Beranda / LGBTQ+ / Call Girl / Chapter 7

Share

Chapter 7

last update Tanggal publikasi: 2025-12-01 01:02:35

Alora Andrade

Ilang araw na ang lumipas pero tulala pa rin si Alora. Tagos ang bawat tingin niya, at ang isip niya ay napakalayo na ng narating. Napaluha na lang siya nang sumuko at tanggapin na ito na marahil ang nakaukit na kapalaran sa kanyang palad. Hindi niya na mababago pa ang kanyang hinaharap.

Nagpunta siya sa kanyang kapatid dahil ito lang ang tanging makakapagpapagaan ng kanyang kalooban.

"Ate... may problema po ba?" Hindi robot si Arhon para hindi maintindihan ang nangyayari. Wala siyang hindi alam pagdating sa ate niya. Alam niya kapag may malalim itong iniisip, may problema man o wala. Kabisado niya ang bawat sulok ng puso nito. "Ate, may sakit lang ako pero kapatid mo ako. Pwede mong sabihin sa akin kahit na ano."

Napayuko si Alora dahil biglang tumulo ang kanyang luha. Pinahid niya ito bago binalingan ang kapatid. "Okay lang ako basta okay ka."

Naalala niya bigla ang deal nila ni Zephyra. Sinabi nitong hindi na siya magkakaproblema sa mga gamutan ng kapatid. Kasama ang privilege na iyon sa oras na makasal sila ni Zephyra. Sa totoo lang, hindi na ito masamang solusyon sa mga problema niya.

Isa lang naman ang hindi alam ni Arhon—iyon ay ang trabaho ng ate niya kung saan nanggagaling ang ipinanggagamot sa kanya. Ayaw niyang malaman ito ng kapatid dahil baka sisihin lang nito ang sarili. Ayaw din niyang malaman nito ang tunay niyang saloobin tungkol sa magiging parte niya sa mundo ni Zephyra. Gusto niyang ipagpatuloy ang pagpapanggap at magmistulang masaya kapag nasa harapan ni Arhon.

"May hindi ka sinasabi, ate. Ramdam ko."

Pinilit ni Alora na ngumiti nang kumbinsido para ipakitang okay lang siya. Hinawan niya ang kamay ni Arhon at hinugot ang lahat ng natitirang lakas. Para masabi kay Arhon ang mga salitang maski sa panaginip ay hindi niya inakalang lalabas ngayon mula sa kanyang mga labi.

"Ikakasal na ang ate mo."

"Talaga, ate?" Sobrang saya ni Arhon sa magandang balita. Matagal niya na kasing gustong magkaroon ng katuwang ang kapatid sa buhay.

"Pero sa isang babae." Pinakatitigan niya ang kapatid at inabangan ang magiging reaksyon nito.

"I knew it..." naging sagot nito na biglang nagpagulo sa kanyang utak.

"Hindi ka galit?"

"Bakit naman ako magagalit, ate? Iyon ba ang inaalala mo kaya ka ganyan ngayon?"

Tumango na lang siya kahit hindi naman talaga iyon ang dahilan.

"Love has no gender, ate."

Muli siyang napayuko. Pero walang love sa pagitan nila ni Zephyra. At ang kasal na ito ay parte lang ng laro ni Zephyra.

"Oo nga naman," ngumiti siya para takpan ang tunay niyang dinadala.

Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pintuan. Laking gulat ni Alora nang masilayan ang taong iniluwa niyon. Sabay silang napatingin ni Arhon sa gawi ng taong pumutol sa moment nilang magkapatid.

"Siya na ba 'yun, ate?" May galak sa mukha ni Arhon habang nakatingin sa kanya.

Inalis na lang ni Alora sa isip ang katanungan kung paano nalaman ng babaeng ito kung saang ospital naka-admit ang kapatid niya. Pero bakit nga ba siya nagtataka, kung walang hindi kayang gawin ang isang katulad ni Zephyra?

