INAYOS ni Beth ang paraan ng kanyang pagkakaupo. Sukat sa kanyang kaibuturan ang hindi inaasahang pangyayari na harap-harapan niyang nasasaksihan. Ang sinasabing residential house ni Rudolph Clarksville Indiana ay isang hindi pangkaraniwang residential house lamang. Ang kahabaan ng naturang gate ay labis na matayog. Binubuksan iyon nang tila ay mga sundalo. Bagaman wala itong mga uniporme na suot. Batid ni Beth at pakiramdam niya ay nasa panahon siya nang nakaraan kung saan nauuso ang mga Hari at Reyna na mamumuno sa isang bansa.Sa kahabaan ng pasilyo ay hindi napigilan ni Beth na mamimilantik ang mga kamay. It was a very good sight to see na kung kanyang maihahambing ay papasok pa lamang siya sa isang makabagong kastilyo na naaayon sa henerasyon.Huminto ang sasakyan ni Rudolph Clarksville Indiana sa pinakatapat nang matayog na main door. Lumapit ang mga tauhan roon. Nilingon muna siya ng binata at walang sinasabi na pakli lamang na ginagawaran siya ng ngiti. Tuluyan nitong binuksan
UMABOT sa tanggapan ni Rudolph Clarksville Indiana ang nangyaring ambush sa pamamahay ni Frank. Sa araw na iyon ay ipinatawag ang atensyon ng mga ito sa headquarters. Si Beth na walang mapupuntahan ay walang mapagpipilian ang mga ito upang idawit siya sa mismong headquarters ng mga lalaki.Nagulat si Rudolph Clarksville Indiana ng makita siya subalit hindi naman ito nagsasalita. Ang nangyaring ambush ay hindi nagustuhan ng lalaki kaya ay nagtalaga ito nang panandaliang desisyon na kung saan ay may kaugnayan iyon kay Bethany. She has to stay in Indiana's residence na pagmamay-ari mismo ng lalaki. Kumunot ang noo ni Beth. Bakit kinakailangan niyang manatili sa sariling residential area ni Rudolph Clarksville Indiana?Binabaybay ni Elixir ang daan patungo sa compound ni Chaos ng tumawag ang di umano ay big boss ng mga ito. Ora-oratang minanduan si Elixir na tunguhin ang headquarters sa halip na sa compound ni Chaos sila dumiretso. Sa headquarters ay nakatanggap ng simpleng mga salita ang
TULUYAN nang nakalapag ang mga paa ni Beth. Muli siyang hinila ng binata paalis sa elevated system. Buhat niyon ay may natanawan siyang bulto ng dalawang tao na nakatayo. Ipinwesto niya ang sarili sa likuran ni Frank. And she heard him chuckled. "Sila ang tinutukoy ko sa iyo, Beth. Sina Chaos at Elixir." Wika nito. Tuluyan nilang narating ang kinaroroonan ng dalawa."It was nice and it's my pleasure to finally meet you, lady. Ikaw pala ang tinutukoy nitong si Elixir roon sa Cate's es—" siniko ito nang sa tingin ni Beth ay ang lalaking nagngangalang Elixir. Ngumiti lamang ito sa kanya ng ubod-tamis. Tila ang mga ito, sa maikling obserbasyon ni Beth ay pawang kalmado at walang kahit na anomang pangamba."Danger. Please make your lady comfortable in the backseat. Ako na at si Chaos ang magmamaneho sa driver's and passenger's seat." Tumango si Frank at hinila na naman si Beth ng binata. Nauna siya nitong papasukin sa tinutukoy nitong private car. It was a luxurious and improvised car. Nak
BINUKSAN ni Beth ang pintuan ng makabalik. Batid niya ay nasa kusina pa rin si Frank o Danger kaya ay nagtungo siya roon. Eksaktong pagtungtong ni Beth sa bukana ay sumambulat sa kanya si Frank. Suot na naman nito ang strawberry designed na apron. Bahagyang natawa si Beth. Pansamantalang nakalimutan ang interskasyon nilang mag-ama. Frank pouted ng umakto siya nang cute sign. Tuluyan nitong hinubad ang apron na suot. Revealing Frank's masculine biceps nang wala man lamang ideya kung paano dapuan iyon ni Beth ng tingin.Inihahanda nito ang iilang mga pagkain sa lamesa. Si Beth ay napalunok sa kabuuang tanawin na ang totoong eksena ay ang kahubdan ng lalaki. Ang likuran ni Frank na tila ay aburido sa mabibigat na gawain. Kahit ang mga pilat sa likuran nito ay hindi ni Beth napapansin. For her, that was so masculine and very attractive. Para kay Beth ay sobrang matapang ang binata upang suungin ang kahit anomang nakaabang na mga panganib. Ang rason kung bakit nito nakukuha ang iilang mga
"MARAMI-RAMI nang pagkakataon na akala ko ay katapusan ko na." Tumalikod ito at inangat ang damit pang-itaas. Natutop ni Beth ang bibig sa hindi kaaya-ayang nasaksihan. Humarap muli sa kanya si Frank. "I got those scars when I had a delirious operation in Myanmar and this," sa puntong iyon ay ang kanang binti naman nito ang inangat. Winakli ang suot na jog pants at nakita muli ni Beth ang pilat na naroon sa binti nito. Batid niya ay hindi na iyon maghihilom sa mga lilipas na panahon. "This was from China. And a lot of places such as in Afghanistan."Sa isip ni Beth ay hindi isang pangkaraniwan na bakbakan lamang ang trabaho na kinabibilangan ni Frank o Danger. It was very risky and dangerous! Kung paanong nagampanan ng binata ang trabahong iyon ay hindi ni Beth alam.Frank was aware, Beth wanted to dig deeper about who he really is. Pero iilan lamang sa kanyang ang impormasyon ang tuluyan niyang maisisiwalat sa ngayon. Pupwedeng saka na ang totoong katauhan niya. Kapag naisasakatupara
SA Ospital kung saan dinala si Mariano Enriquez ay nagpanukala nang agarang operasyon ang mga doktor. Bagaman ang naturang Mayor ng Quezon ay may atraso sa batas. Desidido ang mga medical experts na makuha ang dalawang bala ng baril na bumulusok sa tagiliran nito at sa binti. Si Henry ay nakaantabay lamang sa labas ng operating room. Siya ang magsisilbing guardian ni Mariano Enriquez sa mga sandaling iyon.Pagkatapos nang matagumpay na operasyon ay hinayaan muna ang walang malay na si Mariano Enriquez ang magpahinga. Limang oras pa ito magigising gawa ng anaesthesia na itinurok rito bago masimulan ang operasyon. Lumabas mula sa ward ni Mariano Enriquez ang mga doktor upang i-anunsyo ang magandang balita.Subalit para kay Henry ay hindi iyon kaaya-aya sa kanyang pandinig. Naningkit ang mga mata na hinatid ni Henry ng tingin ang dalawang doktor at ang isang nurse na kasama ng mga ito na lumalayo sa ward ni Mariano Enriquez. Ang sabi ay pupwede nang mabisita ang pasyente subalit hindi