Share

Chapter 29

"It's Deena... EL ex-girlfriend.." Umuwang ang labing may pagtataka sa mukha ni Krizzy.

"Kung sabagay hindi malayong maging model siya sa tindig niya Lara. Tsaka maganda siyang talaga. Parang anak mayaman nga at talagang makikita mo na hindi dumaan sa hirap ang balat niya.." Hindi malaman ni Lara kung matutuwa ba siya sa mga komento ng kanyang kaibigan.

"May point ka Krizzy pero di lang naman sa mga physical na katangian ang sukatan ng pagiging successful fashion model.." May bahagyang irap niya.

"Huy! Syempre sayo pa din ako nuh.. Lamang lang siya ng isang paligo sayo.." Defensive na paliwanag naman ni Krizzy ng maunawaan bigla ang himutok ni Lara.

Bigla naman ang pagtalikod ni Lara sabay balik sa pagiging abala.

LUMIPAS ang ilang oras at dumating ang lunch break nila. Isang lalaki naman ang lumapit sa table ni Lara.

Sa suot nito malalaman agad na hindi ito roon nagtatrabaho at food delivery ito.

"Huh? Sa akin to? Hindi naman ako umorder.." Pagtataka ni Lara. Nakatingin lang di
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status