Share

KABANATA 15

Review

Pagkatapos ng araw na 'yon ay hindi na ako nakatulog kinagabihan, dahil hinintay kong mag text sa akin si saturn. Wala akong natanggap na text sa kanya kaya mas lalo lang akong kinabahan.

Nagulat nalang ako nang pag gising ko ay tumawag sa akin si saturn. Sinabi nito na nalowbat ang cellphone niya kaya hindi siya nakatawag. Si olivia naman ay ginabi na umuwi. Hindi ko alam kung ba't siya ginabi, pero ang sabi niya lang ay pagod siya at ayaw niyang kinukulit siya.

"Pre, okay ka lang talaga?" tanong ko kay olivia nang mapansing tahimik ito.

Nasa loob kami ng cafeteria ngayon at sabay kaming kumakain ng lunch. Tapos na rin kasi ang klase namin at mamaya pa ang review ko para sa contest. Kanina pa tahimik si olivia kaya nakakapanibago lang. Hindi ko rin siya makausap nang maayos dahil susungitan lang ako nito. Hindi nalang ako kumibo at saka tuluyan ng inubos ang pagkain ko.

Nang mag ring ang bell ay hudyat na ito na tapos na ang lunch break. Ang sabi sa 'kin ni prof salazar ay sa ICT room kami magre-review kasama si saturn. Medyo na-excite pa ako dahil ngayon ang unang araw ng pagre-review namin.

Nagpaalam na ako kay olivia at gano'n rin siya sa akin. Tumango lang ito gaya ng dati at saka dumiretso sa department niya. Inayos ko muna ang sarili ko bago dumiretso sa ICT. May nadaanan pa akong ilang estudyanteng nagbubulungan. 

"Balita ko si ethan kinick na ng dean." sambit ng isang babae.

"Kaya pala nakita ko parents niya kanina. Mukhang galit parents niya dahil sa nangyari."

Agad na nangunot ang noo ko sa bulungan nila. 

Nakick si ethan? Bahagyang lumapit ako sa kanila para marinig ko pa ang bulungan nila.

"Ano bang nangyari? Akala ko ba kaibigan 'yon ni saturn?" tanong ng isang babae.

"Oo nga, kaibigan nga. Pero feeling ko may ginawang masama 'tong si ethan kaya hindi na siya pinagtanggol ni saturn." 

"Ay weh? Si saturn may girlfriend na raw, totoo ba?" 

"Oo pero magsasawa rin 'yon si saturn. Hindi yata maganda 'yong girlfriend no'n, e." 

My brows furrowed.

Anong hindi maganda? Pag uusapan niyo na nga lang ako sa harap ko pa at may kasama pang insulto. Hiyang hiya naman ang ganda ko sa inyong mga chismosang palaka. 

Agad na lumayo ako sa kanila at saka nagpuyos ng galit. Buti nga 'yon kay ethan! Talagang dapat makick ang lalaking 'yon dito. Ang kapal naman niya kung pupunta pa siya dito pagkatapos ng ginawa niya sa 'kin! Hindi ko siya mapapatawad!

Nang makarating ako sa ICT room ay agad na bumungad sa akin ang itsura ni prof salazar na kakalabas lang ng pintuan. Nagulat pa ito nang makita ako.

"Oh ikaw pala zandra." bungad nito.

Ay wow siya pa talaga ang nagulat, ha? Hindi ba dapat ako ang magulat sa mukha niya? Ba't parang nabaliktad pa?

"Good afternoon po, prof." bati ko.

"Afternoon too, zandra. Balak ko sanang sunduin ka sa klase mo kaso nandito ka na. Pumasok ka na sa loob para maumpisahan na nin'yo ang pagre-review." mahabang litanya nito.

Agad naman akong tumango at saka tipid na ngumiti.

