Share

Kabanata 3

last update Last Updated: 2022-11-14 21:49:57

KKabanata 3

Napakurap kurap ako. Totoo ba ang nakikita ko? I-I mean... totoo bang gising na talaga si Putlong at ka-face-to-face ko na talaga siya ngayon? As in?! Grabe! Ang guwapo niy— I mean... may himala! Tama! Oo! May himala talaga 'yon! Hallelujah! 

Aligaga akong lumapit sa maliit na sala kung nasaan si Putlong. Nang nasa harapan niya na ako, tumingala sa akin ang lalaki at inosente ako nitong tinitigan gamit ang nakakahumaling sa ganda niyang dark blue-ng mga mata.

At sa ilang segundo kong pagtitig sa mukha ng sanggano, doon ko mas lalong napatunayan sa sarili ko na sobrang guwapo niya talaga. Sobrang puti pa. Kaya imposible talaga siyang maging kriminal katulad ng iniisip ko! At kung totoo man na kriminal nga siya—baka ako pa ang mag-sorry sa kanya kapag nahuli ko siya sa aktong nilolooban ako! 

"S-Sino ako?" ulit niya sa tanong niya kanina na hindi ko na pala nasagot dahil sa sobrang pagkahumaling ko titigan ang mga mata niyang parang hinihigop ako sa sobrang lalim. 

Kumurap kurap ulit ako at binalik ang rasyonal na sarili, "Hindi ko alam. Hindi kita kilala. Sino ka ba?" 

Sa tanong ko, nagdikit ang dalawang makapal na kilay niya. Rumiin rin ang titig niya sa akin. Naguguluhan. At doon, doon ko lang rin na-realized ang pang tanga kong tanong sa kanya!

Gaga ka talaga Luise! Magtatanong ba 'yan sa 'yo kung sino siya kung kilala niya sarili niya? 

Gusto ko na sampalin ang sarili ko. Kung hindi ko nga lang kaharap ang guwapong sangganong ito, baka ginawa ko na talaga! 

"I-I mean..." nag-isip ako ng mabuti para madali niyang makuha ang gusto ko talagang ipunto. "I-Ikaw? Wala ka b-bang naalalang kahit ano tungkol sa sarili mo? Kung taga saan ka? Anong pangalan mo? At kung may jowa ka bang naiwan?"

Mas lalong kumunot ang noo ng sanggano sa huli kong tanong, "Jowa?"

Napapikit ako sa isip isip ko. Umayos ka nga Luise! Anong jowa ka dyan?! "I-I mean, pamilya! Oo tama! Naalala mo ba kung may naiwan ka bang pamilya? O kaibigan? May naalala ka ba kahit isa sa kanila man lang?"

Mabilis siyang umiling bilang sagot.

Napabuntong hininga ako sa pagka-dismaya dahil mukha talaga siyang walang maalalang kahit ano tungkol sa nakaraan niya.

Datapwat, sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay, "Hindi mo ba ako niloloko Putlong? Baka naman may naalala ka talaga, tapos modus mo lang talaga ang magpanggap sa mga biktima mo na wala kang maalalang kahit ano, tapos bukas, pag-gising ko, wala na lahat ng gamit ko dito sa bahay??" Sambit ko ng bigla ko lang ring naisip dahil baka mamaya—totoo talaga ang hinala kong sanggano ang lalaking ito at nalilinlang lang ako ng makalaglag panty niya sa guwapo na mukha. 

Mas niriianan ko ang titig ko sa kanya ng inosente niya lang ako pinagmasdan. Pero kalaunan—ako na rin ang sumuko sa ginagawa kong pangh-hot seat sa kanya dahil sa mukha pa lang na binibigay niya sa akin, batid ko na doon pa lang na hindi niya ako bino-bogus. Totoong wala siyang maalala. 

Malakas akong bumuntong hininga bago ko nilapag ang gamit at pinamili ko sa maliit na table na nasa likod ko. Sunod kong ginawa, mabilis akong umupo sa tabi ni Putlong at hinarap ulit siya. 

Sinundan niya ako ng tingin at tinitigan ulit ako. 

"E sa nangyari sa 'yo bago ka mawalan ng malay sa harap mismo ng apartment ko? Naalala mo pa ba?" kuwestyon ko ulit. 

Ilang segundo niya ako blankong tinitigan bago siya yumuko at malalim na nag-isip. Sinundan ko ang mukha niya ng tingin at hinintay kung may mahihita ba siyang sagot. 