Ito na marahil ang simula ng kanyang pagpapanggap, dagdag sa mga kasinungalingan niya at paglilihim sa kapatid. Tumango siya at ngumiti kay Arhon, kaya lalo pang lumapad ang ngiti nito.

Lumapit si Zephyra kay Alora. Hinapit niya ito sa bewang at biglang humalik sa mga labi nito. Kinilig si Arhon sa nasaksihan, habang si Alora naman ay halos bumaliktad ang sikmura.

"I've been missing you," sinabi ito ni Zephyra habang hapit pa rin sa bewang si Alora at nakatingin nang masinsinan sa mga mata nito.

Bago ang tagpong ito ay kausap muna ni Zephyra si Hellena. Hindi makapaniwala si Hellena na nauwi sa kasalan ang dapat lang ay paglalaro ni Zephyra. Ang huling pagkakaalam niya kasi, dala lang ng init ng katawan ang gusto ng boss niya. Akala niya ay pure lust lang ang nararamdaman ni Zephyra kay Alora, dahil hindi naman ito ang unang beses na nahumaling sa babae ang kanyang boss. Nung una ay pinigilan ni Hellena si Zephyra sa balak nitong gawing asawa si Alora, pero sino nga ba ang makakapigil sa anumang naisin ng isang Zephyra Zamora?

"You're staying with me," bulong niya kay Alora.

Patagong kumurap si Alora at itinago ang totoong nararamdaman. Hindi pwedeng magkaroon ng hinala ang kapatid niya kaya mas ginalingan niya ang pag-arte. "Syempre naman," sagot niya, at humawak din siya sa bewang ni Zephyra sabay harap pa rito.

Hindi inasahan ni Zephyra ang naging kilos ni Alora. Pero alam naman niya kung bakit ito ganito. Hiniling kasi sa kanya ni Alora bilang kapalit ng pagpayag nitong maging asawa niya, na magpapanggap silang tunay na nagmamahalan sa harapan ng kapatid nito.

Nagdala ng kakaibang haplos sa puso ni Zephyra ang biglang pagiging clingy ni Alora. Tila ba tinunaw nito ang malamig na yelong nakapalibot sa kanya. Pinagmasdan niya lang si Alora nang malapitan.

"I'm starting to love this game, honey." Sapat lang ang lakas ng bulong na iyon para marinig ni Alora at hindi ng kapatid nito.

Ginantihan lang ng ngiti ni Alora ang mga naging kataga ni Zephyra. Pero ang puso niya ay parang pinipiga sa isiping makukulong siya sa larong ito ni Zephyra. Na iikot ang buhay niya sa isang total stranger. Hindi niya ito gusto, at para itong isang kulungan ngayon sa kanya. At si Zephyra ang mismong selda niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Call Girl   Chapter 92

    Madaling-araw na nang dahan-dahang bumukas ang pinto ng medical suite. Ni hindi lumikha ng kahit anong tunog ang mga hakbang ni Zephyra habang pumasok siya sa silid, na tila ba isang multong gumagalaw sa dilim. Inalis na niya ang kanyang suit jacket, at tanging ang kanyang puting long-sleeved shirt na may nakatuping mga manggas ang suot niya. Ang mga benda sa kanyang nasaktang mga kamay ay bahagyang nakakalas. Huminto siya sa gilid ng kama at tinitigan si Alora. Sa ilalim ng malamig na liwanag ng buwan na sumisilip sa bintana, mas lalong lumambot ang mukha ng kanyang asawa habang natutulog. Bahagyang kumunot ang noo ni Zephyra nang mapansin ang puting gauze sa balikat ni Alora at ang maliit na pasa sa gilid ng labi nito. Ang bawat sugat na iyon ay tila ba paalala sa kanyang sariling kabiguan. Dahan-dahang umupo si Zephyra sa gilid ng kama, pinipigilan ang sariling timbang na magising si Alora. Inilabas niya ang kanyang kanang kamay mula sa bulsa—ang kamay na ginamit niya up

