Share

KABANATA 14

Umbrella

Ilang oras ang tinagal namin ni saturn sa locker room. Nakaupo lang ako habang ito ay nakaluhod sa harap ko. Minsan ay nahuhuli ko itong nakatingin sa akin. 

"Ihahatid na kita." pang babasag nito sa katahimikan.

Nangunot ang noo ko.

Agad kong naalala ang sinabi ni prof salazar kanina. May meeting pala kami ngayon. Bakit ngayon ko lang naalala? Lumingon ako kay saturn ngayon na tila malalim ang iniisip.

"May meeting pa kami ni prof salazar." nahihiyang sambit ko.

"Meeting for what? Puwede namang ipagpaliban 'yan. I'll talk to him. Ihahatid na kita pauwi." bakas sa boses nito ang inis.

"Pero may meeting kami para sa math contest! Ipapakilala ako ni sir kay Mr. Centaurus." I hissed.

Nakita ko ang paglaki ng mata nito at saka bahagyang umawang ang labi.

"'Yon lang ba? Ihahatid pa rin kita." saad nito at saka kinuha ang bag ko at sinukbit 'yon sa balikat niya.

"Saturn!" sigaw ko at agad na kinuha ang bag ko na bitbit niya.

"Ano? Iuuwi na kita." pang uulit nito at saka hinawakan ang kamay ko.

"Uuwi na tayo." mariing saad nito at agad akong hinila paalis roon.

Nang makalabas kami ng locker room ay bumungad na sa amin ang ilang estudyante na kakalabas lang ng room nila. Tila nagulat pa sila nang makita kami ni saturn na magkasama at magkahawak kamay.

Narinig ko ang ilang bulungan nila kaya bahagyang nag init ang pisngi ko.

"Siya ba 'yong girlfriend na sinasabi nila?"

"Siya yata? Tignan mo 'yong suot oh. Damit ni saturn."

"Oo. Siya nga!" 

"Ang swerte niya naman."

"Tanga. Ang swerte rin ni saturn. Maganda rin naman siya."

Nag angat ako nang tingin kay saturn na tila walang pakealam sa mga sinasabi ng iba. Parang sanay na siya na pinag uusapan siya ng ibang estudyante dito.

"Centaurus." 

Agad na nanliit ang mata ko sa narinig.

Centaurus? Hindi ba 'yon ang makakasama ko sa math contest next week?

Agad na bumaling ang tingin ko ngayon sa likuran namin. Lumapit sa amin ang coach ng basketball team. 

Ngumisi ito kay saturn at saka tumingin sa akin. Ngumiti ito sa akin bago magsalita.

"Hindi ka makikipratice? Lapit na laban, ha." saad ng lalaki.

"Hindi na ho muna. May gagawin rin ho kasi ako." magalang na sambit ni saturn.

"Gano'n ba? Sayang naman." saad ng coach at saka bahagyang tumingin sa akin.

"Sino 'tong magandang kasama mo? Ito ba 'yong sinasabi mong girlfriend mo? Hindi mo sinasabi na sinagot ka na pala." dagdag ng coach.

I bit my lowerlip to stop from smiling. Hindi ko alam na girlfriend pala ako ni saturn.

I heard saturn sighed.

"Ah opo. Si zandra ho pala coach. Girlfriend ko." ani ni saturn.

Tuluyan nang bumaling ang tingin ko kay saturn. Hinapit nito ang baywang ko at saka tumingin sa akin.

"Zandra, si coach nga pala." bulong nito.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat. Pinakalma ko muna ang sarili ko at saka marahang tumingin kay coach.

"Oh hi zandra. Ako nga pala ang coach nitong si centaurus. Pogi niya, 'no? Dapat hindi mo sinagot para maasar namin." saad ng coach at saka bahagyang tumawa.

"Coach naman." tila nahihiyang saad ni saturn.

Agad na namula ang pisngi ko. 

"Hello po hehe." bati ko sa coach.

"Oh siya sige. Maiwan ko na kayo. Mukhang uulan pa. Stay strong sa inyo, lovers." pagpapaalam ng coach at agad rin itong umalis.

Tumango lang si saturn at saka bahagyang ngumuso.

"Ikaw 'yong centaurus?" gulat kong tanong.

I heard him chuckled.

"Uhuh. Ako nga." saad nito.

Tila naestatwa ako sa narinig. Doon ko lang narealize na kanina lang ay sinabi ko sa kanya na makikipagkita ako kay centaurus dahil sa meeting. At ngayon siya pala ang centaurus na kinikwento ni prof salazar kanina!

"And yes. Ako ang makakasama mo sa contest." bakas sa boses nito ang tuwa.

"Iuuwi na kita. Mukhang uulan pa." saad nito at agad akong hinila palabas ng school.

Nakita ko pa ang ilang estudyante na nagkakagulo sa harap ng gate.

Bahagyang nangunot ang noo ko.

"Anong meron?" bulong ko sa sarili.

"Manong, para po!" saad ni saturn sa gilid ko at agad na pumara ng tricycle.