Pero kalaunan, nang malapit na kami balutin ng katahimikan. Nag-panict ako bigla ng hawakan niya ang may benda niyang ulo at d*****g sa sakit.

Mabilis ko siyang inalalayan ng muntik na siyang tumumba. "H-Hoy! Ok ka lang? Napanoka? Anong masakit?" alala ko talagang tanong.

Tiningnan niya ako gamit ang nasasaktan na tingin. "M-Masakit. Masakit kapag pinipilit kong may maalala."

Sa sagot niya, nakaramdam ako ng guilt para sa sarili ko dahil mali ko. Inulan ko agad siya ng maraming tanong kagigising niya pa lang. Gaga ka talaga Luise! 

"Ok, huwag na. Huwag mo na pilitin ang sarili mo mag-isip kung wala ka talagang maalala." ani ko. 

Tumungo naman siya bago yumuko. 

"Masakit pa rin ba?" guilty kong tanong dahil parang sumasakit pa rin ang ulo niya sa kagagawan ko! 

"Ouhm," tipid niyang sagot habang nakayuko pa rin. Nilamon na ako ng guilt kaya ang ginawa ko, tinanggal ko ang kamay niyang nasa ulo niya para hilutin iyon.

"S-Sumasakit pa rin ba?" bulol kong wika ng taasan niya ako ng tingin at inosenteng tinitigan ang mukha ko na alam kong kinakain na ng pamumula dahil sa paninitig niya! 

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako ng matagal. Na ikina-iwas ko na talaga ng tingin sa kanya! Dahil hindi ko na kaya ang binibigay ng maganda at malalalim niyang mga mata sa sistema ko! 

Ano ba ito? Bakit parang l-lagnatin ako? Ganito ba talaga ang mararamdaman mo kapag may kaharap kang sobrang guwapo? O iba na ito??

-

"Oh, kumain ka ng kumain," baba ko sa harapan ng Sanggano ng isang platong hatdog na niluto ko para sa kanya dahil kanina, habang hinihilot ko siya, narinig ko ang malakas na pagkalam ng sikmura niya. 

Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ko siya hilutin, dumeretso na ako dito sa kusina para paglutuan siya ng mga stock na pagkain na nakita ko sa ref dahil ilang linggo na rin siya walang kain. 

Tinunguan lang ako ng Sanggano bilang tugon at saka niya nilantakan ang mga pagkaing niluto ko para sa kanya. 

Umupo ako sa harapan niya at pinanood lang siya kumain. Doon rin ako nakaramdam ng matinding kapaguran ngayong araw. Napabuntong hininga na lang ako.

At habang pinapanood ko ang sanggano ubusin lahat ng niluto kong pagkain para sa kanya, naisip ko bigla kung ano ba ang mas magandang gagawin sa lalaki. 

Wala siyang maalala kahit isa sa nakaraan niya. Pero gising na siya at iyon ang mahalaga. Kaya naman—what if... isuko ko na lang siya sa mga awtoridad dito sa amin?

Tapos naman na ang gampanin ko sa kanya. Ok na siya at tama lang naman siguro kung ipapa-alam ko sa mga awtoridad ang tungkol sa kanya dahil baka hinahanap na rin siya ng pamilya niya. Tama. Iyon siguro ang sunod na hakbang na dapat kong gawin... 

Sa hindi ko alam na dahilan, habang naglalaro sa utak ko ang mga isiping iyon habang pinapapanood ko siya kumain, nakaramdam ako ng matinding kalungkutan na hindi ko alam kung saan nang-gagaling. 

Para bang... may dinidikta ang puso ko na ibang paraan na gusto nito gawin pero kino-kontra ito ng utak ko kaya hindi ko mabatid sa sarili ko kung ano ba iyon. 

Bumuntong hininga na lang ako para mawala ang malalim na pag-iisip kong iyon. Sinipat ko ng tingin ang maliit na table sa sala na pinaglagyan ko ng mga gamit ko dahil bigla kong naalala ang mga pinamili kong gamit sa sangganong patapos na kumain. 

Hinarap ko ulit ang lalaki at kasabay niyon ay ang pagtambol ng puso ko. 

"Putlong," tawag ko rito. Agad naman ito tumingin at tinitigan ako. Lumunok muna ako ng mariin bago sabihin ang nais. "P-Pagktapos mo d'yan, maliligo ka ha? Hindi ka pa kasi naliligo e."