  • Call Girl   Chapter 91

    Sa loob ng madilim na command center sa silong ng mansyon, ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang dambuhalang pader ng mga security monitor. Naka-lockdown ang buong estate, at lahat ng tactical team ay nasa labas, ngunit si Zephyra ay nananatiling mag-isa sa harap ng pangunahing screen. Ang camera feed ay nakatutok sa loob ng medical suite—mismo sa kama kung saan mahimbing na natutulog si Alora sa ilalim ng mga puting kumot. Nakatayo si Zephyra, tuwid ang tindig at nakasuot pa rin ng kanyang itim na suit, na tila ba handa siyang sumabak sa digmaan sa bawat segundo. Ang kanyang mukha ay blangko, walang emosyon, eksaktong tulad ng ipinakita niya kay Alora kanina. Ngunit nang mapansin niyang bahagyang gumalaw si Alora sa screen at dahan-dahang namilipit ang mukha nito dahil sa sakit ng sugat sa balikat, ang matigas na baluti ni Zephyra ay tuluyan nang gumuho sa dilim. ‘I did this to you,’ ang boses sa loob ng kanyang isip ay tila ba dambuhalang saksak na dumanas sa kanyang pu

  • Call Girl   Chapter 90

    Napatitig si Alora sa malamig na mukha ni Zephyra. Ramdam niya ang higpit ng hawak nito sa kanyang kamay, ngunit ang kawalan ng init doon ay lalong nagpadurog sa kanyang puso. Ang mga luha ay mabilis na pumatak mula sa kanyang mga mata, humahalo sa natitirang bakas ng sugat sa kanyang mukha. "Is h-hide me away your only solution, Zeph?" basag ang boses na tanong ni Alora, ang kanyang Taglish ay nanginginig sa tindi ng sakit at pagkabigo. "Do you really think na pumasok ako sa impyernong 'yun just to wake up and find out na gagawin mo akong preso rito sa sarili nating tahanan? I did that because I love you! I did that para hindi ka mamatay sa trap ni Nikolai!" Hindi natinag si Zephyra. Nanatiling blanko ang kanyang mga mata, tila isang pader na yelo na walang balak matunaw. "And look what your love did to you, Alora," Zephyra replied, her voice dropping into a dangerous, hollow whisper as she slowly let go of Alora's hand. "You almost died. He laid his hands on you because

  • Call Girl   Chapter 89

    Bumangga ang gulong ng heavy SUV sa entrada ng main estate bago pa man tuluyang magbukas ang naglalakihang bakal na gate. Huminto ang sasakyan sa mismong emergency bay ng medical wing kung saan naghihintay na si Hellena kasama ang isang grupo ng mga siruhano at nurse na may tulak na rolling stretcher. Bumukas ang p***o ng SUV at unang bumaba si Zephyra, kalong ang walang malay at duguang katawan ni Alora. "Take her! Move!" dambuhalang sigaw ni Zephyra. Agad na inilapag ng medical staff si Alora sa stretcher at mabilis itong itinalikod patungo sa Operating Room (OR). Sumubok sumunod si Zephyra sa loob, ngunit mabilis siyang hinarangan ng nangungunang siruhano. "Boss, you cannot enter the sterile field. We need to operate now. Please." "If she dies, you die next," malamig at seryosong banta ni Zephyra bago tuluyang sumara ang p***o ng OR, iniwan siyang mag-isa sa ilalim ng maliwanag na puting ilaw ng hallway. Naiwang nakatayo si Zephyra sa labas. Ang kanyang tactical gear, s