Bumaling na ngayon ang tingin ko sa tricycle at agad na sumakay do'n. Pinauna muna ako ni saturn makaupo at saka ito sumunod na pumasok sa loob. 

"Saan ang inyo?" tanong ni saturn.

"Uhm sa sakayan nalang ako ng jeep bababa." nahihiyang saad ko.

"Sa sakayan ho ng jeep manong." saad ni saturn kay manong.

Agad namang tumango ang driver at agad na pinaandar ang tricycle. Hanggang sakayan lang ng jeep niya ako ihahatid, 'di ba? Hindi naman niya siguro ako ihahatid sa apartment namin. Teka si olivia!

Agad kong kinapa ang phone ko sa bag at nagtext kay olivia na uuna na akong uuwi.. Susunod nalang daw siyang uuwi dahil marami pa raw pinapagawa ang prof niya. Ayoko rin magtagal sa school dahil sa nangyari at saka kasama ko ngayon si saturn.

Nakakahiya na siya pa ang nakakita sa akin sa ganoong klaseng sitwasyon. Akala ko doon na magtatapos ang pagiging virgin ko. Buti nalang at dumating si saturn doon.. Pero ba't siya papasok sa room na 'yon? Narinig niya ba ang sigaw ko?

Tapos noong nakita namin 'yong coach niya kanina, sinabi pa nito na 'dapat hindi mo sinagot para maasar namin.'? Pinag uusapan ba nila ako? Hindi naman kalat sa school na may gusto ako kay saturn, ha! Ang mga kaibigan ko lang ang may alam na gusto ko si saturn!

Tapos itong si saturn naman sinabi niya pa sa coach niya na 'girlfriend' niya ako! Paano kung awayin ako ng mga fans niya, ha? Maganda ako pero ayoko ring bigyan ako ng mga death threats sa locker ko, 'no!

Agad akong napasinghap nang maramdaman ang lamig ng hangin na dumapo sa katawan ko. Bahagyang tumaas ang skirt ko kaya agad ko itong binaba. Naalala ko nga pala kanina na napunit ang panty ko dahil kay ethan. Buti nalang at may extra ako sa bag. Kinuha rin kasi namin ni saturn ang bag ko kanina at saka bumalik sa locker room para magpalit.

Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang mauntog ang ulo ko sa gilid ng tricycle dahil sa lubak-lubak na daan.

Saturn pulled my waist closer to him.

Marahan nitong hinawakan ang ulo ko at saka ito tumingin kay manong.

"Manong, dahan-dahan ho sa pagda-drive." ani ni saturn.

Humingi naman ng tawad ang driver kaya tumango nalang si saturn. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan ni saturn ang laylayan ng skirt ko at saka marahang pinatong ang bag niya sa kandungan ko.

Agad na nag init ang pisngi ko dahil sa ginawa nito. Ayaw niya lang na liparin ang skirt ko kaya niya pinatong. Ang sweet saturn, ha? pero sana kamay mo nalang pinatong mo.

Pagkatapos ang ilang minuto ay binaba kami ni manong sa sakayan ng jeep. Medyo malayo pa kasi rito ang apartment namin ni olivia. Agad namang bumaba si saturn at saka kinuha nito ang bag ko. Bumaba na rin ako at saka akmang kukuha ng pera sa wallet para magbayad ng pamasahe kaso bigla nalang akong hinila ni saturn paalis doon.

Napatingin ako sa ulap ngayon nang dumilim ito. Agad akong pinapasok ni saturn sa loob ng jeep at saka pinaupo sa dulo. Sumakay rin siya at magkatabi na kami ngayon. Nilagay nito ang bag niya sa kandungan ko ulit.

Nangunot pa ang noo ko pero hindi ko nalang pinansin 'yon.

Marami nang nakasakay ngayon sa jeep at halos punuan na. Mas lalo tuloy akong naipit sa dulo. Lumingon ako ngayon kay saturn na nakikipag usap sa katabi niyang pasahero.

Aba lumalandi 'yan?

"Huwag ho tayong magtulukan. Nasasaktan ho ang girlfriend ko." saad ni saturn at saka bahagyang hinawakan ang siko.

Agad na namula ang pisngi ko sa sinabi ni saturn. 

"Sorry po kuya. Ito kasing si mimi tinulak po ako." saad ng babae.

Tumango lang si saturn at saka tumingin sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin at saka mariing hinawakan ang bag nito.

Umayos ka, zandra!

Nang tumigil ang jeep ay sakto ring pagbuhos ng malakas na ulan. Wala akong dalang payong ngayon kaya nandito lang kami ni saturn sa loob ng jeep. Kasama rin namin ang ibang pasahero na tila nag aalala rin kung paano makakauwi.

Bumaling ngayon ang atensyon ko kay saturn nang kunin nito ang bag niya at saka ilabas ang payong na dala nito. Tumingin ito sa akin kaya nanliit ang mga mata ko.

"Uuwi ka na?" I asked.

Umiling ito.

"Ihahatid kita."

"Pero sasakay pa ako ng tricycle bago makauwi sa amin." bulong ko.

Napatingin ako ngayon sa labas nang medyo humina na ang buhos ng ulan.