Tinunguan niya ako at nagtuloy sa pagnguya.

May pumasok na ideya sa utak ko kaya halos mabingi na ang kaloob-loob-an ko sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Napalunok rin ako ng ilang beses at mas lalong napatitig kay Putlong.

Sasabihin ko ba talaga iyon? Paano kung magalit siya? Anong isipin niya sa akin? — Hayst! Bahala na nga! Itra-try ko pa rin! Wala namang masama! 

"A-Ano... P-Putlong..." 

Tumigil ulit siya sa pagkain at tinaasan ako ng tingin. 

"Puwede ba kitang tulungan sa pagligo mamaya?"

Itutuloy... 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Viamar Fuertes
sa unlock nlng
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Babysitting The Heir: Mr. Grey Hades Crimson   Kabanata 18

    Kabanata 18NANG gabing iyon, magulat man kayo o hindi. Walang nangyari sa amin ni Putlong. Maging ako, nagulat rin sa sarili ko, pero ng gabing talaga na iyon na hinalikan ako ni Putlong sa tuktok ng Perris-wheel. Ginulo na naman niya ang puso't utak ko.Pagkauwi namin ng gabing iyon sa apartment, binigyan ko muna si Putlong ng pamtulog niyang damit at nagpaalam na rin ako sa kanya na matutulog na ako at saka pumasok sa sariling kuwarto.Binagsak ko ang katawan sa kama at tumititig sa kisame. Hinawakan ko ang ibabang labi ko kung saan ko pa rin dama ang malambot na labi ni Putlong habang unti unti na naman akong kinakain ng malalim kong iniisip.Iniisip ko na naman kasi kung tama pa ba itong ginagawa ko. Kung tama bang gine-gate keep ko si Putlong sa totoo niyang pamilya dahil sa sarili kong interest sa lalaki. Dahil parang sa halik na iyon sa akin ng Damuho, parang may mga bagong pintuan na naman ang nagbukas sa isip ko.Mga pintuang pinilit kong ipagsa-walang bahala at isinara, per

  • Babysitting The Heir: Mr. Grey Hades Crimson   Kabanata 17

    Kabanata 17MATAMAN kong pinapanood si Putlong magbihis ng pang-itaas niya dito sa sala. Sinusulit ang pagkakataong i-admira ang maganda niyang katawan na ubod rin ng puti.Ilang beses ko na itong nakita, pero kahit ganoon talaga, hindi ko mapigilan ang sarili ko titigan pa rin ito kapag may pagkakataon, dahil parang inukit talaga ng magaling na iskulptor ang katawan ng damuho. Lahat ng muscles ay nasa tamang posisyon. At ang pagkakahubog ng mga ito… ang sarap- ay- I mean… masarap sa mata!Talbog pa ni Putlong ang mga modelo sa men's magazine na dati'y pinagpapantasyahan ko. At idagdag pa ang tattoo niya sa isa niyang braso...Nakakatakot iyon kung titignan dahil sakop niyon ang buo niyang braso. Ngunit, mas lamang ang angas na sinisigaw niyon...Ang maputi niyang kutis ang siya lalong nagpapaganda ng tattoo. Idagdag pa ang nagpuputukan niyang biceps at triceps! Hindi pa kasama diyan ang guwapo niyang mukha na sumisigaw ng pagkabanyaga.Napabuntong hininga na lang ako at napa iling.S

  • Babysitting The Heir: Mr. Grey Hades Crimson   Kabanata 16

    Kabanata 16Mabilis lumipas ang mga araw pagkatapos ng gabing iyon. Simula rin no'n, mas inagapan ko ang pag-uwi ko sa apartment. Doon ko na lang tinatapos ang tambak na gawain ko kesa sa school.Nasa akin pa rin kasi ang pangamba na baka kung mapaano si Putlong habang mag-isa lang siya sa apartment. Hindi pa rin kasi nahuhuli ang mga armadong rebelde na nagpapakalat kalat dito sa probinsya namin. Mamatay lang ako sa pag-aalala sa school kaya dinala ko na lang ang gawain sa bahay."What's... wrong?" Usal ng binatang tinutunaw ko na pala sa titig. Kinagabihan, matapos namin dalawa mag-hapunan. Inosente akong napa-kurap kurap at napa-ayos ng indianong upo sa lapag dito sa sala. Sa malalim ko kasing pag-iisip hindi ko na namalayan na naka-tanga na lang ako sa guwapong mukha ni Putlong na busy-ing busy ayusin ang pinapaayos ko sa kanyang mga test paper exam ng mga estudyante ko.Napa-iwas ako ng tingin sa hiya sa binata, "W-Wala naman..." mahina ko pang sagot dito. Ramdam kong hindi niy

