Share

CHAPTER 2

Penulis: Lunayvaiine
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-22 22:17:29

HABANG nasa byahe sila papuntang Miera Grande. Tahimik lang si Choleen bukod sa wala naman siyang sasabihin ayaw din niyang kausapin ang binata. Mula pa kahapon ay hindi pa din niya tanggap na malalayo siya ng tuluyan sa tiyahin niya ayos na sana noon kasi malapit lang ang bahay nila sa Hacienda. Ngayon ay sa Miera Grande na siya mamamalagi at maninilbihan sa mga Moris.

"Bumaba kana nandito na tayo." saka pa lang nilingon ni Choleen si Archer.

Nauna itong bumaba sa kaniya sumunod naman siya. Nakita niyang nakabukas na ang likuran ng sasakyan kung saan nakalagay ang mga gamit niya.

"Ma'am ako na po." biglang lumapit sa kaniya ang isang lalaki na naka-uniporme na kulay pulang polo. Lahat ng trabahante ay naka-kulay pulang damit.

"Hayaan mo siyang dalhin ang gamit niya Ramon paki-tawag si Marissa." agad naman umalis sa harapan nila ang lalaking tinawag ni Archer na Ramon.

Pasimply naman niyang nilingon si Archer. Nakasandal ito sa kotse niya ang dalawang kamay nito ay nasa bulsa. Suot ang salamin nito. Namangha naman si Choleen sa unang pagkakataon ngayon lang niya napansin ang magandang mukha ng amo niya.

"Senyorito pinapatawag niyo raw ho ako." sabay lapit ng babaeng medyo may edad na rin sa tansiya niya ay kasing edad lang ito ng tiyahin niya.

"Marissa, siya si Choleen dito na siya magta-trabaho. Ihatid mo siya sa Room 382 ikaw na din magpaliwanag ng mga gagawin niya." utos nito sa kasambahay.

Agad naman sumunod si Choleen kay Marissa. Hinatid siya nito sa silid niya. Habang papunta sila sa kwartong sinabi ni Archer ay pinaliwanag naman sa kaniya ang mga trabahong gagawin niya.

"Ikaw ang magiging personal maid ni Senyorito simula bukas. Ako si Marissa, tawagin mo nalang akong Nanay Rissa iyan ang tawag ng lahat sa'kin."

Tumango lang siya, nakasunod pa rin kay Marissa.

"Ito ang kwarto mo. Katabi ng kwarto ni Senyorito. Kapag tumunog iyang alarm sa may pinto ibig-sabihin tinatawag ka ni Senyorito." tinuro nito ang emergency alarm na nakalagay sa gilid ng pinto. "Kapag nag-ring naman iyang telephone sa gilid ng kama mo sagutin mo konektado iyan sa Office ni Senyorito." dagdag pa ng matanda.

Hindi naman maiwasan mamangha ni Choleen.

Lumaki siyang hindi marangya ang buhay na kinagisnan. Pinalaki siya ng magulang na matutong makontento sa kung ano ang meron. Nang maulila sa magulang. Doon siya nagbago, naging suwail na bata. Napasama sa barkada at tumigil na sa pag-aaral. Hindi siya gaanong nagabayan ng tyahin dahil sa abala ito sa paghahanap buhay para sa kaniya. Lagi din wala ang tyahin. Nabibisita naman siya nito pero hindi madalas.

Sa edad niyang bente tres. Nasanay siyang nagagawa ang lahat ng gusto niya.

"Hija nakikinig ka ba?" natauhan siya bigla ng kalabitin siya ng matanda.

"Ah pasensya na po. Oo nga po pala, ganito ba talaga kaganda ang silid ng mga muchacha dito?" tinaasan naman siya ng kilay ng matanda. Wari'y hindi inaasahan ang tanong niya.

"Hindi, may sarili kaming kwarto lahat ng katulog ay doon. Ang sayo lang ang naiba. Dahil personal kang kinuha ni Senyorito bilang alalay niya. Ibig kong sabihin kapag nandito si Senyorito sa Miera Grande ikaw ang magsisilbi sa kaniya. Lahat ng iuutos niya ay ikaw ang gagawa."

"As in po lahat? Gaya ng ano po?" para siyang batang ignorante sa mga bagay-bagay.

