibigan pagkatapos ng larong ito.

Dumiretso na ako sa lamesa kung nasaan ang kahon, kinuha ko mula sa loob ang alarm light pendant at binasa kong mabuti ang role card ko at kung ano mga kanyang dapat gawin.

END OF CHAPTER 6…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status