AXECEL
"Top!" nagpumiglas ako. "What's your deal, huh?!" Asik ko. Nakakapikon na kasi siya. Hindi ko na nagugustuhan ang bawat mga kilos niya. Hinayaan niya na akong makalayo sa kanya. Nakita niya naman sa mukha ko ang pagkagalit ko sa kanya. Bagaman, hindi iyon ang dahilan para matakot siya sa akin. Mas ako pa 'yong natakot sa kanya dahil nakatitig lang siya sa akin. Parang kasalanan ko pa. Pero nagbago din ang awra niya nang makita niyang natakot ako sa kanya. Lalapitan niya pa sna ako nang humakbang ako papalayo sa kanya. Umiling ako. ''I'm sorry,'' aniya sa mahinang tono ng kanyang boses. "I didn't mean to scared you. I'm sorry." Nababasa sa mga mata niya ang pagsisisi. Huminga ako ng malalim. "It's okay. Huwag mo na sana ulit gawin iyon. Mauna na ako." Naglakad na ako palayo sa kanya. "Axecel, right?" binalingan ko siya saka tumango. "Good luck sa try-out mo." Imbes ako ang aalis, ay siya na 'yung pumauna. Sinundan ko siya ng tingin, at napabunting hininga nalang ulit. "Napaka-aggressive mo pala talaga; nakainom ka man o hindi." Napapailing nalang talaga ako. Nasa pool area na kami. Mayamaya ay nilapitan ako ni Gelo. "Hoy! Ba't ngayon ka lang? Ang tagal monsa locker, ha?!" Nagtama ulit ang mga mata namin ni Top nang makalapit din siya kay Vice. Para mawala ang kaba ko, ako na ang umilag sa kanya. Hindi ako kinakabahan sa trial, pero sa lalaking ang lalim makatitig sa akin ay sobra-sobra. Ngarag! "Nagdasal." Maiksing sagot ko sa madaldal kong kaibigan. Nag warm-up muna kami saglit. Mayamaya ay pumunta na kami sa aming mga pwesto para sa unang trial ng swimming napabaling ako kay Gelo na ngayon ay seryoso na. Talaga ngang sineryoso niya ang trial ng swimming. Ma-qualify man ako o hindi ay ayos lang—hindi iyon big deal sa akin dahil gusto ko rin mag focus sa pag-aaral ko. "On you mark!" panimula ni Vice Alfred. "Set. Go!" At nagsimula na ang unang trial ng swimming club. Minutes later... "Congratulations sa mga nakapasa sa first trial. By saturday, magsimula ang unang training sa pitong nakapasa. But, hindi dito sa university ang training." Sabi ni Vice Alfred sa amin. Oo isa ako at si Gelo sa mga nakapasa out of fifteen. "Oi! Masaya 'to. Field trip na rin, ano?" Wika ni Gelo. Siniko ko siya. "Tumahamik ka nga diyan!" Sita ko sa kanya. "Ano na Mister President? Okay na ba 'yung resort natin this saturday?" Salita naman ni Vice sa kanyang Presidente. Tumango si Top. "Hmmm... Make sure na okay 'yung attendance natin before and after ng training. Saka iwasan ang aksidente para 'di tayo magkaroon ng problema sa club at maging sa university natin. Just bring your two-nights and two-days na pampalit. Friday afternoon aalis na tayo. Okay ba iyan?" Two-days and two-nights? Wala naman na akong klase friday ng hapon. Major lang naman 'yung klase ko sa morning, at pagkatapos wala na. Uuwi na ako ng apartment para sana mag-ara pero dahil nga myembro na ako ng swimming club, dagdag obligasyon ko na naman ito sa mga acads ko. Matapos ang kaunting paalala ng mga swimming officer niyaya ko na si Gelo na umuwi. Nagpaalam kami sa mga señior. Mabuti't hindi na namin nasabay si Mariam. Tinawagan raw kasi siya ng girlfriend niya. Bisexual din pala ang higad na babaeng 'yon. Clingy lang talaga siya. "Kain muna tayo; gutom." Sabi ko. Nahinto sa paglalakad si Gelo. Humarap siya sa akin at sinalubungan niya ako ng mga kilay niya. Mayamaya ay ngumiti