Share

Chapter 1

last update Huling Na-update: 2024-07-01 05:15:28

AXECEL

"Kel, gising na may pasok ka ngayong umaga, diba?" boses ng ka-room mate ko—si Gelo. "Hoy! Gago! Bugtaw na diyan sabi! Aning oras ka umuwi kagabi, ha?! Ni hindi ka man lang nagsabi na akin! Animal ka!" Hinila ang binti ko pababa ng kama.

"Alas-sais. Skip muna ako sa klase, Gelo. Masakit ulo ko."

"Talagaaa? Axecel dela Rosa? Alas-sais ng umaga ka na palang umuwi na enemels ka! Saan ka pumunta pagkatapos ng shift mo? Ha?!"

"Leave me alone! Just go to your class!"

Tinakpan ko ng unan ang ulo ko dahil umagang umaga maingay itong si Gelo. Dinaig niya pa ang bunganga ng Mamang ko sa sobrang ingay.

"Bahala ka! Hoy! Akel!" bunganga niya. Mayamaya ay tumahimik din. Ang akala ko umalis na, iyon pala'y busy sa cellphone. "May pre-trial ang swimming club ngayon. Parang gusto kong subukan." Naramdaman ko ang pag-alon ng kama ko. Alam kong yayain niya na naman ako nito.

"I'm not interested. Umalis ka na, late ka na."

"Hoy! Sige na. Screening tayo mamayang alas-kwatro. O 'di kaya samahan mo nalang ako tapos libre kita ng inasal."

"No!"

"Diba swimmer ka naman na? Bakit 'di mo subukan? Malay mo diyan mo makikilala ang magiging boyfriend mo o girlfriend mo."

Bumangon ako kahit pa na masakit ang ulo. Makulit talaga ang isang 'to. Ayaw akong tigilan.

"Okay! Okay! Mamayang alas-dose na ako papasok. Please, patulugin mo muna ako, Angelo Pedrosa!"

Niyakap niya ako. Wala akong magawa dahil siya lang naman ang nagiisang kaibigan ko sa university.

"Yes! Sige, go na me. Kita tayo mamaya sa cafeteria. Uminom ka ng gamot para mawala 'yang sakit ng ulo mo! Sige inom pa more!"

Tuluyan na ngang umalis ng apartment si Gelo. Dahil masakit ang ulo ko, bumalik ako ng tulog. Kahit ngayon lang babawi lang ako ng tulog ko.

Nang makahiga ay naalala ko nalang ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala na mangyayari ang bagay na iyon. Hinalikan ako ni Top. No. I mean, we kissed.

"Ugh! Bi' ka pala bakit 'di ako aware na mangyari iyon kagabi? Ang tanga mo talaga Axecel!"

Buong buhay ko. Sa edad kong bente anyos ay ngayon lang ako nakahalik ng lalaki. Ngayon lang ako nakipaghalikan sa kapwa ko lalaki. Imbes na mandiri ay parang nagustuhan ko pa ang nangyari. Ang lambot ng mga labi niya. Nalala ko ang bawat detalye na nangyari kagabi.

Napangiti ako. Paano nangyari ang gano'ng bagay?

"Enough, Akel! Huwag mo nang isipin iyon! Hindi na iyon mauulit pa dahil iyon na ang una't huli mong mahalikan si Top."

Oo, alam ko ang pangalan dahil sa madalas sila ng kaibigan nito sa Mini bar ni Madam Alex. Wala pala akong duty ngayon sa bar dahil off ko pala. Bukas pagbalik ko baka magkita ulit kami. Pero, what if, hindi niya maalala iyon? E di mas maganda. May bounderies kapag ganun.

Hindi na ako nakatulog dahil sa kakaisip sa nangyari kagabi. Bumangon nalang ako saka naligo at pumasok ng University.

Alas-una pa lang naman ng hapon nang magkita kami ni Gelo sa cafeteria.

"May klase pala ako; two to three." Ngiti ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Gelo.