"Oo hija. Huwag ka rin magreklamo. Ayusin mo ang trabaho mo ayaw ni Senyorito ng makalat lalo na sa gamit niya. Huwag kang papasok sa kwarto niya kung walang pahintulot niya."

"E? Sabi niyo po kapag tumunog iyang alarm ibig-sabihin pinapapunta niya ako sa silid niya gan'on po ba?" nalilito niyang tanong sa matanda.

"Gan'on na nga Hija. Kailangan maaga kang gumising kasi ikaw ang maghahanda ng agahan ni Senyorito. Dalhin mo sa Villa ang pagkain dahil doon siya kumakain lagi."

"Saan po ba iyong Villa Nay?"

"Sa likod nitong hotel. Halika ituturo ko sa'yo ang daan para hindi kana mahirapan bumaba."

Tumango lang siya saka sumunod sa matanda.

Mula sa kwarto niya binuksan ni Marissa ang Terrace. May daan doon papunta sa kung saan ay hindi niya alam. Sumunod lang siya sa matanda hanggang sa makarating sila sa pinakadulo. Saka lumiko sa kanan. Pumasok sila sa isang pinto doon.

"Ito ang kusina. Marunong ka bang magluto?"

"Hindi po eh?"

"Naku! Kailangan mong matuto hija. Ito pag-aralan mo ang mga nakalagay diyan ang recipe na inihahain namin kay Senyorito. Nandiyan nakalagay mula lunes hanggang byernes. Wala si Senyorito dito ng sabado at linggo. Kaya mahaba ang oras mo ng pahinga. Pero minsan ay buong linggo siyang nandito."

Napangiwi naman niyang tinanggap ang recipe book na binigay sa kaniya.

"Kailan po ako pwedeng magsimula. Saka saan po papuntang Villa?"

"Oo nga pala muntik ko ng makalimutan. Halika sumunod ka sa'kin."

Sa loob ng kusinang iyon ay may elevator. Pumasok sila doon at bumaba sa first floor.

"Galing sa kusina. Gamitin mo itong elavator para hindi ka mahirapan dalhin ang pagkain ni Senyorito." aniya, at bumukas ang pinto ng elavator at sabay silang lumabas.

"Iyan ang Villa." turo niya sa isang maliit na bahay. Puro puti ang kulang niyon.

"Nandyan po ba ang Senyorito?"

"Wala siya ngayon umalis agad siya pagkahatid niya sayo dito. Bukas o mamaya pa ang balik niya. Halika tour kita sa loob ng Villa."

Ang elevator ay deretso palabas ng hotel. Sa mismong likod niyon ka lalabas. Sa likod ng hotel ay nandoon ang Villa.

Naguguluhan man ay sumunod nalang si Choleen kay Marissa. Pinakita nito sa kaniya ang kabuuan ng Villa.

"Kung wala si Senyorito dito sa Miera Grande. Huwag mo kalimutan linisin itong Villa. Dito madalas natutulog si Senyorito ayaw niya sa hotel. Masyado siyang nalalakihan sa kwarto niya. Kaya dito siya madalas nagpapahinga. Tandaan mo hija ayaw ni Senyorito ng makalat kahit konting dumi ay huwag mong ipakita sa kaniya."

"Naiintindihan ko po Nay."

Matapos siyang ilibot sa buong Miera Grande ay bumalik na siya sa kwarto niya. Inasikaso naman niya ang pag-aayos ng gamit niya.

Hindi siya sanay gumising ng maaga pero kailangan niya sanayin ang sarili gaya ng bilin sa kaniya ng tiyahin.

Matapos maligo. Sinukat niya ang uniporme na binigay sa kaniya ni Marissa. Pareho lang sila ng uniporme dahil si Marissa ang mayordoma ng Hotel Miera at siya naman ang personal maid ni Archer.

Agad siyang nagtungo sa kusina. Alas sais pa lang ng umaga ang sabi sa kaniya ni Marissa ay alas otso ang dating ng Senyorito nila.

Hindi niya alam ano gagawin hindi siya marunong magluto. Tangging pagprito at simpleng luto lang ang alam niyang gawin. Halos kensi minutos niyang tinitigan ang recipe book hindi niya alam gagawin.