siya. "Chicken Inasal with halo-halo!!" "Tara! Nagutom ako sa trial, e." "Gutom talaga. Ikaw ba naman ki-gugwapo ng mga opisyal! Si Alfred ang gwapo niya, saka yung si Mister President panay tingin sa iyo. Magkakilala na ba kayo nun? Para kasing kilala ka na niya Akel." Tahimik lang ako. Mas maiging huwag nalang muna magsalita. "Ngayon lang kami nagkakilala nun." Sagot ko. "Hindi ka sure! Saka ikaw talaga yung pinagiinitan niya." "Huwag mo nalang siyang pansinin. Naano lang yung siguro dahil taga-Mindanao ako—tayo. Ganun." "Siguro. Pero excited 'yung training, Akel. Resort raw! Saan naman kaya na resort iyon? Out of town ba? Laguna? Batangas? Subic?" Kahit ako ay hindi rin alam. Bukas pa raw sasabihin. "Iwan! Kung saan man iyan, huwag lang sana sa mamahalin na resort. Walang budget." "Allowance lang naman siguro ang sa atin. Hula ko lang, tutal kargo naman ng swimming club iyon, e." May point si Gelo, pero hindi pa rin ako nakakasigurado. Mas maigi na rin 'yung may laman ang wallet mo incase of needed may dudukutin rin. Nag-dinner na kami ni Gelo sa paborito naming karenderya. Chicken Inasal at halo-halo—iyon ang gusto niya kaya gusto ko na rin. Habang nasa kalagitnaan ng kain namin i Gelo, tumunog ang phone ko. Tumatawag ang nakakatanda kong kapatid—si Manong Angel. "'Yang? Bakit?" Bungad ko. "Hindi ka man lang muna mangangamusta kung okay ba ako?" Tawa niya sa kabilang linya. "Ah? E di kumusta? Okay na?" "Kahit kailan ka talaga. Ayos naman. Kumusta pag-aaral mo? Kung may kailangan ka, sabihin mo sa akin; responsibilidad kita Akel dahil nandito ka sa Maynila." "Ayos naman 'Nong. Nga pala, nakuha ako sa swimming club." "Congrats! Mabuti't naisipan mo na bumalik sa paglalangoy. Ayos ka lang ba?" Tumango ako kahit alam kong hindi niya ito nakikita. "Ayos naman na. Sa sabado pala may start kami ng training—out of town." Hindi kaagad nakapagsalita si Manong. Ito na nga sinasabi ko, e. Hindi ako papayagan. Umangat ang tingin ni Gelo sa akin. Umiling ako. "Ah sige Manong huwag nalang—" "Check your account," aniya. Kumunot ang noo ko. "Nag transfer ako ng 10k sa account mo. Mag-iingat ka do'n Akel, ha? If you need anything don't hesitate to call me. Okay?" "Manong?" Mahina kong tawag sa kanya. "Hmmm? Akala mo ba hindi kita papayagan?" "Manong... Maraming salamat." Medyo naging emosyonal ako. Minsan lang kasi nagiging malambing 'tong nakakatanda kong kapatid sa akin. Mas madalas 'yung pang-aasar niya sa akin at 'di rin kami madalas nag-uusap dahil friday ng hapon hanggang linggo ng umaga lang kami nagkikita nito sa bahay niya sa Makati. "Mag-aral ka lang ng mabuti bunso. Nandito lang ako para suportahan ka sa lahat. Basta huwag kang mag alinlangan na lapitan ako. Ako ang kuya mo." "Salamat Manong." "Hmmm... sige na, may tatapusin pa akong trabaho. Kumain ka ng maayos." "Ikaw din Manong. Ingat ka diyan. Kumain ka rin." Pinutol niya na ang linya. Napangiti ako. "Ano na? Pinayagan ka ba?" Tanong ni Gelo. Nagpatuloy na siya sa pagkain. Tumango ako. "Oo." Medyo na guilty ako. Hindi ko sinabi sa kanya na nagpa-part time ako para hindi niya isipin na magiging pabigat ako sa kanya—sa mga gastusin ko sa paaralan. Sasabihin ko din naman sa kanya pero hindi muna sa ngayon. "Busog lusog!" Salita ni Gelo habang naglalakad na kami pabalik ng apartment namin. "Gelo, mauna ka sa apartment—dadaan muna ako sa Mars." "Day off mo ah? Anong gagawin mo