"Hindi porket transfere ka e excuse ka na! Humabol ka Axecel sa mga lectures natin. Saka huwag kang iinom at uuwi ng apartment na lasing. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung saan ka galing kagabi after ng shift mo sa pinagpapart-timan mo."

"Hmmm... mamaya sasabihin ko. Anong oras nga pala 'yung trial sa swimming?"

"Alas-kwatro po! Hintayin kita, ha? Sabay tayo mag trial."

Sunod-sunod akong tumango at hinablot ang bag ko.

"Diyan ka na. Text mo nalang ako mamaya."

"Okay!"

Pumasok naman na ako sa klase ko. Isang subject lang naman at minor lang. Akalain mo, absent ako kaninang umaga pero ang sabi wala raw si Prof, tapos ngayon naman sa Filipino may meeting raw si sir Aldin. Ang saya.

"dela Rosa, right?" Isang ka-klase na babae ang tumabi sa akin.

Tumango ako. "Bakit?" Hindi ko kabisado ang mga pangalan nila dahil dalawang buwan palang simula no'ng bumalik ang klase.

"Wala naman. Gusto lang kitang maging kaibigan. Ang cute mo kasi." ngiti niya. "By the way, I'm Mariam—"

"Excuse me kailangan ko na palang umalis. Sorry. Next time nalang ulit tayo mag-uusap."

"Ay! Pwede sumama?"

"Hah? Ah, kwan kasi... may trial ako sa swimming club."

Umiba ang awra ng mukha niya. Parang mas naexcite ata siya.

"Really? Can I go with you? Please, maraming gwapo raw sa swimming club tapos kung makukuha ka pa, e di marami na kayo." Kinikilig pa na sabi niya. Bakit ba may mga ganitong babae? Kapag gwapo ang isang lalaki mabilis pa kay the flash.

Nakasabit na ang braso niya sa braso ko. Feeling close na kaagad.

"O-okay! Pero daan muna tayo sa cafeteria, nando'n 'yung kasama ko na magtrail din sa swimming."

"Okay!" Ang ganda ng mga ngiti niya. Ang cute niya rin—chinita.

"Pwede distansya?"

"Why? We're friends na, right?" Ngisi niya.

Diyos ko Lord! Nag dasal po ako sa inyo na bigyan niyo po ako ng mabait na kaibigan, pero bakit higad na kaibigan ang ibinigay ninyo? Kapit na kapit na po siya sa braso ko, e.

Panay tulak ko sa kanya para makawala ako sa .ga braso niya subalit baliwala lang ito—hindi niya pinapansin. Nakangiti lang siya sa akin at panay talak nito. Nang nasa cafeteria na kami ay nakuha ko kaagad ang ibig sabihin ng reaksyon ni Gelo. Malayo pa lang salubong na ang mga kilay.

"Hi? I'm Mariam. New friend ni dela Rosa."

Nakahinga ako ng maluwag nang kumawala na siya sa akin. Kay Gelo na naman siya dumikit.

"Ang bilis, ha? Higad ka ba?" Wika ni Gelo. Walang preno ang bunganga.

"Bakit?" Inosenteng tanong naman ni Mariam.

"Dikit ka nang dikit, eh! Lumayo ka nga!" Nairita na nga itong si Gelo.

Nag-pouting lips naman si Mariam. Ang cute ng higad na ito, este babae pala.

"Joke lang." Binawi naman kaagad ni Gelo ang sinabi.

Nagsitanguan kaming dalawa. "Ano? Tara na?" Aya ko.

"Tara! Good luck sa atin, Akel," binalingan si Mariam. "Ikaw? Saan ka pupunta?" Tanong naman niya.

"Taga-suporta ninyong dalawa," ngiti ni Mariam. Akma pa sanang hahawak sa braso ni Gelo nang umatras ang kaibigan ko. "We're friends, right?" Tinapunan ako ng tingin ni Gelo. Nagkibit balikat lang ako para wala nang maraming usapan.