Pumasok na ako sa loob at agad na bumungad sa akin ang lamig ng aircon. Hinanap agad ng mata ko kung na saan si saturn. Nasa pinakadulo ito, nakaupo habang may sinusulat sa notebook nito.

Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang mag angat ito ng tingin sa kinatatayuan ko. Kumuway ako dito at saka lumapit sa kanya.

"Hi." bati ko nang tuluyan na akong makalapit sa puwesto namin.

"Kumain ka na?" agad na tanong ni saturn.

Ngumuso ako para pigilan ang ngiti sa labi ko.

"Oo, kakatapos lang. Ikaw?" tanong ko pabalik.

Nakita ko ang pag iwas nito ng tingin sa akin kaya bahagyang kumunot ang noo ko. Sinilip ko ang mukha nito pero iniwas niya 'yon sa 'kin. May tinago ito sa kung saan kaya mas lalong nangunot ang noo ko.

Anong tinago niya?

Narinig ko ang pagtikhim nito kaya napaayos ako sa pagkakatayo.

"Umupo ka na nang makapagreview na tayo." ani ni saturn at saka nagbaba ng tingin sa notebook niya.

"Ah sige." pagsunod ko at saka umupo sa tabi niya. 

Kinuha ko ang librong binigay sa'kin ni prof salazar at saka nag umpisa ng magreview. Kumuha rin ako ng papel ko para makapagsolve ng ilang problem. Minsan ay tumitingin ako kay saturn para tignan kung anong ginagawa niya. Tahimik lang ito at mukhang seryoso sa pagso-solve ng kung anong problem na nasa notebook niya.

Ang tahimik naman. Hindi ako sanay. Gusto ko 'yong may maingay. Agad na luminga-linga ako sa paligid para tignan kung may mga prof ba, buti nalang at wala. Agad na kinuha ko ang phone sa bulsa ko at saka pinatugtog ang favorite song ko. 

Go ahead and bark after dark, fallen star

I'm your one-call away

Motel halls, neon walls

When night falls I am your escape

When you lay alone, I ache

Something I wanted to feel

Sumabay ako sa bawat lyrics na naririnig ko sa kanta. Maganda ang mga kanta ni joji pero ang sanctuary lang ang pinakagusto ko sa lahat.

If you've been waiting for falling in love

Babe, you don't have to wait on me

'Cause I've been aiming for heaven above

But an angel ain't what I need

Nang matapos ang kanta ay agad ko itong nilipat sa iba ko pang favorite na music. Masyado akong nag e-enjoy sa pagkanta. Napatigil nalang ako sa pagkanta nang patayin ni saturn ang pinapatugtog ko.

"Magreview ka nalang." tipid nitong saad.

Aba ang kapal!

"Pero hindi ako makakapag isip nang maayos pag ganito katahimik. Gusto ko 'yong may naririnig ako." pagrereklamo ko.

"Alright." ani nito at agad na lumapit sa akin.  

Kinuha nito ang papel ko at saka nagsimula nang magbuklat sa libro ni prof salazar. May hinanap ito roon at nang mahanap niya 'to ay agad itong tumingin sa akin. Agad na namula ang pisngi ko nang ngumisi ito.

"Solve this. Pag hindi mo 'to na solve within 3 minutes, I will punish you."

"Ha? Punish?" gulantang kong tanong.

"Yeah." agad na inabot ni saturn sa'kin ang papel na sinulatan niya ng problem.

"What kind of punish ba? Hindi mo naman ako papahirapan, 'di ba?" 

"Depende kung nasagot mo ng mabilis."

"Paano kung nasagot ko agad? Anong mangyayari? May prize ba 'to? Ikaw ba prize?" nagba-baka sakaling tanong ko. 

He chuckled.

Paano pala kung nasagot ko agad 'yon? Anong matatanggap ko? Paano naman kung hindi ko nasagot within 3 minutes? Anong punish ang sinasabi niya?