"Choleen bakit nakatunganga ka pa dyan. Mamaya ay darating na ang Senyorito magluto kana." napalingon siya nang pumasok si Marissa

"Nay paano nga ulit ito gagamitin hindi ko alam paano e-on." napakamot siya sa ulo niya. Parang batang gusto ng maiyak.

Hindi kasi siya sanay sa mga mamahaling gamit. Sanay siya nagsisibak ng kahoy para makapagluto.

Tinuruan siya ni Marissa paano gamitin ang mga gamit sa kusina. Nang makuha na niya ang tinuro ay nagsimula na siyang magluto. Saktong alas syete siya natapos. Tatlong putahe lang ang niluto niya hindi naman daw gaanong kumakain ng marami ang Senyorito.

Agad niyang hinanda ang tray saka nagtungo na sa Villa.

Nang matapos niyang ihanda ang mesa, nagpasiya na sana siyang umalis ng biglang lumabas galing sa banyo si Archer.

"Hindi ka ba marunong kumatok?"

Hindi niya alam alin ang uunahin ang takpan ang mata dahil nakatapis lang ng tuwalya ang amo niya at kitang-kita niya ang magandang katawan nito o ang sagutin ang tinatanong nito sa kaniya.

"Ah-- eh.."

"Tch! Get out!" Sigaw nito sa kaniya.

Dali-dali naman siyang kumaripas palabas. Wari'y hindi malaman ano ang gagawin.

Nang makapasok na siya sa elavator saka lang siya huminga ng nalalim.

"Diyos ko po! Kinabahan ako d'on ah. Tsah! At siya pa talaga ang nagalit eh siya nga itong nanggugulat. Hindi ba siya marunong magbihis muna bago lumabas ng kwarto."

Habol hininga niyang kinakausap ang sarili.

Hindi paman siya nakapasok sa kwarto niya ay tumunog na ang telephone na nasa side table ng kama niya.

"Hello--" mahina niyang aniya.

"Come back here, linisin mo ang Villa." ngayon lang niya narinig ang boses ng Amo niya sa telepono.

Hindi agad siya nakasagot, tila ba ay isang musika sa tenga niya ang boses na iyon na kaniyang narinig.

"Hey, I said come back here and--"

"O-opo nariyan na po."

Inis niyang binaba ang telepono. At nagmartsa palabas.

"Kung hindi ka lang talaga gwapo naku! Sarap mo kurutin sa singit."

Wala sa sarili naman siyang natawa.

Wala ng tao sa Villa pagdating niya. Wala na rin ang pagkain na kanina ay hinanda niya.

"Ang bilis naman kumain ng lalaking iyon." Sabi niya sa sarili.

Hindi naman gaanong malaki ang Villa kaya hindi siya nahirapan linisin iyon. Sumapit ang tanghali natapos na din siyang maglinis. Nagpasya naman siyang bumalik sa hotel para maghanda ng makakain ni Archer.

Palabas na siya ng Villa ng makasalubong niya ang Amo niya.

"Are you done?"

"Opo."

"Are you sure you are done clining the whole Villa? Gan'on kabilis mo nilinis ang Villa." Napahawak sa baba niya si Archer at tiningnan siya nito na para bang hindi kumbinsido sa sinabi niya.

Suminyas ito sa kaniya na pumasok sa loob.

Nakita naman niyang sinuri ni Archer ang buong Villa. Kung malinis na nga ba talaga ito. Bawat sulod ay sinuri nito. Habang siya walang pakealam sa pagsusuring ginagawa ng amo niya.

Tiningnan lang niya ang mga painting sa wall habang hinintay matapos ang amo niya.

"Linisin mo ulit ang buong Villa."

"Po? Eh tapos ko na pong linisin to Senyorito." gustong mainis ni Choleen sa mga oras na iyon.

"Ang paglilinis ay hindi lang sa pagwawalis at pagpupunas. Try to look the whole place. Then tell me kung malinis na ba?"

"Senyorito, malinis at maayos naman po ah ano pa po ba ang lilinisin ko?"

Pasimply itong umupo sa kama.

"Ang sabi ko tingnan mo ang buong lugar saka mo sabihin sa'kin na nilinis mo nga ito. Hindi ka aalis at lalabas dito kapag hindi mo nalinis ng maayos ang buong Villa."