"Tara na nga!" Ako na naunang maglakad. Bahal na si Gelo kay Mariam, parang bagay naman na sila. Isang malambing na higad at isang bugnutin na pilosopo. Narating namin ang swimming club na maingay ang kasama naming higad—si Mariam pala.

"Wow! Daming daks!" Ani Mariam na ang tingin ay sa mga lalaking naka-swim trunks na.

"Talaga bang sumama ka sa amin para suportahan kami? O para makakita ng mga bumubukol sa harapan? Yung totoo?" Bwelta naman ni Gelo.

"Syempre, support din ako sa inyo, pero iba pa rin kapag maraming inspirasyon." Ngisi naman ni Mariam.

"Ewan ko sa 'yo! Doon ka na nga sa gilid—huwag kang aalis diyan, ha? Kukuha lang kami ng form ni Axecel at magpapalit pagkatapos, okay?" Paalala nman ni Gelo sa kanya.

"Okay, mahal." nagflying kiss pa ito kay Gelo. "Good luck sa inyong dalawa. After ng trial niyo kain tayo. My treat." Pahabol niya pa.

Tumango ako at ngumiti. Mabait naman pala talaga kahit medyo nakakairita siya dahil sa manarism nito.

"Akel, doon tayo—tara!"

"Ang daming magta-trial, Gelo. Kinakabahan naman na ako. Huwag nalang kaya?"

"Ulol! Nandito na tayo, aatras ka pa! Tara na nga! Mag fill-up na tayo ng form. Doon, oh!"

Sumunod naman ako kay Gelo sa gilid ng pool. Nandoon ang mga form na fill-upon.

"Anong year ninyo? Siguro na ba kayo sa napili ninyong club?" Sabi ng naka-assign sa form application.

"Opo! Swimmer po itong kaibigan ko, at ako naman po ay swimmer din." Ngiti ni Gelo.

"Okay, sige. Fill up niyo lang iyan at pagkatapos ninyo diyan magkakaroon tayo ng kaunting breafing. Hintayin lang natin 'yung mga señior na be-briefing sa inyo na mga baguhan."

Tatango-tango kaming pareho ni Gelo.

Matapos namin sulatan ang application ay naghintay kami ng ilang minuto. Mayamaya ay dumating na ang magbe-briefing sa amin na mga señior student. Mga athlete rin daw ang mga ito ng MU. Ibig sabihin, magagaling na mga swimmer.

"Basta sabay tayo magpalit, ha? Sabay din tayo lalangoy, ha? Huwag mo 'kong iwan." Napairap ako kay Gelo. Parang tanga lang e.

"Ikaw nag-aya sa akin dito tapos ganyan ka? Gago ka talaga!"

"Oo na! Oo na! Excited lang, e! Ito naman 'di mabiro."

Hindi ko na siya pinansin nang magsalita na ang isa sa officer ng swimming club.

"Good afternoon newbies. So, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Ang dami niyo palang magtrial ngayon. Sure na ba kayo na swimming club ang sasalihan ninyo? Pagkatapos ng briefing na ito ay magkakaroon na ng first-trial. Which is kung nakuha mo 'yung qualification as a swimmer member, ibig sabihin nun pasok ka na sa club na ito."

Ang dami niyang sinasabi. Panay naman kami sagot; oo nang oo.

"By the way, I'm Alfred Manalo. Fine arts señior student, at ako ang vice-president ng swimming club na ito."

Guwapo ni Alfred. Matangkad, moreno at may dimple sa kaliwang pisngi. Palangiti siya. Ibig sabihin mabait siya. Halata sa pagmumukha nito.

"Coming na si Pres, may kinausap lang saglit," sabi ni Vice. "Ah! He's here." Napalingon kaagad ako sa lalaking papalapit sa gawi ni Vice. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala siya.

"Top?" Mahina kong sabi.