"Hindi ako ang prize, zandra.. And I don't have enough money too. So, I guess a kiss will do." ani ni saturn at saka marahang bumaba ang tingin nito sa labi ko.

Agad na nag iwas ako ng tingin at saka lumunok.

"Paano kung hindi ko nasagot? Anong punish para sa akin?" tanong ko ulit.

"Sagutan mo muna 'yan at saka ko sasabihin sa'yo kung anong punish." saad nito at agad na umayos sa pagkakaupo.

Agad kong tinignan sa papel ang problem na 'yon at laking gulat ko nang mapansing napakadali lang nito! Pag nasagutan ko 'to mahahalikan ko si saturn! Zandra, kalma. Huwag kang papahalatang alam mo 'yan!

"Madali mo nalang 'yan." saad ni saturn.

"Hoy ang hirap kaya." pagkukunwari ko at saka tumungo.

Magkunwari ka lang, zandra. 

Bahagyang umawang ang labi nito at tila gulat sa sinabi ko. 

"Totoo, promise! Ano bang punish pag hindi ko nasagutan? Kinakabahan ako." napakamot ako sa batok ko kahit ang totoo ay natatawa na ako kanina pa.

"Sagutan mo nalang." pang uulit nito.

Tumango nalang ako.

"Sige, kahit mahirap." I pouted.

Nakita ko ang paglunok nito at saka hindi na tumingin sa akin. Ano ba kasing parusa, saturn? Why don't you tell it to me, huh?

Umiling nalang ako at saka nag umpisa nang magsolve. Dapat tapusin ko na 'to para mahalikan ko na si saturn. Ang tagal ko ring hinihintay ang pagkakataon na 'to!

Tinagalan ko ang pagsolve sa problem para hindi mahalata ni saturn na masyado akong sabik sa halik niya. Oo, sabik ako pero sa halik lang niya!

"Hindi ka pa tapos?" tanong nito at saka tumingin sa papel ko na hindi pa tapos.

"U-hm oo hehe. Medyo mahirap kasi." pagkukunwari ko.

"Gusto mo bang baguhin ko nalang?" tanong nito at saka naghanap ng problem sa libro.

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.

"Huwag na. Sasagutan ko nalang. Baka mas mahirap pa ipasagot mo sa'kin." ngumuso ako.

Nakita ko ang pag ngisi nito sa akin at saka marahang tumango.

"Alright. Answer well." saturn said.

Ngumiwi nalang ako at saka nag iwas ng tingin.

Tatapusin ko na 'to! 

Agad kong tinapos ang solving problem na binigay sa 'kin ni saturn. Nang matapos ko 'yon ay agad kong binigay sa kanya ang papel ko. Nagulat pa ito dahil sa bilis ko.

Tinignan ko lang si saturn ngayon na sinusuri ang mga sagot ko. Nakakunot ang makapal nitong kilay at tila hindi na maipinta ang mukha niya. Alam kong tama ako saturn kaya kabahan ka na. Hindi pa naman ako bobo para magkamali sa pagso-solve.

Nang matapos ito sa pagsuri sa sagot ko ay agad itong nag angat ng tingin sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pinaghalong kaba at takot. Kaba dahil mahahalikan ako ni saturn at takot dahil baka mali ang sagot ko!

"Come closer." ani ni saturn.

"Mali ba ang sagot ko?" nagmamadaling tanong ko.

"Come closer." pang uulit nito.

Shit.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at saka lumunok. Hindi naman ako mali, 'di ba? Alam kong tama ang sagot ko. Nasagutan ko na 'yan noong nag quiz kami! 

Nagulat nalang ako nang hilahin ako ni saturn paupo kaya tuluyan na akong bumagsak sa kandungan niya. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa ginawa nito.

Napapikit ako ng mariin nang marahang iangat ni saturn ang baba ko.

"You got it right, baby." after he said those words he kissed me thoroughly.

Sanctuary by joji:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status