do'n?" "Wala. Bibisitahin ko lang si Madam, pagkatapos uuwi din ako." "Siguraduhin mo lang! Alas-onse dapat nasa apartment ka na." Tumango akong nakangiti. "Opo. Sige na, una na ako sa 'yo. Ingat ka pauwi." Actually, wala naman akong balak na bisitahin si Bossing. Kapag nakita uoniya ako sa mini bar niya mamaya, sigurado magtataka iyon. Napakamot ako ng ulo ko. "Sino ba kasi ang gusto mong makita, Axecel?!" Ha? Gustong makita? "Wala naman. Gusto ko lang pumunta ng mini bar ni bossing para uminom. Tama!" May kung ano kasing tumatulak sa akin na pumunta roon. Hindi ko naman alam kung bakit. Nagpatuloy nalang talaga ako maglakad hanggang sa nakaabot na ako sa mini bar ni Bossing. Wala pa naman mga tao o costumers, kaya hindi ako maiilang na pumasok. Nando'n sa island bar si Bossing—nagse-selpon tapos may pausok sa bunganga. Ngumiti akong lumapit sa kanya. "Magandang gabi sa maganda kong bossing." "Oh? Akel?! Ba't ka nandito? Day off mo, diba?" "Napadaan lang po. May pinuntahan kasi akong malapit lang dito, kaya dumiretso na ako dito." "Ganun ba? Kumai ka na ba?" "Opo katatapos lang po." "Nga pala, Akel, may naghahanap sa iyo kanina." Naghahanap? Sa akin? Maliban kay Gelo, wala na akong kaibigan. "Wala po akong kaibigan maliban sa ka-room mate ko." "Hmmm... Same university kayo. Kilala ka niya, Akel," paninigurado ni Madam Alex. "Ah! Ayan siya!" Turo nito sa entrance ng mini bar niya. Si Top ba tinutukoy niya? Baka nagkamali lang siya. "Infairness, ang gwapo ng kaibigan mo na iyan, Akel." "Hindi ko po siya kaibigan, Madam." "Sus!" Nangungutya sa akin ni Madam Alex. May dalawang kasama si Top. Si Alfred at si Esra—yung madalas niyang nakakasama uminom dito. Nang nakapwesto na sila, si Top mismo yung lumapit sa counter. Nakangiti siya, bagay na dumagdag sa kaguwapuhan niya. "What are you doing here?" Bungad niya kaagad. "Dito ako nagtatrabaho, bakit ba?" "Ah? Yes, sorry. I mean, day off mo, right? Why are you here?" Paano niya nalaman na day off? Ah! Oo nga pala, siya pala 'yung tinutukoy ni Bossing na naghahanap sa akin kanina. "Napadaan lang." "Hmmm... Join us. Hindi ka pa naman uuwi, diba?" "Ikaw na bahala diyan kay Akel, ha? Ingatan mo 'yang alaga ko." Biglang sabat naman ni Madam Alex. "Thank you, Ma'am," bumaling ng tingin sa akin si Top. "Akin na muna siya ngayon. Let's go!" Saka niya ako hinila patungo sa table nila. Hinila na niya ako. Ano pa magagawa ko? May permiso na rin galing sa bossing which is wala naman akong trabaho ngayon. "Pinagtataguan mo ba ako?" He ask. Pabulong. Siniko ko siya. "Buang!" Singhal ko. Natawa lang siya. Nang makarating kami sa table nila, gulat si Alfred at Esra nang makita ako na hila-hila ni Top. "dela Rosa? Right? Ang bagong myembro ng swimming club?" Turo sa akin ni Alfred. Tumango ako. "You have a new friend, huh? Cute boy." Sabi naman ni Esra na nakangiti sa akin. Nailang akong tumabi sa kanila. Pero dahil makapal ang mukha ni Top, siya ang tumabi sa akin. As in. Magkadikit ang mga bangko namin tapos ang kaliwang braso nito nakapatong sa likod ng bangko ko. Tinabig ko iyon. Tumaas ang kilay niyang tinapunan ako ng tingin. "I'm Esrael. Just call me, Esra for short. Your name? Ang kyut mo naman." Galawan ng mga playboy 'to. Pero dahil halata naman na friendly siya, nagpakilala na rin ako. "Axecel. Akel nalang." Ngiti ko. "Why are you here pala?" Tanong ni Alfred. "Napadaan lang. Dito kasi ako