"May sinasabi ka, Akel?" Tanong ni Gelo. Siniko pa ako.

"W-wala." Pabulong kong sagot.

Nang magtama ang mga tingin namin ay bigla ako nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit. Deritso ang tingin niya sa akin—parang nagtatanong kung anong ginagawa ko dito.

Malay ko ba! Hindi ko naman alam kasi nga hindi ko naman siya kilala. Pangalan lang dahil narinig ko lang do'n sa bar.

Ibinaling ko sa ibang dereksyon ang mga mata. Mayamaya ay nagsalita si Top sa harapan namin.

"I'm the president of this club. Christoper Vicente, señior student. Just call me, Top. Good luck sa trial ninyo mamaya. Hindi lahat makukuha dahil may qualification kaming hinahanap sa isang swimmer. You got it?"

Kailangan talaga sa akin nakatingin?

"Swimmer ako, huwag kang ano diyan!" Pabulong kong sabi.

"May sinasabi ka ba diyan candidate? State your name please?" Ang galing din ng timing niya.

"Axecel." Sabi ko.

"What? I can't hear you. And please can you stand up? Magpapamyembro ka ba talaga dito?"

Napayukom ako ng aking mga kamao. Kainis.

"Tumayo ka na!" Sita din ni Gelo. Sarap niyang tadyakan.

Tumayo ako. Tayong matuwid.

"Axecel dela Rosa, transferee, second year polsci." Uupo na sana ako nang magsalita ulit si Top.

"Transferee? From where?" Required ba na sagutin iyan?

"Small countryside somewhere in Mindanao. Happy now?"

Nakita ko ang pag-iba ng mukha niya.

"Really? Well, what can you say about here?"

"About what Mister President?"

"About me, instead?" natawa ang lahat. "Of course about our university." Ayaw ata akong tigilin ng isang 'to. Parang 'di umamin sa akin na kwan siya ah?! Nevermind.

"Good." Maiksi kong sagot.

"Okay! Welcome to Manila University. If you need anything, free to ask me." Wika niya.

"Yeah! Thanks, but no thanks."

"Cute!" Biglang sabat naman ni Vice.

Medyo nabadtrip na ako pero okay lang—tuloy pa rin ang trial. Huwag ko na muna siyang pansinin at mag focus muna ako sa screening mamaya. Natapos ang briefing. Tahimik akong naglalakad patungong locker habang itong si Gelo ay panay din tanong sa akin. Hinahayaan ko lang siya na magtanong na magtanong hanggang sa nagsawa na ito at tumahimik.

"Mauna na ako sa pool. Bilisan mo diyan." Paalam ni Gelo.

"Okay!" Nauna pa siyang mag-banlaw ng katawan sa akin habang ako ay nahuli, at nang matapos na, hindi kaagad ako nakalabas ng locker room dahil bigla akong hinarang ni Top.

"Good luck sa trial mo mamaya." Malapit na siya sa akin.

"Salamat." maiksi kong sagot. "Si-sige... mauna na ako." Paalam ko pero imbes na makaalis ay hinawakan ni Top ang kanan braso ko. Umangat ang mukha ko para tignan siya. Seryoso ang mukha.

"Remember me, right?"

Tumango ako. "Yeah! Sige na, at baka hinahanap na nila ako doon."

"Ako ang presidente ng club na ito. Hindi magsisimula ang trial hangga't wala ko. So, no need to worry. Okay?"

"Kahit na. Baka ano isipin ng ibang mga swimmer dito kapag nakita nila tayong dalawa dito."

"I don't care. Wala naman tayong may ginagawang masama."

Bakit ba kasi ang kulit ng lalaking 'to? Ipinagdasal ko nalang sana na hindi na mag krus ang mga landas namin pero hindi ata pumapanig ang swerte sa akin.