Kunot-noo niyang tinitigan ang amo.

"Ganiyan ka ba maglinis huh? Choleen. Ayusin mula mula sa pinakadulo, pinakasulok ay linisan mo."

Gusto na talagang sapakin ni Choleen ang Amo niya. Pero dahil ito ang nagpapasweldo sa kaniya hahayaan muna niya itong pagalitan at pahirapan siya.

Iniisip niya na kaya siguro laging iniiwan ng mga personal maid ang amo niya dahil sa kasungitan nito at pagiging strikto.

Dumaan ang ilang oras pabalik-balik lang ang ginagawa niyang paglilinis. Magdidilim na, nakaramdam na ng gutom at pagod si Choleen. Parang hindi na niya kaya pa.

Palabas na sana siya ng kwarto ng maramdaman niyang nahihilo na siya. Pero Huli na, bigla nalang nagdilim ang buo niyang paligid..

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 21

    Kaagad na pumwesto si Choleen sa gilid katabi ng upuan ni Maggie. Kapag tinawag na ang pangalan ni Maggie saka lang ito aakyat sa mini stage na ginawa ng agency para sa mga guest speaker. In behalf of Archer ay si Maggie ang mag-oorient sa mga maa-assign sa Siera Grande Hotel.Gaya ng sabi ni Maggie ay kailangan makinig ni Choleen para may idea siya kapag nag-open na ang Hotel. In less than two months ay mag-oopen na ang hotel officially. Kaya minadali nila ang paghi-hire ng mga trabahante para mapaghandaan ang nalalapit na re-opening ng Hotel. Sakto din na uuwi ang mga magulang ni Archer pati iba niyang mga kapatid. Isasabay sa opening ng Hotel ang kaawaran ng namayapa nilang kapatid na si Siera. "Maggie, kailangan ba talaga akong sumali dito pwede mo naman bigay nalang sa'kin mamaya 'yang papel para basahin ko nalang.""Bakit ba? diyan ka lang ah! binilan ka sa'kin ni Sir, saka kahit basahin mo itong nasa papel hindi mo pa rin maiintindihan kasi kailangan ko pa itong e-explain isa-

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 20

    Ayaw naman talaga sumama ni Choleen mas gusto pa niya maglinis na lamang ng kubo kaysa makasama ang amo niya lalo na si Maggie na panay pang-aasar lang ginagawa sa kaniya. Kaso hindi naman siyang pwedeng humindi sino ba siya para hindian ang amo niya. "Choleen oh, chips baka mapanis 'yang laway mo diyan ang tahimik mo kasi." ani Maggie sabay abot sa kaniya ng pagkain.Kinuha nalang niya ito at di na nagsalita ba baka kapag nagsalita siya ay abutin na naman sila ng syam-syam bago matapos mag-usap. "Ah, sir tapos na po ang hiring para sa mga magiging staff at maids niyo sa hotel. Kailangan nalang po ng orientation para makakuha na sila ng requirements. Required po sa agency na makipag-usap kayo sa mga bagong hire. Para makilala din nila kayo pero if ayaw niyo naman humarap sa kanila, pwede naman po ako nalang ang kakausap kung okay lang sa inyo?" narinig niyang sabi ni Maggie kay Archer.Nakikinig lang siya sa pag-uusap ng dalawa habang ngumunguya ng chips na binigay ni Maggie."Ikaw

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 19

    Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Choleen, binabangungot na naman siya. Hindi niya talaga malaman kung bakit may mga napapaginipan siyang mga kakaiba, na para bang nangyare na sa kaniya noon. Pero hindi niya talaga maintindihan. May napapaginipan siyang nag-sasayaw siya sa maraming tao nang nakahubad, salawal lang ang nakatakip sa katawan. Mayroon ding nakikipag-talik siya sa isang lalaki na hindi niya maaninag ang mukha. Pilit niyang inaalala kung nangyare ba talaga iyon, ginawa niya ba talaga iyon. Ang huli niya lang natatandaan ay nasa hospital siya, nagising nalang siya isang araw na madami ng nakakabit na mga aparato sa katawan niya. Ang kwento ng Tiyang Martha niya ay hindi niya matanggap ang nangyare sa mga magulang niya kaya pinagtangkaan din niyang tapusin na lang ang buhay niya at sumunod sa mga magulang. Sinabi rin sa kaniya na nagkaroon siya ng PSTD kaya kailangan niyang ituloy ang pagpapagamot. Nag-overdose siya ng mga gamot kaya nahospital siya. Hanggang doon lan