  • Babysitting The Heir: Mr. Grey Hades Crimson   Kabanata 15

    SPG! Super.Kabanata 15"P-Putlong, umupo ka na..." hindi nakatakas sa boses ko ang matinding kaba at pinagsamang pagkasabik ng utusan ko ang lalaking kaharap na umupo sa nakasaradong inidoro sa cr ng apartment namin.Hindi na naming dalawa natapos ang kinakain namin sa hapag kanina dahil agad ko ng hinila si Putlong papasok ng cr ng malaman ko sa mga mata niya kanina ang gusto niya. Nawala na naman ako sa rasyonalidad ko pagdating sa lalaking ito, dahil isang titig niya lang. Bumigay na ako. Bahala na ang reputasyong inaalagaan ko bilang isang marangal na guro. Wala na akong paki doon ngayon- basta ang mahalaga, mapaligaya ko ulit si Putlong sa paraang alam ko dahil batid kong na-miss niya rin iyon.Sinunod ng lalaki ang utos ko. Mabilis siyang umupo sa inidoro. Binukaka ang mahahaba at mabalahibo niyang biyas. Tumingala sa akin at tinitigan na naman ako gamit ang mapupungay niyang mga mata.Binalik ko sa kanya ang tingin. Tinitigan ko rin ang guwapong binata gamit ang nanabik nguni

  • Babysitting The Heir: Mr. Grey Hades Crimson   Kabanata 14

    Kabanata 14"MA'AM Luise? Nabalitaan niyo na rin po ba ang bali-balita na may nagkalat na mga armadong rebelde rito sa atin?" Usisa ni Kuya Ben sa trisikel.Hindi agad ako nakatugon sa kanya dahil ang utak ko ay nasa kaninang eksena pa rin kung saan tinanggihan ko ang paanyaya ni Sir Allan na kumain kami sa labas ngayong araw. Hindi ko lang talaga iyon makalimutan. Nasa utak ko pa rin ang gulat at malungkot na mukha ng lalaki ng sabihin ko sa kanyang hindi ako makakasama dahil may gagawin akong mas importanteng bagay.Nag-guilty ako na ewan. Pakiramdam ko— ang sama-sama ko. Pero kasi... si Putlong. Alalang alala talaga ako sa binata at hindi maalis ang nararamdaman kong ito hanggat hindi ko nakikitang ayos lang siya."Oo Kuya Ben. Binalita na sa amin 'yan kanina sa meeting kaya medyo ginabi ako ngayon," Sagot ko sa matanda na naka-pokus sa pagd-drive at sa daan.Ngumuso ito, "Naku! Ma'am Luise! Iba na talaga ang panahon. Dati naman, walang ganito dito sa atin. Pero ngayon... naku...!

  • Babysitting The Heir: Mr. Grey Hades Crimson   Kabanata 13

    Kabanata 13NANG banggitin pa lang ni Mrs. Cruz ang salitang 'rebelde'. Tumalon na agad ang puso ko sa pag-aalala. Hindi para sa akin at para sa mga estudyante ko kung hindi para kay Putlong.Hindi ko alam kung bakit siya agad ang unang pumasok sa isip ko. Parang awtomatikong nag-pintig ang dalawang tainga ko sa balitang hatid ng head director.Mag-isa lang si Putlong sa apartment. Wala siyang kasama doon. Kadalasan pa, late pa ako nakakauwi dahil dito ko sa school tinatapos ang mga dapat tapusin sa trabaho dahil sa bahay, naka pokus ako masyado sa pag-aasikaso sa kanya. Mas lumalim ang pag-aalala ko para sa binata sa mga naiisip. Hindi ko na nasundan ang sinasabi ni Mrs. Cruz sa harapan dahil okupado na ni Putlong ang isip ko. Hindi ako mapakali sa kinakasadlakan ko na ewan. Ang gusto ko na lang mangyari ay ang umuwi. Na alam ko namang hindi ko magagawa dahil kakaumpisa pa lang ng meeting! Napakagat ako ng ibabang labi.Putlong, sana walang mangyari sa 'yong masama. Pauwi na ang as

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status