"Wala nga, pero baka mag-isip sila. Sige na, Mister President, mauna na ako—"

"Iniiwasan mo ba ako? 'Yung nangyari sa atin kagabi—"

Nahinto siyang magsalita nang takpan ko ng aking palad ang kanyang bibig. Napasandig siya sa dingding ng locker habang ako naman ay napasubsub sa dibdib niya. Pag-angat ko ng aking mukha ay nakatitig lang siya akin.

Aatras na sana ako nang maramdaman ko ang braso niya sa bewang ko dahilan na ikinakaba ng dibdib ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Boundaries Between Us (BL)   EPILOGUE

    YEAR 2026—ONE YEAR HAD PASSED It's not easy to let go of someone who has been a part of your life. He has become your world, and he has given you the world. I almost gave up on my life when he was gone—I wanted to follow him—into the afterlife. He is tired—so he needs to rest—forever. Collecting all his memories is one my best thing to do with my lige since he was gone. Ang hirap. Napakahirap. Sobrang hirap. Paano ba ako makakaalis sa isang nakaraan na puno ng masasayang pagsasama? I tried to hold my tears not to cry out loud, but I'm too weak. Hindi ako makabangon dahil sa sakit na aking nararamdaman. Para ba akong may kapansanan na nawalan ng mga paa—hindi makatayo mag-isa. Unang mga araw na hindi ko pa talaga kaya. Set bounderies without guilt. Let him go and move on. Pero hindi ko talaga kaya. Nasa pyso't isipan ko pa rin si Top—siya at siya lang ang taong mamahalin ko. "Axecel? Tumatawag sa 'yo ang kliyente—si Misis Alegre. Tinatanong niya kung kailan raw ide-deliver 'yung

  • Boundaries Between Us (BL)   Chapter 58

    AXECEL Hampas ng tubig sa dagat. Huni ng mga ibon na nagsisiliparan, at ang hampas ng hangin sa aming pisngi ang siyang saksi kung bakit hindinkami sumusuko ni Top sa kanyang laban. Nag half-bind ako saka bumaling sa kanya. "Yesterday..." Panimula ko saka tumikhim. Mayamaya ay sumabay siya sa akin. "Yesterday, all my troubles seemed so far away. Now it tooks as though they're here to stay. Oh, I believe in yesterday. Suddenly, I’m not half the man I used to be. There’s a shadow hanging over me. Oh, yesterday came suddenly." Mahinang tumawa si Top nang kantahan ko siya nang makalumang tugtugin ng “The Beattles.” Hawak ang magkabilang kamay sabay namin tinatanaw ang paglubog ng araw sa Kanluran. "How does it feel na nakaamoy ka ulit ng dagat?" "Relaxing and very calm. I want to stay here for a while, Babe. Ayos lang ba?" "Sabi ng doktor mo, hindi ka pwedeng tumagal sa labas. Dalawang araw lang 'yung paalam natin at pagkatapos ng dalawang araw babalik na ulit tayo ng ospit

  • Boundaries Between Us (BL)   Chapter 57

    AXECEL Reality of Life? Always be ready to survive alone. Maliban sa pamilya, wala nang ibang tutulong sa iyo kundi ang iyong sarili. It's been a month since Top sent back to hospital. Admition ulit na maraming laboratory exam dahil sa sakit nito; blood, stool, urine at maging ang saliva nito ay hindi nalaligtas sa mga examine. CT-scanning, x-ray, and chemotherapy, too. Ang dami! Like, mapapatanong ka na lang talaga sa Diyos kung bakit sa dinami-rami ng masasamang tao sa mundo—bakit si Top pa ang pinarunasan nito. Oo, may isang beses na nagalit na ako sa kanya—dapat hindi ko iyon ginawa at hindi ko siya dapat sunumbatan ng ganoon. Gusto konrin isisi sa kanya lahat, ngunit hindi ko rin owedeng gawin iyon dahil mas may alam siya kesa sa akin na nilikha niya lang—instrumento sa ibabaw ng mundo. Gabi-gabi akong umiiyak. Nagdadasal; humihingi ng kapatawaran, at gabay sa kanya. "Top? Gising na." Pabulong kong sabi sa kanya—malapit sa tainga nito. Dahan-dahan na iminulat ni Top an