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 18

    "Sir ang kulet ng bago niyong katulong ah, infairness bet ko siya ang bait." narinig niyang sabi ni Maggie nang bubuksan na sana niya ang pinto. "Oh! bakit sumama bigla ang mukha niyo?" muling nagsalita si MaggieNagdesisyon siyang pakinggan ang pinag-uusapan ng amo niya at ni Maggie baka mamaya ay may masamang sabihin ang amo niya laban sa kaniya."Huwag ka muna mamangha sa ugali niya hindi mo pa siya kilala, ilang minuto mo pa lang siyang nakakausap. Baka sa susunod na araw kainin mo iyang sinabi mo."Gusto ng suntukin ni Choleen ang pinto dahil sa sinabi ng amo niya. Tama nga ang hinala niya wala talagang magandang sasabihin ang amo niya patungkol sa kaniya. 'Masyado kang judgemental Senyorito, tingnan lang natin kung kaninong salita ang kakainin mo.'Habang nakikinig sa dalawa. Minumura naman niya ang amo sa isip niya. Sinarili nalang muna niya ang inis niya, nakakahiya sa bisita kung papatulan niya ang amo niya. Ayaw ng isipin ni Maggie ng tama ang mga sinasabi ni Archer pa

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 17

    "Hi? Ikaw ba si Choleen?" napalingon siya nang may biglang magsalita."Ha? ah oo ako nga? Ano po kailangan nila?""I'm Maggie, secretary ni Sir Archer, ang sabi kasi ni sir ito raw ang magiging kwarto ko habang nandito ako pansamantala."Tinitigan niya ang babaeng kausap, sinuri niyang maigi ang kabuuan nito. Sinigurado niyang secretary ba talaga ito ng amo niya. Mahirap na baka nagpapanggap lang ito at baka isa ito sa mga babae ng amo niya."Ikaw talaga ang secretary ni Senyorito? Hindi ka niya babae o jowa?"Kumunot ang noo niya ng bigla itong tumawa ng malakas. Hindi niya inaasahan iyon kaya gan'on nalang ang gulat niya."Sorry hindi ko sinasadyang tumawa. Alam mo expected ko na talaga 'to! hindi na bago sa'kin ang ganiyang tanong."Napangiwi na lang siya sa naging sagot ng babae sa kaniya."Feeling ko magkakasundo tayo Choleen ang kulit ng tanong mo ah! ang witty mo d'on.""Ewan ko sa'yo, oh siya pumasok kana. Mabuti na lang at tapos na akong maglinis. Ayos ang dating mo saktong

  • Billionaire's Regret: One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 16

    ( Present Time )Nagising si Choleen sa lakas ng pagkatok sa pinto ng kwarto niya. Pumipikit pa ang mga mata niya habang dahan-dahang bumabangon. Nang tingnan niya ang oras mag-aalas singko pa lang ng umaga.Antok na antok pa siya ng buksan niya ang pinto. Tumambad sa harap niya si Archer na nangangamoy alak at lasing na lasing."Senyorito, naka-inom po ba kayo? amoy alak kayo?""Malamang, stupid! may amoy alak ba na hindi uminom?!" Huminga ng malalim si Choleen, ayaw niya makipagtalo sa amo. "Ano po ang kailangan niyo?""Ipagluto mo ako ng sabaw, saka pakikuha ako ng damit.""Sige po, magbibihis lang po muna ako." Nakapangtulog pa kasi siya at ayaw niyang lumabas ng naka-gan'on. Masyadong manipis ang suot niyang damit mabuti at madilim hindi kita ng amo niya ang kabuuan niya wala pa naman siyang suot na bra."Huwag kana magbihis dalawa lang naman tayong nandito.""Kahit na po, saglit lang po ito."Kaagad siyang tumakbo papuntang banyo. Iniwan niya si Archer na naka-sandal sa pinto

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status