Matapos ang isang linggo, may client na ulit agad si Alora. Pinagdadasal niya, kahit suntok sa buwan, na sana maging kagaya din ito ng huli niyang client. Buong magdamag lang silang nagkwentuhan at binigyan pa siya ng malaking tip. dinalaw niya kinabukasan ang kapatid niya sa ospital, at tuwang-tuwa si Arhon nang makita ang ate niya. Ibinalita pa ng nurse na bumubuti na lalo ang kalusugan nito. "Room 666..." Gaya ng kinagawian, iyon ang bungad sa kanya ng receptionist pagkarating niya sa premises ng Call Girl. Mabigat na agad ang kutob niya sa malas na numero pa lang. Sa kabila niyon, nagpatuloy pa rin siya sa paglakad hanggang sa makapasok ng elevator. Pinindot niya ang 6th floor. Ilang segundo lang, narating na niya ang pakay. Tahimik siyang naglakad sa hallway. Kung noong nakaraan ay naka-pula siya, ngayon naman ay itim na itim ang kanyang suot hanggang sa kanyang stilettos, kaya mas lumabas pa ang kaputian at kakinisan ng kanyang balat. "What are you waiting for?!" Saka lang
더 보기