nagpa-part time." "Ah? Ang sipag mo naman? Pa'no mo nahahandle ang mga sched mo sa university?" "Night shift naman ako." "Ang galing naman. Bilib ako sa 'yo tapos nakapasa ka pa sa trial kanina. E di, maging hectic na sched mo." "Kakayanin." Ngiti ko. "Stop asking him." Singit ni Top. "Parang nagtatanong lang, e! Kayo ba?!" Sabat naman ni Esra. "Pinaupo mo siya dito, syempre kilalanin namin. Ayos ka lang?!" Segunda ni Alfred. Hindi pinansin ni Top ang sinasabi ng mga kaibigan. Lumagok nalang ito ng alak saka bumaling sa akin. "High tolerance ka ba?" "Sakto lang. Bakit?" Inilapit ni Top ang mukha nito sa tainga ko saka may ibinulong. "Baka kasi nagising ka na naman sa bahay ko kinabukasan." Napalunok ako sabay lagok ng alak na nasa baso. Ang dalawang kasama namin ay nakatingin nalang sa amin—may kung anong hinihintay na sasabihin.YEAR 2026—ONE YEAR HAD PASSED It's not easy to let go of someone who has been a part of your life. He has become your world, and he has given you the world. I almost gave up on my life when he was gone—I wanted to follow him—into the afterlife. He is tired—so he needs to rest—forever. Collecting all his memories is one my best thing to do with my lige since he was gone. Ang hirap. Napakahirap. Sobrang hirap. Paano ba ako makakaalis sa isang nakaraan na puno ng masasayang pagsasama? I tried to hold my tears not to cry out loud, but I'm too weak. Hindi ako makabangon dahil sa sakit na aking nararamdaman. Para ba akong may kapansanan na nawalan ng mga paa—hindi makatayo mag-isa. Unang mga araw na hindi ko pa talaga kaya. Set bounderies without guilt. Let him go and move on. Pero hindi ko talaga kaya. Nasa pyso't isipan ko pa rin si Top—siya at siya lang ang taong mamahalin ko. "Axecel? Tumatawag sa 'yo ang kliyente—si Misis Alegre. Tinatanong niya kung kailan raw ide-deliver 'yung
AXECEL Hampas ng tubig sa dagat. Huni ng mga ibon na nagsisiliparan, at ang hampas ng hangin sa aming pisngi ang siyang saksi kung bakit hindinkami sumusuko ni Top sa kanyang laban. Nag half-bind ako saka bumaling sa kanya. "Yesterday..." Panimula ko saka tumikhim. Mayamaya ay sumabay siya sa akin. "Yesterday, all my troubles seemed so far away. Now it tooks as though they're here to stay. Oh, I believe in yesterday. Suddenly, I’m not half the man I used to be. There’s a shadow hanging over me. Oh, yesterday came suddenly." Mahinang tumawa si Top nang kantahan ko siya nang makalumang tugtugin ng “The Beattles.” Hawak ang magkabilang kamay sabay namin tinatanaw ang paglubog ng araw sa Kanluran. "How does it feel na nakaamoy ka ulit ng dagat?" "Relaxing and very calm. I want to stay here for a while, Babe. Ayos lang ba?" "Sabi ng doktor mo, hindi ka pwedeng tumagal sa labas. Dalawang araw lang 'yung paalam natin at pagkatapos ng dalawang araw babalik na ulit tayo ng ospit
AXECEL Reality of Life? Always be ready to survive alone. Maliban sa pamilya, wala nang ibang tutulong sa iyo kundi ang iyong sarili. It's been a month since Top sent back to hospital. Admition ulit na maraming laboratory exam dahil sa sakit nito; blood, stool, urine at maging ang saliva nito ay hindi nalaligtas sa mga examine. CT-scanning, x-ray, and chemotherapy, too. Ang dami! Like, mapapatanong ka na lang talaga sa Diyos kung bakit sa dinami-rami ng masasamang tao sa mundo—bakit si Top pa ang pinarunasan nito. Oo, may isang beses na nagalit na ako sa kanya—dapat hindi ko iyon ginawa at hindi ko siya dapat sunumbatan ng ganoon. Gusto konrin isisi sa kanya lahat, ngunit hindi ko rin owedeng gawin iyon dahil mas may alam siya kesa sa akin na nilikha niya lang—instrumento sa ibabaw ng mundo. Gabi-gabi akong umiiyak. Nagdadasal; humihingi ng kapatawaran, at gabay sa kanya. "Top? Gising na." Pabulong kong sabi sa kanya—malapit sa tainga nito. Dahan-dahan na iminulat ni Top an