  • Boundaries Between Us (BL)   Chapter 56

    AXECEL POINT OF VIEWS Nakatanga sa pulang ilaw. Hindi ko alam kung ilang oras na iyon tinititigan dahil sa walang hulog sa sarili. "Hey? Are you okay? You're spacing out, Akel." "Alfred, nandiyan ka pala. Pasensya na kung hindi kita napansin—may iniisip lang." "Maya't maya ka naman may iniisip. Don't wprry, he'll be fine. Trust him." Peke akong ngumiti. Halos maiiyak na naman ako dahil halos tatlong oras na akong nakatayo at paroon-parito sa harapan ng sliding door ng operating room. Hindi ako mapakali; kinakabahan at natatakot. Risks. Gastric bypass is major surgery and it has many risks. Some of these risks are very serious. Kaya hindi ko maiwasan mag-isip nang nakatatakot. "Axecel? Maupo ka muna, anak. Magiging maayos din ang lahat. Basta magtiwala ka lang kay Christopher sa sinabi niyang malalampasan niya ang lahat ng ito." Wika ng aking ina saka iginaya paupo sa mahabang bangko. "Tama ang mama mo anak. Kaya tatagan mo lang ang sarili mo diyan. Kapag natapos na ang op

  • Boundaries Between Us (BL)   Chapter 55

    AXECEL Stomach ulcer or severe gastritis. Ayun sa diagnose ng doktor ni Top matapos namin siyang isugod ng hospital dito sa Batangas. Hindi ako makapaniwala. Bakit nagka-ulcer? "Babe, I'm okay." Salita ni Top nang magising ito makalipas ang kalahating araw. Kaagad ko siya pinainom ng maaligamgam na tubig pagkagising niya. "Hindi ka okay, e! Bakit ka nagka-ulcer? Iyan ang tanong ko!" "Hon? Please, don't get mad. Hindi ko din alam." Medyo naiinis lang talaga ako kay Top kapag may pinagdadaanan siya; hindi siya madalas nagsasabi sa akin. Minsan kailangan ko oang hulaan para lang may pag-uusapan kaming dalawa. Tumayo ako't dumulog sa lamesa kung saan may iilang pagkain na dala sina Alfred at Gelo galing sa restaurant. "Pwde kang kumain, pero hindi ka pwedeng maparami ng kain. Kapag nasubra sa busog, sasakit ang tiyan mo. As of now, lugaw ka na lang muna." Tipid na ngumiti si Top, at suminyas na lumapit ako sa kanya. "Yes Boss, masusunod po." Mayamaya sumeryoso ulit ako. Hinawaka

  • Boundaries Between Us (BL)   Chapter 54

    AXECELIt's been a week since napuntahan namin ni Top iyong resort sa Batangas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na meron na kaming ganun bahay at lupa; business resort. Masyadong malawak ang pag-iisip ni Top sa ganun bagay at napagporsigehan nitong maipatayo at maipaayos."Talaga? Hoy! Gusto namin punthan ang lugar na iyon." Magiliw na sabi ni Gelo."Yeah! Next week kapag puntahan natin. Wala akong work nun bakla." Suhisyon naman ni Mariam.Napangiti ako. "Tatanungin ko muna si Top kung pwede na. Hindi pa kasi masyadong na organize, kaya kailangan pa ng kaunting linis." Wika ko."Ganun ba? Baka this coming December pwede na, ano? Sige na Akel, excited na kaming makita ang pinatayong bahay ni Top saka syempre ang resort din, ano.""Gelo is right. Next week bisitahin natin."Tatango-tango nalang akong sumang-ayon kahit na alanganin dahil hindi naman ako ang makapagdesisyon ng buo—kailangan ko rin ng permiso galing kay Top. Siya ang totoong may-ari ng properties sa Batan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status