  • Call Girl   Chapter 88

    Ang marahas na harurot ng dambuhalang SUV ay yumanig sa buong sasakyan habang mabilis nitong tinatahak ang madidilim na kalsada ng Maynila palayo sa Pier 15. Sa likod ng sasakyan, nababalutan ng pulang ilaw ng tactical emergency interior, nakaluhod si Zephyra sa sahig. Kalong-kalong niya si Alora, hawak ito nang napakahigpit na tila ba kapag lumuwag ang kapit niya ay tuluyan nang maglalaho ang kanyang asawa. "Alora, look at me. Open your eyes, love. That's an order," ang boses ni Zephyra ay gumaralgal, isang pambihirang tunog ng purong takot at desperasyon na sa buong buhay niya ay ngayon lang lumabas. Ang kanyang mga kamay ay basang-basa pa rin ng dugo habang nakadiin ang isang makapal na gauze sa balikat ni Alora upang pigilan ang walang-katapusang pag-agos nito. Nanghihinang idinilat ni Alora ang kanyang mga mata. Ang kanyang mga labi ay putlang-putla, may bakas pa rin ng tuyong dugo mula sa sampal ni Nikolai, ngunit pilit pa rin siyang tumitingin sa nagwawalang mukha ng kanyan

  • Call Girl   Chapter 87

    Isang nakatutunaw at mapang-asar na ngiti ang sumilay sa gwapong mukha ni Nikolai. Sa kabila ng dulo ng baril ni Zephyra na nakatutok mismo sa kanyang noo, hindi man lang nabawasan ang kanyang lakas ng loob. Dahan-dahan niyang idinala ang kanyang bakanteng kamay sa kanyang sariling leeg, tila ba ninanamnam pa rin ang amoy ni Alora na naiwan sa kanyang balat. "You know, Zephyra... you are a very lucky woman," panimula ni Nikolai, ang kanyang baritonong boses ay mababa ngunit umaalingawngaw sa buong bodega. "I finally understand why you turned soft for her. She tastes like sweet surrender. Even when she was crying, even when she was bleeding on this dirt... she has this intoxicating innocence that makes a man want to ruin her over and over again." Nanlaki ang mga mata ni Alora sa sahig, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa matinding pandidiri at takot habang nakatitig kay Nikolai. "Shut up, Nikolai! Stop talking!" Ngunit hindi siya pinansin ng Ruso. Mas lalo pang in

  • Call Girl   Chapter 12

    Isang private wedding Ang magaganap sa Mansion. Ilang tao lang Ang imbitado. Ang kanyang kapatid na si Arhon na sakay ng wheelchair at may naka kabit pang dextrose rito. Ang kaibigang si Arya sa Call Girl na dati niyang pinanggalingan. Si Hellena na nagpakilalang kanang kamay ni Zephyra. Ang

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-19
  • Call Girl   Chapter 10

    Nang magising si Alora ay ramdam agad niya Ang pangangalay ng buong katawan pero mas Lalo sa parteng iyon. masakit. punit Ang mukhang napa ngiwi Siya ng tangkahing gumalaw upang umalis sa kama. "Tang Ina niya talaga." naalala niya Ang pagmamakaawa Kay Zephyra na tama na pero Wala itong paki

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-18
  • Call Girl   Chapter 9

    Nanlalambot Ang mga binti ni Alora na lumabas ng kotse dahil ito sa namagitan sa kanila ni Zephyra habang nasa byahe. sumilay Ang malokong ngiti sa labi ni Zephyra ng Makita sa paglakad ni Alora Ang pagka irita. basa pa ito roon kaya Hindi ito komportable. hinila niya at hinawakan sa braso si

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-17
  • Call Girl   Chapter 8

    Huminto Ang itim na sasakyan sa harap ng bahay ni Alora. Nakita niya ito sa bintana. huminga Siya ng malalim at pinilit maging matatag para sa nag iisang taong dahilan ng lahat ng ito. kung bakit niya kinakaya Ang lahat ng hirap ay para Kay Arhon. Ang tanging lalaking laman ng kanyang puso. Ang

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-17
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status