AXECEL POINT OF VIEWS Nakatanga sa pulang ilaw. Hindi ko alam kung ilang oras na iyon tinititigan dahil sa walang hulog sa sarili. "Hey? Are you okay? You're spacing out, Akel." "Alfred, nandiyan ka pala. Pasensya na kung hindi kita napansin—may iniisip lang." "Maya't maya ka naman may iniisip. Don't wprry, he'll be fine. Trust him." Peke akong ngumiti. Halos maiiyak na naman ako dahil halos tatlong oras na akong nakatayo at paroon-parito sa harapan ng sliding door ng operating room. Hindi ako mapakali; kinakabahan at natatakot. Risks. Gastric bypass is major surgery and it has many risks. Some of these risks are very serious. Kaya hindi ko maiwasan mag-isip nang nakatatakot. "Axecel? Maupo ka muna, anak. Magiging maayos din ang lahat. Basta magtiwala ka lang kay Christopher sa sinabi niyang malalampasan niya ang lahat ng ito." Wika ng aking ina saka iginaya paupo sa mahabang bangko. "Tama ang mama mo anak. Kaya tatagan mo lang ang sarili mo diyan. Kapag natapos na ang op
AXECEL Stomach ulcer or severe gastritis. Ayun sa diagnose ng doktor ni Top matapos namin siyang isugod ng hospital dito sa Batangas. Hindi ako makapaniwala. Bakit nagka-ulcer? "Babe, I'm okay." Salita ni Top nang magising ito makalipas ang kalahating araw. Kaagad ko siya pinainom ng maaligamgam na tubig pagkagising niya. "Hindi ka okay, e! Bakit ka nagka-ulcer? Iyan ang tanong ko!" "Hon? Please, don't get mad. Hindi ko din alam." Medyo naiinis lang talaga ako kay Top kapag may pinagdadaanan siya; hindi siya madalas nagsasabi sa akin. Minsan kailangan ko oang hulaan para lang may pag-uusapan kaming dalawa. Tumayo ako't dumulog sa lamesa kung saan may iilang pagkain na dala sina Alfred at Gelo galing sa restaurant. "Pwde kang kumain, pero hindi ka pwedeng maparami ng kain. Kapag nasubra sa busog, sasakit ang tiyan mo. As of now, lugaw ka na lang muna." Tipid na ngumiti si Top, at suminyas na lumapit ako sa kanya. "Yes Boss, masusunod po." Mayamaya sumeryoso ulit ako. Hinawaka
AXECELIt's been a week since napuntahan namin ni Top iyong resort sa Batangas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na meron na kaming ganun bahay at lupa; business resort. Masyadong malawak ang pag-iisip ni Top sa ganun bagay at napagporsigehan nitong maipatayo at maipaayos."Talaga? Hoy! Gusto namin punthan ang lugar na iyon." Magiliw na sabi ni Gelo."Yeah! Next week kapag puntahan natin. Wala akong work nun bakla." Suhisyon naman ni Mariam.Napangiti ako. "Tatanungin ko muna si Top kung pwede na. Hindi pa kasi masyadong na organize, kaya kailangan pa ng kaunting linis." Wika ko."Ganun ba? Baka this coming December pwede na, ano? Sige na Akel, excited na kaming makita ang pinatayong bahay ni Top saka syempre ang resort din, ano.""Gelo is right. Next week bisitahin natin."Tatango-tango nalang akong sumang-ayon kahit na alanganin dahil hindi naman ako ang makapagdesisyon ng buo—kailangan ko rin ng permiso galing kay Top. Siya ang totoong may-ari ng properties sa Batan