"Ihahatid pa rin kita hanggang sa makauwi ka nang ligtas." mariing saad nito at saka hinawakan ang kamay ko. 

Hinila ako nito palabas ng jeep at saka inalalayan para makababa. Binuksan nito ang payong at saka ako pinayungan. Ako ang nasa loob ng payong at siya ang nasa labas!

Nababasa siya ng ulan habang ako ay hindi!

"Saturn, nababasa ka." 

"Saan ang inyo?" parang wala itong narinig.

"Saturn baka magkasakit ka!" pag aalala ko.

"Saan ang inyo?" mariing tanong nito habang nakatingin sa nakaparadang tricycle sa harapan namin.

"Sa dela rosa." sagot ko.

Tumango lang ito at saka kami dumiretso sa tricycle tungo sa dela rosa. Pinauna nito akong sumakay at saka ito sumunod. Inayos niya ang payong at saka lumingon sa labas.

Napatingin ako sa basang-basang buhok nito. 'Yan kasi ako lang ang pinayungan. Tapos pag nagkasakit  siya kawawa rin siya. Hindi lang siya 'yong kawawa pati mama niya rin.

Hindi niya pala ako pinagbayad sa jeep kanina. Siya lahat ang nagbayad sa pamasahe naming dalawa. Kaya ngayon, ako naman ang magbabayad sa'ming dalawa. Hinanda ko na ang pamasahe namin ni saturn at saka nag angat ng tingin sa kanya. Nasa labas ng tricycle ang tingin nito at tila may iniisip.

Kung magkakaroon ba ng girlfriend si saturn, ganito rin kaya siya? Siya ba magbabayad ng pamasahe nilang dalawa? Siya ba ang sasagot ng dates nila? Ihahatid niya rin ba 'yong girlfriend niya gaya ng ginagawa ni saturn sa akin ngayon?

Agad na sumama ang sikmura ko dahil sa naisip. Ako ang girlfriend ni saturn. Kakasabi niya lang kanina, kaya ako ang girlfriend dito!

"Manong dito na po." saad ko at nang mapansing malapit na ang apartment namin.

Agad namang tumingin sa'kin si saturn kaya binigyan ko lang ito ng tipid na ngiti. Ang pogi niya talaga kahit basang-basang siya sa ulan. 

Agad namang tumigil ang tricycle driver sa harap nang apartment namin ni olivia. Naunang bumaba si saturn at saka ako sumunod na bumaba. Iaabot ko na sana ang pamasahe namin nang unahan ako ni saturn.

"Ako na, saturn." marahang saad ko pero hindi ito nagpaawat at saka inabot kay manong ang hawak niyang pera. 

Agad namang umalis ang tricycle driver nang ibigay ni saturn ang pera. Nakasimangot kong nilingon ngayon si saturn.

"Sabi ko, ako na e! Uuwi ka pa sa inyo." pagrereklamo ko.

"May pamasahe pa naman ako pauwi." saad nito.

"Pero baka makulangan ka! Edi paano ka uuwi?" tanong ko.

I heard him sighed.

"Edi maglalakad." sagot nito.

"Maglalakad? Edi mahihirapan ka!" singhal ko.

"Sanay na ako. Pumasok ka na sa loob." ani nito at saka tumingin sa gate ng apartment namin.

Inabot ko sa kanya ang perang hawak ko pero agad niya rin 'yong binalik sa akin.

"May pera pa ako dito, zandra. Pumasok ka na sa loob nang makapagpalit ka na ng damit mo." marahang saad nito.

"Paano kung hindi ka makauwi dahil kulang pamasahe mo? Edi hindi ko alam kung nakauwi ka ba ng maayos o hin-."

He cut me off.

"Can I get your number, then?"

"Para saan?" gulat kong tanong.

"Para mai-update kita kung nakauwi na nga ako." saad nito.

"Ha?"

"Para mai-update kita kung nakauwi na ako." pang uulit nito.

"U-hm s-ige ba." ani ko at agad na binigay sa kanya ang number ko.

"Thank you." saad nito.

Agad na namula ang pisngi ko.

"Thank you rin kanina... Uhm Siguro kung hindi mo ako nakita baka tuluyan nang nagawa ni ethan ang masama niyang balak sa'kin." mahabang litanya ko.

I saw how he clenched his jaw.

"Sorry rin pala dahil nadamay ka pa. At saka sorry rin kung napagkamalan akong girlfriend mo kanina. Alam kong ayaw mo sa'kin kaya ako nalang ang iiwas. Pasensya na. Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa'yo." dagdag ko.

His brows furrowed.

"Kung ganoon pala, edi ang sarili ko ang ipipilit ko sa'yo." ngumisi ito at saka bahagyang yumuko para magpantay ang mata namin.

Hindi agad nagproseso sa utak ko ang sinabi niya kaya bahagyang natigilan ako. Nilagay nito ang takas kong buhok sa likod ng tenga ko at saka ngumiti. Agad na nag init ang pisngi ko sa ginawa ni saturn.

"Ako ang pipilit, zandra. Ipipilit ko ang sarili ko sa'yo." bulong nito.

:>

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status